Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 94 - Chapter 39

Chapter 94 - Chapter 39

Napakahirap magkaroon ng ganitong pambihirang bagay ang ni isa sa kanila. Siguradong malaking Contribution Points ang ipinalit ni Robi Farnon sa Invisible Air Bubble na ito. Kajit na pandalawahang tao lamang ang pwedeng isakay nito ay malaking bagay pa rin ito at napakabilis din nitong lumipad idagdag pang hindi ito mawawasak ng sinumang Cultivator na may ranggong Bloodline Awakening Stage pababa. Alam ni Robi Farnon na hindi malalakas ang mga lider ng tatlong department na nasa Bloodline Awakening Stage pa lamang kung Kaya't kampante siyang hindi sila magagalaw ng mga Cultivators na mga ito.

Agad na in-activate ni Robi Farnon ang isang Invisible Air Bubble. Ito ang unang beses na gagamitin niya ito ng may kasama at iyon ay ang inip na inip ng si Lona Silvario na para sa kanya ay likas na amazonang babae dahil siya lamang ang babaeng kung manakit o mangbugbog ng mga kalalakihan sa loob ng Hyno Academy o Hyno Academia ay normal na lamang kung kaya't walang nagnanais na manligaw rito dahil sa takot na baka mamamatay lamang silang bugbog-sarado rito. Ngunit dahil din sa pagiging bayolente ng amazonang si Lona Silvario ay nagagawa niyang pasunurin ang kanyang mga miyembro sa patas nitong pamumuno na kung minsan ay may pagkaisip-bata na tinatawanan na lamang ni Robi Farnon.

Natigil ang pagbabalik-tanaw ni Robi Farnon ng biglang sigawan siya ng amazonang babae.

"Ano pang tinutunganga mo diyan Robi, Gusto mo yatang bugbugin kita eh!"inip na inip na pagkakasabi ni Lona Silvario na nakasakay na sa isang malaking bula. Agad ring natauhan si Robi Farnon dahil sa pambabara ni Lona Silvario sa kaniya. Malakas itong sinabi ng dalaga na siyang ikinalingon ng limampu't isang mandirigmang Cultivator.

"Ito na po kamahalan..." Sambit ni Robi Farnon habang nagkakamot ng batok nito. Agad siyang sumakay sa malaking bula.

"At kayo, anong nililingon-lingon niyo riyan, huwag niyong sirain ang Battle Formation niyo dahil malilintikan kayo sakin! Maging alerto kayo sa inyong paligid, babalik din kami maya-maya." Paalala ni Lona Silvario sa mandirigmang Cultivators na halos banta na ito para sa lahat. Parang nanginig ang buto't-laman ng mga mandirigmang Cultivators sa kanilang narinig mula sa dalagang amazona.

"Masusunod po Pinuno!" Sabay-sabay na bigkas ng mga Mandirigmang Cultivators kay Lona na may kasamang yoko.

"Siguraduhin niyo lamang dahil mmbdkdlslssnsjskalamsmdzan jajajdkxzlfsn...!" Mahabang pagkakasabi ni Lona Silvario ngunit agad na tinakpan ni Robi ang pasukan ng Bula at mabilis na pinalutang at pinalipad ito.

Medyo malayo na sila sa kanilang paglipad ng bigla siyang sigawan ni Lona Silvario. Namumula na ito dahil sa inis kay Robi Farnon.

"Bakit mo naman pinalipad agad Robi Farnon, masyado mo yatang kina-career ang pagiging vice leader mo!" Nakasimangot at namumulang mukha ng dalaga dahil naiinis ito habang nagsasalita ito ng malakas na animo'y isang sigaw na ito.

"Hinaan mo ang boses mo Lona, o gusto mong ilaglag kita dito at iwan dito sa lugar na ito." Malakas ding pagkakasabi ni Robi Farnon habang may mapagbanta at seryosong ekspresyon ang nakikita sa mukha maging sa tono ng boses nito.

"Titigil na po, masyado ka yatang seryoso eh. Biro lang yun noh!" Sambit ni Lona Silvario malambing nitong boses.

"Tigilan mo ko Lona, nasa alanganin at delikado tayong sitwasyon ngunit nagawa mo pang magbiro ng ganyan. Siguradong kamatayan lamang ang naghihintay sa atin kung mag-aasal bata ka!" Sambit ni Robi Farnon ng seryoso sa nakayuko na ngayong dalaga.

"Sorry naman eh..." Sambit ng dalaga na ngayon ay sumisinok-sinok na tanda na parang umiiyak na ito.

"Okay, wag ka ng umiyak diyan. Okay lang magkamali Lona pero sana ay huwag mong gawing biro ito. Digmaan ito at ang pag-iyak mo ay tanda lamang na iyong kahinaan ngunit dapat ay huwag mong ipakita na mahina. Ikaw ang pinuno namin kung kaya't naniniwala akong o kami na isa kang tunay na lider." Mahinahong pagkakasabi ni Robi Farnon upang pagaanin at palakasin ang loob ni Lona Silvario. Alam niyang sobrang tapang ng babaeng ito para sa lahat, na amazona ito ngunit tao pa rin siyang may damdamin. Hindi maitatangging babae ito at madaling masaktan kapag inatake mo ito sa emosyonal na paraan.

"Salamat sa iyong sinabi Robi. Hindi dapat ako maging mahina sa harap mo o sa harap ng ating grupo maging sa ating kaaway. Ako ang lider ng grupong ito kung kaya't ako dapat ang huling paghihinaan ng loob at dapat magsakripisyo. Ngayon alam ko na kung bakit ikaw ang pangalawang lider na dapat ay isang lider din." Sambit ni Lona habang nakangiti ito kay Robi Farnon. Ngiting puno ng buhay. Totoo at walang halong bigat o sama ng loob.

Natigil sila sa paglipad ng makita ang kasalukuyang nangyayari sa tatlong Pinuno ng tatlong Departamento ng Alchemy Powerhouse Association at ng apatnapu't-pitong mandirigmang Cultivators. Naabutan at nasaksihan nilang dalawa ni Robi ang mga maaanghang na argumento at diskusyon ng dalawang panig.

"Ipapaintindi ko sa inyo ang lahat, mga piniling maging mandirigmang Cultivators ng Hyno Continent. Walang kwentang lider si Mr. V!"sambit ni Jack Mirusa habang nakangisi ito na animo'y ngayon lamang nito nailabas ang lahat ng kanyang gustong sabihin noon pa man.

"Huwag mong madamay-damay si Ginoong V sa pagiging taksil mo! Isa kang taksil na tinalikuran ang tungkulin para walang kwentang mga bagay at possesyon!" Pagalit na pagkakasabi ng medyo may katandaang mandirigmang Cultivator.

" HAHAHA, ang tungkulin ko ay isa lamang kalokohan ngunit dahil doon ay mas yumaman pa ako o mas mabuting sabihing kami bwahaha!" Sambit ni Jack Mirusa na animo'y baliw.

Napasinghap si Lona Silvario ng marinig niya ang sinabi ni Jack Mirusa habang si Robi Farnon ay kalmadong nakikinig ngunit sa loob nito ay halos sumabog na siya sa galit.

"Mga mangmang na mga Cultivators lalo na ang sinasabi niyong Mr. V. Hindi siya karapat-dapat na mamuno sa Hyno Continent o kahit na sa Alchemy Powerhouse Association. Ang Serpien Continent pa rin ang mamumuno at patuloy na mamumuno sa maliit na basurang kontinenteng ito." Sambit naman ni Zenori Cartagena na nakangisi at hindi mapigilang humalakhak.

"Anong sinasabi mong patuloy na mamumuno, para sabihin ko sayo Zenori Cartagena ay ang Royal Clan ang namumuno at hindi ang walang kwentang Serpien Continent.

"Kawawang mga nilalang, ni hindi nga kayo sinabihan ng magaling niyong pinuno raw na si Mr. V. Isang walang kwentang pinuno na kung makautos akala mo kung sino!" Pabakang na pagkakasabi ni Luis Guiano na parang gigil na gigil kay Mr. V.

"Pabayaan niyo nalang ang mga mangmang na iyan. Hindi nila alam ang tunay na anyo ng matandang hukluban na iyan!" Sambit ni Jack Mirusa kay Zenori Cartagena at Luis Guiano ngunit hindi ito nakaligtas sa pandinig ng apatnapu't-pitong mandirigmang Cultivators.

"Anong anyo ni Ginoong V ang sinasabi niyo? Masyado kayong gawa-gawa ng kwentong walang katuturan!" Sambit ng isang medyo bata pa na isa sa mga mandirigmang Cultivators.

"Panoorin niyong mabuti ito mga mangmang!" Sambit ni Jack Mirusa habang hawak ang isang maliit na cube na gawa sa kakaibang materyales. Ito ay ang Cube Visual Recorder na isa ring pambihirang bagay na hindi makikita sa kontinenteng ito. Ang bagay na ito ay walang dudang pagmamay-ari ng Serpien Continent.

Agad na in-activate ni Jack Mirusa ang nasabing Cube Visual Recorder at bigla na lamang may lumabas na itim na usok sa cube at pumorma ng parisukat na hugis na animoy isang screen. Unti-unting may liwanag na lumabas sa kulay itim na cube at biglang ipinakita ang mga pangyayari kung saan ay ibinunyag ni Mr. V ang kanyang katauhan. Makikita sa screen ang malabong mukha at kabuuang porma ng bata ngunit hindi klaro. Halatang may kakaibang bagay na lumiliwanag sa katawan ng batang Cultivator. Walang dudang batang Cultivator lamang ang inaakala nilang matandang Cultivator ito.

Napasinghap at napaawang ang bibig ng mga mandirigmang Cultivators sa kanilang nalamang katotohanan. Hindi nakaligtas sina Lona Silvario at Robi Farnon nang masaksihan din nila ang ikinapaloob sa Cube Visual Recorder. Base sa ipinakitang record ay walang dudang totoo ito. Hindi nila aakalaing isang bata lamang si Mr. V na sobrang musmos pa lamang ito.

"Sa nalaman niyong katotohanan ay sigurado akong hindi na ganon kataas ang tingin niyo kay Mr. V, pero may gusto akong ialok sa inyo na kondisyon at matutuwa kayo sa benepisyo at gantimpalang makukuha niyo." Sambit ni Jack Mirusa habang nakangisi sa harap ng mga mandirigmang Cultivators.

Marami ang nagkakaroon ng pagbaba ng tingin sa kakayahan ni Ginoong V o mas mabuting sabihing kay Van Grego. Halatang wala na silang tiwala sa matanda na bata pa lamaang talaga ito. Hindi din nila nagustuhan ang paglilihim na ginawa ni Mr. V at sa mga pagpapanggap na siyang nagdulot ng masamang bunga katulad ngayon. Parang nawalan sila ng lakas upang lumaban hanggang sa huli lalo pa't sa nalaman nila ay hindi sila masisisi kung mawalan sila ng katapatan at respetong sa kanilang hinuha ay pinaglaruan lamang sila ng batang si Van Grego.

"At ano naman iyon Ginoong Jack Mirusa?!" Sambit ng medyo may edad ng Mandirigmang Cultivator na hanggang ngayon ay parang lutang pa rin sa mga sikretong nalaman niya.

"Gusto komg lumaban kayo sa ngalan ng Serpien Continent. Talikuran niyo ang kontinente ng Hyno!" Nakangiting sambit ni Jack Mirusa habang nakatingin sa apatnapu't-pitong mandirigmang Cultivators.

"Ano?! Hindi maaari ang iyong hinihinging kondisyon Ginoong Jack!" Malakas na pagkakasabi ng isang may kapayatang mandirigmang Cultivator. Halatang nagulat ito sa Kondisyon o pabor na hinihiling ni Jack Mirusa sa kanila. Ang pagtalikod sa kontinente ng Hyno ay isa na ring kahulugan ng pagtataksil sa sariling bayan nila.

"Hindi maaari ang iyong hiling Ginoong Jack,masyadong malaking pabor ang iyong hinihiling at hindi nin iyong matutugunan." Mahinahong pagkakasabi ng isa pang mandirigmang Cultivator habang nakatingin kay Jack Mirusa.

Madami pang mga pagtanggi at hindi pagsang-ayon ang narinig ni Zenori Cartagena, Luis Guiano at Jack Mirusa mula sa mga mandirigmang Cultivators na siyang nagpasiklab ng kanilang galit.

"Dahil sa inyong pagtanggi sa aking mahinahong pakiusap at pabor ay siguro ay oras na para daanin kayo sa dahas." Sambit ni Jack Mirusa habang nakangisi na animo'y nasisiraan na ng bait.

"Anong ----- accccckkkk!" Sambit ng isang mandirigmang Cultivator ngunit agad ding nalagutan ng hininga ng mabilis na bumaon ang isang may kahabaang punyal sa ulo nito. Tumalsik ang napakasaganang dugo sa paligid.

"Pangahas kay--------- orrrccckkkkkk!" Sambit ng isa pang Cultivator ngunit agad siyang sinikmuraan ni Luis Guiano. Ang suntok nito ay animo'y pako na ipinako sa kahoy. Binutas nito ang tiyan ng isang mandirigmang Cultivator ng waalng kahirap-hirap.

"Battle Formation!" Sambit ng medyo may edad ng Mandirigmang Cultivators sa lahat ng kanyang mga kagrupo.

Mabilis na bumuo ng Battle Formation ang apatnapu't-limang Cultivator. Alam nilang hindi lamang dalawa ang mamamatay kung hiwa-hiwalay sila. Hindi nila sukat akalain na may itinatagong lakas ang mga tatlong pinuno ng tatlong Departamento na kayang patayin ang isang Cultivator sa isang kisap-mata lamang.

"Kahit na magsagawa pa kayo ng Battle Formation ay hindi niyo kami matatalo kahit ni isa sa amin hahaha!" Nakangising demonyong sambit ni Jack Mirusa habang nakatingin sa mga Mandirigmang Cultivators. Hindi mo aakalaing siya o sila ito dahil napakabait ng mga ito sa kahit na sino sa kanila na lubos na hinahangaan ng lahat ngunit ito ngayon, ipinamukha sa kanilang mali ang kanilang pagkakakilala sa mga inaakala nilang tutulong sa kanila sa oras ng digmaan ay siya palang maghahatid sa kanila sa kapahamakan.

"Akala namin ay totoong mababait kayo at may paghahalaga sa kontinenteng ito, iyon pala ay hindi!"

"Mayroon palang pinalaking mga ahas sa loob ng Asosasyon. Sana ay mamatay na kayong mga demonyo kayo!"

"Mga walang utang na loob kayo, mananaig pa rin ang mabuti sa masama!"

"Hindi kailanman mananalo ang kasamaan na katulad niyo sa mga mabubuti!"

Marami pang mga maaanghang na argumento at mga pahayag ang ibinabato ng mga Mandirigmang Cultivators sa tatlong nilalang na nasa harapan nila.

"Kahit ano pang sabihin niyo ay wala rin lamang kayong magagawa. Ang tangi niyo lamang na magagawa ay sumunod sa pinag-uutos namin at makakalaya kayo sa anumang naghihintay na matinding parusa sa sinumang kumalaban sa amin hehehe!" Sambit ni Luis Guiano na nakangiti na ngayon. Ngunit ang mata nito ay nagsasabi ng salungat sa kanyang ipinapakitang ekspresyon sa mukha.

"Kumampi na lamang kayo sa amin. Ipinapangako ko na hindi namin kayo pahihirapan ng mga mahal niyo sa buhay. Ituturing namin kayong parang pamilya at sarili naming kadugo." Sambit ni Zenori Cartagena na may maamong mukha. Ngunit sa likod nito ay nanggigil na ito sa katampalasanan at katigasan ng ulo ng mga Mandirigmang Cultivators.

"Tama ang sinabi nila Luis Guiano at Zenori Cartagena, pumunta sa harapan namin ang gustong makamit ang kalayaan at mapayapang buhay. Ipinapangako kong magiging tama ang desisyon niyo." Nakangiting sambit ni Jack Mirusa habang tinitingnan isa-isa ang mga Mandirigmang Cultivators upang personal na suyuin ang mga ito at kunin ang kanilang loob.

Dahil sa mga sinabi ni Jack Mirusa ay halos lahat ng mga Mandirigmang Cultivators ay unti-unting nakumbinsi sa mga sinabi nito. Totoong gusto nila ng kalayaan at mapayapang pamumuhay lamang na siyang gusto nilang makamit noon pa man.

Unti-unting nagkaroon ng pagkabuwal ng Battle Formation ng mga Mandirigmang Cultivators. Naglalakad na ng paabante papunta sa tatlong nilalang na sina Jack Mirusa, Luis Guiano at Zenori Cartagena ang mandirigmang Cultivators ng magsalita si Zenori Cartagena.

"Time to harvest hehehe!" Nakangising demonyong sambit ni Zenori Cartagena habang tinatanaw ang kaniyang bibiktimahin.

"Mga bobo at mga uto-utong nilalang!" Sambit ni Luis Guiano na nakangisi rin. Agad rin nitong tinadaan ang kaniyang papatayin.

"Let's go Boys, Killing Spree Time!" Sambit ni Jack Mirusa na siyang nagbigay ng hudyat upang gawin ang kaniyang plano. Ang kitilin ang buhay ng mga Mandirigmang Cultivators na nasa harapan nila mismo.

Para kay Jack Mirusa, ang mundong ito ay para sa malalakas lamang. Ang malalakas lamang ang maaaring mamuno at ang pagiging mahina at pagkakaroon ng mga makataong damdamin sa mga mahihina ay siyang pagbagsak ng sinumang nilalang. Walang masama at mabuti dito. Ang malalakas lamang ang mananalo at sigurado siyang sila ang mananalo sa digmaang ito. Ang Serpien Continent pa rin ang magiging makapangyarihang Kontinente sa buong teritoryo ng three Great Continents. May layunin silang gustong mithiin, isang sikretong layuning gigimbal sa kanilang karatig-kontinente.