Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 87 - Chapter 32

Chapter 87 - Chapter 32

Habang pinagmamasdan ni Van Grego ang lumulutang na pambihirang papel ay iniisip niya ang kakaibang pangyayari habang nasa loob siya ng pambihirang papel. Sa oras ng pagpapalabas ng Spiritual Sense niya ay alam niyang parang may pumipigil sa kanyang pagpapalabas ng labis na enerhiya at kapag tumatama sa Serpyente ay wala siyang nakikitang daing o ekspresyon dito maging ang katawan nitong animo'y walang iniindang sakit dahil sa atake. Ngunit iba talaga ang kutob niya sa pangyayaring ito. Bigla na lamang nagliwanag ang mukha ni Van Grego ng may naisip siyang ideya kung paano lalabanan o papatayin ang Sepyente. Kabaliwan man para sa iba ang iniisip niya ngunit susubukan niya pa rin.

"Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko ang iniisip kong atake" sambit ni Van Grego sa kanyang isipan habang inaanalisa ang mga bagay-bagay.

Agad na dumukot si Van Grego sa isa niya pang Interstellar Ring sa kanyang daliri at agad na inilabas niya ang isang High-Tier Epic Grade Sword niya. Kulay pilak ang espadang hawak-hawak ni Van Grego na may Kabigatan. Kakaiba ang espadang hawak-hawak niya dahil sa medyo makapal ang metal ngunit kung susuriin ay napakatalas nito. Ang espadang ito walang iba kundi ang Heavy Silver Sword na may purifying ability upang pababain pa ang resistance ng tatamaan ng espadang ito.

Hawak na ng kanyang kanang kamay ang Heavy Silver Sword at walang ano-ano pa'y mabilis siyang sumugod upang hatiin sa dalawa ang pambihirang papel. Ito ang naiisip niyang paraan dahil hindi niya rin mapapasok ang loob nito kung kaya't mabuti na wasakin na lamang ito kaysa pakinabangan at gawin pang sangkap ng iba ito upang manghasik ng kasamaan sa maliit na Kontinenteng ito maging sa iba pa. Ito ang hindi hahayaang mangyari ni Van Grego.

"Hyahhh!!!" Sambit ni Van Grego nang nasa harap niya na ang pambihirang papel. Agad niyang ipinalasap ang talim ng espada sa napakanipis na pambihirang papel. Sa haba at talim ng espada na hawak ng kanang kamay ni Van Grego ay sigurado siyang isang wasiwas ng kanyang espada ay mahahati na ito sa dalawa. Nakatapat na ngayon ang sobrang talas na Heavy Silver Sword at ang pambihirang papel. Maririnig ang nagkikiskisang tunog ngunit hindi alam ni Van Grego na tigasin pala ang napakanipis na papel.

"Pambihira, napakapambihirang papel..." Sambit ni Van Grego sa kanyang isipan. Magkahalong mangha at inis ang kanyang nararamdaman ngayon ngunit mas nangingibabaw an inis dahil hindi niya man lang mahati ang napanipis na papel na nasa kanyang harapan mismo.

Ngunit isang kakaibang pangyayari ang naganap na siyang nasaksihan mismo ni Van Grego...

Imbis na tamaan at mapunit ng tuluyan ang papel na kanyang hahatiin sana gamit ang Heavy Silver Sword ay siya namang paglabas ng kakaiba ngunit pamilyar na enerhiya sa loob ng pambihirang papel na siyang marahas na pagkakatilapon ng batang si Van Grego.

"Ppppsssshhh!"

"BANG!"

Malalakas na tunog ang maririnig sa lugar na pinagbagsakan ni Van Grego.Tanging pagsangga lamang ng espada at mga braso ni Van Grego ang nagawa niya sa hindi inaasahang malakas na enerhiyang lalabas sa pambihirang papel. Mabuti na lamang at mabilis ang reflexes niya upang sanggain kahit papaano ang malakas na enerhiya kung hindi ay mas malaking pinsala pa ang natamo niya dulot nito.

Sa Pinagbagsakan ni Van Grego...

"*Creakkkk" tunog ng napinsalang buto ni Van Grego sa braso.

"Argh, ang sakit ng katawan ko!" Naisatinig ni Van Grego sa malakas na boses. Napadaing siya sa bawat galaw niya lalo na sa bandang likod ng katawan nito dahil sa napakalakas ng impact ng hindi inaasahang paglabas ng enerhiya mula sa pambihirang papel. Naiisip ni Van Grego na masyado siyang nagpadalos-dalos sa pag-atake dahil lamang sa inaakala niyang walang buhay ang pambihirang papel na may tinatagong ekstraordinaryong lakas.

Tatampalin niya sana ang sarili niya ng makaramdam siya ng sakit. Napansin niyang napakaraming sugat at galos siyang natamo mula sa impact ng hindi inaasahang paglabas ng enerhiya maging ng naging pinsala ng kanyang braso't-kamay mula sa enerhiyang direktang tumama dito. May naramdaman si Van Grego sa kanyang bibig na mapaklang lasa na animo'y kumain siya ng bakal ay napadura siya na siyang nagpakita ng kulay pulang likido. Medyo mahapdi ang kanyang gilagid dahil sa impact maging ng marahas na pagkakaayos ng kanyang ngipin ng tamaan siya ng surpresang atake. Pinilit niyang tumayo at nagtagumpay siya ngunit pasuray-suray pa siya patayo ngunit agad din siyang bumalik sa ayos ang kanyang kondisyon. Kahit na may mga natamo siyang sugat at mga galos ay nasa mabuti pa rin ang kondisyon niya. Hindi niya makita kung saan ang kanyang Heavy Silver Sword na ginamit niyang panangga sa atake ng pambihirang papel.

"Ang lakas naman ng loob mong sirain ang artifact na pagmamay-ari ko!" Sambit ng isang nilalang sa baritonong boses nito. Kakikitaan ng panghahamak sa boses nito habang nagsasalita na animo'y ang batang ito ay isang malaking kalokohan sa tanang buhay niya.

Nagulat si Van Grego sa boses na kanyang narinig. Agad niyang tiningnan ang direksiyon kung saan nanggagaling ang baritonong boses. Halos manlaki ang mata niya sa kakaibang pangyayaring nakikita niya ngayon.

Ang kaharap niya ngayon ay ang isang medyo may katandaang lalaki na may nakalingkis sa katawan nito ang nakita niyang Serpyente sa loob ng pambihirang papel.

Napaawang ang bibig ni Van Grego sa kakaibang pangyayaring ito ngunit agad namang nagbago ang kanyang ekspresyon ng ginamit niya ang kanyang Immortal Eye.

"Bakit nakangisi ka bubwit? Ngayon mo lang ba nakita si Maestro Rozaldo? Hmmp! Isa ka lamang basurang makakatikim ng isang malagim na kamatayan dahil sa iyong nalalaman na hindi dapat pwedeng malaman ninuman!"sambit ng may edad na lalaking Maestro Rozaldo daw ang pangalan.

"Maestro Rozaldo, alam ko pong isa kayong napakalakas na Cultivator. Ano po ba ang kinalaman niyo sa pagkakaroon ng Seal ng maliit ng kontinenteng ito?" Direktang tanong ni Van Grego na may paggalang kay Maestro Rozaldo. Wala na siyang magawa kundi maging prangka nalang dahil alam niyang may pagkasadista ang taong kaharap niya. Mahirap kung di bibiglain.

"Hahahaha, sa musmos mong edad ay nalaman mo na ang pinakatatagong lihim ng basurang kontinenteng ito, talagang kahanga-hanga ka bata ngunit dahil marami ka ng marami tungkol dito ay kailangan ka ng mamatay!"Sambit ni Maestro Rozaldo sa marahas na tono. Napag-isip-isip niya ang sitwasyon at sinusubukan siyang bilugin ng batang sa hinuha niya ay sampu hanggang labin-apat ang edad nito. Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng panganib na hijdi niya malaman. Hindi niya kakikitaan ng anumang kapintasan ito dahil napakaamo ng mukha nito. Gusto niya sanang maging disipulo ito ngunit wala naman siyang nakikitang espesyal dito lalo pa't ordinaryo lamang ang lahat maging ang damit nito ay sira-sira. Ang pinakaayaw niya ay ang mga madudungis at mararalitang mga Cultivator.

"Sasabihin niyo na po ba o hindi!" Sambit ni Van Grego na naiinis. Talagang naiinis siya dito dahil sa kanina pang daldal ng daldal ang matanda dahil sa animo'y papatayin siya nito.

"Gusto ko yang ugali mo bata,ayaw paawat dahil diyan sa masamang ugaling pinakita mo ay pagbibigyan ko ang iyong kahilingan bago ka mamatay" sambit ni Maestro Rozaldo habang matamis na ngumiti dahil gusto niya ang mga batang mga may masasamang ugali na hindi nalalayo sa kanya dahil pakiramdam niya ay may kakampi siya. Ayaw niya sa mababait. Nang makita niya kung paano mainis ang batang kaharap niya ay napapangiti siya.

"Una, pakikilala ko ng pormal ang aking sarili, Maestro Rozaldo ang papatay sayo. Ikikuwento ko sayo ang pangyayaring noong nakalipas na panahon pa na ibinaon na sa limot ng lahat. Nagkaroon ng ekspedisyon ang aming napakalakas na Kontinente, ang Kontinente ng Serpien. Hindi namin layunin na manakop ng Kontinente sa ekspedisyon na iyon kundi humanap ng lugar na siyang pagsasagawaan namin ng Bloodbath Rituals. Marami kaming dinalang mga mahihinang Cultivator, hindi mabilang na mga Cultivator na karamihan ay alipin kriminal, mahihirap, mahihina, baliw, may sakit at iba pa. Sadyang umaayon ang tadhana dahil dito kami pinadpad sa napakaliit na basurang kontinenteng ito. Sa dami namin at may kasama kaming mga Elite Members ng Kontinente namin at maraming mga Outer Elders, Inner Elders,Core Elders. Maraming hukbo ng mga sundalo ang aming dinala upang maging katulong sa pagpapadali ng aming trabahong gagawin. Hindi kataka-takang nakaya naming pasukin ang kagubatang Ult Magna Forest ng wlaang kahirap-hirap. Dito kami nag-umpisang mag-eksperimento ng mga bagay-bagay, hayop, mga halimaw o mapatao man ay wala kamaing pinalagpas. Ang mga Ancient Clans ay hindi nila nalaman ang aming plano dahil pinapatahimik namin ang nadaanan naming mga tao sa pamamagitan ng pagdukot sa mga ito upang gawin ring mga sakripisyo para sa gagawin naming eksperimento at ritual. Ang Bloodbath Rituals na gagawin namin ay isang Forbidden Ritual at angkop ang kontinenteng ito dahil halos mayaman sa katubigan na pinapalibutan ang kontinenteng ito na siyang isa sa kinakailangan upang mataas ang succession rate ng Bloodbath Rituals. Pinatay namin ang lahat ng mga nabihag namin, walang pinalampas na buhay lahat pinatay, bata man o matanda man ay walang awa naming pinapatay, pati mga dugo o bahagi ng katawan ng Martial Beasts ay idinagdag sa alay, upang mas magtagumpay ang nasabing Bloodbath Rituals ay pinatay rin namin ang mahihinang Cultivator na sundalo namin, inalay namin ang lahat ng mga mahihina. Sa mahabang panahon na ginugol namin ay nagtagumpay kaming isagawa ang malakihang Bloodbath Rituals na huli na lamang nalaman ng mga Ancient Clans ngunit hindi sila makalaban sa amin, malalakas ang bawat miyembrong natira sa amin at pinuntirya namin ang mga mahihinang miyembro ng Ancient Clans maging ng ibang mga angkan na kumalaban samin ay napilitang magtago hanggang sa hindi na natagpuan ang mga ito. Dahil sa mataas na Succession Rate ay nagtagumpay kami sa pagbuo ng isang Forbidden Evil Weapon at sampong Forbidden Immortal Pills na kayang gawing Immortal ang isang Cultivator kapag nakain niya ito. Isang araw lamang ang palugit ay alam naming magagalit ang langit sa oras na madiskubre nito ang aming kapalaluan sa pagkamit ng kapangyarihan, walang hanggang kapangyarihan. Ang ibang mga Elders lalo na ang mga Core Elders at mga Elite Members ay piniling magpaiwan at magpakasasa sa yaman ng kontinenteng ito. Sila ang naging pamunuan ng Kontinenteng ito, ang mga Royal Clan. Ang tunay na pinuno ay alam kong nasa seklusyon pa ang mga iyon at hindi si George Helbor ng Helbor Clan kundiang makapangyarihang Limang Elite Members na malayang naglalabas-pasok sa kontinenteng ito bwahahaha!" Sambit ni Maestro Rozaldo.

"Mali pala ang ibang detalyeng sinabi ng mga Royal Clan o talaga bang pinasimple lamang nila at pinalitan ang mga detalye?"sambit ni Van Grego habang inabsorb lahat ng mga impormasyon na kanyang nalalaman.

"Palibhasa ay mga uto-uto kayo sa mga Royal Clan. Sangkap lamangg kayo para ginagawang plano ng aming Kontinente. Ang Serpien Continent o mas angkop sabihing miyembro kami ng malakihang samahan ng Black Evil Organization na siyang gagawa ng malaking pagbabago sa Cultivation World bwahahaha!" Malademonyong sambit nito habang kaharap ang batang si Van Grego.

"Dahil sa nalalaman mong maraming impormasyon ay hindi na kita patatakasin pa,mamatay ka na, Hyaahhhhh!"sambit ni Maestro Rozaldo habang nay lumabas na enerhiya na nasa anyong pakurba na animo'y matalas na blade na direktang ipapatama sa kinaroroonan ng batang si Van Grego na hanggang ngayon ay kalmadong nakatingin sa matandang si Maestro Rozaldo.

Walang ano-ano pa'y biglang nawala si Van Grego sa paningin ng matanda na aiyang ipinagtataka nito. Alam niyang may kakaiba sa batang kausap niya kani-kanina lamang dahil na rin animo'y parang nakikipag-usap ito sa kaedad niya lamang. Alam niyang hindi ito musmos kung mag-isip na siyang ikinamangha niya ngunit ikinagalit niya rinito dahil hindi na pwedeng buhayin ang mga nakakaalam sa sikreto nila.

"Maraming Salamat sa mga impormasyon na inyong ibinahagi sakin. Ngunit marami pa kayong hindi sinasabi sakin, isa na dito ay ang tungkol sa Tier-20 Spiritual Regeneration na siyang bumubuhay hanggang ngayon sa iyong Spiritual Sense, hindi ka nagpaiwan bagkus ay isa lamang purong enerhiya na gawa sa Spiritual Sense maging ng Serpyenteng nakalingkis sayo!" Sambit ni Van Grego habang nakangisi sa matandang si Maestro Rozaldo. Ayaw niyang siya lamang ang hamakin ng matandang ito dahil lamang nakatira siya sa maliit na kontinenteng ito. Walang sinuman ang pwedeng lumait sa mga nilalang na mas mababa sa atin, gusto niya ang pagkakapantay-pantay ng bawat Cultivator na ituring silang tao rin hindi isang mababang uri ng hayop na hinahamak at minamaliit na animo'y waal ng karapatang mabuhay pa

Nang marinig ni Maestro Rozaldo ang sinabi ng batang si Van Grego ay halos magulantang siya. Tanging mga matataas na uri ng mga Alchemist lamang ang nakakaalam sa sikretong o hiwagang nagagawa ng mga Martial Pills maging ang epekto nito sa katawan ng isang Cultivator. Natakot siya sa hindi malamang dahilan lalo pa't hindi pwedeng malaman ito ng mga tagalabas o sinuman dahil isa ito sa nadiskubre niyang pambihirang at mataas na kalidad nang mag-eksperimento siya ng mga bagay-bagay lalo na ang mga halaman at mahirap man paniwalaan ay masasabi niyang tama ang batang kaharap niya tungkol sa kanyang obserbasyon, dahil sa pambihirang Martial Pills na ito ay nabubuhay ang Spiritual Sense niya ng matagal na siyang natulog noon pang nakalipas na panahon. Ngayon lamang ito nagising dahil natapos na ang pagbibigay porma at buhay sa kanyang Spiritual Sense na siyang pinoprotektahan ang lahat ng kanyang mga nakatagong mga sikreto at kayamanan tungkol sa Alchemy sa loob ng pambihirang papel. Hindi ito ordinaryong papel lamang dahil maituturing itong pambihirang artifact na napasakamay niya mismo noong nandoon pa siya sa Serpien Continent. Nakuha niya ito mula sa isang matandang babaeng wala ng pamilya pa at agad niya itong pinaslang dahil malakas nga ang kutob nito na hindi ito isang ordinaryong papel. Malakas ang Cultivation Level niya noon pa man kung kaya't nakikita niya ang mga enerhiyang lumalabas sa papel. Hindi nga siya nagkamali ng sirain niya ang mga harang na pumapalibot dito. Ito ang isa sa nawawalang pambihirang artifact at itinuring na lamang na alamat sa Serpien Continent, ito ay walang iba kundi ang Myriad Paper of the Immortal Serpent na siyang isa sa naging bahagi sa kultura at kasaysayang nagdaan tungkol sa Serpien Continent na itinuturing mapa-hanggang ngayon na isang sagradong Artifact na alamat lamang para sa iba ngunit hawak-hawak pala noon ng isa sa mga Elders ng Kontinente ng Serpien na si Maestro Rozaldo.

Natatawa si Maestro Rozaldo nang sinubukan ng isang bata na hatiin sa dalawa na layuning sirain ang pambihirang artifact na ito. Hindi niya masisi ito. Alam niyang mga ignorante at mabababang uri ng nilalang ang nakatira dito na siyang ikinasisiya niya. Para sa kanya ang mga tao na mahihina ang Cultivation Level ay itinuturing niyang basura kahit mga bata pa yan. Kapag nakakakita siya noon ng talentadong bata sa pamilya ng mga mahihirap o ng mga alipin ay pinapatay niya ito. Para sa kanya ang mga alipin ay mananatiling alipin. Siya ang batas noon at ngayon sa Serpien Continent dahil ayaw niyang bigyan ng pagkakataon ang mga nasasakupan ng kanilang kaharian na may mag-alsa o lumaban sa kanilang pamumuno o kumontra sa desisyon ng kanilang hari.

"Magaling ka bata dahil tama iyong obserbasyon patungkol sa pambihirang pill na aking kinain. Masyado ng madami ang iyong nalalaman kung kaya't dapat ka ng mamatay!" Sambit ni Maestro Rozaldo at naglabas siya enerhiya na gawa sa malalaking na pabilog na enerhiya at mabilis nitong ipinabulusok sa direksyon ng batang si Van Grego.

BANG!

Isang malakas na pagsabog ang nagyari na animo'y may malaking digmaan ngunit ganon na lamang ang pagkabigla ni Maestro Rozaldo na makitang walang tinamaan ang kaniyang ginawang atake kundi ang lupa lamang.

"Hinahanap niyo ba ako Maestro?" Sambit ni Van Grego sa ibang direksiyon na medyo may kalayuan sa lugar na inatake ni Maestro Rozaldo. Nakalipad na ito gamit mismo ang kanyang mga pakpak. Walong piraso ng pakpak ang makikita sa likod nito na nagpapaelegante sa batang si Van Grego. Lingid sa kaalaman ni Maestro Rozaldo ay mabilis na kinakain nito ang enerhiya sa katawan ni Van Grego ngunit hindi lamang halata sa binata dahil marami pa siyang enerhiyang nakaimbak sa katawan nito.

Nagulat si Maestro Rozaldo sa kanyang nasaksihan. Gulong-gulo siya kung paano nakaalis ang batang lalaki na hindi niya alam ang pangalan. Wala siyang planong alamin pa dahil alam niyang mapapatay niya ito.

"Tikman mo to, Gravitational Force Technique: Gravitational Push!" Sambit ni Van Grego sa malakas na boses matapos nitong isagawa ang Technique habang lumilipad sa himpapawid.

Agad na natulos sa kinatatayuan niya si Maestro Rozaldo dahil sa napakalakas na pwersang gusto siyang pigain pailalalim, kahit anong pigil niya sa pwersa ay halos malubog na ang kanyang mga paa sa lupa. Dito siya natakot sa dahil sa pamilyar siya sa mga propesyon na kayang gawin ang ganitong Technique. Nakikita niya ang komplikadong simbolo sa ilim ng paanan niya maging sa obserbasyon niya ay sigurado siya sa kanyang sarili na hindi ito ordinaryong Technique dahil isa sa isang sampong libong tao lamang ang biniyayaan ng ganitong kakayahan.

"I-isa k-kang f-formation M-master!?!"nahintatakutan na sambit ni Maestro Rozaldo na nauutal halatang pinipilit niyang sikaping magsalita ng normal kahit na iniinda ang pwersang nagpapalugmok sa kanya pailalim.

"Daming satsat tanda, ito na ang katapusan ng kasamaan mo at ang lugar na pinagdausan niyo ng rituwal. Pinagtagpi-tagpi ko na ang mga pangyayaring aking nalaman. Akala ko ba ay hindi ko malalaman na wala na talaga ang totoong Ult Magna Forest. Sinira niyo na ito at ilusiyon lang ang lahat ng ito. Dahil sa kasamaan niyo, ang mga hayop ay naririto pa ngunit nilagyan at pinakain niyo noon pa man ng kakaibang Pill na Tier-23 Evil Germinating Seed Pills na siyang patuloy na lumalaki at lalaganap sa lahi, angkan, pamilya at sa mga indibiduwal na Cultivator. Ang ganitong pill ay layuning para makontrol at lasunin ng Royal Clan ang bawat pangyayari noong naganap ang kahayupang ginawa niyo at maiwasan ang pag-aalsa. Sa araw ding ito ay ipapawalang-bisa ko ang kademonyohang markang ginawa niyong mga Serpien Continent sa kontinenteng aking kinalakihan, "Formation Technique: Berserk of the Constellations, Six Layer!" Sambit ni Van Grego sa malakas na sigaw dahil hindi niya maatim ang kasamaan ng Serpien Continent sa kanilang maliit na kontinenteng hinahamak nila.

Unti-unting nagkaroon ng napakalawak na pabilog na hugis na pinaplibutan ng mga kakaiba at komplikadong simbolo na siysng animo'y buhay ang mga ito. Nagliliwanag ito ng sobra na siyang ang may kadilimanang parte ng gubst ay naging maaliwas at napakaliwanag na animo'y umaga na.

"Paano mo nalaman ang mga bagay na ito, dapat ka ng mamatay bago ka pa manghimasok at sirain ang aming Kaharian at maging ang samahan nam--------" sambit ni Maestro Rozaldo ngunit naputol ito ng makita nito na mas lumalaki pa ito na siyang sumakop sa buong Kagubatan ng Ult Magna Forest.

Pabilis ng pabilis ang galaw ng kamay ni Van Grego at makikita ang namumuong mga Constellations sa kalangitan. Napakalaks ng pagliliwanag nito lalo pa't gabi ngayon.Sa tulong ng Seal na nakaugnay kay Van Grego ay binibigyan siya nito ng ibayong lakas ngunit malaki rin ang kabayaran pagkatapos nito. Wala ng sinayang si Van Grego na oras at agad na pinabagsak ang kanyang napakalakas na Formation Technique na Berserk the Constellations, Six Layer.

Dumagundong ang napakalakas na pagsabog maging ng napakalaking lindol ngunit dahil sinumpa ang lupain ng lugar sa kagubatang ito ay parang walang kakaibang pangyayaring naganap dito maging ang paglindol ay wala silang naramdaman o anumang kakaibang tunog na maririnig. Nananatiling maayos ang tulog ng mga taong naninirahan sa kontinenteng ito hindi alintana ang malaking sakunang magaganap dalawang araw mula ngayon.

Sa loob ng lugar na lokasyon mismo sa pusod ng Ult Magna Forest ay makikita ang malalaking batong may parang hiniwa at nagkapira-piraso dahil sa malakas na impact. Wala na rin ang Anyo ng matandang lalaking nagngangalang Maestro Rozaldo dahil nawasak ang kaniyang Spiritual Sense maging ng Serpyente sa ginawang atake ni Van Grego na Formation Technique: Berserk of the Constellations, Six Layer. Hindi ordinaryong atake ng Formation Master ang ginawa ni Van Grego dahil isa iyong Technique na may kinalaman sa Astral Attributes na siysng kapangyarihan ng mga bituin na isa sa komokontra sa kapangyarihan ng dilim lalo na sa mga kasamaan. Ang lugar na ito ay humina ng tuluyan ang mga markang ngayon ay nagliliwanag ngunit halos mahina na. Kahit na hinang-hina si Van Grego ay wala siyang sinayang na oras nagsagawa ng bagong Technique.

"Formation Technique: Purifying Alchemy Fire!" Sambit ni Van Grego sa paos na boses. Alam niyang nasa delikado na ang kondisyon mg kanyang katawan ngunit gusto niyang tapusin ito lalo pa't mahihirapan siya kung hahayaang lumakas pa ito.

Biglang lumabas ang tinatagong sagradong apoy na nasa katawan ng batang si Van Grego.

Lumitaw ang napakalaking pabilog na mayroong namaraming kakaibang simbolo na kaiba sa ibang Formation Technique. Napakadalikado ng ginawa ni Van Grego dahil hinalo niya ang kanyang sariling Alchemy Fire sa pagsasagawa ng Formation Technique na isa sa delikadong gawain dahil magkaibang paraan ito ng daan sa pagcu-cultivate ngunit mas pinili niya ito. Hindi niya hahayaang gagamitin pa ng kalaban ang mga Tier 23 Evil Germinating Seed Pills na nasa loob ng katawan ng mga Martial Ancestor Cultivators pataas dahil sa pakikipagfuse nila sa mga Martial Spirits ng mga Beast na ginawang eksperimentuhan ang mga lahi ng mga ito upang gamitin ng Royal Clan lalong-lalo na ang mga pamunuan ng Serpien Continent.

Malawak na ang kaalaman ni Van Grego tungkol sa mga pambihirang Pill at mga Forbidden Pill. Alam ni Van Grego na ang Spiritual Regeneration Pill ay hindi Forbidden Pills dahil wala itong masamang epekto at gawa lamang ito sa Spiritual Sense na siyang nagpapalakas sa isang Cultivator na may mababang Cultivation Level. Ang Evil Germinating Seed Pills naman ay maituturing na Forbidden Pills. Isa itong parasitiko sa katawan ng Cultivator na kayang kontrolin ng gumawa nito at ng mga Cultivators na eksperto sa paggawa ng Forbidden Pills. Ang pinakamalalang gawain nito ay kaya nitong pataasin ang Cultivation Level ng isang Cultivator at magreresulta ito sa pagsabog ng katawan ng sinumang mayroong pills sa katawan nito.Maagapan ito sa pamamagitan ng pagpapalabas ng Pills at sirain ito kung kaya't mabilis na ipapalabas ni Van Grego ang mga Forbidden Pills na patuloy na lumalaganap sa katawan ng bawat Cultivator na nakatira sa Hyno Continent.

Unti-unting nanghihina ang katawan ni Van Grego na parang nawala ang lahat ng kanyang apoy na nasa kanyang katawan. Parang mawawalan siya ng malay-tao dahil parang wala na siyang lakas na mailalabas pa ngunit hindi siya sumuko kahit nag-uumpisa n g dumugo ang ilong niyo at sobrang putla niya na rin. Unti-unting tinapos niya ang ang Formation Technique: Purifying Alchemy Fire. Mas nagliwanag pa ang kanyang mga komplikadong simbolo nagkakaroon ng kulay Silvery White na sumasayaw na apoy na siyang nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa lahat. Isang kalmadong apoy ang unti-unting lumalaki na siyang nagkakaroon ng pagbabago sa temperatura at pagkakaroon ng unti-unting pagkawala ng mga negatibo at masasamang awra sa buong Hyno Continent. Pinasok ng kakaibang alkemiyang apoy ni Van Grego ang katawan ng bawat nilalang at pinuntirya ang Tier-23 Evil Germinating Seed Pills na hindi natutunaw kundi ay patuloy na lumalaki ngunit ngayong pinasok na ng apoy ang lugar kung saan nakatago ang Forbidden Pill sa bandang Dantian ay unti-unting binabalutan ng apoy ang Tier-23 Evil Germinating Seed Pills ay himalang nagkakaroon ng pagbabago dito hanggang sa nasusunog na ito paunti-unti. Pilit na lumalaban pa ito ngunit dahil sa kakaibang enerhiyang galing sa pambihirang Alchemy Flames ni Van Grego ay pumipiglas lamang ito ng pumipiglas ngunit hindi ito makapalag sa pambihirang kapangyarihan ng apoy. Isang forbidden pills ito ngunit ano ang magagawa sa Sagradong apoy na taglay ng batang si Van Grego, tanging pagsusumamo lamang ang ginagawa nito dahil walang nagpapalabas ng ng kapangyarihan nito. Sa huli ay nasunog na ito ng tuluyan.

Wala namang kahit na anumang naging epekto ang apoy at dahil halos lahat ay tulog hindi din nila naramdaman ang pagbabago ng temperatura o ang pagkakaroon ng sagupaan ng Alchemy Flames ni Van Grego laban sa mga tlTier-23 Evil Germinating Seed Pills na Forbidden Pills na matagal ng nakatira sa kanilang katawan. Magkakaroon ng magandang epekto ang pagkawala ng Forbidden Pills sa kanila habang lumilipas ang panahon na siyang magpapabilis ng kanilang Cultivation Speed lalo na kung masisira o mawawala ang epekto ng Seal.

Ilang oras ang lumipas ay nararamdaman ni Van Grego na naubos na ang mga Forbidden Pills sa katawan ng mga nilalang na nabubuhay sa maliit na Kontinenteng ito na nagmumukha lamang isang siyudad kumpara sa ibang malalaking kontinenteng nakapalibot sa Kontinenteng ito. Dahil sa tulong ng pambihirang Alchemy Flame niya ay nakaya niyang puksain ang forbidden Pill na isang parasitiko na umaapekto rin sa katawan at Cultivation ng mga Cultivators.

Nanghihina na talaga si Van Grego dahil sa matinding pagod at kawalan ng enerhiya sa katawan. Bago pa mawalan siya ng malay ay kumain siya ng kumain siya ng Tier-4 Recovery Pill upang kahit papaano ay bumuti ang lagay niya. Pumikit siya at nagmeditate siya sa paupong posisyon sa komportableng lugar at lumabas agad na nagliwanag ang kaniyang katawan dahil nag-uumpisa na siya sa kanyang pagcu-cultivate. Hindi niya inaasahan na mas gumaan ang kanyang pakiramdam dahil nasalinan siya ng bagong enerhiya sa kanyang katawan lalo na ng kanyang Cultivation at Alchemy Flames. Matagal na din siyang hindi nakakagamit ng kanyang Alchemy Flames dahil sa maraming suliranin siyang kinakaharap maging sa pagcu-cultivate ay paminsan-minsan.

Ilang oras din siyang nakapag-meditate at nang imulat niya ang kaniyang mata ay bigla na lamang siyang nakangiti. Mabuti na lamang at nailigtas niya na ang lahat ng mga Cultivators na mayroong mga Forbidden Pills sa kanilang katawan ngunit kataka-taka ang dalawang nilalang na bigla na lamang nawala ang mga Forbidden Pills na parang bola kung saan ay bigla na lamang umalis ang kanyang pambihirang Alchemy Flames sa katawan ng mga ito na siyang nagpapagulo sa kanyang isipan.