Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 89 - Chapter 34

Chapter 89 - Chapter 34

Sa isang iglap ay nawala na parang bula si Framiyo na walang bakas na iniwan maging sa kung paano ito nakaalis sa kakaibang silid na kanyang kinalalagyan.

"Medyo nakaramdam si Framiyo ng kakaibang pangyayari lalo na sa pagbabago ng atmospera ng kanyang paligid. Unti-unti niyang minulat ang kanyang mata upang tingnan kung nakaalis ba siya o hindi. Nakatayo siya ngayon na siyang kaibahan kanina na nakaupo siya.

Nang minulat niya ang kanyang pares na kulay dilaw na mata ay halos hindi siya makapaniwala lalo pa't nasa tapat na siya ng tarangkahan maging ang mga posas na nakakabit sa kaya ay wala rin. Ngayon ay napatunayan niyang totoo ang sinabi ng matandang si Mr. V. Na pambihira ang abilidad ng kakaibang bato na tinatawag na Wrap Stone. Napangiti siya ngunit agad rin siyang napangiwi dahil sa mga bugbog na tinamo niya mula sa mabagsik at mabigat na kamay ni Rant. Maging ang kanyang bibig at ngipin ay hindi nakaligtas sa impact ng malalakas nitong suntok at pambubugbog sa mukha niya.

Agad siysng lumapit sa guwardiyang bantay sa loob ng malaking tarangkahan mismo. Agad niyang iwinaksi ang kanyang hiya lalo pa't siguradong mamamatay siya ng maaga kung maabutan siya ni Rant o ng mga tauhan niya maging ng pinsala niya sa katawan ay siguradong lalala at mas hihina ang kanyang lakas lalo pa't hindi niya mapoprotektahan ang kanyang sarili laban sa kanyang maaaring masagupang kaaway.

"Kailangan ko ang tulong ni Mr. V nais ko-------" Sambit ni Framiyo sa nanghihina nitong boses. Halatang pinipilit nitong magsalita ngunit agad ding naputol ito ng biglang may lumitaw na isang nilalang sa himpapawid.

"Nandito ka lang pala, mabuti at hindi na ako mahihirapan sa pagtunton ng mga kasagutan tungkol sa hinaing ni Maestro Rozaldo." Sambit ni Rant na ngayon ay nakangising demonyo habang tinitingnan ang nanghihinang si Framiyo.

"Ngayon para sa pinal na engrandeng atake na para sa'yo lamang Framiyo, tikman mo to!" Sambit ni Rant na my halong panggigigil ngunit ang ekspresyon ng mukha nito ay kakikitaan ng sobrang pagkagalit lalo pa't masyado ng mahaba ang panahong sinayang ng itinuturing niyang basurang si Framiyo. Wala na siyang dahilan upang buhayin pa ito ng matagal. Kutang-kuta na ito sa kanya.

"Dance of the Four-Tailed Dark Serpent!" Pasigaw na pagkakasabi ni Rant habang nagsasagawa ng Technique. Mistula siyang sumasayaw na animo'y isang ahas na may komplikadong kilos ng katawan. Sa huli ay mabilis na lumitaw ang Martial Beast nito na isang Four-Tailed Dark Serpent.

Bago pa makakilos si Framiyo ay mabilis na natapos ang ginawang atake ni Rant at direkta itong pinatama sa direksyon mismo ni Framiyo na hanggang ngayin ay mistulang tuod. Hindi na pumikit si Framiyo lalo pa't imposible niyang maiwasan ito dahil na rin sa sobrang panghihina niya at unti-unting kakabalik pa lamang ng kanyang na-restrict na Cultivation Level at maging ng mga abilidad niya. Napakahina niya, ito ang naiisip niya habang maluwag sa loob niyang tanggapin ang napakalakas na atakeng gagawin ni Rant. Kung itinadhana siyang mamatay mismo ngayon ay maluwag niyang tatanggapin ang malupit na kamatayan mula kay Rant.

Malapit ng tumama ang napakalakas na skill ni Rant kay Framiyo na ilang dipa lamang ang layo bago ito tumama kay Framiyo ay isang nilalang ang lumitaw harapan ni Framiyo at ginawang kakaibang kilos na kamay.

Nang tumama ang atake ni Rant sa kinaroroonan ni Framiyo ay natuwa siya lalo pa't siguradong patay na ang mga ito.

"Kaawa-awang nilalang, binuwis lamang ang buhay niya sa wala hahahaha!" Sambit ni Rant nang matanaw ang pagsabog dulot ng kanyang malakas na atake.

Ilang minuto ang nagtagal ngunit patuloy pa rin ang pagkakaroon ng pagsabog na siyang ipinagtataka ni Rant dahil parang may kung anong bumabangga sa kayang atake.

"Imposible, Papaanong----"Hindi makapaniwalang sambit ni Rant sa kanyang isipan ngunit hindi niya ito isinatinig. Kahit ni isa ay walang nakapagpigil sa kanyang "Dance of the Four-Tailed Dark Serpent" na isa sa malakas niyang atake. Ngunit ilang minuto pa ang nakalilipas ang nawala na ang tunog ng pagsabog maging ng salpukan ng puwersa ng atake.

Tinanaw ni Rant ang kinalalagyan ni Framiyo at ng misteryosong nilalang na humarang sa atakeng ginawa niya mismo. Ganon na lamang ang pagkabigla niya ng walang pinsalang natamo ang nilalang na humarang sa kanyang malakas na atake maging si Framiyo ay wala ni isang sugat man lang.

...

Handa na sanang tanggapin ni Framiyo ang malagim na kamatayan niya ngunit hindi nangyari dahil sa isang nilalang ang nagligtas sa kanya. Isang matandang lalaking nakasuot ng puting roba ang humarang sa malakas na atake ni Rant na siyang pumigil sa maaaring matamong pinsala niya. Kilalang-kilala niya ito, walang iba kundi si Ginoong V. Ang unang taong nagpakita sa kanya ng kabutihan kahit na isa siyang mamamatay-tao na kilala sa pagpatay ng mga Cultivators. Hindi niya alam ngunit masaya siya lalo pa't ikaapat na beses na siya nitong pinakitaan ng kabutihan imbes na kapintasan at panunuya. Una ay ang pagpigil nito sa dalawang estudyante o disipulo niya sa pagpatay sa kanilang dalawa ni Commander Wilson. Pangalawa ay ang pagbibigay ng gantimpala o pabuya kahit na hindi naman nila natalo ang mga estudyante nito. Pangatlo ay ang pagbigay sa kanya ng kaalaman patungkol sa pambihirang bagay upang makaligtas sa sakuna. Pang-apat ay sa kasalukuyang pangyayari na kinakaharap niya ngayon na hinarangan ang sanay atakeng tatama sa kanya. Hindi niya lubos maisip na kahit sobrang masama niyang tao maging sa kaniyang paggawa ng masamang bagay ay mayroon pa ring taong kaya siyang tulungan maging ang protektahan. Hindi niya alam na may tutulong pa sa kanya kahit na sobrsng patapon na ang buhay nito. Alam niyang wala siyang kwentang tao simula ng mawalan siya ng pamilya. Wala ng direksiyon ang buhay niya kung kaya't ano pa ang silbi nito? Ngunit ngayon ay nabuhayan siya ng loob dahil alam niyang binibigyan pa siya ng panahon st pagkakataon na magbago, na ayusin ang buhay niya sa pamamagitan ni Ginoong V.

"Bakit mo ito ginagawa ni Ginoong V?" Sambit ni Framiyo sa nanghihina nitong boses ngunit sapat na ito upang marinig ni Van Grego na nasa anyo ng matandang lalaki na si Ginoong V

"Kasi alam kong hindi tama ang patayin ang mga nilalang sa mahina nitong estado. Kasalanan ang pagkitil ng buhay ng taong hindi naman hinangad ang kapalarang kanilang gustong tatahakin, sadyang malupit lang ang buhay na siyang nakakabit sa atin." Sambit ni Ginoong V sa matalinhaga nitong mga pangungusap tandang may gustong ipakahulugan.

"Ano ang ibig mong sabihin Ginoong V?" Sambit ni Framiyo lalo pa't hindi niya maintindihan ang nais ipakahulugan ng matanda lalo na sa pinakadulong parte ng pangungusap nito.

"Kunin niyo na siya dito at ipagamot niyo siya sa Clinika ng Asosasyon" sambit ni Ginoong V sa mga guwardiyang bantay ng tarangkahan.

Agad na lumapit ang dalawang guwardiya at inalalayan si Framiyo na tanda upang sundin ang utos ni Ginoong V ng walang kuwestiyon. Alam nilang hindi gawain ni Ginoong V ang ipahamak sila maging ang sinuman.

"Hindi ako aalis dito, dito lang ako!" Matigas na pagkakasabi ni Framiyo na nakangiwi habang nagsasalita na siyang hindi maitatangging may iniinda itong sakit sa katawan lalo pa't ang mukha nito ay hindi din mailarawan dahil sa matinding bugbog na sinapit nito mula sa malupit na kaaway.

"Dalhin niyo na siya at bantanyan niyong maigi" kalmadong pagkakasabi ni Ginoong V sa mga bantay na bakas ang kaseryosohan sa boses nito. Alam niyang matigas ang ulo ni Framiyo ngunit sa kasalukuyan nitong kalagayan ay wala itong magagawa sa maaari nitong gawin. Masyadong napinsala na ang katawan nito na maaaring makaapekto sa Cultivation Growth ng isang Cultivator na mas malala at delikadong sitwasyon para kay Framiyo. Halatang hindi na gustong patagalin ang buhay nito dahil halos patayin na ito hindi sa bugbog kundi upang pinsalain ang vital points na siyang napakaimportanteng sangkap sa pagpapataas ng lebel ng Cultivation.

Nagmistulang natuod si Framiyo sa kanyang kinatatayuan at naging sunod-sunuran sa utos ni Ginoong V. Natauhan siya lalo pa't ipinapahiwatig sa kaniya ng matandang si Mr. V na mahina pa siya. Paano niya poprotektahan ang sarili niya kung napakahina niya. Ito ang namuong ideya sa kanya na siyang nagpamukat sa kanya sa reyalidad. Kailangan niya pa ng masasandalan at ito ay ang matandang si Ginoong V. Hiyang-hiya siya sa kanyang sarili ngunit ano ang magagawa. Tanging ang magagawa niya lamang ay magpalakas upang sa susunod sy hindi siya magmukhang kawawa at maprotektahan ang sarili at ang iba. Hindi siya nagtanim ng galit sa matanda bagkus ay ginawa niyang idolo o modelo si Ginoong V dahil alam nito kung paano magpigil sa sarili.

Agad na nilisan ng dalawang guwardiya ang labas mg tarangkahan st pumasok sa loob ng malawak na Asosasyon papunta sa direksiyon ng Clinika.

...

"Kahanga-hanga ang iyong ginawa tanda. Feeling bayani ka? Pano naman ang sarili mo? Mamatay ka rin naman sa kamay ko eh masyado ka pang pa-bida!" Sambit ni Rant sa mapanuya nitong boses bakas ang hindi msgandang saloobin patungkol sa pangyayari kani-kanina lamang.

"Hindi masama ang tumulong, ang masama ay ang pag-atake sa mga walang kalaban-labang mga nilalang." Sambit ni Ginoong V sa kalmadong boses ngunit may gustong ipahiwatig sa kaniyang oangungusap na binitawan.

"May gusto ka bang iparating sa pangungusap na iyong binitawan tanda?! Hindi mo ba alam ang salitang walang awang pagpatay? Pagsaksak ng patalikod? Pagtataksil? Pagkagumon? Masyado kang mapagmalinis!" Sambit ni Rant habang nagpipigil ng inis lalo pa't natamaan siya sa pangungusap na sinambit ng matanda. Ngunit hindi siya makakapayag na batikusin lamang siya ng matanda ng ganon-ganon na lamang. Hindi siya si Rant para lamang sa wala.

"Ang mapagmalinis ay hindi lamang sa mga pagsasalita ngunit dapat ay mayroon ding gawa. Ang paggawa ng kasamaan at kabutihan ay nakadepende sa iyong sarili. Ang bawat desisyong nasimulan at pagpili ay siyang nagreresulta ng iyong magiging gampanin sa huli. Ang pagsisisi ay sa huli ngunit wala kang masisisi kundi ang iyong sarili. Ang desisyon ay siyang pagpili ngunit ito ang naghahatid satin sa banging tayo rin mismo ang may gawa." Mahinahon at matalinhagang pagkakasabi ni Ginoong V na siyang malinaw na naririnig ni Rant.

"Dami mong satsat tanda, magbabayad ka!" Sambit ni Rant sa malakas na boses lalo pa't ayaw na ayaw niyang pinagsasalitaan siya maging ng pakikipagtunggali laban sa mga salita. Mabilis uminit ang ulo niya kaya hindi maitatangging ayaw niyang makarinig na kahit na anumang aral sa isang pantas na Cultivator.

Lumitaw muli sa likod ni Rant ang dambuhalang Martial Beast nito na isang Four-Tailed Dark Serpent. Nagsasagawa si Rant ng kanyang malakas na Technique na siyang habang papatagal ay mas nagiging matingkad ang kulay ng buntot ng Martial Beast.

Lumitaw din ang mahabang espada mula sa katawan ni Rant papunta sa mismong buntot ng Four-Tailed Dark Serpent at mistulang humalo ito sa buntot ng itim na Serpyente. Ang isang espada ay animo'y nahati dahil naging apat na ngunit makikita ang napakalakas na enerhiya at awrang inilallabas nito.

"Four-Tailed Dark Serpent Sword Shower!" Sambit ni Rant ng pasigaw na nagpapahiwatig na seryoso at determinado siyang kayang-kaya niyang patayin ang matandang lalaki.

Bumubulusok ng napakabilis ang apat na espada sa direksyon ni Ginoong V na ngayon ay nagsasagawa ng kaniyang Formation Technique.

"Formation Technique: Gravitational Push, Second Layer !" Sambit ni Ginoong V matapos nitong matapos ang pagsasagawa ng Technique.

Nang dumaan ang apat na kakaiba at malalakas na apat na espada ay makikita ang malaking epekto ng Gravitational pull sa galaw nito.

Napangiti na sana si Ginoong V nang makita ang kakaibang ngisi ni Rant at ang pagiging kalmado nito.

"One with the Arcane: Martial Soul and Beast, Unleashed! Sambit ni Rant ng may ngiti lalo pa't alam niyang hindi siya matatalo sa labanang ito.

Nagulat si Ginoong V lalo pa't alam niyang kayang mag- " One with the Arcane" ni Rant sa Martial Soul at Martial Beasts nito at napakadelikado ng atake nito. Masyadong mababa ang Cultivation ni Van Grego upang maka-"One with the Arcane" o makipagsabayan sa Cultivation Level ni Rant na sa hinuha niya ay isa na itong Peak Martial Awakening Stage. Ang agwat nila ay parang agwat ng langit at lupa idagdag mo pang mas marami itong karanasan lalo na sa close combat maging sa flying combat. Ilalabas niya ang kanyang tinatagong propesyon para lamang matalo ang lalaking nagngangalang Rant ayon sa aksidenteng pagkakabasa niya sa isip ni Framiyo dahil hindi stable ang pag-iisip nito kani-kanina lamang.

Mabilis na isinagawa ni Ginoong V ang kanyang Formation Technique na isang "One with the Arcane"

"Formation Arcane Technique: Berserk of the Constellation Bull!" Sambit ni Ginoong V nang natapos niyang maisagawa ang komplikadong technique na ito.

Mula sa kalangitan ay may isang nilalang na gawa sa konektadong mga bituin ang mabilis na bumaba sa kalangitan. Unti-unting nagkaroon ng porma at anyo ang mga bituin. Naging isa itong pulang toro na may malalaki at matutulis na sungay. Nagmistulang ordinaryo ngunit dambuhalang hayop lamang ito ngunit nangg bumulusok ang mga matutulis at malalakas na awrang inilalabas ng espada ay papunta kay Ginoong V ay hinarang ng Constellation Bull ang kanyang malalaking sungay ngunit paulit-ulit lamang itong tumatalsik at bumabalik.

"Mahihirapan ka lang Tandang Uugod-ugod dahil babalik at babalik lamang ang espada na Technique ko. Sumuko ka na lamamng sa pamamagitan ng pagtarak ng Sandata ko sa buong katawan mo, bwahahaha!"sambit ni Rant kay Ginoong V habang pinagmamasdan siya nito na animo'y isa na lamang siyang malamig na bangkay ilang minuto mula ngayon.

"Constellation Bull Technique: Devour!" Sambit ni Van Grego na nasa anyo at boses ni Ginoong V.

Apat na espada ang paapsugod ulit sa direksyon ni Ginoong V ngunit nagkaroon ng kakaibang pangyayari sa Constellation Bull. Imbes na sungay nito ang haharang, ngayon ay ang bunganga nito ang nakaawang at patuloy na lumalaki. Ang mga ngipin nito ay unti-unting dumadami at tumutulis na animo'y kayang putulin ang lahat ng bagay na kanyang makakagat.

Ang unang espada ay mabilis na bumubulusok sa direksyon ni Ginoong V ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay humarang muli ang Constellation Bull na siyang nagpaalerto sa espadang pagmamay-ari ni Rant na animo'y may sariling buhay at pakiramdam.

Sinubukan pa ng espada na makaalis sa lokasyon nito ngunit mabilis itong kinagat ng Constellation Bull. Mahigpit ang pagkakakagat sa espada kung kaya't unti-unting bumaon ang matutulis na ngipin ng Constellation Bull. Kahit nagpupumiglas ito ay walang nagawa ang espada kundi ang magkapira-piraso sa bunganga ng Constellation Bull na ngayon ay nginunguya nito.

"Hindi maaari! H-hindi! I-ikaw ang hinahanap ni Maestro Rozaldo, Ikaw ang Formation Master ng maliit na basurang kontinenteng ito! Ako mismo ang papatay sayo!" Sambit ni Rant habang sumusuka ito ng dugo. Ngunit hindi nito ininda ang pinsalang kanyang natamo. Kitang-kita niya ang agwat ng Cultivation Rank nila at hindi siya ang agrabyado sa lakas bilang Cultivator ngunit hindi din niya maitatangging ang pambihirang propesyon ng kanyang kalabang matandang lalaki na sa pagkakarinig niya mula sa usapan kanina ng matanda at ng taksil na si Framiyo ay Ginoong V ang pangalan nito.

Nagliwanag ang isip ni Rant sa mga ideyang kanyang naiisip maging ng waalng hanggang pabuya at karangalan mula sa kanilang lider na ni minsan ay hindi man lamang siya nito pinagtuunan ng pansin maging ng iba pang matataas na opisyales ng Serpien Continent. Ito ang noon niya pang minimithi. Ang makuha ang atensyon ng nakakataas at maging tanyag dahil alam niyang ang pagiging tanyag ay makukuha mo ang lahat. Mga babae, bisyo, kayamanan, titulo at marami pang iba.

"Kung ako nga iyon ay wala ka na doon, tsaka hindi ko gustong madungisan ang aking kamay naging ng aking teritoryo dahil lamang sa iyo." Sambit ni Ginoong V habang hindi tumitingin sa direksyon ni Rant.

Halos magpuyos sa sobrang galit si Rant sa ipinakita ng matandang si Ginoong V na siysng nagpakulo ng dugo nito sa katawan. Kailan pa siya nakatanggap ng pambabastos mula sa maliit na mga estado ng nilalang? Hindi niya makokonsidera ang kontinenteng ito na makakapantay sa kanya, ito ang kanyang prinsipyo.

Dahil sa iyong katampalasan ay inaanunsiyo kong puputulan kita ng ulo at ibibigay sa aming lider tanda ng iyong pakikipag-alsa laban sa amin. Isa lang kayong mga hampas-lupang walang karapatang mabuhay ----- lahat kayo ay mamamatay din dahil wala kayong kwenta, ang iyong kaibigan ay mamamatay rin, ang bawat sanggol na isinilang at mga buhay ng tao o mga nilalang ng basurang kontinenteng ito ay gagampanan ang kanilang tungkulin sa pamamagitan ng pagiging alay nila sa gagawin naming malawakang Bloodbath Rituals. Hindi niyo matatakasan ang inyong kapalar------!"Mahabang sambit ni Rant ngunit agad naputol ito sa hindi inaasahang pangyayari.

Nagsagawa si Ginoong V ng komplikadong formation technique na Gravitational Push. Imbes na sa lupa niya ito pinatama ay sa noo mismo ni Rant niya ito idinikit na siyang nagresulta ng kahindik-hindik na pangyayari.

Boooommm!

Sppppplllllaaaaaassssshhhhhhh!

Isang pamatay na atake ang ginawa ni Ginoong V na animo'y isang assassin dahil na rin sa tulong ng Wrap Stone na siyang nagpabilis ng kanyang paglapit kay Rant ng hindi nito namamalayan. Ginamit niya ang kanyang paa upang durugin ang Wrap Stone ng matapos nitong maisagawa ang Formation Technique: Gravitational Push.

Mabilisang kamatayan ang ipinalasap ni Van Grego na nasa anyo ni Ginoong V. Hindi siya natutuwa sa tabas ng dila ni Rant dahil animo'y ipinapamukha pang sila pa ang may utang na loob mula sa Serpien Continent. Ang kapal ng mga mukha ng mga Serpien Continent na tumuntong pang muli sa teritoryong sakop ng Hyno Continent.

Nagkawatak-watak ang mga sariwang laman, buto, lalong-lalo na ang dugo ni Rant sa tarangkahan tapat mismo ng Alchemy Powerhouse Association.

"Wala kayong pagmamay-ari!" Sambit ni Van Grego na nasa anyo pa rin ng matandang lalaki.

Alam niyang naalerto na ang Opisyales ng Serpien Continent lalo pa't sigurado siyang alam na ng mga ito na patay na si Rant na siyang mata at tenga ng mga ito upang isagawa ang digmaan na alam niyang bukas ay magsisimula ng umatake ang mga Iba't ibang karatig na mga kontinente.

"Gusto niyo ng digmaan? Ihahatid ko kayo sa inyong kinalulugaran!"sambit ni Van Grego sa mahinang boses sa hangin. Isang itong matalinhaga pangungusap na nasa anyong mapagbanta at isang pahiwatig ng rebelyon.

Makakaya nga ba niya ang mga mananakop ng maliit na kontinente ng Hyno?

Paano kung lilitaw ang malalakas na Cultivator upang sakupin ang Hyno Continent?

Paano kung magkaroon ng malaking suliranin?

Dito na ba magtatapos ang lahat o may kakaibang pangyayaring magdudulot ng pagbabago sa takbo ng digmaan?