Sa isang iglap ay napunan ang agwat ng distansya ng tatlong Lider at ng apatnapu't-limang mandirigmang Cultivator. Ngayon ay waalng nais gumalaw o mag-umpisa ng anumang ingay. Tahimik lamang na nagmamatyag ang mga Mandirigmang Cultivators sa magiging kilos ng tatlong noo'y ginagalang nilang lider ngunit ngayon ay isang matindi nilang kaaway.
Maya-maya pa ay gumalaw ang tatlong lider sa iba't ibang direksyon na animo'y iisa ang katawan nila sa hangin. Nagkakaroon ng mararahas na hampas ng hangin kapag nadadaanan ng mga ito. Maya-maya pa ay maririnig ang palahaw ng isang Cultivator.
"Arrrrgghhhhh!" Sambit ng isang mandirigmang Cultivator ng madaplisan siya ng isang punyal. Alam niyang si Zenori Cartagena ang dumaplis sa kanya.
"Oppppsss!" Sambit ng isang boses na alam nilang galing kay Zenori Cartagena ito.
Pooookkkk! Isang pagtapak sa balikat ang biglang narinig.
"Crack!"
Maririnig ang malakas na tunog ng buto sa katawan na animo'y nabali.
"Arccccckkkkk!" Daing ng medyo may edad na Cultivator habang iniinda ang nabaling buto sa balikat. Para sa kanya ay may biglang nalaglag sa kanyang balikat na napakabigat na bagay na siyang hindi nakayanan ng kanyang buto sa balikat. Sa hinuha niya ay parang nagkabali bali ang mga buto niya sa balikat at lumubog sa mga laman niya.
"One, Two ,Three!" Sambit ni Luis Guiano at isang suntok ang pinakawalan niya sa katawan ng isang binatang Cultivator.
"Ahhhhhhhhhhh!" Malakas na sigaw ng isang binatang Cultivator ng maramdaman niya ang pagkabutas ng kanyang kaliwang dibdib.
"Tumitibok-tibok pa oh!" Sambit ni Luis Guiano habang hinahawakan nito ang tumitibok-tibok na puso ng isang mandirigmang Cultivator na dinukot ni Luis Guiano.
Halos himatayin na ang Lalaking Mandirigmang Cultivator ng makita ang sariling pusong hawak-hawak ni Luis Guiano. Tumutulo na ang masagana at sariwang dugo nito sa bandang kaliwang dibdib at maging sa bibig nito ay imbes na laway ang makikitang tumulp ay mapulang dugo ito na kakulay ng rosas ang lumalabas.
"P-paan-------!"Sinubukang magsalita pa ng binatang Cultivator ngunit hindi na nito magawa pang matapos ang mga salita nito at agad na binawian ng buhay habang ang mata nito ay nakadilat.
"Phoogggg"
Tunog ng pagbagsak ng binata ang bigla na lamang umalingawngaw sa kapaligiran.
Sa loob ng malaking Invisible Air Bubble ay
tanging paghikbi na lamang ang ginagawa ni Lona Silvario at matiim lamang na nanonood si Robi Farnon habang kakikitaan ng lungkot sa mukha niya. Nag-uusap sila ni Robi Farnon at Lona Silvario gamit ang mind link.
"Wala ba tayong gagawin Vice Leader Farnon?" Naluluhang sambit ni Lona Silvario habang nakikipag-usap ito sa kanilang mind link o ng isip lamang. Nagsusumamo ang dalaga sa binatang si Robi Farnon habang may luhang lumalandas sa pisngi nito. Namumugto na ang mata nito kakaiyak subalit wala siyang narinig na anumang tugon sa binata. Bilang isang pinuno ay wala siyang nagawa man lang para kanyang mga miyembrong pinamumunuan nila ngunit naaawa pa rin siya sa mga ito. Habang tumatagal ay mas nag-aalab ang galit nito sa kanilang itinuturing na mabubuting mga pinuno partikular na rito ang tatlong lider ng tatlong Departamento na alam niyang hindi lamang ito ang mga traydor sa loob ng Alchemy Powerhouse Association. Hindi niya alam kung bakit nagtaksil ang mga ito sa founder ng Asosasyong kinabibilangan nila. Kahit na sabihing musmos pa lamang ang batang nagbabalat-kayo upang pamunuan ang Alchemy Powerhouse Association ay hindi pa rin dapat sila nagtaksil sa founder nito. Alam niyang personal na benepisyo at isang sikretong hindi ipamamahagi o ipapaalam ng mga taksil na lider at mga miyembro ng Alchemy Powerhouse Association na siyang kinaiinis niya.
"Ano ang maaari nating gawin? Edi manood, masyado silang malakas kaysa sa atin. Nasa Peak Bloodline Awakening Stage na tayong dalawa ngunit nasisiguro kong nasa mas mataas na ranggo pa rin sila. Isama pang tatlo sila at kahit magsama-sama silang isang daan ay wala silang magagawa. Maging ang buong Asosasyon ay baka hindi din nila makayanang labanan ang mga ito. Baka nga ang halos lahat ng lider ay pawang mga taksil. Ngayon ay alam na natin kung bakit sinabi ni Mr. V na huwag magpakita ng awa sa lahat ng kaaway maging sa mga makakasagupa sa labanan o sa madugong digmaang ito." Mahinahong sambit ni Robi Farnon ngunit ang mga kamao nito ay nakakuyom maging ang mga ngipin nito ay animo'y nagsasabing nagpipigil lamang ito ng galit o kaya ay labis na inis. Alam niyang digmaan ito at walang patas na hatol sa kung sinuman ang makikisali o madadamay sa digmaan.
"Kaya nga eh, wala tayong magagawa lamang habang ang ating mga kasamahan ay halos mamatay na." Malungkot na pagkakasabi ni Lona Silvario habang pinapanood ang pangyayari kung saan ay pinaglalaruan lamang ang mga Mandirigmang Cultivators ng tatlong lider ng tatlong Departamento ng Alchemy Powerhouse Association na labis niyang ikinagagalit.
...
"Mga walang kwentang mga Mandirigmang Cultivators ng Hyno Continent na pinalaki ng Hyno Academy. Masyadong mga mahihina at mga lampa!" Paasik na sambit ni Luis Guiano habang tinatapakan ng kanyang paa ang isang Mandirigmang Cultivator na medyo may edad na.
Halos hindi na makakilos ang nasabing Mandirigmang Cultivators dahil sa animo'y pambihirang bigat ng mga paa ni Luis Guiano na animo'y gabakal kung makadagan sa kanya.
Pero sa katotohanan ay hindi ito binibigyang puwersa ni Luis Guiano patunay na animo'y normal na apak lamang ito sa mga bagay-bagay. Habang tumataas ang ranggo ng isang Cultivator ay siya ring pakiramdam ng mga Cultivators ng kanilang pagaan ngunit sa katotohanan ay napakabigat at napakalakas ng kanilang katawan lalong-lalo na ng kanilang mga limbs partikular na rito ang kanilang braso't-kamay, binti at paa at iba pa.
_______________________________________________
Mula sa Bronze Rank hanggang sa Diamond Rank na siyang Primary Stage ng Martial Realm ay siyang pagpapatigas at pagpapalakas lamang ng kanilang katawan partikular na rito ang kanilang mga buto, laman at kanilang balat. Dito masusukat ang lakas at lusog ng katawan ng isang Cultivator na nag-uumpisa pa lamang sa kanilang Cultivation. Hindi na nangangailangang kumain ng isang Cultivator liban na lamang sa mga Cultivation Resources na pwedeng kainin kagaya ng mga Martial Pills, Essence, Energy Soups na gawa ng mga Martial Chefs na may mga sahog ng mga pwedeng makain na mga Martial Beasts.
Ang Secondary Stage ng Martial Realm sa larangan ng Cultivation ay ang Martial Knight Realm hanggang sa Martial Lord Realm na isa sa itinuturing ng lugar na ito na tunay na Martial Artist o isang Tunay na Cultivator. Sa Stage o mga Ranggo na ito ay dito masusukat ang mga natutunang mga pakikipaglaban ng isang Cultivator maging ang unang paglabas ng kanilang mga potensyal galing sa kanilang Bloodline na butil lamang ito ng kanilang itinatagong kapangyarihan. Dito ay natutunan nilang mag-execute o magsagawa ng isang kompletong rotasyon ng Martial Arts Technique. Nagkakaroon ng kakayahan ang isang Cultivator na makahinga sa tubig at makapaglakbay sa walang kahangin-hangin na lugar o kahit sa isang napakakipot na lugar. Nagkakaroon ng resistance sa ordinaryong mga apoy at kayang magsagawa ang isang airwalk o paglakbay sa hangin kahit na walang kakayahang makalipad ang tao at marami pang mga basic na abilidad ng tao.
Ang Tertiary Stage ng Martial Realm na mula sa Martial Emperor Realm hanggang sa huling bahagi nito na walang iba kundi ang Martial God Realm. Sa Stages na ito ay nagkakaroon ng pagbabago sa katawan ng isang Cultivator partikular na ang pagkabuhay ng mga dugo nito sa katawan ng isang Cultivator kung saan ay naglilikha ng komplikadong pattern ang DNA ng isang Cultivator sa mas Komplikadong paraan. Ang mga natural na mga abilidad ng Bloodline ng isang Cultivator ay unti-unting nabubutas papunta sa katawan ng isang Cultivator na siysng mas nagpapalakas pa lalo sa katawan maging sa kakayahan nitong ilabas ang potensyal ng isang Martial Art Skills.
Dito din kailangang pumili ng angkop na mga makapangyarihang Skills o Techniques ang isang Cultivator upang lakaran at gawing gabay upang malaman kung saan ang daang kanyang tatahakin sa buhay. Karamihan ay hanggang dito lamang ang kanilang limitasyon dahilsa iba't ibang mga suliraning kinakaharap lalo na sa kakulangan ng supply ng Cultivation Resources kagaya ng mga pambihirang Pills at mga kayamanang kinakailangan upang matugunan ang pangangailangan ng isang Cultivator habang nagpapatuloy ito sa ginagawang Cultivation. Ang iba ay pinaglipasan na ng panahon dahil na rin sa katandaan na siyang mas pinili nilang huminto na lamang o kaya ay gusto na nilang mamaalam o magpahinga. Meron ding karaniwang rason kung bakit humihimto ang isang Cultivators ay dahil na rin sa kanilang pag-aasawa ng maaga o kaya ay labis na nangangailangan sa buhay kung kaya't mas ginugol ang atensyon sa paghahanapbuhay at pagnenegosyo.
Kapag nakatapak ka sa Martial God Realm ay magkakaroon ng abilidad ang isang Cultivator na makalipad sa himpapawid at may kakayahang makapaglakbay ng mabilis na hindi nangangailangan ng mga Flying-Type Martial Art Technique o Flying-Type Tool o kahit na mga pakpak. Ito ay gustong makamit ng halos ng mga Cultivators sa mga mahihirap at maliliit na bayan o Kontinente katulad ng mga Cultivators na nasa Hyno Continent at sa iba nitong karatig na mga Kontinente.
Pagkatapos ng Tertiary Stage o pinakahuling stage ng Martial Realm ay ang paglabas ng tinatagong lakas ng kanilang Bloodline na siyang tinatawag na Bloodline Awakening Stage na siyang paglabas ng isangdaang porsyento ng lakas ng iyong BLOODLINE. Dito ay magkakaroon ka ng abilidad ng iyong mga ninuno dahil sa dugo na nananalaytay sa iyong katawan na siyang tuluyang paggising nito. Ang iyong bilis at kabuuang lakas kahit na ang kapangyarihang taglay ay siguradong napakalakas na na kayang gibain ang isang lugar sa isang tira lang.
Ang hindi pangkaraniwang Ranggo na hindi pa alam ng karamihan na palaisipan pa rin sa lahat ngunit isang napakadelikado at nakakubling ranggo. Ito ay ang Martial Stardust Realm na siyang aakalain mo lamang na humihina ang kapangyarihang taglay ng isang Cultivator habang tumatagal. Mula sa Siyam na bituin ay unti-unting nabubura ang mga bituin sa oras na lumakas ng lumakas ang isang Cultivator maging ang lakas nito ay mas lumalakas pa. Sa oras na tumapak ka ranggong ito ay kaya nitong hatiin ang mararahs na hangin,makipaglaban sa malawak na karagatan at kayang-kaya mong panginigin ang lahat ng mga mababa ang ranggo. Mas malakas ang impact ng pagwasak mo sa bagay-bagay na gustong mong sirain maging sa labanan. Mas mataas ang kabuuang depensa at animo isa kang haliging hindi matinag-tinag. Ang lakas lalo na ang iyong bigat ay hindi din basta-basta.
Ang mga mas mataas na mga Ranggo sa larangan ng Cultivation ay palaisipan pa rin sa lahat dahil para sa lahat ay imposible na makatapak ang isang Cultivator sa matataas na ranggo kapag hijdi ka isang talentadong Cultivator at nangangailangan ito ng gabundok na mga Cultivation Resources na hindi nila makakayanang tugunan.
________________________________________________
"P-parang A-awa m-muna L-luis G-guiano, hayaan mo kaming mabuhay" Nanghihinang sambit ng medyo may edad ng lalaki habang iniinda ang kabigatang dala ng paa ni Luis Guiano na para sa kanya ay hindi maipaliwanag na bigat na nakapatong sa ulo nito.
"Hindi naman ako mahirap kausap eh" mahinahong sambit ni Luis Guiano ng sinimulan nitong itaas ang paa nito ngunit mabilis din nitong pinailalim at ibinagsak sa mismong ulo ng medyo may edad ng Mandirigmang Cultivator. Nagkaroon ng malakas na impact sa pagkakapisa ng isang bagay na waalng iba kundi ang ulo ng walang kalaban-labang Mandirigmang Cultivator na ngayon ay wala ng buhay. Isang agarang kamatayan ang bigla na lamang ibinigay ni Luis Guiano na nakangisi pa rin ito na mala-demonyo. Walang bakas na awa o paghabag ang makikita rito at pawang pandidiri sa mga Mandirigmang Cultivators lamang na tingin niya sa mga ito ay mga insektong dapat pisain at hindi na hahayaan pang mabuhay.
"Masyado ng maraming oras tsyong sinayang Elder Jack Mirusa, kailangan na nating magmadali upang masakop na natin ng tuluyan ang maliit na Kontinenteng ito." Puno ng pagkayamot na pagkakasabi ni Zenori Cartagena.
"Kayo na ang bahala at mabuti ngang tapusin niyo na ito ng mapatay ko rin ang mga insekto sa tabi-tabi." Mahinahon ngunit makahulugang sambit ni Jack Mirusa na siyang tumatayong lider sa kanilang grupo.
May namuong kakaibang enerhiya sa buong katawan ni Zenori Cartagena na animo'y kakulay ng dugo. Masyadong malakas nag inilalabas nitong enerhiya partikular na ang kamay nito na nagliliwanag na kulay pula at mararamdaman mo ang napakalakas na enerhiyang bumabalot dito.
Biglang lumabas ang kanyang Martial Spirit na walang iba kundi ang Three-Headed Blood Serpent Beast na isa sa maituturing na malakas na Martial Beast.
"Thousand Shattering Blood Knife!" Malakas na sigaw ni Zenori Cartagena nang mabilis nitong matapos ang isang malakas na Martial Art Skill.
Unti-unting lumitaw ang tinatayang isang libong mga punyal na nakaukit ang mukha at katawan ng isang Three Headed Blood Serpent. Naglalabas ito ng kakaibang liwanag na kukay pula. Mistulang natuod ang mahigit apatnapung Mandirigmang Cultivators na siyang hindi mapigilang hindi manginig ang buong katawan nila dahil sa enerhiyang inilalabas ng isang Martial Stardust Realm Expert na walang iba kundi si Zenori Cartagena.
Agad na pinalioad ni Zenori Cartagena sng kanyang mga maliliit na mga punyal papunta sa kinaroroonan ng mga Mandirigmang Cultivators at agad na itinarak ang mga punyal sa Iba't-ibang parte ng katawan ng mga Cultivators ng paulit-ulit. Maraming mga dugo ang animo'y lumilipad dahil malakas na pagsirit ng mga dugo na animo'y sumasayaw sa hangin. Iba't ibang bahagi ng katawan ng mga Cultivators ang natatamaan at bumabain ng malalim ang bawat saksak ng matatalim at maliliit na kutsilyo dito na makikitaan ng sakit at paghihirap ang mahigit apatnapung Mandirigmang Cultivators na walang tigil sa palahaw sa bawat saksak at baon ng mga punyal.
Arggghhhhhh!!!!!
Tumigil ka na!!!!!
Parang awa mo na!!!!
T-tulong!!!!!
Maraming maririnig sa paligid dito ng mga puno ng paghihinagpis ang bawat Mandirigmang Cultivators na siyang unti-unting paghina.
Phhoooow!
Booogggssshhh!
Pooooookkkkk!
Booommmm!
Maririnig ang mga bawat pagbagsak ng bawat Cultivators sa kanilang kinatatayuan tanda na wala na itong buhay. Dilat ang mga nito at maraming mga saksak itong natamo tanda na naliligo ang mga ito sa sarili nilang dugo.
"Ubos! Hahahahahahahahahahaahahaha!!!"
"Dito lang kayo, may pupuntahan lamang ako."Mahinahong sambit ni Jack Mirusa habang tinatanaw ang hangin.
Nang makita ni Luis Guiano at Zenori Cartagena ang tinatanaw ni Jack Mirusa ay ngumisi lamang ang mga ito tanda na hindi sila makikialam sa bagay na gustong gawin ni Elder Jack Mirusa.
Agad na nawala si Jack Mirusa na animo'y parang bula dahil sa napakabilis nitong paglipad dahil na rin sa mataas nitong Cultivation Level at lumitaw ito sa kinaroroonan ng Invisible Air Bubble.
"Nalintikan na!" Sambit ni Robi Farnon ng maramdaman ang presensya ng isang nilalang na papunta sa kanila ngunit sa bilis nito ay malapit na sila nitong tamaan ng suntok nito ngunit mabuti na lamang ay nakaiwas sila.
"Magaling! Magaling! Magaling! Naiwasan niyo ang aking atake ngunit maiiwasan niyo kaya ito?!" Sambit ni Jack Mirusa na nakangisi at agad na nawala na parang bula.
Nahintatakutan sina Robi Farnon at Lona Silvario ng marinig nito ang sinabi ni Jack Mirusa ngunit hindi na sila nakauma ng biglang lumitaw si Jack Mirusa sa kanilang likuran na mabilis nitong binigyan ng malakas na sipa ang Invisible Air Bubble na siyang dahilan ng mabilis na pagbulusok ng malaking bulang sinasakyan nila Robi Farnon at Lona Silvario. Nagkanda-untog-untog ang mga katawan at ulo ng dalaga't-binata sa isa't isa at sa sinasakyan nilang Invisible Air Bubble.
Agad na bumaon ang Invisible Air Bubble sa lupa na animo'y itinanim ito dahil sa labis na pagkakabaon. Makikita ang naglalakihang mga Crack sa paligid ng Invisible Air Bubble na ngayon ay nakikita ng sariling mga mata ni Jack Mirusa.
Isang malademonyong ngisi ang makikita sa mapulang labi ni Jack Mirusa habang tinatanaw ang kalunos-lunos na sinapit ng dalawang sakay nito.