Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 90 - Chapter 35

Chapter 90 - Chapter 35

Hindi namalayan ni Van Grego na nakatulog na pala siya ng bumalik siya sa Alchemy Powerhouse Association. Siguro ay normal na rin ang tumulog paminsan-minsan lalo pa't ang sobrang pagod ay nangangailangan pa rin ng pahinga at pagtulog. Hindi pa rin siya maituturing na isang immortal sapagkat mahabang panahon pa bago niya marating iyon. Kailangan niya ng mahabang oras na pag-uukulan sa pagpapataas ng lebel ng ranggo at pagpapalakas sa loob at labas ng kanyang katawan. Isa itong masalimuot na katotohanan sapagkat kailangan mong humarap sa mga matitinding mga pagsubok at mga mabibigat na suliranin upang maging ganap na Cultivator. Kailangang maglakbay at iwan ang iyong mga mahal sa buhay upang sumabak sa matinding mga labanan. Lakas at kapangyarihan ang kailangan, ito ang itinatanim palagi ni Van Grego sa kanyang isipan.

Isang tunog ng trumpeta ang malakas na umalingawngaw sa buong lugar ng Kontinente ng Hyno. Halos lahat ng mga nilalang sa kontinenteng ito ay nagkagulo at nagkaroon ng takot sa kanilang mga puso kung saan ang iba ay hindi magkadaugaga sa kung paano nila haharapin ang malaking sakuna. Paulit-ulit na tumunog ang trumpeta na ang tono nito ay nagpapahiwatig ng matinding sakunang kakaharapin ng sinuman. Tunog ng paparating na digmaan.

Nagising si Van Grego na nasa anyo pa rin ng matandang lalaking si Ginoong V. Kahit na umamin siya ay ganoon pa rin ang trato sa kaniya ng mga pinuno ng bawat departamento ng Alchemy Powerhouse Association. Isinawalang-bahala niya lamang ito lalo pa't inaasahan niya na ang magiging maagang pagdating ng digmaan. Hindi na ito nakakapagtataka lalo pa't siya na lamang ang apektado sa selyo ng kontinente na siyang dahilan kung bakit hindi na takot ang sinuman upang atakehin sila. Ang tinutukoy niya ang mga kalapit na mga kontinente. Isang one-sided war ang naiisip ng mga karatig-kontinente lalo pa't alam nilang walang sinumang malakas na Cultivator ang kontinenteng ito ngunit iyon ang napakalaking pagkakamali nila. Napangiti na lamang si Van Grego sa kahangalan ng mga gustong manakop sa kanila.

Wala ng hinintay na oras si Van Grego at nilisan niya ang kanyang malaking silid. Agad niyang pinatawag ang lahat ng mga Cultivators na maaaring sumabak sa laban. Umabot sa limang libo lamang ang kanyang napili upang pasabakin ang mga ito sa malakihang digmaan. Isa itong malaking katangahan para sa iba ngunit para kay Van Grego na nasa anyo ni Ginoong V ay sigurado siyang hindi ito isang maling desisyon. Ayaw niyang mamatay ang mga Cultivator na nasa kanyang panig kung mahina ang kanikang tsansa upang makaligtas na siyang mas magpapabigat sa tsansa nilang makaligtas sa digmaan.

"Alam niyo naman siguro ang nangyayari ngayon. Digmaan ito at magiging madugo ito. May aatras ba sa inyo ngayon?!" Sambit ni Ginoong V sa limang libong mga mandirigmang Cultivator na nakahanay ng maayos sa harapan ng entablado kung saan nakatayo si Ginoong V.

"Privan!" Sambit ng limang libong mandirigmang Cultivator. Nakahaany ang mga ito base sa mga Bloodline nila. Isang nakakasindak na pangyayari sapagkat nasa Bloodline Awakening Stage ang mga ito. Ito ang tinatagong sikreto ng Asosasyong ito. Hindi lamang Cultivation Resources at mga produkto ang binebenta nila kundi ay mayroon ding sangay ng mga Cultivators upang hasain at maging mandirigma sa hinaharap at ito na nga ang bunga ng puspusang mga Training. Sa limang libong ito ay makikita ang pamilyar na mukha ng isang lalaking matalik na kaibigan mismo ni Marciano. Ito ay walang iba kundi si Roco na siyang nasa hanay ng isa sa malalakas na Bloodline, ang Angel of Doom.

("Privan" means "Wala")

Ang ibang mga Bloodline na miyembro ng Asosasyon na kasapi o miyembro ng Alchemy Powerhouse Association ay ang mga may malalakas na dugo o Bloodline ng Black Tortoise, Dragon Bird, Red Hydra, Green Mammoth at iba pa. Malalakas ang bawat isa na nandito. Makikita sa bawat isa na naririto ang matinding bloodlust sa digmaang magaganap ngayong araw na ito.

"Kung ganon ay humanda kayo sa madugong digmaang ito."sambit ni Ginoong V sa hindi natitinag na boses.

Agad na nilisan ni Van Grego ang malawak na platform ngunit ang mga Mandirigmang Cultivators na sasabak sa digmaan ay nakatayo sa gitnang bahagi ng malawak na platform kung saan ay unti-unting dumami ang mga taong nanonood sa kanila. Ito ay ang kanilang pamilya, kamag-anak, kaibigan at mga mahal sa buhay kung saan ay napuno ng napakalungkot na atmospera sa lugar na ito. Kahit na nakapagpaalam na sila kahapon o kanina ay hindi maitatangging naging emosyunal pa rin sila ngayon. Ngayon siguro ang huli nilang makikita ang pamilya nila kung sakaling hindi sila palarin ngunit hindi sila nawawalan ng pag-asa na kakayanin nila. Walang atrasan ngayon, ito ang masasabi ng lahat.

Maya-maya pa ay nilisan na ng mga miyembro ng Alchemy Powerhouse Association na hindi kasali sa digmaan ang lugar na ito. Hindi na ito ligtas para sa lahat. Halos lahat ng mga Cultivators at mga ordinaryong pamilya o kasapi ng Asosasyong ito ay mabilis na nilisan ang lugar papunta sa mas ligtas at tago na lugar kung saan ay mas malayo at maliit ang posibilidad na atakehin sila ng mga ito. Tanging ang mga Cultivators lamang na gustong manatili at may kakayahang iligtas ang kanilang sarili sa sakuna at mga panganib ang nandirito ngayon kasama ang limang libong mandirigmang Cultivators upang protektahan ang lugar na ito. Pinaalalahanan sila ni Ginoong V kasama ang mga lider ng mga Departamento na humanda sa malawakang giyera na dito mismo gaganapin.

Limang Cultivator ang biglang lumitaw sa platform kung saan ay medyo humihingal paang mga ito at may bakas ng takot sa mga mata ng mga ito. Sila ay mga kasapi ng Hunters Department kung saan ay trabaho nilang magmasid sa mga hangganan o boundary malapit sa dagat patunay na nakaasul na roba ang mga ito na kaibahan sa mga taong sasabak sa giyera.

Agad na lumitaw ang lahat ng mga lider maging si Ginoong V sa platform.

"Ano ang kalagayan ng lugar malapit sa hangganan ng mga malapit sa baybayin?" Sambit ni Ginoong V sa mahinahon na boses ngunit bakas dito ang pag-aalala.

"Malala, sobrang lala!" Sambit ng nakaasul na roba na nagngangalang Froll. Hindi nito mapigilang magtaas ng boses dahil halatang nanginginig ito sa takot.

"Hinaan mo ang tono ng boses mo, kumalma ka nga!" Sambit ni Lily Hunch sa pairitang boses nito na halatang hindi gusto ang tono ng pananalita nito.

"Paumanhin po Ginoong V sa aking inasal. Sobrang lala po ng sitwasyon dahil sira na ang mga daungan maging ng mga harang ay sira na rin dulot ng malakihang pagpapasabog ng mga kakaibang bala at kagamitan ng mga iba't ibang uri ng mga Cultivators.

"Iba't ibang Cultivators? Ano ang ibig mong sabihin Froll?!"Sambit ni Leo Loriano ng may mapang-usisang tono.

"Sama-saming nilulusob at pinapasabog ng mga Cultivators ng ating karatig-kontinente ang bawat madaanan nila papunta dito. Kanina pa sila nandito at mabilis na papunta dito." Sambit ni Froll habang nakayuko. Halatang ayaw niyang ipakita ang malaking takot niya sa lahat ng taong naririto.

Bago pa magsalita ulit ang sinuman sa mga lider o si Van Grego ay isang malakas na pagyanig ng lupa ang nangyari kung saan ay nagpatumba sa ibang Cultivator.

Nakatayo pa rin ang halos lahat na naririto maging ang limang libong mandirigmang Cultivators ay hindi natinag. Ang isang malakas na paglindol na ito ay isa lamang ordinaryong pangyayari para sa kanila.

"Umalis na kayong lima at kayo rin mga Lily Hunch at ang ibang mga lider." Sambit ni Ginoong V sa mataas na tono na sa anyong pautos.

"Ngunit---- " sambit ni Lily Hunch ngunit pinutol ito ni Jack Mirusa sa pamamagitan ng paghawak ng mahigpit sa babae na gusto pa sanang magpaiwan sa lugar na ito.

"Umalis na tayo rito, paalam Ginoong V." Sambit ni Jack kay Ginoong V. Agad nilisan ng mga lider ng bawat departamento ang lugar na ito.

"Paalam."mahinang sambit ni Van Grego sa kanyang isipan at agad na itinuon ang atensyon sa paparating na mga nilalang.

Mula sa malayo ay tanaw na tanaw ni Van Grego kung paano araruhin at pasabugin ng mga hindi kilalang mga Cultivators ang bawat lugar na madaanan ng mga ito. Ang mga gusali ay halos mapulbos dahil sa malalakas na mga atake at bala ng mga kakaibang makinaryang pandigma.

Gamit ang Million Steps Ascend ay mabilis na nakarating si Van Grego sa harap ng tarangkahan ng Alchemy Powerhouse Association.Agad niyang in-activate ang lahat ng mga Protection Shield at mga Barriers ng bawat gusali at buong sakop ng Alchemy Powerhouse Association kung saan ay nagpatigil sa mga Cultivators na kanina pa nanggigiba ng mga madadaanan nilang bagay-bagay.

"Ang lakas naman ng loob niyong umatake sa Teritoryo kong ito. Maliit lamang ang bilang niyo ngunit bakit parang ang lakas ng loob niyo?! Sambit ni Ginoong V sa malakas na boses.

"Hahahahahahahahahahaahahahahahahahaha, nakakatawa ka tanda! Una sa lahat ako'y magpapakilala, Ako si Prashano na siyang kikitil sa buhay niyo. Tingnan mo ang paligid lalong-lalo na sa mga inaakala mong tutulong sa'yo! Tingnan mo ang buong direksiyon na abot mo!" Sambit ni Prashano sa masayang tono na animo'y nang-aasar. Bakas sa mukha nito ang hindi matanggal-tanggal na ngisi.

Gamit ang Immortal Eye ay nakita ni Van Grego ang halos lahat ng mga galaw sa paligid. Madaming mga Cultivators ang paparating dito sa lokasyon na ito ngunit hindi siya magpapatinag. Alam niyang may posibilidad na mangyayari ito.

"Masyado yata kayong masaya sa nalalapit naming pagbagsak? Masyado niyo yata kaming minamaliit pero ipapatikim ko sa inyo ang mga pangil namin!" Sambit ni Ginoong V sa malakas na boses upang ipaalam ang hudyat ng pag-atake ng kaniyang mga mandirigmang nasa likuran niya.

Hindi batid ng mga taong sasalakay sa kontinenteng ito ang tunay na lakas o kung may lakas ba ang kontinenteng upang hindi ito masakop.

"Ako na bahala sa mga pipitsuging mga insektong ito Ginoong V. Masyadong minamaliit nila tayong mga taga-Hyno Continent!" Sambit ni Griton sa habang tumutunog ang kanyang ngipin dulot ng sobrang inis at gigil.

"Wala nga kayong enerhiyang inilalabas. Ordinaryong nilalang lamang kayo pero akala niyo ay malalakas na kayo. isa kayong basura para sa basurang kontinenteng ito,Tikman niyo to!"Sambit ni Prashano habang kumukulo na ang dugo niya dahil sa pagsagot ng sinumang nilalang sa kontinenteng ito. Tinuturing niyang mga basura ang mga ito na walang karapatang magrebelyon sa kanila.

Habang nagsasalita pa lamang si Prashano ay alam niyang hudyat na ito upang umatake. Isang hindi inaasahang atake ang agad na pinatama niya sa direksyon ng matandang si Ginoong V patungo sa direksiyon ng naglalakihang gusali. Nakangisi lamang si Prashano habang tinitingnan ang mga gabolang kanyon na animo'y isang magaang bagay na mabilis na bumubulusok upang sirain ang mga imprastraktura ng Alchemy Powerhouse Association.

Tatama na sana ang mga naglalakihang bolang kanyon na animo'y hindi na mapipigilan ang pagwasak ng bahaing tatamaan nito ngunit lumitaw si Griton sa bola at sinipa lamang ito pabalik sa lokasyon ng kalaban. Animo'y umuulan ng kanyon sa kanila sa halip ang grupo ni Ginoong V ang tatamaan nito o mas sabihing sa mga gusali mismo ng Asosasyon.

"Papaanong---?!" Gulat na gulat na sambit ni Prashano habang tinitingnan ang kasalukuyang lumilipad pabalik sa kanial ang malalaking bola ng Kanyon. Mabilis na nasisipa pabalik sa kanila ang mga bala ng mga Kanyon. Hindi niya lubos maisip na may lakas ang mga ito upang sipain ng ganon-ganon lamang ang mga bolang kanyon.

"Isa kayong mga pesteng Cultivator na nais sakupin ang kontinenteng pagmamay-ari namin ngunit iyon lang ba ang kaya niyo?!" Sambit ni Griton habang nakanisisa mga kalaban. Alam niyang ordinaryong mga Cultivators lamang ang mga ito na kung umasta ay mga siga. Totoong malalakas ang impact ng mga bolang kanyon ngunit sa antas nilang nasa ranggo ng Bloodline Awakening Stage ay siguradong walang epekto sa kanila ang mga maliliit na bagay na ito lalo pa't hindi na sila ordinaryong nilalang. Malapit na silang makalagpas sa ranggong ito at sa susunod pa upang makamit ang imortalidad. Ang ganitong klaseng labanan ay isa lamang larong bata sa kasalukuyan nilang ranggo. Siguradong may pinaplano ang mga mananakop na mga karatig-kontinente na pahirapan sila o mas mabuting sabihin na pagudin sila at panghinain ang kanilang resistensiya ngunit isa itong kahangalan. Sinanay sila uoang magprotekta at sumabak sa labanan. Tatapusin niya o nila ito ng mabilis. Itinatak na nila sa isip nila na sa oras ng digmaan, huwag magpakita ng anumang habag o awa sa kalaban.

Agad na inilabas ni Griton ang kanyang dalawang mahahaba at matatalas na espada. Ngayon ay babahidan niya ng dugo ang tarangkahan sa pangalawa at maraming beses.

Kumikinang ang pilak na espada ni Griton habang iwinasiwas at animo'y pinaghihiwa ang hangin. Mabilis siyang lumalakad sa ere gamit ang kanyang Technique. Hindiniya maaaring sayangin ang kanyang enerhiya upang paslangin ang sinumang kalaban na naririto. Sobrang ordinaryong mga Cultivators lamang ito na hindi pa nakakatapak sa Martial Knight. Kasangkapan lamang ang mga ito para samas malaking plano ng mga kalabang gustong sakupin ang kontinenteng ito.

Sa isang iglap ay narating ni Griton ang lokasyon ng mga kalaban na animo'y nagmamatyag sa paligid nila. Mabilis na pinagpupuntira ang mga leeg kung saan ang vital points ng mga kalaban. Mahihina ang mga ito sa antas ng pakikipaglaban sa malapitan na siyang ikinangisi ni Griton. Hindi niya binibigyan ng awa ang sinumang matamaan ng kanyang espada na animo'y gumuguhit sa hangin habang tumatalsik ang mga dugo sa espadang bumabaon sa leeg ng kalaban at agad na awtomatikong nahuhugot sa tuwing bumibilis ang galaw ni Griton o nagpapalipat siya ng direksiyon.

Nang makita ng ibang kasapi ng kalaban na unti-unting nangamatay ang kanilang kasamahan ay nagkawatak-watak sila at nasa Iba ibang direksiyon ngunit isa itong pagkakamali dahil madali silang napapaslang ni Griton na aiyang ikinainis ni Prashano.

Isang libo...

Limang daan...

Dalawang daan...

Isang daan...

Hanggang sa si Prashano lamang ang natirang nakatayo. Lahat ay patay na maging ang sinuman.

"Magpakita ka pangahas na basurang Cultivator!" Sambit ni Prashano habang nanggalaiti ang boses nito na malakas na sumigaw.

"Arrrrrcccccckkk!" Sambit ni Prashano sa hindi inaasahang sakit ang kanyang nararamdaman sa kanyang dibdib.

Agad na binawian ng buhay si Prashano habang kinakapa ang sugat na maraming dugo ang tumutulo dito na animo'y gripo.

"Ang isang malinis na pagpatay ay hindi pagpapakilala ng pangalan, nagpapakilala dapat ng lakat at gawa." Kalmadong sambit ni Griton sa mahinang boses. Agad niyang nilisan ang lokasyon na pinangyarihan ng kanyang madugong pagpatay sa mga kalaban lalong-lalo na kay Prashano. Mabilis siyang bumalik sa kanyang pwesto kung saan siya nakahanay. Walang ni isang salita ang lumabas sa mga kasamahan niya.

"Hindi dapat magpakampante, Ito pa lamang ang hudyat ng pasisimula ng malaki at madugong digmaan" Ito ang nasa isip ng limang libong Mandirigmang Cultivators na kasapi ng Alchemy Powerhouse Association batid na hindi magiging madali ang mga kaganapan maya-maya lamang.

Ngunit nagulat sila sa kakaibang lindol na animo'y kayang wasakin ang maliit na kontinente ng Hyno.

Ano'ng nangyayari Ginoong V?

Sambit ni Griton ng makita ang namumuong katahimikan kay Ginoong V.

Halos hindi makagalaw si Van Grego na nasa anyo ni Ginoong V dahil sa matinding sakit na kaniyang nararamdaman na halos hindi siya makaumang makapagsalita. Tikom pa rin ang bibig niya dahil habang papatagal ng papatagal ay pasakit ng pasakit.

Kahit na sobrang sakit na ng nararamdaman ni Van Grego ay pinilit niya pa ring magsalita ng maayos upang magbigay ng kaniyang plano.

"H-hatiin niyo ang bawat isa sa inyo at bumuo ng limampong grupo upang puksain ang sinumang magbanta sa ating teritoryo maging sa buong kontinente. Alam kong mahirap ito ngunit kayanin niyo. Wag kayong mag-aksaya ng enerhiya at kung kinakailangan ay gamitin niyo ang inyong buong abilidad kung makakaharap kayo ng malalakas. Alam kong isang pain o bitag lamang ang pinalabas nila kani-kanina upang akalain nating hindi malalakas ang mga ipinadala nila. Tuso ang mga gustong manakop sa kontinenteng ito kung kaya't huwag kayong magpakita ng awa sa kung sinuman na kumampi sa kalaban. Ubusin niyo ang dapat ubusin, walang ititirang buhay!" Pinal na pagkakasabi ni Van Grego/Ginoong V sa kanila upang balaan at magbigay ng huling gabay at plano laban sa mga mananakop. Sobrang sakit pa rin ng kanyang nararamdaman kung Kaya't gamit ang Wrap Stone ay umalis na siya ng lugar.

Agad na nakabuo ng limampong grupo na may isang daan na miyembro dito. Napaghandaan na nila ito. Ang bawat grupo ay may iba't ibang Bloodline na Cultivators upang magkaroon ng tinatawag na Battle Formation o Specialty sa pagharap ng kalaban. Angkop ito para malabanan nila ang sinuman na maaaring kalaban na sa hinuha nila ay pare-pareho lamang na abilidad. Isa itong matalinong taktika sa pagpuksa sa mga kalaban.

...

Sa loob ng Interstellar Palace ay siyang hindi nakikita ng kung sinuman ang tumingin dito ay mapagkakamalan lamang itong pader o kaya ay isang haligi dahil sa sobrang laki at kapal nito. Hindi tukoy ang tanda nito dahil sa hindi malamang dahilan.

Nagkaroon ng kakaibang pangyayaring hindi alam ng lahat. Naglikha ito ng lindol na kung saan ay unti-unting nagkaroon ng bitak-bitak ang noo'y aakalain mo lamang na isang ordinaryong haligi o pader ngunit kung makikita mo ito sa malayo sa kabuuan nitong itsura ay masasabi mong hindi ito pangkaraniwang bagay lamang, bagay nga ba?

Unti nagkaroon ng mga Cracks sa bawat paligid nito at unti-unting nagkakaroon ng mga hindi inaasahang pangyayari o penomena kung saan ay nagkaroon ng pagkalaglag ng sang pirasong tipak ng hindi ordinaryong bato. Makikita sa loob nito ay isang napakalaking kaliskis. Kaliskis ng isang dambuhalang Halimaw.