Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 96 - Chapter 41

Chapter 96 - Chapter 41

Masakit ang pagkakabagsak na natamo ni Robi Farnon at ni Lona Silvario ng walang pasabing sinipa ni Jack Mirusa ang kanilang sinasakyang Invisible Air Bubble. Maraming natamong pinsala sa katawan si Robi Farnon dahil hinigit niya at niyakap niya si Lona Silvario bago pa malalim na bumaon sa lupa ang malaking bulang ngayo'y hindi na makikilala pa dahil sa napakaraming bitak-bitak sa paligid nito. Kung hindi dahil sa malaking bulang ito ay baka agaran silang namatay o kaya ay lubhang napinsala ng gianwang pangahas na atake ni Jack Mirusa. Hindi sila makapaniwala na isa itong traydor at ang hindi maintindihan ni Robi Farnon at Lona Silvario ay ang pagtawag sa kanyang "Elder" ng dalawa pang traydor. Sigurado siyang hindi pangkaraniwang Cultivator o nilalang si Jack Mirusa. Akala nila ay nasa mababang Cultivation Level lamang si Jack Mirusa at minsanan lang kung magcultivate ngunit isa pala itong pagkakamali na isiping mahina ang lalaking ito na medyo may edad na rin.

"Natuwa ba kayo sa inyong napanood mga lider ng Mandirigmang Cultivators? Simula palang 'yan dahil papatayin ko muna ang ugat ng grupong ito at saka ko puputulin ang mga sanga nito." Makahulugang pagkakasabi ni Jack Mirusa habang nakangiti na animo'y parang siansabi niya ito ng natural ngunit hindi matatakpan nito ang tunay na layunin niya.

Nang marinig ni Robi Farnon at Lona Silvario ang sinabi ni Jack Mirusa ay alam nila ang gustong ipakahulugan nito. Nahintatakutan sila sa sinabing ito ni Jack Mirusa ngunit bilang lider ay dapat nilang iwaksi ang negatibong mga negatibong pag-iisip maging ang mga takot na kanilang nararamdaman. Ang pagkakaroon ng takot sa oras ng labanan o digmaan ay normal lamang ngunit kung magpapadala sila sa takot o pangamba ay maaari silang lamunin nito at magdudulot lamang ito ng pagkatalo o pagkasawi ng maaga. Lalaban sila, ito ang nasa isip ni Robi Farnon at Lona Silvario. Wala silang maaasahang tulong mula sa sinuman at tanging ang mga sarili lamang nila ang magiging sandigan nila sa mga oras na ito.

Crack!

"Arrgghhhh!" Impit na daing ni Robi Farnon nang sinubukan nitong tumayo dahil sa marahas na pagkakabulusok nila. Tunog ng mga buto sa kanyang iba't ibang parte ng katawan ang bigla na lamang naririnig dahil ang mga ito ay labis na naapektuhan sa impact ng pagkakabaon sa lupa na siyang nagdulot ng pagkabali, pagkakaroon ng bitak at pagkasalpak ng kanyang mga nuto sa katawan sa kanyang mga muscles at tissue sa katawan kung kaya't hindi basta-basta na makakatayo ito. Agad ginamit ni Robi Farnon ang kanyang Spiritual Sense upang buksan at hanapin ang Tier 6- Recovery Pill at agad na kinain ito. Unti-unting nagkaroon ng epekto ito sa katawan niya at labis ang naging epekto nito ngunit marami pa rin siyang iniindang mga menor na sugat sa kanyang katawan.

Si Lona Silvario ay nagkaroon ng mga pasa sa katawan at kahit na pinotrektahan siya ni Robi Farnon ay nawalan pa rin ito ng malay dulot ng marahas na pagbagsak nila idagdag pang siya ang unang natamaan ng impact ng sipain ni Jack Mirusa ang Invisible Air Bubble.

Agad na binigyan ni Robi Farnon si Lona Silvario ng isang piraso ng Tier-7 Recovery Pill upang mabawasan ang sakit na iniinda nito sa katawan. Agad naman itong kinain ni Lona Silvario dahil alam niyang nasa delikado silang sitwasyon at hindi niya o nila alam ang takbo ng isip ng kanilang kalaban. Hindi naman binigo ng kahanga-hanga at pambihirang Pill ang pagpapabuti ng lagay ni Lona Silvario kungkayat masasabi mong hindi na masyadong nasa kritikal na kondisyon ang dalawang pinuno ng grupo ng Mandirigmang Cultivators.

Nang makita ni Jack Mirusa ang kalagayan ng sakay ng Invisible Air Bubble na nasa kalunos-lunos na kondisyon ay nanghahamak itong nakatingin sa kanila.

"Kaawa-awang nilalang. Masyado kasi kayong nangingialam eh. Mabuti pang ialay niyo na lamang ang inyong buhay sa Serpien Continent at pagserbisyuhan niyo kami. Walang sinuman ang makakapigil sa amin kahit na kayo pa ang Mandirigmang Cultivators ng Maliit at basurang kontinenteng ito!" Malakas na sigaw ni Jack Mirusa na pasinghal. Naiinis na siya sa mga Mandirigmang Cultivators na ayaw magpasakop sa kanila. Para sa kanya ay kapaki-pakinabang pa rin ang mga ito at mas madadagdagan ang kabuuang puwersa nila kung susunod lang ang mga ito sa kanilang pinag-uutos sa ilalim ng administrasyon at pamamahala ng Serpien Continent.

"Sinasabi mo bang gagaya kami sa mga traydor na katulad niyo? Kailanman ay hindi namin tatalikuran ang sinumpaan naming tungkulin sa maliit na Kontinenteng ito ng Hyno. Mamamatay muna kami bago niyo maangkin ang lupang pagmamay-ari namin!" Buong tapang na pagkakasabi ni Lona Silvario na puno ng emosyon ang bawat katagang kanyang binibitawan. Makikita ang pag-alab ng kanyang damdamin.

"Hindi namin ipagpapalit ang aming dignidad at reputasyon bilang mandirigmang Cultivators dahil lang personal na hangarin at pagiging ganid sa anumang bagay. Hindi kami magpapadala sa makamandag niyong salita dahil lang sa mas mahina at sa tingin niyong insekto lang kaming pwedeng laruan at pasunudin upang gawing sangkap sa inyong plano. Pwes, nagkakamali kayo!" Mahabang sambit ni Robi Farnon at puno ng paninindigan ang kanyang sinasabi habang nakatingin ito ng diretso sa direksyon kung saan nakalutang si Jack Mirusa sa hangin.

Sa isang iglap lamang ay mabilis na nakarating si Luis Guiano at Zenori Cartagena sa likuran ni Jack Mirusa na nakasimangot dahil na rin sa narinig nila ang nakakadiring mga salita mula sa mga itinuturing nilang mga insekto.

"Ang lakas ng loob niyo mga insektong nilalang upang pagsalitaan kaming mga Elder ng Serpien Continent lalong-lalo na ang Core Elder namin. Isa lamang kayong insekto na walang karapatan upang pagsalitaan ang mas nakakataas sa inyo!" Nanggagalaiting sambit ni Luis Guiano na namumula dahil sa galit. Halatang nagpipigil lamang ito dahil narito ang kanilang Supreme Elder kung kaya't hindi niya mapatay-patay ng madalian ang dalawang itinuturing niyang insekto sa harap niya.

"Hindi nila alam kung sino ang dapat katakutan at pinaglilingkuran, hindi dapat ang nagbabalat-kayo na matandang si Mr. V ang kailangan nilang paglingkuran kundi tayo dapat na malalakas at nasa tamang edad na maraming karanasan ang dapat na paglingkuran hindi ang mga mabababang nilalang kagaya ng batang iyon!" Paasik na pagkakasabi ni Zenori Cartagena habang nakatingin sa dalawang mandirigmang Cultivators na alam niyang mga lider ito ng grupong ito na ngayon ay nangangalahati na lamang. Habang inaalala niya kung paano magmakaawa at kung oaano niya kitilan ng buhay ang mga insektong mga nilalang na iyon ay nangangati na naman ang kanyang mga palad upang kitilan din ang kalahati pang mga mandirigmang Cultivators maging ang mga lider na mga ito.

Habang nagsasalita sina Luis Guiano at Zenori Cartagena ay nag-uusap naman sina Robi Farnon at Lona Silvario sa pamamagitan ng mind link. Nagkakaroon ng tensiyon sa kanilang dalawa lalo na sa oras na ito.

"Kailangan mo ng umalis sa oras na mapipigilan ko sila Robi, ito lang ang tangi nating paraan!" Sambit ni Lona Silvario sa maawtoridad nitong boses. Halatang naiinis na siya sa pagiging pasaway ni Robi Farnon lalo na matigas nitong ulo.

"Hindi ako makakapayag Lona, hindi ko iyon kayang gawin. Makikipaglaban ako hanggang sa huling hininga ng aking buhay!" May diin sa bawat salitang sinasalita niya kay Lona sa kaniang mga isip.

"Huwag ngayon Robi, alam mong hindi lamang tayo ang nasa peligro kundi maging ang buong grupo natin at ang iba pang mga Mandirigmang Cultivators na nasa iba't ibang parte ng Hyno Continent. Hindi lamang tayo ang mamamatay kundi lahat tayo kung paiiralin mo ang iyong katigasan ng ulo!" Sambit ni Lona ng may diin sa bawat salitang ibinabahagi niya kay Robi Farnon.

"Pero-----" sambit ni Robi Farnon ngunit agad itong pinutol ni Lona Silvario.

"Bilang lider ng Mandirigmang Cultivators, inuutusan kitang sundin ang aking pinag-uutos at sinasabi. Kung huling pagkikita na natin ito ay huwag na huwag kang babalik dito upang sagipin ako. Uunahin mo ang nakararaming buhay kaysa sa akin!" Maawtoridad na pagkakasabi ni Lona Silvario na halatsng tinatapangan niya lamang ang kanyang boses ngunit sa loob-loob niya ay parang matutumba na siya. Wala na siyang maaaring gawin kundi ang magsakripisyo. Ang isakripisyo ang sariling buhay niya upang sagipin ang maaaring masagip na buhay na alam niyang ito ang tamang desisyon. Kaya niyang magsakripisyo alang-alang sa lahat ng nabubuhay dito sa kontinente. Nakangiti siya habang masagang lumuluha at nadudurog ang kanyang puso. Sa kawalang-hiyaang ginagawa ng tatlong Lider ng tatlong Departamento ay siguradong hindi ito magpapakita ng anumang awa sa kanila.

Nagsagawa ng Technique si Lona Silvario. Ang kanyang alas sa pakikipaglaban.

"Clone Mirror Reflection!"malakas na sigaw ni Lona Silvario ng matapos niya ang kanyang Technique na hindi inaasahan ng tatlong kalaban nila.

Kikilos pa sana ang tatlong lider na ngayon ay kalaban na nang biglang binalot ang kanilang mata ng napakasilaw na liwanag na siyang pagkakataon upsng makaalis si Robi Farnon ng hindi nalalaman ng tatlong malalakas na kalaban.

"Wala akong makita!"Reklamo ni Zenori Cartagena habang nakasimangot ito.

"Anong klaseng Technique 'yan!" Naiinis na sambit ni Luis Guiano dahil ayaw na ayaw niyang nasisilawan.

"Walang kwenta! Kung inaakala niyong makakatakas kayo pwes nagkakamali kayo.

"Titanic Blue Serpent Energy Spitting!" Malakas na sambit ni Jack Mirusa ng mabilisan niysng natapos ang kanyang Technique. Agad na lumitaw ang kanyang Martial Spirit na isang Titanic Blue Serpent na mas malakas at makapangyarihan kaysa sa Martial Soul ni Luis Guiano at Zenori Cartagena. Isa siyang Core Elder na hindi maaaring balewalain ng dalawang Elder na medyo mababa lamang ng konti sa kanyang posisyon. Sina Luis Guiano at Zenori Cartagena ay mga Inner Elder na malapit na mahalal bilang Core Elder kung magtatagumpay sila sa misyong muling mapasailalim ang Kontinenteng ito at gawin ang malakihang Bloodbath Rituals. Ang lahat ng mga nabubuhay rito ay gagawing alay dito at ibabalik nila ang seal na mas malakas kumpara sa Seal na nauna at upang magkaroon sila ng mas makapangyarihang Forbidden Weapons at Forbidden Pills na yayanig sa Three Great Continents at sa mas malaking plano ng Serpien Continent sa ilalim ng Black Evil Organization.

Biglang umulan ng napakaraming Kulay bughaw na likido sa himpapawid na mabilis na bumubulusok papunta sa direksiyon nina Lona Silvario at Robi Farnon.

Isang malakas at dumadagundong na pagsabog ang maririnig sa lugar na ito at nagkaroon ng mga usok at mahihinang paglindol dulot ng malakas na enerhiyang bumabaon sa lupa partikular na ang lugar kanina nina Lona Silvario. Naglikha ng makakapal na usok at hindi kaaya-ayang amoy ng nasusunog na bagay ang pumalibot sa lugar na ito. Ang kaning Crack o bitak-bitak na animo'y gawa sa salamin na Invisible Air Bubble sy mistulang natunaw ang malaking bahagi nito dahil sa malaasidong enerhiya na pinaulan ni Jack Mirusa galing sa itaas o sa himpapawid direkta sa lupa na lokasyong gusto nitong patamaan.

Nang mawala ang nagkakapalang usok at pghinto ng mahihinang lindol ay hindi na makikilala ang lugar na ito sapagkat matatanaw mo sa itaas o sa himpapawid ang butas-butas na tipak ng lupa at pagkakaroon ng malalalim na hukay at mga parang dinaanan ng buhawi dahil sa mahahabang linyang nasunog dahil na rin sa napakadelikadong asidong enerhiya na ipinalasap ni Jack Mirusa dulot ng kanyang makapangyarihang Martial Spirit na isang Titanic Blue Serpent.

Ngunit nagulat na lamang ang tatlong Cultivator ng biglang may umatake sa kanilang tatlong nilalang na magkakapareho ang mukha. Mukha ng lider ng Mandirigmang Cultivators na si Lona Silvario na nakatakip ang ilong at bibig nito ng kulay itim na panyo.

Hahahaha... Nakakatawang insekto. Mabilis lang namin itong mapapatay kung anumang klaseng Technique ang ginawa mo upang pigilan kami hahahaha!" Natatawang si Luis Guiano ang bigla na lamang nagsalita dahil para sa kanya isa itong katatawanan.

"Tingnan lang natin!" Sabay-sabay na sabi ng tatlong magkakamukha na kamukha ni Lona Silvario. Animo'y mga triplets ang ito.

Bigla na lamang lumitaw ang tinatayang isang libong mga Clones na kamukhang-kamukha ni Lona Silvario. Bigla na lamang ng mga itong sinugod sina Jack Mirusa, Zenori Cartagena at Luis Guiano. Maliliksi ang mga ito na animo'y mga uod at mala-goma kung gumalaw dahil na rin sa ekspertong gumagalaw ang katawan nito sa malalambot na paraan na animo'y mga walang buto.

"Tatapusin ko lang ito Core Elder Jack sa isang tira lamang!" Sambit ni Luis Guiano. Sa ngayon ay siya muna ang bahala dito dahil siguradong marami pa silang gagawin upang ubusin at pahinain ang puwersa ng kontinenteng ito at inuumpisahan nila ito sa nagkawatak-watak na mga mandirigmang Cultivators na pangunahing opensa ng Hyno Continent. Masyadong matagal na ang oras na ginugol nila rito kung kaya't kailangan na nilang umalis.

"Air Ramaging Punch!" Sambit ni Luis Guiano, agad na lumitaw ang Martial Spirit nito na isang Serpyente na kulay Pula ngunit ang nakakatawag pansin rito ay may kamay ang mga ito. Isa itong Hollow Blood Serpent na isa sa pinakadelikadong Martial Spirit na magaling sa larangan ng pakikipaglaban sa malapitan.

Agad na tumalon ng malakas si Luis Guiano upang puntiryahin ang tatlong magkakamukhang dalaga na si Lona Silvario. Naiinis na siya sa katusuhan ng dalaga at hindi nila ito mahuli-huli o mapatay.

"Mirror Augmented Shield!" Sambit ni Lona Silvario nang makita ang paparating na si Luis Guiano na sigurado siyang siya ang papatamaan nito ng malakas nitong atake.

Agad na pinatama ni Luis Guiano ang kanyang malakas na skill kay Lona Silvario na siyang nagdulot ng malakihang pagsabog sa paligid. Nagkiskisan ang malakas na skill ni Luis Guiano sa malaking shield ni Lona Silvario. Makikita ang malaking Crack sa Shield ni Lona Silvario na gawa sa salamin. Tumulo ang dugo sa ilong ni Lona Silvario dahil sa malakas na atakeng iyon ni Luis Guiano. Halos walumpong daang clone ang nawala na siyang nangangahulugang napakalakas talaga n atake ang ipinamalas ni Luis Guiano upang patumbahin si Lona Silvario. Ang lagay ng dalaga ay sobrang kalunos-lunos na lalo pa't naliligo na ito sa dugo ngunit patuloy pa ring lumalaban.