Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 88 - Chapter 33

Chapter 88 - Chapter 33

Isang pamilyar na matandang lalaki ang mahimbing na natutulog sa isang magarang kama na may malaking sukat na hugis parihaba. Makikita ang madaming kulay mahahabang puting buhok nito na humahalo sa mga maitim na buhok. May mahaba itong balbas na animo'y isang ermitanyo na kakikitaan ng kakaibang awrang lumalabas sa katawan nito. Kapansin-pansin ang paiba-iba nitong ekspresyon sa mukha at kung paano ito nakakaapekto sa hindi sinasadyang enerhiyang kumakalat sa lugar na kanyang kinahihigaan. Kumakapal ito ng kumakapal kung saan ay kung sino man ang makakasaksi at makakaramdam nito ay manghihina ng sobra.

Walang ano-ano pa ay bigla na lamang sumabog ang napakalakas na enerhiya palabas sa katawan nito na animo'y walang hanggan kung saan ay maraming mga Cultivator ang nakaramdam ng pagbanago ng atmospera at pagkagulo ng balanse sa hangin. Hindi mapagkakailang sobrang nakakatakot ang mabagsik na awra. Maraming mga ordinaryong mamamayan ang nahintatakutan sa pagpapalabas ng mabagsik na enerhiya na siyang ikinababahala ng lahat.

Maya-maya pa ay biglang nagmulat ang pares na mata ng matandang lalaking kung nakikita ni Van Grego ngayon ay siguradong kilalang-kilala niya ito. Walang iba kundi si Maestro Rozaldo.

Bakas sa mata ni Maestro Rozaldo ang mga katanungan at ang pagkalito sa kanyang hindi inaasahang pangyayari patungkol sa kanyang Spiritual Sense na may kaugnayan sa Spiritual Regeneration Pill. Hindi lang ito ang kanyang ikinakagalit ngayon dahil maraming impormasyon pa ang nabunyag lalong-lalo na sa Evil Germinating Seed Pills at ang sikretong patungkol sa Selyo ng Hyno Continent.

Galit na galit si Maestro Rozaldo sa lahat ng pangyayaring ito sapagkat wala na ang nag-uugnay sa kanya sa maliit na kontinente ng Hyno maging sa mga sikretong mahahalagang impormasyon na kanyang naibahagi sa isang Cultivator. Masyadong malabo sa kanya ang senaryong kanyang nakikita. Ang naaalala at nadampot niya lamang sa kumalaban sa kanyang malakas na Spiritual Sense ay sobrang napakahalagang impormasyon kung saan ay sigurado siyang madadampot niya ang salarin patungkol sa usaping ito at pagbayaran sa lahat ng ginawa ang isang Cultivator na may mataas na propesyon.

Hindi alam ni Maestro Rozaldo na patuloy pa rin sa pagtaas ang kanyang awra sa hindi niya malamang dahilan.

Biglang bumukas ang pintuan ng silid ni Maestro Rozaldo at bumungad sa kanya ang nakasimangot na mukha ni Maestro Fijon na siyang isang Punong maestro sa malaking gusaling ito.

"Nasisiraan ka ba ng bait Rozaldo? Tinatakot mo ang mga tao dahil sa mabagsik mong awra at enerhiya!" Sambit ni Maestro Fijon na may pagalit na tono. Kilala siya sa pagiging strikto at responsable sa lahat ng bagay lalo na sa usaping pamumuno sa lugar na ito maging sa pagpapahalaga sa mga taong sakop ng kaniyang teritoryong pinamamahalaan.

Agad na pinawala ni Maestro Rozaldo ang kanyang nakakalat na awra na siyang ikinaluwag ng lahat ng mga Cultivator at mga nilalang na nasa paligid. Hindi maitatangging naglikha siya ng malaking komosyon at istorbo sa araw na ito.

"Pasensya na po Maestro Fijon lalo pa't hindi ko makontrol ang emosyon ko dahil sa napakalaking problemang hindi pa tukoy."sambit ni Maestro Rozaldo habang hindi makatingin ng diretso sa mata ni Maestro Fijon. Bakas sa boses niya ang matinding pagkabahala na siyang nakikita ni Maestro Fijon.

"Ano ang iyong sinasabi Rozaldo, ngayon lamang kita nakitang naging balisa sa pangyayaring ito at hindi ko maitatangging nauusisa ako sa iyong gustong ipahiwatig, magsalita ka." Sambit ni Maestro Fijon lalo pa't gusto niyang malaman ang pangyayaring ito. ngayon niya lamang nakitang ganito kabalisa si Rozaldo na siyang hindi niya maitatangging nabigla ito.

"Wala na akong koneksyon sa Kontinente ng Hyno at hindi lamang iy------" sambit ni Maestro Rozaldo ngunit agad siyang pinutol ni Maestro Fijon.

"Ano! Paanong nangyari iyon, siguradong malalagot tayo sa nakakataas nito!" Sambit ni Maestro Fijon halatang hindi magugustuhan ang pangyayaring ito.

"Alam kong may kasalanan ako dito ngunit may isang Cultivator na nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan ng isang Formation Master." Sambit ni Maestro Rozaldo na nakayuko halatang isa itong malaking balita na hindi gugustuhing marinig ng nakakataas sa kanila.

"Isang Formation Master? Naririnig mo ba ang sinasabi mo Rozaldo, kahit kailan ay hindi maaaring magkaroon ng malakas na Cultivator ang maliit na kontinenteng iyon at mas lalong hindi pwedeng magkaroon ng Formation Master sa alinman sa nilalang na naninirahan doon, Imposible!" Sambit ni Maestro Fijon na hindi mapigilang magtaas ng boses patungkol sa maaaring kahihinatnan ng impormasyon na ito. Hindi nila maaaring tawagin lamang ang atensyon ng nakakataas na mga Opisyales ng kontinenteng ito, Ang Kontinente ng Serpien.

"Pero hindi lamang iyon ang nahagip ng aking kamalayan, hindi lamang ako naghihinala na isa lamang Formation Master ang Cultivator na nakalaban ng aking Spiritual Sense kundi nasisiguro kong isa rin siyang Alchemist na may Silvery-white Flame na hindi ko alam na mayroong ganong Alchemy Flames sa kahit na anong kontinenteng aking napuntahan." Mahabang salaysay ni Maestro Rozaldo kay Maestro Fijon na ngayon ay nakatingin na ito ng diretso sa mata ng kanilang Punong Maestro. Hindi alam ni Maestro Rozaldo kung saan siya himugot ng lakas upang sabihin ito. Nawalan na siya ng anumang pag-aalinlangan sapagkat sigurado siyang hindi niya, ni Maestro Fijon o ng kapwa niya maestro ang suliraning bigla na lamang lumitaw.

Matapos marinig ni Maestro Fijon ang mga sinabi ni Maestro Rozaldo sa kanya ay napaawang ang kanyang bibig.

Isang hinihinalang Formation Master na may Silvery-white Flame na hindi pa nalalaman ng kahit na sinuman ang lumutang. Maraming mga Alchemy Flames na maituturing sagrado na siyang binabasehan base sa kulay nito maging sa init na nagmumula rito na siyang isang itinuturing na biyaya para sa sinumang magkakaroon ng ganito.

"Wala na rin ang ating alas laban sa Kontinenteng iyon. Hindi na natin hawak ang buhay ng bawat nilalang na nandoon. Ang Evil Germinating Seed Pills ay nawasak at nabura ng Cultivator na siya ring kumitil ng buhay ng aking Spiritual Sense o mas angkop sabihin na winasak at pinasabog ang aking Spiritual Sense.Ang masasabi ko lang ay hindi natin siya kaya lalo pa't alam kong may itinatago pa ang nilalang na iyon na siyang ikinapangangamba kong maghahatid sa atin ng mas malaking suliranin sa hinaharap." dagdag na sambit ni Maestro Rozaldo lalo pa't sangkaterbang problema ang nagawa ng misteryosong Cultivator na hindi niya namukhaan dahil tanging Spiritual Sense lamang ang kanyang koneksyon at hindi ang kanyang totoong espiritu at iyon ang kanyang ikinanlumo.

Napag-isip-isip na ni Maestro Fijon ang pangyayaring isinalaysay ni Maestro Rozaldo na siyang.

"Sasabihin ko ang lahat ng impormasyong iyong nalaman at isinalaysay sa akin, Maestro Rozaldo. Hindi ko hahayaang tayo ay maapektuhan dahil dito sapagkat siguradong bibigyan ito ng malaking atensyon lalo pa't hindi pangkaraniwang nilalang ang iyong nakalaban maging ng kakayahan nitong puksain ang Evil Germinating Seed Pills. Siguradong may alam na rin ang mga Opisyales na ito. Bilang Punong Maestro ng lugar na ito ay hindi ko hahayaang madungisan ang isa sa sangay ng Southern Region ng Serpien Continent." Sambit ni Maestro Fijon habang mabilis itong naglaho sa harapan ni Maestro Rozaldo. Alam niyang mas maaalarma ang sinuman sa maaaring kahihinatnan ng ganitong klaseng impormasyon ngunit alam niyang hindi ito babalewalain ng mataas na Opisyales ng Serpien Continent. Sigurado siyang poprotektahan siya ni Maestro Fijon sa maaaring inihandang parusa ng mga nakatataas sa kanila.

...

Sa isang tagong lugar na malayo sa mga mata ng mga tao ay nagkaroon ng mga hindi magagandang pangyayari dito. Nagmistulang impyerno ang lugar na ito. Ito ang kabaligtaran ng nararanasan ng mga ordinaryong tao lamang. Ito ay ang lugar na tinatawag na Dark City ng Hyno Continent. Ito ang lugar ng mga halang ang kaluluwa at pinamumugaran ng kasamaan ng mga Cultivators kasama ang hangaring maging malakas at pinakamalakas na Cultivator sa lahat. Sakitan, bangayan, pag-aagawan ng mga ari-arian, mga nakawan maging ang pagpatay ay legal lalo pa't walang batas na sinusunod dito. Kapag nakita ng sinuman ang looban ng Dark City ay baka kapusin sila ng hininga maging ang kanilang tapang ay mapalitan ng takot.

Sa isa sa maraming underground, May isang silid na may nakakaalingasaw na amoy ng mga sariwang dugo ay may maraming nakagapos na mga hindi kilalang mga kalalakihan. Bugbog sarado ang mga ito at maraming mga hiwa-hiwang mga parte sa halos buo nilang mga katawan. Ang ",àm nagkalat sa paligid at humahalo sa amoy na kumakalat hangin sa mainit na silid na ito.

"Magsalita ka Framiyo!" Sambit ng isang nakamaskarang lalaki sa isang lalaking lider ng mga Assassins.

"Para ano, para matagumpay niyong masakop ang lugar na ito, Rant?!" Paasik na sambit ni Framiyo bakas ang galit sa bawat salita nito.

"Sumunod ka na lamang sa plano namin dahil masasakop din naman ito at walang magliligtas sa inyo sa oras ng digmaan, bwahahaha!" Sambit ni Rant na may panunuya.

"Pwes, mas mabuti na ang iba ang makakakuha ng maliit na kontinenteng ito kaysa sa inyo pa ulit mapunta. Para ano? Para gawin kaming sakripisyo sa kasumpa-sumpa ninyong Rituwal" Sambit ni Framiyo sa mapanghamak na tingin kay Rant.

Nagsisisi si Framiyo kung bakit siya nakipagsabwatan kay Rant na siyang nakilala niya lamang ng pinili niyang maging Assassin na kalaunan ay naging isa siya sa inatangang maging lider nito. Pinili niya ito upang matakasan ang mga masalimuot na nakaraan niya. Namatay ang kaniyang mag-ina dahil sa paglusob ng mga Martial Beasts noon sa lugar nila. Ang totoo niyan ay isa siyang ulirang ama sa kaniyang pamilya ngunit dahil sa mahina ang kaniyang Cultivation Level ay naging sunod-sunuran lamang sila sa mga Royal Clan. Halos mabaliw siya at nagkaroon ng depresyon dahil sa pangyayaring ikinawala ng kanyang mag-iina. Kaya pinasok niya ang propesyon ng Assassin upang makawala sa tanikala at makapaglakbay ng malaya sa iba't ibang lugar at mga kontinente. Isa lamang siya noong ordinaryong mamamayan ng maliit na kontinente ng Hyno Continent ngunit binago at hinubog siya sa pagiging Assassin upang pumatay o kumitil ng buhay mapainosente man o halang ang bituka. Noong una ay halos magdalawang-isip siya kung magiging Assassin siya na makakya niya kayang pumatay ng tao? Pero nang kalaunan ay nasanay na rin siya sa klase ng propesyon niya. Nang magkaroon siya ng pera ay pinaimbestigahan niya ang nangyari sa pamamagitan ng pagbanayad ng malaki sa isang taong kayang alamin ang nakaraang pangyayari maging ang pagpaslang. Kumayod siya ng kumayod upang makamit lamang ang hustisya ngunit parang pinaglalaruan lamang siya ng tadhana dahil ang lahat ng kasagutan ay nasa harap niya lang mismo, nakakubli lamang ngunit parang punyal na itinarak sa kanya ang katotohanang niloloko lamang siya, pinaglalaruan at pinagmumukhang tanga. Nalaman niyang kagagawan pala ng Royal Clan kung bakit lumusob ang mga Martial Beasts sa bayan ng Arton na siyang tahanan niya noon ngunit nabura ito matagal na panahon na ang nakalilipas. Nalaman niyang kasabwat ng Royal Clan ang Serpien Continent sa lahat ng masasamang pangyayari sa kontinenteng ito. Noon niya pa napag-isip-isip na magbagong-buhay na upang itama ang kanyang pagkakamali. Nang makakuha siya ng malaking porsyento ng kayamanan mula sa matandang lalaking nagngangalang Mr. V ay iyon na ang hudyat niya upang tumiwalag ngunit dahil sa kasakiman ng ibang mga Assassins na kasamahan niya ay nilaglag siya ng mga ito. Ikinulong siya nitong mga araw at ngayon ay iginapos naman siya upang pahirapan at pigain siya sa lahat ng pangyayaring ito maging ang mahahalagang impormasyon na kanyang nalalaman. Nagtaksil sa kanya ang kanyang mga kapwa-Assasins. Masyado siyang nagtiwala sa mga ito kung kaya't hindi niya napaghandaan ang masamang mangyayari na kinakaharap niya ngayon.

"Alam kong may alam ka sa pangyayaring ito Framiyo, baka nakakalimutan mo sa sinumpaan mong tungkulin at pananagutan mo bilang Assassin." Sambit ni Rant na halos bumuga ng apoy dahil sa sobrang inis.

"Alam ko ang pananagutan ko bilang Assassin ngunit bakit niyo ko ikinulong dito? Naguguluhang sambit ni Framiyo lalo pa't alam niyang hindi basta-basta gagapusin at bubugbugin siya ni Rant na may mataas na posisyon sa kontinente ng Serpien.

"Huwag kang magmaang-maangan sa akin Framiyo, alam mo ang tinutukoy ko!" Pagalit na pagkakasabi ni Rant batid ang napaikli nitong pasensya.

Napaisip si Framiyo ukol sa pangyayaring ito. Alam niyang hindi gawain ni Rant na magsalita ng problema bagkus ay idinadaan niya ito sa dahas upang ang taong nabugbog niya mismo ang mag-analisa ng mga bagay-bagay ukol sa kinakailangan niyang impormasyon. Ito ay isang klase ng personalidad na siyang kinatatakutan ng halos lahat kay Rant dahil sa pagkabayolente nito ay walang nangahas na kalabanin siya liban na lamang sa mas makapangyarihang mga nilalang kaysa sa kanya. Ang personal na background ni Rant ay hindi basta-basta kung kaya't halos manginig sa takot ang sinuman na haharang sa dinadaanan niya. Lahat ng gusto niya ay siyang gusto niyang matupad. Kamatayan ang naghihintay sa sinumang kumalaban dito. Ito ang katauhang konti lamang ang gustong kumalaban lalo pa't mabagsik si Rant na siyang naging kilalang personalidad sa Serpien Continent.

Nag-isip ng malalim si Framiyo lalo pa't siya lamang ang natira sa mga pinatay na kasamahan niya na pinamumunuan niyang grupo ng mga Assassins. Nakaramdam siya ng takot lalo pa't hindi maitatangging namatay na ang lahat at siya na ang isusunod ng mga ito. Hindi siya maaaring magpakampanteng ibibigay na pamang ang impormasyong gustong makuha ni Rant. Kilala niya ito sa pagiging kriminal ang ugali. Itinuturing niya itong kaibigan ngunit mas mahal nito ang posisyon at kayamanang makukuha niya na siyang nagpakulo sa dugo ni Framiyo. Marami na siyang nalalaman maging ang kaniyang pagsapi sa grupo ng mga Assassins ay kaniyang pinagsisihan lalo pa't ang mismong siniserbisyuhan niya ay siyang ugat ng pagkamatay ng kaniyang mag-iina na siyang masasabi niyang nagbukas sa kanya na magbagong buhay na siya. Para sa kanya ay isang pagkakamali ang magpatuloy pa sa halang ang mga kaluluwa maging ang kaniyang pagpatay ay pinagsisihan niya rin kahit na ang lahat ng mga ito ay mga kriminal lalo pa't isa silang nilalang na may karapatan ring magbagong buhay at patuloy na mabuhay.

Sa hinuha niya ay hindi niya maaaring ipagbigay-alam ang mahahalagang impormasyon na gustong makuha ni Rant. Ayaw niyang maging pugad din ng kasamaan ang kaniyang itinuturing na bayan, sariling lupang kanyang kinalakihan.

Habang nag-iisip si Framiyo ay bubugbugin pa sana siya ni Rant ng may biglang pumasok na isang lalaking Cultivator na balot na balot ang buong mukha nito.

"Mawalang-galang na po Ginoong Rant ngunit pinapatawag na po kayo ng isang Opisyales ng Serpien Continent ukol sa mahalagang pagtitipon na inyong gagawin. Ipinapaalala niyang magmadali daw po kayo dahil kinakailangan po ang inyong presensya sa okasyon na iyon." Magalang na pagkakasabi ng lalaki ng Underground room na ito habang nakapatong ang kamay sa dibdib nito tanda ng pagrespeto sa pagkakakilanlan ni Rant. Sa damit na kulay itim na may disenyo ng dalawang espadang nakapahalang sa isa't-isa at sa tindig nito ay masasabi mong isa itong guwardiya.

"Hmmp! Siguradong ang matandang hukluban naman iyon, masyado nilang pinapasakit ang ulo ko maging ng tarantadong ito. Pasalamat ka inutil na Framiyo at kailang ko ng umalis kung hindi ay bubugbugin kita hanggang sa ikaw ay umamin." Paasik na sambit ni Rant habang nakasimangot ang mukha nito batid ang pagkadisgusto sa pangyayaring ito. Ayaw na ayaw niyang iniistorbo siya sa kanyang ginagawa ngunit kinakailangan niyang umalis ngayon. Alam niya ang ugali ng matandang nagpadala ng sulat at utos sa kanya. Sisingilin niya ito ng malaki lalo pa't kahit na naninilbihan siya sa mga ito ay kilala siya sa pagiging marahas at walang inaatrasang kahit na sino.

Waalng imik na tiningnan lamang siya ni Framiyo. Nagpasimangot na lamang si Rant dahil wala na siyang oras.

"Wag niyong pakainin ang lalaking ito hanggang sa ako'y dumating. Masyado siyang pasaway at ayaw umamin kung Kaya't nababagay lamang ang kanyang parusang tatamasahin ngayon." Malakas ngunit pasinghal na pagkakasabi ni Rant na hindi kakikitaan ng awa ang mukha nito. Nakasimangot pa rin ito lalo pa't nahinto ang kaniyang ginagawa ng walang nakuha kahit ni isang kasagutan mula kay Framiyo. Wala naman siyang pakialam dito lalo pa't isa na itong traydor na kumalas na mula sa organisasyon ng Serpien Continent. Hindi niya din ito itinuturing pang kaibigan lalo pa't wala na siyang benepisyong maaaring makuha rito. Kapag nakuha niya na ang impormasyong kinakailangan niya kay Framiyo ay hindi siya magdadalawang-isip na kitlin ang buhay nito.

"Masusunod po Ginoong Rant!" Sambit ng guwardiya ng may paggalang sa kanyang kinakausap lalo pa't isa itong taong may mataas na katungkulan sa Serpien Continent. Ang pagpapakita ng pagkawalang-respeto ay isang kahatulang karima-rimarim na kamatayan sa kahit na sinuman. Lingid sa kaalaman ng lahat na halos lahat ng mga nasa Dark City lalo na ang mga may katungkulan kagaya ng guwardiya o tinatawag na Dark Guards, sunod ang Dark Soldiers, Dark Armies at iba pa ay mga miyembro ito at kakampi sila ng Serpien Continent na siyang isa sa miyembro ng Black Evil Organization na isa sa pinakamakapangrihang organisasyon sa kasaysayan na mahigit daang libong taon na nag-eexist sa mundo ng Martial World.

Hindi pinansin ni Rant ang guwardiya at halos padabog itong lumakad paalis ng silid na ito na pinaglalagyan ni Framiyo. Halatang hindi pa rin nababawasan ang inis nito dahil sa matandang lalaking nagpatawag sa kaniya upang bumalik sa Serpien Continent.

Napahinga naman ng maluwag ang guwardiya nang makita niyang nawala na ang presensya ni Rant. Balisa ito kanina pa ngunit ngayon ay nakaramdam siya ng kaginhawaan. Agad nitong tiningnan si Framiyo at malademonyo itong napangisi habang tinatanaw ang bugbog saradong lalaking si Framiyo na nakayuko.

Naglakad ang guwardiya papalapit sa kinaroroonan ni Framiyo at marahas nitong sinabunutan ang buhok na may malakas na pwersa.

"Arggh!" Impit na daing ni Framiyo ngunit malakas pa rin itong napasigaw dulot ng malakas nitong pagkakasabunot na siyang nagpahatak sa lahat ng mga dumudugo pang sugat sa parteng buhok nito. Ang medyo tuyong mga sugat ay muling bumukas at dumugo ngunit balewala pa rin ito sa guwardiyang hanggang ngayon ay masayang hinahatak ang buhok upang pahirapan ang medyo may katandaang lalaki na si Framiyo.

Ngunit ng matandaan niya ang habilin ni Ginoong Rant sa kanya ay binitawan niya ang pagkakasabunot sa buhok ni Framiyo. Gawain niya ring pahirapan ang mga nakakulong sa silid na ito upang pagkasiyahan at paglaruan na siyang hindi niya mapigilang gawin ngunit ngayon ay hindi maaari lalo pa't kapag nakarating ito kay Ginoong Rant ay baka siya pa ang maparusahan o mapatay ng kilalang mabagsik na si Rant.

"Pasalamat ka at hindi pa tapos sa'yo si Ginoong Rant kung hindi ay makakatikim ka sa akin ng paghihirap mula sa mga kamay ko mismo. Sa oras na matapos si Ginoong Rant sa iyo ay ako mismo ang magpapahirap at papatay sa iyo!" Sambit ng guwardiya sa mapagbantang boses na siyang kakikitaan ng kaseryosohan.

"Hmmp!" Malakas na pagkakasabi ng guwardiya sa painis at paasik na tono. Padabog itong umalis palabas ng silid lalo pa't wala siyang maaaring gawin sa ngayon sa kanyang binabantayang silid. Ayaw niyang magmukhang payaso sa harap ng medyo may katandaang lalaki na si Framiyo na halos hindi na makilala ang mukha nito sa labis na pambubugbog at ayaw niyang mabuntunan ng galit ni Ginoong Rant.

Napatawa na lamang sa kanyang isipan si Framiyo sa sinabi ng guwardiya. Halos pare-parehas lamang ang kanilang gawain ukol sa pagpapahirap at pagpatay sa kanialng kawawang biktima ngunit ang mas nakakatawa sa kanya ay siya ngayon ang kawawa at walang kalaban-laban na biktima. Imbes na matakot siya ay hindi niya ipinapakita. Isa pa rin siyang Assassin na siyang ang gawain ay pumatay at hindi natatakot sa kamatayan. Isang kaduwagan at katawa-tawa kung hihingi siya ng pasensya sa lahat ng kanyang naging desisyon sa pagtitiwalag. Siguradong papatayin rin siya ni Rant sa oras na makuha nito ang mahalagang impormasyon.

Nag-isip ng malalim si Framiyo at nagliwanag ang kanyang isipan na halata sa mga mata nito ang pagkakaroon ng kaunting pag-asa. Ito ay dahil sa matandang lalaking nagngangalang Ginoong V. Naalala niya ang binigay nitong napakaliit na supot na siyang naglalaman ng dalawang kakaibang bato na sabi sa kanya ng matanda ay tinatawag na Wrap Stone na siyang magliligtas daw sa kaniya sa alanganing sitwasyon o sa bingit na kamatayan. Hindi malinaw sa kanya ang kabuuang gawain ng batong ito lalo pa't hindi niya pa nasusubukan ito. Malinaw sa kanya na sinabi ni Ginoong V na isa itong bagay na may kinalaman sa Teleportation. Isang napakalaking kalokohan para sa lanya ito ngunit naisip niyang hindi naman masama kung kanya itong susubukan.

Hindi man magamit ni Framiyo ang kanyang kapangyarihan maging ang kanyang Cultivation Level dahil sa kakaibang kakayahan ng silid na ito ay maaari naman niyang magamit ang kanyang Spiritual Sense.

Wala siyang sinayang na oras at agad niyang ginamit ang kanyang Spiritual Sense direkta sa nakakubling napakaliit na supot sa kanyang kanyang katawan. Agad na lumitaw ang sinasabing bato na mukhang ordinaryo lamang dahil wala itong kakaibang liwanag maging ng anumang disenyo. Ito daw ang Wrap Stone sabi sa kanya ng matanda ngunit para sa kanya ay kabaliwan ito.

Gamit ang Spiritual Sense niya ay pinalutang niya ang para sa kanya ay ordinaryong bato lamang paputa sa kamay niya.

Agad niyang sinunod ang habilin sa kanya ng matanda. Inisip niyang makakaalis siya sa kanyang pagkakagapos at makapunta siya sa tapat ng tarangkahan ng misteryosong Asosasyong pagmamay-ari ng matandang lalaki. Nakapikit siya nang biyakin niya ang sinasabingit Wrap Stone. Kung nakikita niya kung paanong nabiyak ang Warp Stone habang naglalabas ito ng kakaibang liwanag ay masasabi niyang hindi ito ordinaryong bato lamang.

Lingid sa kaalaman ni Framiyo ay isa itong Epic Grade Wrap Stone na siyang isa sa pambihirang bagay na nag-eexist dito sa Martial World na konting tao lamang ang may alam at mas konti lamang na mga tao o nilalang ang gumagamit nito. Isang itong pambihirang bagay na siyang kinaiingatan ng bawat Cultivator na mayroon nito.