Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 98 - Chapter 43

Chapter 98 - Chapter 43

Sa isang silid ay makikita ang namamawis na na batang si Van Grego. Hindi maipagkakailang nahihirapan ito kani-kanina lamang dahil sa selyo na nasa katawan nito. Hindi aakalain na palala ng palala ang pag-atake ng seal sa kaniyang katawan. Kailangan niyang maging handa lalo pa't hindi siya nakakasigurong mabubuhay pa siya sa lakas ng selyo.

Habang nagmumuni-muni pa si Van Grego sa mga bagay-bagay ay bigla na lamang lumitaw sa kawalan ang isamg batang lalaki. Nang maramdaman ni Van Grego ang enerhiyang nagmumula sa kaniyang likuran ay bigla na lamang niyang hinarap ito. Gulat na ekspresyon ang makikita sa mata ni Van Grego.

Nakikita ni Van Grego ang walang kulay na mata ng batang halos kaedad niya lamang. Ngunit unti-unting kakikitaan ng lungkot ang dalawang mata nito.

"Zerk Clamir mabuti at ----

"Hmmp! Tigilan mo nga ako bata, alam mong ako ito at hindi ang mahinang batang iyon!" Sambit ng batang si Zerk Clamir ngunit halatang hindi ito ang totoong Zerk Clamir. Biglang lumitaw ang nagbabagang asul na apoy sa mata nito at naging kulay bughaw ang mata nito.

"Oo na, alam kong ikaw si Alfero. Okay na ba?" Sambit ni Van Grego na may halong sarkastiko.

"Sa wakas ay tinawag mo ako sa aking pangalan bata. Ngunit alam mong nagtatampo ako sa iyo alam mo ba iyon?!" Sambit ni Alfero na siyang komokontrol sa katawan ni Zerk Clamir.

"At ano naman ang kinalaman nun sa akin? Ginawa ko lang ang nararapat..." Sambit ni Van Grego.

"Ah kaya pala inilagay mo lamang ako sa napakahinang katawan ng batang ito na hindi ko alam kong sino ito. Alam mo ba ang pakiramdam na wala kang kalayaang piliin kong desisyon kong sino ang maging master ko habang buhay." Sambit ni Alfero halatang nagtatampo pa rin ito hanggang ngayon.

"Sabi mo nga diba, ang buhay ay hindi makatarungan. Hindi mo alam kong saan ka ilulugar ngunit para sakin ay tama lang desisyon na aking pinili para sa iyo. Alam mo namang kaya ko ang sarili ko. Hindi rin lingid sa kaalaman mo na may espesyal na armas ang katawan ng sinasabi mong mahinang batang natutulog sa sarili nitong katawan. Alam kong hindi mo siya pababayaan lalo pa't isa siya sa maaaring maging malakas na nilalang sa hinaharap kasama si Shion Mondar na may malakas na Martial Spirit na kayang baguhin ang kanilang kapalaran. Alam mong hindi ako nabibilang sa mundong ito o sa mundong ginagalawan mo kaya wala dahilan upang manatili ako rito!" Sambit ni Van Grego kay Alfero. Hindi maipagkakailang nagkaroon siya ng kaibigan sa anyo ni Alfero kahit na isa lamang itong Martial Spirit.

"Aalis ka? Para ano, para lamang hanapin ang mga magulang mong hindi mo alam kung sino. Hinanap ka ba ng mga sakim mong magulang ha? Minahal ka ba nila na parang sarili nilang anak? Palibhasa a--------!"

"Wala kang karapatan upang insultuhin sila, bakit ha? Kilala mo sila?" Sambit ni Van Grego na ngayon ay nag-iba ang kulay ng balat nito. Dahil sa labis niyang emosyon ay hindi niya makontrol ang tinuturing niyang sumpa sa katawan niya. Dahil na rin sa labis na pag-atake ng seal sa katawan niya ay maging ang nakaselyong bagay ay nagkakaroon ng distorsyon sa oras na hindi niya ito makontrol ay siguradong mapapatay niya ang lahat ng mga malapit sa kanya. Alam niyang nagiging abong papel ang lahat ng nasa malapit na nilalang sa kanya ay siguradong kamatayan lamang ang hatol maging si Alfero na nasa katawan ni Zerk Clamir ay mapapatay niya ang ito. Pinakalma niya ang kanyang sarili at mabuti na lamang at naagapan ang maaaring sakunang kaniyang magagawa.

Bigla na lamang nabalot na katahimikan ang buong silid. Maging si Alfero ay mistulang natuod sa kaniyang kinatatayuan. Alam niyang masyado niyang inungkat ang personal na buhay ng batang si Van Grego lalo na pagdating sa mga hindi niya pa nakikilala o nakikitang mga magulang nito. Alam niyang umaasa ang batang si Van Grego na may rason ang kaniyang mga magulang kung bakit siya inabandona ng mga ito at mag-isang humaharap sa mga matitinding problema kagaya ng pagpasan sa problemang kinakaharap ng Hyno Continent.

Ngayon ay nalaman ni Alfero na mabigat na tungkulin ang nakapasan sa batang si Van Grego. Sa murang edad ay naranasan na nito kung gaano kalupit ang mundo ng Martial Arts at ano ang ipinagkaiba ng mga mahihina sa malalakas. Ang malalakas ang siyang patuloy na lumalago at lumalakas. Ang mga mahihina? Sila yung nagtitiis na tatapak-tapakan na animo'y insekto halimbawa na dito ay ang pag-aalipin, kawalang hustisya, laging inaabuso at iba pa. Sa naging buhay ni Alfero ng nabubuhay pa siya ay isa siyang malakas na nilalang. Sa katunayan ay isa siyang Heneral ng kanilang lugar na malayo mula sa mundong ito. Hindi niya naranasan ang naranasang hirap ng batang si Van Grego, ang pagsasakripisyo nito. Ang pagsira nito sa seal at ang layunin lamang nitong maging malaya ang lahat ng naninirahan sa maliit na kontinenteng parang maliit na isla lamang ang laki nito. Sinubukan niyang makipagnegosasyon sa karatig na Kontinente ngunit nabigo lamang sila. Inabuso ng malaking Kontinente ng Serpien Continent ang pagiging mahina ng mga maliliit na Kontinente at ngayon ay inaangkin naman ng Serpien Continent ang Hyno Continent. Ito ay isang napakabigat na suliranin. Aalipin sila at gagawing alay lamang ng Serpien Continent para sa sarili nilang benepisyo. Alam niyang marami ng panahong sinayang ang batang si Van Grego na sana ay ilalaan para magcultivate ay sa paghanap ng solusyon kung paano maililigtas ang mamamayan at ang kontinente sa kamay ng mga masasamang Cultivator. Labis na awa, lungkot, pagsisisi ang bumalot kay Alfero. Hindi niya muna inisip ang kanyang sasabihin bago niya ito sinabi kung Kaya't labis siyang nagi-guilty sa nangyayaring ito.

Mabilis na lumipad si Van Grego gamit ang kaniyang Flying Technique ng walang pasabi.

Agad na sinundan ni Alfero si Van Grego gamit ang kaniyang Teleportation Technique.

Agad nitong nakita si Van Grego sa himpapawid. Dahil na rin sa matalas nitong paningin ay nakikita niya ang ginagawa ni Van Grego. Bawat galaw ng kamay ni Van Grego ay kakikitaan ng mumunting enerhiya hanggang sa unti-unting may bumalot ng napakakapal na enerhiya ang buong kontinente ng Hyno. Alam ni Alfero na in-activate na ng batang si Van Grego ang Offense at Defense type Formation Technique. Masasabi ni Alfero na henyong bata si Van Grego pagdating sa Martial Arts maging sa larangan ng Formation Technique.

Nang matapos ang kaniyang pagsasagawa ng Formation Technique ay aalis na sana si Van Grego nang pigilan siya ng isang boses.

"Aalis ka nalang ba bata? Hindi ko aakalaing iiwan mo lamang ang kontinenteng ito ng basta-basta?

"Oo aalis ako. kahit na iiwan ko ang kontinenteng ito ay wala akong magagawa pa dahil mahina lamang ako. Huwag mo kong sundan kung saan man ako pupunta. Ipangako mong poprotektahan mo ang maliit na kontinenteng ito mula sa mga mananakop na tanging kayamanan lamang ang habol. Inaasahan kita at alam mong hindi ako galit kahit kanino man lalo na sa iyo, galit ako dahil mahina ako, na duwag ako dahil ko pang umasa sa iba, sa seal. Kung sana ay naging malakas ako , kung sana ay --------" sambit ni Van Grego habang masaganang luha. Lahat ng emosyon kinikimkim niya ay lumabas na.

"Oo pinapangako ko bata, kung aalis ka man ay sisiguraduhin mong babalik ka, kailangan ka ng kontinenteng ito."

"Mali ka, Hindi ako ang kailangan ng kontinenteng ito. Ang kailangan ng kontinenteng ito ay ang taong malakas ngunit sa oras na ito lalo na sa kasalukuyang ako. Tingin mo ba ay kaya kong protektahan ang lahat ng mamamayan nito? Ang sagot ko ay hindi dahil ikaw Alfero ang kailangan ng maliit na kontinenteng ito. Kaya sana ay iligtas mo ang Hyno Continent sa nalalapit nitong kawakasan. Pakiusap!" Sambit ni Van Grego na halatang namamaga na ang mata nito sa kakaiyak.

"Pinapangako ko!" Sambit ni Alfero na halatang napipilitan ngunit anong magagawa niya eh napalapit na siya sa batang si Van Grego at masasabi niyang may ginintuang puso ang batang ito maging ang kaniyang determinasyon at plano ay hindi mababago. Sa hinaharap ay siguradong magiging malakas na Cultivator o Martial Artist ito sa hinaharap lalo pa't maraming itong mga sikreto sa katawan na maging siya ay hindi niya alam kung ano ang mga ito.

"Maraming Salamat Alfero, Hanggang sa muli!" Sambit ni Van Grego habang makikita ang masaganang luha nito na nakangiti.

Agad na nawala sa kawalan si Van Grego gamit ang wrap stone.

Sa isang iglap ay nakapunta si Van Grego sa loob ng Interstellar Palace upang sariwain ang lahat ng alaala niya noong narito pa siya at mistulang naging bahay o sariling lugar niya ito.

___

Sa kabilang banda ay mayroong mapanganib na nilalang na nag-aabang sa loob ng Interstellar Palace na wari'y may nakakatakam itong pagkain na papunta sa kanya.

__________

Papasok si Van Grego ay napansin niyang parang may mali sa sa malawak na silid na ito. Natatandaan niya pa ang malawak na haligi ngunit agad siyang nabahala ng bigla siyang makarinig ng tunog ng isang nilalang.

"SSsssssss..... Sssssss..... Sssssss" huni ng isang nilalang na nasa paligid lamang ng malawak na silid na papasok sa Interstellar Palace.

Agad na naalarma si Van Grego dahil ramdam niya ang malakas na awra ng isang Martial Beast na hindi niya pa tukoy kung anong klase ito ngunit alam niyang gumagapang ito. Hindi alam kung bakit ngunit nakaramdam siya ng takot idagdag pang wala sa kondisyon ang kaniyang katawan maging ang kaniyang mga enerhiya na dumadaloy sa kanyang katawan ay sobrang gulo. Ang kabuuang itsura ni Van Grego ay maputlang-maputla na.

Kahit na hindi nasa tamang kondisyon ang katawan at pag-iisip ni Van Grego ay patukoy niya pa ring hinahanap ang tunog ng kilos ng nilalang na naririto sa loob mismo ng Interstellar Palace.

"Masama ito!" Tanging naibulalas lamang ni Van Grego sa kanyang sarili lalo pa't ramdam niya ang enerhiyang kumakalat sa hangin ngunit ang misteryosong n ayhindi niya makita-kita.

Patuloy pa rin sa paghahanap si Van Grego sa nilalang na kanyang hinahanap ngunit kahit kaliwa't kanang paghahanap ay hindi niya matuntun ang halimaw.

"Hindi ko aakalaing may hindi inaasahang bisitang darating sa aking teritoryo." Sambitit ng isang nilalang sa likod ni Van Grego.

"Sino ka? Anong ginagawa mo sa loob ng Interstellar Palace?" Sambit ni Van Grego na halatang medyo may takot ang kanyang boses.

Sino ba namang hindi matatakot sa kapal ng enerhiyang nararamdaman ni Van Grego. Hindi maitatangging mas mataas na lebel ng enerhiya ang nararamdaman ni Van Grego na halos kapantay ni Alfero ang kapangyarihang taglay ng misteryosong nilalang. Gamit ang kaniyang Martial Qi o kilala sa tawag na true essence ay nalaman niya ang lakas nito. Hindi ito isa Martial Awakening Stage at mas lalong hindi lamang ito nasa Martial Stardust Realm. Kundi ay nasa maalamat na Earthen Fate Realm.

...

Ang lakas nito ay kayang wasakin ang buong kontinente ng Hyno o kayang maglikha ng delubyo sa ibang malalaking kontinente. Hindi basta-bastang nilalang ito. Pagkatapos ng Martial Awakening Stage ay ang Martial Stardust Realm. Pagkatapos nito ay ang Gathering Fate Stage na sobrang hirap na stage. Maryoong isa hanggang siyam na layers ang stages na ito. Kapag nalampasan mo ang Stage na ito ay maaari ka ng makatapak sa isang maalamat na Earthen Fate Realm.

Ano nga ba ang Earthen Fate Realm?Pinaniniwalaan noong panahon pa man ng mga taga-Hyno Continent at ng mga karatig-kontinente na itinuturing ng mundong ito na diyos ang isang Earthen Fate Realm Experts maging ang mga Martial Beasts na kayang maghatid ng kasaganaan o kalamidad sa isang lugar. Isang hangal na tao lamang ang maniniwalang kaya silang pigilan ninuman. Maituturing na sila ang pinakamalakas na nilalang na pomoprotekta sa bawat lugar na kanilang gustong protektahan. Itinuturing na isang napakalakas na nilalang ang Earthen Fate Realm Experts maging ang mga Earthen Fate Realm Beasts. Maituturing na "god among men" ang mga ito. Sa mata nila ang mga mahihinang nilalang ay kaya lamang nilang tirisin. Kayang maglakbay sa lupa na hindi nahihirapan o napapagod. Ang pakikipaglaban sa kanila ay isang malaking kahangalan. Kung papatayin ka nila ay siguradong magagawa nila.

...

"Isa kang hangal bata ssshhhh... at ang lakas ng loob mong pumunta rito sa aking teritoryo nang walang respeto Ssssshhhh... Akin ang lugar na ito ssssshhhh, ako ang tagapangalaga ng lugar na ito. At kung sinuman ang tumapak ssshhhhhh rito ay mamamatay. Tingnan mo ang nasa itaas ng uluhan mo ssshhhh!" Sambit ng isang boses ng nilalang sa nanggagaliting boses.

Agad na tiningnan ni Van Grego ang nasa itaas na bahago ng Interstellar Palace. Mula sa napakataas na ceiling nito ay animonaging mababa dahil sa dambuhalang nakapulot dito. Halos matakpan nito ang buong ceiling. Sino ba naman ang mag-aakalang napakalaking ahas ito este mali pala. Mas mabuting sabihing isa itong napakalaking Serpyente na kulay Asul na katulad na katulad sa blue fire-attribute ni Alfero na isang Elf Martial Spirit.

Ayon sa nabasa ni Van Grego, ang uri ng dambuhalang Serpyente na ito na ilang libong beses ang laki nito kumpara sa ilang talampakang Martial Spirit. Kung makikita ito ng Serpien Continent, siguradong huhulihin nila ito at gagawing Martial Spirit nila ito. Ngunit sino ang makaka-fuse ito sa kanilang kontinente? Siguradong susugod ang halos lahat ng mga magigiting na mga Martial Artists maging ang mga ganid sa kapangyarihan.

Subalit nang maalala ni Van Grego ang kabuuang lakas ng Asul na Serpyente ay halos manlumo siya at matakot. Isa ito sa maalamat na Serpyente sa kasaysayan ng Three Great Continents. Ang Serpyenteng ito ay walang iba kundi ang Armageddon Blue Serpent. Isang makapangyarihang serpyenteng kayang wasakin ang isang ordinaryong Kontinente.

Masasabing ang lakas nito at kapangyarihan ay hindi basta-basta. Maituturing na isa silang Uri ng Serpyente na maituturing na isang Warrior Beasts. Malakas ang kanilang kabuuang depensa lalong-lalo na ang kanilang opensa sa larangan ng pisikal na lakas.

Kaya nilang payanigin ang buong kalupaan sa kanilang lakas maging ang pagbiyak ng mga kalupaan ay walang problema ito sa kanila. Isa solang Warrior Beasts na halos magkapantay na ng lakas ng mga Saint Beasts.

"Hindi maaari, bakit?!" Sambit lamang ni Van Grego sa kaniyang isipan. Ayaw niyang magpakita ng anumang takot ngayon na siguradong isa sa mga gustong-gusto ng mga dambuhalang halimaw katulad ng dambuhalang Serpyenteng nasa harapan niya.

"Ikaw ba ang tagapangalaga ng Interstellar Palace? Hindi ako naniniwala dahil hindi kita nakita dito noon pa man!" Depensang sagot ni Van Grego dahil alam niyang walang nagmamay-ari ng Interstellar Palace.

"Isa kang hangal ssshhhhh! At anong sabi mo? Ilang beses ka na palang nangangahas na lumalabas pasok sa aking Teritoryo ssssshhhhh, lapastangan!" Galit na pagkakasabi ng Armageddon Blue Serpent. Halatang nito nagustuhan ang sagot ng batang si Van Grego. Hindi niya gustong ginagawang pasyalan lamang ng kung sinumang nilalang ang kanyang teritoryo lalo na ang mga mahihinang uri ng mga nilalang lalo na ang mga nabibilang sa human race o lahi ng mga tao. Ito ay karaniwan na lamang dahil wala siyang interes sa mga tao kundi gawin silang pagkain para lumakas sila.

"Ipapaumanhin mo ang aking kapangahasan lalo pa't hindi ko intensyon ang manghimasok sa teritoryo ng iba. Isa lamang itong hindi pagkakaunawaan at sana ay patawarin mo ako ginoong Serpyente." Sambit ni Van Grego sa dambuhalang Serpyente na ngayon ay halatang hindi pa rin kumbinsido sa pangyayaring naganap noong pinanghimasukan ni Van Grego ang kaniyang teritoryo. Paano niya mapapanatili ang kanyang mataas na estado kung nagalugad ito ng isang mortal na bata? Kung nalaman ito ng ibang mga malalakas na Martial Beasts ay siguradong magtatamo siya ng mga panghahamak at di kaaya-ayang salita. Isa sa uglaing meron ang mga Serpyente ay ang pagiging malakas, makapangyarihan at hindi nagpapatapak sa loob ng kanilang Teritoryo kahit na sinumang nilalang. Kinatatakutan sila at nirerespeto, kung ganito lamang pala ang sistema ay wala na siyang mukhang ihaharap.

"Hmmp! Malaking kapangahasan ang ginawa mo bata, sa tingin mo ba ay makakaya kong itaas ang aking ulo mula sa ibang mga malalakas na Martial Beasts kung nalaman nila ang bagay na ito ssssshhhhh, siguradong malaking insulto at kahihiyan ssssssshhh ito sa aming lahi sssssssshhhh!" Sambit ng Armageddon Blue Serpent habang isinasalaysay ang malaking suliranin nito maging ang naging kasalanan ng batang si Van Grego.

"Alam ko kung ano ang nararamdaman mo Ginoong Serpyente ngunit aksidente lamang akong nakapasok dito at hindi ko alam na merong naninirahan dito. Ipagpapaumanhin mo Ginoong Serpyente. Isinusumpa ko sa kalangitan at sa mundo ng Martial Arts na kung ikakalat ko ang mga sensitibong bagay na aking nalalaman ay ang galit ng kalangitan mismo ang kikitil ng sarili kong buhay." Sambit ni Van Grego habang binibigkas ang kaniyang sumpa sa kalangitan at sa mundo ng Martial Arts.