Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 99 - Chapter 44

Chapter 99 - Chapter 44

"Anong panahon na ngayon bata?!" Tanong ng dambuhalang Armageddon Blue Serpent kay Van Grego nang may kuryusidad. Matagal na panahon na siyang natutulog upang manumbalik ang kanyang lakas ngunit alam niyang kulang pa ito.

"Ang panahon ngayon ay ang tinatawag na Golden Age of Cultivation . Ang Golden Age of Cultivation ay sinasabing kasunod ng Primordial Era. Isa ang panahon na ito na kung saan ay pinaniniwalaan ng karamihan na maraming mga talentadong Martial Arts Experts ang lilitaw o ipapanganak. Tinatawag din itong Golden Era." Kalmadong pagkakasabi ni Van Grego habang kaharap ang dambuhalang Serpyente.

"Kung ganon ay mas maagang panahon pala akong nagising mula sa mahimbing na pagkakatulog."

Magsasalita pa sana ang dambuhalang Armageddon Blue Serpent ng bigla silang makarinig ng mga malalakas na pagsabog sa labas ng Interstellar Palace o mas mabuting sabihing nasa ibabaw mismo ng lupang pinagkukublian ng Interstellar Palace. Sinong mag-aakala na may mangangahas na magpasabog ng malalakas n enerhiya sa teritoryo ng Armageddon Blue Serpent. Parang nalukot ang mukha ng dambuhalang Serpyente sa kanyang nasaksihan sa mga oras na ito. Halos magdilim ang paningin niya dahil sa pangyayaring ito.

"Sinong nangangahas na tumapak at gustong wasakin ang teritoryo ko!" Galit na pagkakasabi ng Armageddon Blue Serpent habang may invisible na aura ang pinalabas nito patungo sa mga nilalang na tumapak sa lugar ng Dambuhalang Serpyenteng kaharap ni Van Grego.

"Ah... Eh... Hindi ko pa pala sinabi ngayon ang kalagayan ng Hyno Continent." Sambit ni Van Grego habang nagkakamot ito ng kanyang batok.

"Anong ibig mong sabihin bata?!" Sambit ng dambuhalang Serpyente nang may pagtataka sa kakaibang pangyayaring ito.

"Nasa bingit na ng kawakasan ang buong lugar ng Hyno Continent na imposibleng matakasan ito. Gustong angkinin ito ng mga karatig-kontinente ng Hyno Continent lalong-lalo na ng Serpien Continent. Hindi ko alam ang dahilan na ito ngunit nagkaroon ng selyo ang buong kontinente na ngayon ay nasa loob mismo ng katawan ko dahil na rin sa isinagawa nilang Bloodbath Rituals na siyang pasimuno ay ang Serpien Continent. Hindi ko alam kong ano ang dahilan na ito n-------" Sambit ni Van Grego na mahahalatang totoo ang sinasabi nito.

Kahit na sa malayong distansya ang mga mananakop ay rinig na rinig ito ng Armageddon Blue Serpent. Sa sinasabi ni Van Grego ay doon niya makumpirma na may nagbabalak na sumakop sa buong Hyno Continent. Halos mapanting ang tenga niya sa kanyang naririnig. Naging tirahan niya na ang kontinente ng Hyno kung kaya't masakit sa kanyang malamang may gustong mangwasak at umangkin ng kontinenteng ito. Siguradong kagagawan ito ng kanyang itinuturing na kaaway. Kahit pareho silang may malalakas na Bloodline ng tunay na Serpyente ay makumpirma niyang napakatuso talaga ng nilalang na iyon na naninirahan sa loob ng tagong lugar ng Serpien Continent.

"Grrrrrrrr! Talagang inuubos niya ang pasensya ko. Siguradong nauna akong magising sa kanya kung kaya't hindi ko palalampasin ang pagkakataong ito na makaganti mula sa ginawa niya. Ipapalasap ko sa kanila ang totoong galit ng isang Armageddon Blue Serpent. Ipapalasap ko sa kanila na hindi dapat tinatapak-tapakan lamang ang maliit na Kontinente ng Hyno!" Sambit ng Armageddon Blue Serpent sa kanyang isipan.

"AHHHHH!" Sambit ni Van Grego nang hindi niya makayanang labanan ang awra ng Armageddon Blue Serpent. Halong pagkamangha at takot ang kanyang nararamdaman. Hindi niya aakalaing msy ganitong napakalakas na nilalang na naninirahan sa maliit na kontinente ng Hyno.

Nang makita ng Armageddon Blue Serpent ang kalagayan ng batang si Van Grego ay agad niyang pinawala ang kanyang malakas na awra. Hindi niya aakalaing makakayanan ng batang Cultivator na si Van Grego ang kanyang awrang inilalabas sa kanyang katawan sa matagal na oras. May halong kuryusidad ang kanyang iniisip patungkol sa batang kaharap niya ngunit isinawalang-bahala niya na lamang ito dahil malaking suliranin solang kinakaharap ngayon.

"Nga pala bata ako nga pala si Mystica na mula sa direktang lahi ng mga Armageddon Blue Serpent. Isa ako sa ilang libong henerasyon ng Armageddon Blue Serpent. Ito ang aking tunay na anyo at ito naman ang aking human-form." Kalmadong pagkakasabi ni Mystica.

Agad na binalot ng nakakasilaw na liwanag ang buong katawan ni Mystica maging ang kaniyang mata ay nagliliwanag. Ilang minuto pa ang nakalipas at unti-unting nasilayan ni Van Grego ang pisikal na pagbabago kay Mystica.

"Direktang lahi? Kaya pala sobrang lakas niyo Binibining Mystica idagdag pang napakaganda niyo pa po! Ako nga pala si Van Grego Binibini." Sambit ni Van Grego habang nakangiti.

Namula naman si Mystica sa turan ng batang kaharap ngayon. Halatang hindi siya sanay sa ganitong pagpuri kahit na noon pa man. Sinanay siya sa mga digmaan ngunit hindi sa bagay na ito.

Hindi nagbibiro si Van Grego sa kanyang tinuran lalo pa't kahit na sinumang kalalakihan ang makakakita kay Mystica ay siguradong pupurihin siya ng mga ito o mapapaibig niya ang mga ito. Ngunit sa mundo ng Cultivation, pangalawa lamang ito sa standard ng mga Cultivators lalo pa't lakas ang pinakaimportanteng bagay na dapat na tinataglay ng isang nilalang.

"Maiwan muna kita bata lalo pa't mayroon akong pagbabayarin mula sa ibang mga tao dito o mas mabuting sabihin na mga pangahas na mga nilalang lalong-lalo na ang mga Cultivator na mula sa Serpien Continent. Ang mga bagay ukol sa digmaang ito ay ako na mismo ang hahawak sa suliraning ito. Pwede ka ng umuwi sa inyo munting Van." Sambit ni Mystica.

Agad na tumalikod si Mystica na nasa anyong tao ito at handa ng lumipad papunta sa labas ng Interstellar Palace ngunit natigilan siya sa sinabi ni Van Grego.

"Gusto kong umalis sa kontinenteng ito o sa teritoryong sakop ng Three Great Continents Binibining Mystica!" Sambit ni Van Grego sa malakas na boses na sapat lamang upang marinig ni Mystica ito.

Agad na hinarap muli ni Mystica ang batnag si Van Grego na may komplikadong ekspresyon sa mukha nito. Alam ni Mystica na sa boses ng batang ito ay makikita ang determinasyon nitong makaalis sa lugar na ito o sa Teritoryong sakop ng Three Great Continents.

"Sigurado ka ba bata sa iyong sinasabi? Hindi mo ba alam na sa kalagayan mong yan ay kapahamakan lamang ang iyong daranasin. Masyado ring mababa ang antas ng iyong Cultivation. Sigurading mapapahamak ka lamang dahil kung iniisip mo na kapareho lamang ng Hyno Continent o karatig-kontinente ang nasa labas ng teritoryo ng Three Great Continents ang mga bagay-bagay ay nagkakamali ka ngunit dahil parang determinado ka na ay wala akong mgagawa kundi tuparin ang iyong kahilingan." Mahabang pagkakasabi ni Mystica lalo pa't nakikita niyang pinal na desisyon na ito ng batang ito. Kahit na nasa batang anyo pa lamang si Van Grego ay napapansin ni Mystica na mature na kong mag-isip ito hindi katulad ng isipan sana ng labing-isa o labinglimang taong bata. Napahanga siya sa ganitong klaseng bata katulad ni Van Grego. Kung papalarin ito ay sigurado siyang magiging malakas na Cultivator ito sa hinaharap kung papanigan ito ng tadhana at ng panahon.

"Salamat Binibining Mystica. Gusto kong maglakbay sa mundong ito. Galugarin ang mga lugar kahit na nagbabadya ito ng matitinding mga panganib. Hindi maituturing na Cultivator ang palaging umaasa sa iba lalo na pagdating sa pakikipagsapalaran sa buhay." Sambit ni Van Grego na may makahulugang ibig iparating.

"Naiintindihan ko ang iyong nais bata. Alam ko ang gusto mong ipabatid. Gusto mong maglakbay upang hanapin ang iyong daang tatahakin maging ang pagtukoy kung papanigan ka ng suwerte ay nakadepende pa rin iyon sa iyo. Dahil nakaharap mo ako ngayon ay bibigyan kita ng paunang suwerte dahil nagkrus ang ating landas." Sambit ni Mystica na nakangiti at agad na may lumitaw sa kanyang nakakinis na kamay ang isang lalagyan na kung tawagin ay vial na naglalaman ng isang pulang likido.

Nang makita ito ni Van Grego ay halos hindi matatawaran ang kanyang saya. Isang blood essence ng Vermillion Bird. Sa unang tingin ay normal na blood essence lamang ito ngunit ng masuri ito ni Van Grego ay halos mapasinghap siya sa kanyang natuklasan.

"Isang Top-Tier Vermillion Bird Blood Essence ba yan Binibining Mystica?!" Sambit ni Van Grego habang nagtataka lalo pa't hindi niya masuring mabuti ito dahil napakayaman at napakakapal ng enerhiyang nagmumula sa vial.

"Nagkakamali ka bata ngunit hindi ko ito sasabihin sa iyo. Ikaw mismo ang tumuklas kung gaano kalakas ang blood essence na ito. Kung papanig ang panahon at suwerte sa iyo ay siguradong hindi lamang ito ang makukuha mo sa iyong paglalakbay." Makahulugang pagkakasabi ni Mystica na halatang ayaw nitong pangunahan ang bawat pangyayaring ito. Kahit na sinuwerte ang batang si Van Grego pero hindi naman siya papalarin sa susunod na paglalakbay o pakikipagsapalaran ay nasa kanya na iyon. Hindi niya nais na manghimasok sa mga buhay ng mga nilalang lalo pa't baka masira ang hinaharap.

Agad na lumapit si Mystica sa kinaroroonan mismo ni Van Grego at ibinigay ang maliit na vial na naglalaman ng tatlumpong patak ng blood essence ng Vermillion Bird. Pag nalaman ng maraming mga Martial Arts Experts ang pagkakaroon ng Blood Essence ng Vermillion si Van Grego ay siguradong tutugisin nila si Van Grego. Ano nga ba ang Vermillion Bird? Isa lang naman itong Saint Beast na halos magkatulad lamang sa Phoenix na isang God Beasts. Sinong mag-aakalang may blood essence ng Vermillion Bird sa kontinente ng Hyno. Kung malalaman ito ng tatlong magigiting na Kontinente ay siguradong makikisali din sa pagsakop sa kontinenteng ito. Sapat na ang ilang patak para pagkaguluhan ang maliit na kontinente ngunit ang tatlompong patak? Hindi matutumbasan ng pag-aari ng Three Great Continents ang ganitong klaseng Blood Essence.

Kahit ang mga Primary Blood Essence na artipisyal na ginawa ng Alchemist ng Three Great Continents na siyang ipinagmamalaki nila ay hindi matutumbasan ang low-grade na dugo ng Vermillion Bird.

Ang hawak ni Van Grego na vial ay hindi pangkaraniwang Blood Essence ng Vermillion Bird lamang kundi mas mataas na kalidad na dugo ng Vermillion. Hindi lamang ito Top-Tier Vermillion Bird Blood Essence kundi mas mataas pa. Sinong mag-aakala na mayroon si Mystica ng ganitong klaseng Blood Essence.

Ano nga ba ang Blood Essence? Ang Blood Essence o Blood Essences ay isang extractions ng purong dugo ng isang nilalang na kayang mag-unlock ng mga combat benefits. Maaaring magamit sa pamamagitan ng blood Congealing o maaaring gamitin sa paggawa ng mga mahiwaga at malalakas na potions sa larangan ng Alchemy.

May dalawang benepisyo ang Blood Essence ito ay ang pagpapalakas ng combat abilities (sa opensa man o depensa) at ang pinakanakakabilib na gawa ng Blood Essence ay ang pagkakaroon ng tsansang makagamit ng pambihirang skills ng Bloodline ng isang beast.

Sa lagay ni Van Grego, kapag nai-absorb nito ang Blood Essence sa kanyang katawan ay magkakaroon ng malaking pagbabago dito maging ang paggamit ng pambihirang skills ng Saint Beasts ay magiging posible na para sa kanya. Isa ito sa napakalaking benepisyong konting tao lamang ang may pagkakataon katulad niya.

...

"Nga pala, para mas maging epektibo ang Blood Essence kapag inilagay mo ito sa mga acupoints mo sa katawan lalong lalo na sa pagitan ng iyong mga pilikmata na siyang makakatulong upang mapabilis ang iyong progreso sa paggamit ng pambihirang mga skills ng Vermillion Bird!" Sambit ni Mystica kay Van Grego.

"Bakit niyo po ako binigyan ng pambihirang bagay na ito Binibining Mystica?!" Sambit ni Van Grego nang may pagtataka. Sino ba naman siya para bigyan ng pambihirang bagay.

"Bilang Serpyente ay likas sa amin ang magbigay ng suwerte bilang regalo sa mga taong alam naming karapatan na makatanggap nito. Ito lamang ang maitutulong ko bata sa kung anumang tulong ang iyong iniambag sa kontinenteng ito. Hindi ito pambayad ng utang na loob kundi isa itong munting regalo mula sa akin lalo pa't aalis ka upang maglakbay sa malayo, di naman kakayanin ng konsensya kong walang nagawang tulong sa'yo." Sambit ni Mystica sa mahinahon nitong boses. Hindi maipagkakailang may magandang boses si Mystica na nakakahumaling pakinggan sa tainga. Tunay ngang sa Martial Beasts maituturing siyang mula sa lahi ng God Beast na ahas o Serpyente.

"Maraming salamat sa iyong naging tulong Binibining Mystica, tatanawin ko itong utang na loob mula sa iyo. Ito ang kauna-unahang beses na nakatanggap ako ng regalo." Sambit ni Van Grego habang makikita ang saya sa mukha nito.

Nang marinig ni Mystica ang huling sinabi ng batang si Van Grego ay halos lumuwa ang mata niya. Maraming mga tanong ang kanyang naiisip maging ang labis na pagtataka. Makikita niyang may tinatagong madilim na sikreto ang bata o may labis itong pinagdaanan. Alam niyang hindi basta-basta mahahanap ang munting lagusan na kinaroroonan ng Interstellar Palace.

"Tapatin mo nga ako Van Grego, itinakwil ka ba ng iyong angkan?! Sambit ni Mystica habang may mausisang ekspresyon ang makikita sa napakaganda nitong mukha. Halos 20-25 years old lamang ang kabuuang pisikal na anyo ni Mystica.

Alam ni Mystica na karaniwan lamang na itakwil ang mga batang Cultivator kung hindi ito kapaki-pakinabang sa kanilang angkan ngunit kung marinig niyang itinakwil ang mga batang Cultivator ay masakit iyon para sa kaniya. Tunay na marahas ang mundong ito ngunit ang marahas na mundong ito ay kagagawan mismo ng malulupit na mga nilalang.

"Oo, itinakwil ako ngunit kahit kailan hindi ako nagtanim ng galit sa sinuman sa aking itinuring angkan bagkus ay nagpapasalamat pa rin akong kinupkop at inalagaan nila ako kahit na sa konting panahon lamang." Nakangiting sambit ni Van Grego habang sinasabi ang bagay na ito ngunit mababakasan ng lungkot ang kanyang pares na mata. Matang namulat sa kung paano kalupit ang mundong ito. Mundong pinaniniwalaang ginawa para sa malalakas na nilalang lamang at ito ang gustong baguhin ni Van Grego sa hinaharap na maging si Mystica ay siguradong magsasabing isa itong kabaliwan lamang.

Related Books

Popular novel hashtag