Habang mahimbing na natutulog si Van Grego ay nagkaroon ng pagbabago sa kanyang katawan lalong-lalo na kapansin-pansin ang mabilis na paghilom ng kanyang mga malalalim na mga sugat at humilom rin ang galos sa katawan. Ang katawan niya ay animo'y perlas dahil kumikinang ito at nagliliwanag na siyang makikita kung sinuman sa lugar.
Nagsimula na ring gumagapang ang awra ng dalawang halimaw na mag-asawang Black Terra Spiders sa mata ni Van Grego dahil animo'y sumasayaw ito sa hangin. Ang buong mukha ni Van Grego ay bumalik na rin sa dati matapos ng kakaibang pangyayaring ito sa katawan niya. Ang mga simbolo na lumalabas sa katawan niya ay bigla na lamang nawala. Hindi alam ni Van Grego na malapit ng magising ang natutulog na kapangyarihan sa katawan niya.
Ang mga nakaramdam ng mga sakit na kapareho din sa nararamdaman kanina ni Van Grego ay nawala na ngunit ang mukha nila ay hindi maipinta dahil gulong-gulo sila sa kakaibang pangyayari sa kanilang sarili kani-kanina lamang. Isang pa ring misteryo ang mga pangyayaring ito lalo na sa mga imortal na siyang hindi nanghihimasok mula pa noon ngunit makikita ang pagkabahala sa kanilang isipan.
...
Gabi na nang magising si Van Grego sa kanyang mahimbing na pagkakatulog. Napakasarap ng kanyang pakiramdam dahil parang ang gaan ng kaniyang pakiramdam na ngayon niya lamang naranasan. Nakapagbreakthrough siya ngunit hindi naman dapat ganito. Wala rin siyang nakikitang kakaiba sa katawan niya.
"Anong nangyari? Bakit parang walang akong naikta kanina? Siguro dahil sa mga pinsala ko ngunit bakit wala akong ni isang pasa? Nasaan na ang mga halimaw na mag-asawa?"Ito ang mga katanungang gumugulo at naglalaro sa isip ni Van Grego.
Agad niyang inilibot ang kanyang kinaroroonan ngayon. Nalaman niyang naririto pa rin siya sa teritoryo na tirahan mismo ng mga Black Terra Spiders ngunit nangilabot siya dahil sa dalawang halimaw na mag-asawang Martial Stardust Realm Beast. Hindi man ganap na Cultivator ang mga iyon ay napakalakas pa rin ng mga atake at puwersang inilalabas ng mga ito. Nagtataka si Van Grego kung bakit buhay pa siya ngayon dahil sa atakeng ipinalasap ng napakagandang babaeng halimaw ay sigurado siyang hindi siya bubuhayin ng mga ito. Isang atake palang ang natanggap niya ngunit halos ikamatay niya na ngunit himalang buhay na buhay siya. Wala na siyang maramdamang enerhiya ng mga nilalang na naririto kung kaya't sinimulan niyang maglakad papalapit sa lugar na tirahan mismo ng mga Black Terra Spiders.
Pinalawak pa rin ni Van Grego ang kaniyang Spiritual Sense habang naglalakad sa direksyon ng papasok sa bahay ng Black Terra Spiders. Ayaw niyang maulit pa ang pagkakamali niya. Hindi siya maaaring magtago sa mga makikipot na lugar at maduwag na lamang. Iyon ang isa sa pinagsisihan niyang desisyon dahil masyado siyang nakampante sa galing niyang magtago at lumusot sa mga delikadong sitwasyon ngunit ngayon ay buong puso niyang ipinapaalala sa sarili niya na huwag siyang pakakasiguro sa anumang sitwasyong kakaharapin niya dahil maghahatid lamang ito sa sarili niyang hukay.
Nagtataka pa rin si Van Grego kung bakit wala na ang mga nilalang na iyo ngunit isinawalang bahala niya na ito ngunit habang tumatagal ay pinapakalat niya sa kapaligiran ang kanyang Spiritual Sense hindi upang mang-akit ng anumang nilalang bagkus ay magsilbi itong detector kung sinuman ang pupunta sa lugar na ito na may mga tinatagong motibo.
Ilang sandali pa ay huminto si Van Grego sa paglalakad at kaharap niya ngayon ang tinitingnan niya sa malayo kanina pa ngunit ngayon niya lamang itong napansin. Isang malaking pintuan ang ang makikita na may mga disensyong nakaukit na siyang simbolo ng mga Black Terra Spiders. Maging ang mga dingding ay maraming mga komplikadong simbolo na siyang makikita mong napakatagal na ang mga itong inukit dahil sa tuyo na tuyo na ang mga pambihirang materyales na ginawang dingding. Ang mas nakaagaw ng atens ni Van Grego ay ang napakalaking mga sapot sa itaas at ang mga gahiblang mga naglalakihang sapot na animo'y hinabi ang iaang daanan papunta o palabas ng mga dambuhalang Black Terra Spiders sa kanilang lungga.
Agad na ibinalik ni Van Grego ang kanyang atensyon sa malaking pintuan dahil wala rin siyang nakitang kakaibang bagay na makakpukaw ng atensyon niya. Naiisip niyang nandito sa loob ng malaking pinto ang hinahanap niya.
Hindi na rin nagtagal ay pinihit ni Van Grego ang malaking pintuan na siyang nahirapan siya dahil ginawa talaga ang napakalaking pintuan para lamang sa Martial God Realm pataas kung kaya't medyo nahirapan siya. Isa lamang siyang Martial Ancestor Realm Expert kung kaya't hindi kataka-takang ang agwat ng ordinaryong lakas ng Martial God Realm sa Martial Ancestor Realm. Sa huli ginamit niya ang kanyang dalawang kamay at ibinuhos ang kabuuang lakas niya. Mabuti na lamang at aksidenteng napihit niya ang seradura kung kaya't hapong-hapo siya at agad na itinulak ang pintuan. Ngunit nagtaka si Van Grego dahil sa pagtulak ay parang nagtulak siya sa isang haligi na hindimatulak-tulak.
Kahit ang pagbukas ng malaking pintuan ay nahirapan si Van Grego dahil hindi niya aakalaing may ganito kabigat na klaseng pintuan. Walang pag-aatubiling ginamit niya ang Million Steps Ascend upang mabilis na itulak ang pintuan na hindi rin siya nabigo. Alam niyang sa loob nito ang kasagutan sa mga gumugulo sa isip niya maging sa misteryong bumabalot sa Ult Magna Forest nitong nakaraang mga araw lamang.
Nang tuluyang mabuksan ni Van Grego ang silid ay siya namangikinalaki ng mata niya hindi dahil sa mangha kundi sa pangamba. Pagbukas pa lamang ni Van Grego ay makikita niya ang mga iba't ibang kulay ng mga likido ngunit karamihan ay kumikinang ang mga kulay na nakapaloob sa mga tube isang shelves.
May higanteng mga aparato na animo'y nagkaroon ng mga eksperimento dito. May kalumaan na rin ang mga gamit at puno na rin ng mga alikabok sa loob ngunit kapansin-pansin ang iba't ibang mga Martial Beasts na nakalagay sa mga tube na nakahanay sa isang Shelves sa hindi kalayuan.
Agad na pinuntahan ni Van Grego ang mga ito at sinipat-sipat kung ano ang mga ito. Ang mga sangkap ay marami siyang hindi pamilyar dito ngunit isa lamang ang ipinapahiwatig nito. Ito ay ang sirain ang balanse ng kagubatsng ito noon pa man at hanggang ngayon ay patuloy pa ring inaapektuhan ang mga kapaligiran.
Maraming mga libro siyang nakitang nagtatambakan sa isang gilid. Binasa niya isa-isa ang mga nakasulat sa libro at sinipat ang bawat detalye ngunit wala siyang nakitang kakaiba dahil lahat ay patungkol lamang sa mga Catalyst at mga Alchemical Processing.
Ngunit ng tangkang pagbalik ni Van Grego ay siya namang paglaglag ng isang nakuping papel at napukaw ang kanyang atensyon ukol dito.
Agad na pinulot ni Van Grego ang nalaglag na papel na siyang kaniyang inumpisahang buklatin. Habang binubuklat niya ay siya namang panipis ng panipis ang papel. Ang papel ay halatang pinaglipasan na ng panahon ngunit nanatili pa rin itong malinis at mukhang hindi nabubuklat ng matagal na panahon. Kakaiba ang kanyang pakiramdam dito lalo pa't nakikita niya ang kakaibang simbolo na hindi nabibilang sa panahon ngayon. At ng mabuksan niya ng tuluyan ay halos makaramdam si Van Grego ng kakaibang takot dahil sa nakikita niyang kompleto at komplikadong mga marka at simbolong alam na alam niyang pamilyar sa kanya. Ang dahilan kung bakit nagkaroon ng Seal ang Hyno Continent.
Mahirap man tanggapin o alalahanin ng sinuman ang karumaldumal at napakasalimuot na nakaraan ay hindi maitatangging naapektuhan ang lahat ng nilalang ng kontinenteng ito. Ngunit dahil kay Van Grego at patuloy na paghina ng Seal ay unti-unting lumalakas at bumibilis ang progreso ng Cultivation Level o Rank ng mga Cultivators na nakatira sa sariling lupa ng maliit na kontinenteng ito. Ngunit kay Van Grego, siya ang mas dehado sa labanan sa pamamagitan ng mga pangyayaring ito na nalalagay ang kanyang buhay sa alanganin.
Nanginginig na hinawakan ni Van Grego ng mahigpit ang napakanipis na papel na siyang dahilan ng pagiging miserable ng kontinenteng ito ngunit alam niyang ginawa ito ng mga Royal Clan upang sa kanila lahat mapunta ang benepisyo. Pinagtagpi-tagpi niya ang mga nakuha niyang impormasyon at sa kasalukuyang impormasyon ay marami siyang nalaman. Una na rito ay ang pag-agaw ng mga Royal Clan na binubuo ng mga Royal Families upang pataubin ang mga Ancient Clans na maikukumpara sa mga Noble Clans ngunit may napakalakas na Bloodline.
Hindi pa mahukay ni Van Grego kung paano natapatan ng mga dayuhang mga Royal Clan ang lakas ng mga Ancient Clans. Tanging ang Chandelo at mga may Bloodline ng Angel of Doom ang nalalaman niyang direktang Descendants ng mga Ancient Clans na may purong mga dugo ng malalakas na mga nilalang. Nakaramdam din si Van Grego na sina Shion Mondar at Zerk Clamir dahil sa mga pambihirang mga kakayahan itinatago ng mga ito. Si Shion Mondar ay alam niyang kakaiba ang pambihirang skills ng mga Refinement Technique dahil kaya nitong gawing puro ang Martial Beast at ng Martial Spirit nito upang pag-isahin na siyang maituturing na kamangha-mangha dahil sa lakas ng Centurian Water Fox ay siguradong mapapatay siya ng napakalakas na Martial Beasts kapag lumapit siya dito o atakehin siya nito direkta sa katawan niya.
Sa lagay ni Zerk Clamir ay napag-alaman niyang nagtataglay ito ng sagradong sandata. Ang knife of Chaos. Paano ito nalaman ni Van Grego? Simple lang dahil sa mga napakaraming librong nakuha niya sa loob ng mga rooms ng Interstellar Palace. Nalaman niyang may mga heirloom o ipinamanang mga sagradong bagay kagaya ng mga sagradong sandata at mga bagay na mayroong mga natatagong kapangyarihan.
Akala niya ay walang sinuman sa mga taong tinulungan niya ang mayroong sagradong sandata ngunit naging ebidensya ng noo'y akala niya haka-haka at kwentong matatanda lamang ang mga ito. Alam ni Van Grego na malaki ang posibilidad na sa mga Forger nakahanay ang Bloodline ni Zerk Clamir at Refiner naman ang pinagmulang lahi ni Shion Mondar. Wala siyang panahon upang alamin pa ang mga bagay na ito lalo pa't may malaking problema pa siyang kailang resolbahin.
Napadako ulit ang tingin ni Van Grego sa manipis na papel na hawak-hawak niya pa rin hanggang ngayon. Famit ang Spiritual Sense ay unti-unting binasa niya ang misteryong nakapaloob sa hawak niyang napakanipis na papel. Napaikit siya upang pakalmahin ang sarili niya lalo na ang kanyang emosyon at saka niya ginalugad ang mga detalye at mga impormasyon sa napakanipis na papel.
Inactivate ni Van Grego ang papel na sa una ay aakalain mong ordinaryo lamang ngunit dahil sa malawak na kaalaman nito ay alam niyang may ginawang kakaiba ang nagmamay-ari at gumawa ng kakaibang Technique dito upang hindi agad-agad mapapansin ng sinuman ang nakatagong hiwaga sa likod ng napakanipis at pinaglumaan na ng panahon. Malinis at Pulido ang pagkakagawa at pagplano kung paano itago nito ang mga enerhiyang gustong lumabas sa malapad na papel ngunit sa Immortal Eye na gamit ni Van Grego sa kasalukuyan ay walang anumang bagay ang makakatago dito. Sapat na ang tulong ng Immortal Eye ng makakita siya ng gahiblang mumunting enerhiyang lumalabas dito maging ang mga nakasulat ay alam ni Van Grego na nagpapalit-palit bawat minutong lumilipas na siyang ipinagtataka niya.
Gamit ang Spiritual Sense niya ay agad pumasok ang kanyang isip sa isang malapad ngunit napakanipis na papel. Ngunit ganon na lamang ang kanyang gulat ng maglabas ng kakaibang aura ang papel at lumiwanag ito. Unti-unting namumuo ng porma ang enerhiya. Isang napakalaking Serpyente na naglalabas ng napakalakas na awra ang biglang lumitaw sa lokasyon kung saan si Van Grego. Agad na tumalsik ang Spiritual Sense ni Van Grego na siyang nagpabalik sa kanyang sariling kamalayan. Hapong-hapo na si Van Grego na animo'y tumakbo siya sa isang paligsahan sa pagtakbo at mistulang napahawak sa sintido niya. Malakas ang naging impact ng ginawang atake ng higanteng Serpyente.
Isa lamang iyong ilustrasyon ng Martial Beast na nagawa dahil sa malakas na Spiritual Sense ng gumawa ng malapad na papel. Hindi man sabihin ni Van Grego ay malakas pa rin ang Spiritual Sense ng gumawa ng manipis na papel na nakita niya kumpara sa Spiritual Sense niya ngunit hindi rin ordinaryo ang Spiritual Sense niya kung ihahambing sa ibang tao. Sa edad niyang labindalawa ay kaya niyang makipagsabayan sa edad ng ordinaryong labing walong taong gulang.
Ngunit sa larangan ng Cultivation Speed ay masyado siyang mabagal na siyang masasabi mong ordinaryo lamang ang kanyang talento na siyang kinaiinisan ni Van Grego ngunit alam niyang mas mabuti na iyon kumpara sa pagiging "crippled" niya noon.
Lumipas ang tatlumpong minuto ngunit kahit anong gawin Van Grego ay sobrang lakas ng Serpyente na gawa sa Spiritual Sense ng hindi kilalang Cultivator. Paulit-ulit lang siyang tumatalsik palabas sa loob ng papel. Nakaramdam si Van Grego ng pagkahilo at unti-unting pagkaubos ng kanyang Martial Qi na siya ring nagsu-supply ng enerhiya na nagcoconvert bilang Spiritual Particles na siyang bumubuo ng Spiritual Sense.
Agad na dumulot si Van Grego sa isa niyang singsing sa daliri at may liwanag na makikita na siyang indikasyon na may kinuha siyang bagay mula sa loob ng Interstellar Ring. Kinain ni Van Grego ang Tier-1 Spiritual Recovery Pill na siyang mabisang gamot sa nawala niyang Spiritual Particles na kailangan upang makabuo ng makapal at malakas na Spiritual Sense at bumalik sa ayos ang kondisyon ng Cultivator. Ang pagkahilo at labis na paggamit ng Spiritual Sense ay indikasyon na malapit ng masaid ang Spiritual Particles na siyang sangkap upang bumuo ng makapal na Spiritual Sense.
Habang ginagamit mo ang Spiritual Sense ay siya namang panipis ng panipis ang kulay nito lalo na kung wala ng pinagmumulan ng enerhiya. Kinakailangan ng source o kaya ay panglunas agad kapag malapit ng maubos ang Spiritual Sense ng isang Cultivator dahil magreresulta lamang sa Qi Deviation o pagtamo ng malalang pinsala sa iyong katawan partikular na rito ang utak o ang isip ng isang Cultivator. Ang pagpapalabas ng Spiritual Sense ay sa pamamagitan ng isip na siyang tinatawag ding Spiritual Attack lalo na kapag tinamaan ka nito ay aatakehin nito ang internal energy sa iyong katawan.
Ang halimbawa na rito ay ang pagtalsik ni Van Grego palabas ng pambihirang papel ngunit wala siyang kahit na anumang pinsalang natamo sa labas ng katawan niya ngunit ang internal energy niya sa katawan ay lubos na naapektuhan dahil sa mga malalakas na pinsala nang inatake siya ng Serpyente na gawa sa purong Spiritual Sense.
Matapos makain ni Van Grego ang isang Tier-1 Spiritual Recovery Pill ay unti-unting gumaan ang kanyang pakiramdam. Bumalik na rin sa dati ang maputla niyang itsura maging ang nawalang enerhiya ng kanyang Spiritual Sense ay napalitan na ng panibagong Spiritual Energy na siyang nagpaparami ng produksiyon ng Spiritual Particles.
Mayroon siyang Tier-2 Spiritual Pills sa kanyang Interstellar Ring kaya nga lang ay baka sumabog ang katawan niya dahil sa napakayaman nitong Spiritual Energy na alam niyang hindi niya kakayanin ito. Alam niyang napakababa pa ng kanyang totoong Rank at kahit nasa Martial Ancestor Realm ang ranggo niya ngayon ay hindi pa rin nito matatago o mababago na huwad lamang ang kasalukuyan niyang ranggo.
Hindi na rin kataka-takang palagi siyang umiiwas sa close-range na labanan dahil na rin sa pisikal niyang anyo at pangangatawan. Ang atakeng magagawa niya ay mahahalintulad sa Martial Ancestor Realm ngunit ang pisikal na katawan niya ay mas mahina pa sa Martial Knight. Ito ang pinakalilihim niyang kahinaan na kahit kailan ay hindi niya maaaring ipagsabina baka ikapahamak pa niyang muli.
Iwinaksi ni Van Grego ang kanyang iniisip at itinuon ang kanyang atensyon sa lumulutang pa ring pambihira at malapad ngunit manipis na papel. Agad niyang dinala ito sa labas ng bahay ngunit iniwan niyang nakabukas ang pintuan lalo pa't mahirap ng mag-aksaya ng oras at enrhiya sa pagbukas ulit. Mas pinili niyang lumayo sa bahay upang maiwasan ang anumang sakuna at mapanatiling intact ang mga kagamitan sa loob ng inaakala ni Van Grego ay isang laboratoryo.
Inilagay ni Van Grego ang pambihirang papel sa isang lugar na nakalutang pa rin sa ibabaw ng damuhan.