Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 85 - Chapter 30

Chapter 85 - Chapter 30

Makapal pa rin ang usok at nakahandusay pa rin si Van Grego. Nagkaroon siya ng maraming mga galos at sugat sa iba't ibang parte ng katawan ngunit na rin ito masamang balita para sa bata dahil napakalakas talaga ng isang Martial Stardust Realm. Kahait na epic grade na ang suot mong baluti ay kayang-kaya ka nitong pinsalain ng malaki.

Mabuti na lamang at nakasuot siya ng Vampiric Crab Armor dahil kaya nitong pahinain ang atake ng Black Terra Spiders ngunit dahil sa mataas na lebel na ang Martial Beast na ito ay hindi na ito mapigilan ng kanyang baluti. Sino ba ang mag-aakala na mayroong naging Cultivator na Martial Beasts kahit wala itong basbas ng langit.

Walang sinayang na oras si Van Grego at agad na kinain ang Tier-5 Recovery Pill na agad na umepekto sa katawan ni Van Grego. Ang mga galos at sugat ni Van Grego ay unti-unting humihilom at sa kaunting panahon lamang ay nawala ang lahat ng mga sakit na kaniyang nararamdaman. Tumayo siya pinsgpag ang bato at mga alikabok na dumikit sa kanyang katawan. Umupo siya sa komportableihlmabilis siyang nagmeditate lalo pa't makapal ang usok na kanyang kinaroroonan. Mabilis niyang nahigop ang mga Martial Qi sa paligid na siyang unti-unting nagpawala ng kanyang pagod at gutom. Nagmistulang pagkain ang enerhiyang kanyang nahihigop at unti-unting siyang naging kalmado ngunit nagulat na lamang si Van Grego ng napuno ang kanyang enerhiya sa kanyang Cultivation Base at pinunan ang malapit na mabuong bituin. Nararamdaman ni Van Grego ang kaniyang nalalapit na pagtaas na Breakthrough. Unti-unting nagliliwanag ang ika-siyam na bituin sa dantian ni Van Grego at walang ano-ano pa'y matagumpay na nag-breakthrough si Van Grego. Isa na siyang 9th- Star Martial Ancestor Realm. Kapansin-pansin ang saya sa mukha ni Van Grego na animo'y napawi lahat ng kanyang pagod dahil sa kondisyon niya na napakahirap niyang magbreakthrough. Sa wakas ay nakamit niya ang minimithi niya ngunit pinapaalala niya sa sarili niyang huwad lamang ang lakas na ito. Ang lakas na ibinigay sa kanya ng Seal. Kung sana ay nasa Martial God Realm siya nang masira niya ang seal ay ilang realm pa ang kanyang itinaas na siyang magiging sobrang lakas niya na kaya niya sanang protektahan ang kontinente ng Hyno ng siya lamang pero napakahina niya noon at wala siyang lakas upang protektahan man lang ang sarili niya.

Ngayon ay naiisip ni Van Grego na mahina pa rin siya dahil maraming mga Cultivator na napakatalentado dahil napakabilis ng mga ito na magcultivate pero siya ay mas mahirap at napakabagal ng kanyang progreso sa pagpapataas ng rank. Dadaan pa siya sa butas ng karayom para makamit lamang ang pag-breakthrough.

Hindi maintindihan ni Van Grego kung bakit nangyayari ito sa kanya kung kaya't hindi niya rin mapigilan ang mag-isip na wala talagang talento ang dugong pinagmulan niya. Lingid sa kaalaman ng lahat ay naiinggit siya nakikita niyang may mga kadugo, pamilya at may sariling angkan. Sa katulad niya ay walang tuturo at gagabay sa kanya upang may tatahakin siyang daan ngunit wala. Hindi niya pa nahahanap ang sagot na naglalaro sa kanyang isipan. Kahit na ngayon na nasa peligro ang buhay niya sa pagharap sa malalakas na Martial Beasts ay mayroong nag-aalala at nagagalit kapag nasugatan o namatay ang anak niya.

Kahit nga na maraming mga gumagalang sa kanya sa kanyang itinatag na Alchemy Powerhouse Association ay hindi siya aasang susuklian siya ng kahit na anumang bagay o pabor ng mga Departamento ganun din sa eskwelahan na kanyang itinatag ay wala rin siyang inaasahan sa mga ito. Hindi lahat ay pwedeng pagkatiwalaan dahil pawang benepisyo lamang at negosyo ang relasyon niya sa mga ito. Ginamit niya ang Asosasyon upang itago ang kanyang katauhan hanggang ngayon ngunit alam niyang hindi magtatagal ay magkakaroon ng pagkakawatak-watak at pag-aaway ng mga angkan. Alam niyang wala dito ang kasagutan sa kontinenteng ito maging ng mga senyales kung bakit naririto siya at wala ang pamilya niya. Plano ng batang si Van Grego ang maglakbay kung saan hahanapin niya ang sarili niya at ang pamilyang tunay na kinabibilangan niya. Hindi man alam ng karamihan ngunit puno ng lungkot ang kanyang dinarama sa araw-araw. Hindi siya susuko at pipiliting mabuhay upang hanapin ang mga sagot sa kanyang katauhan.

Naputol ang iniisip ni Van Grego ng may malakas na enerhiya siyang naramdaman papunta sa kanyang kinaroroonan mismo kung kaya't dali-dali niyang ginamit ang Million Steps Ascend lalo pa't kung lalakado tatakbo lang siya ay mapipinsala lamang siya ng malubha. Hindi siya mangmang para sumugal sa hindi paggamit ng enerhiya upang tumagal sa laban. Kakarampot lamang na enerhiya ang mababawas sa kanya kung kaya't mas pipiliin niya ang mas ligtas na paraan na siyang maglalayo sa kanya sa malubhang pinsala at hindi mabilisang pagkamatay dahil sa kanyang pagiging agresibo ng hindi nag-iisip.

Gamit ang Million Steps Ascend ay agad nakaalis si Van Grego sa lugar na pinagbagsakan niya kanina bago pa tamaan ng naglalakihang kulay itim na bolang animo'y apoy dahil sa naglalagablab nitong enerhiyang bumabalot dito. Agad na kinubli ni Van Grego ang presensya niya sa sinumang nilalang at tinago ang kanyang sarili sa medyo may kasikipang lugar malayo sa kinaroroonan ng halimaw na may napakagandang alindog.

...

Tumama ang itim na enerhiyang pinakawalan ng maladyosang babae na may malahalimaw ang lakas sa kinaroroonan ng binata na siyang naglikha ng hugis pabilog na lupang animo'y hinulma upang gawing hukay.

"Sa wakas ay patay na rin ang basurang batang iyo, hahahaha!"sambit ng napakagandang babaeng may walong galamay sa likod nito. Kahit na masama at makamandag ang mga salita nito na animo'y nangmamaliit ay hindi pa rin maitatangging hindi magagalit ang sinuman kung maririnig nila ang napakagandang boses nito.

"Huwag kang magpakasiguro Jenevia, nakita kung nakatakas ang insektong iyon sa iyong atake, masyado ka kasing kampante dahil may pambihirang Technique ang batang iyon!" Sigaw sa kanya ng kanyang asawa na si Kenviel sa baritonong boses.

Nang marinig ito ni Jenevia ay halos manggalaiti siya at nagpupuyos sa sobrang galit. Ni minsan ay hindi siya pumalya sa atake sa kanyang mabibiktima.

"Hindi maaari! Buhay ka pang insekto ka pero kapag nahanap kita ay ipapalasap ko sa iyo ang aking galit!" Nagpupuyos sa galit na sambit ni Jenevia na halos umalingawngaw ang boses nito sa buong kagubatan. Hindi niya maaaring buhayin ang batang insekto o hayaang makatakas man lang ito. Ipinangako niya sa asawa niyang si Kenviel na siya ang aatupag muna sa mga mangangahas pumasok o nanghihimasok sa teritoryo nila. Hindi niya maitatangging sobrang perwisyo at dagok ang ginawa ng batang Cultivator na itinuturing niyang mababang uri ng insekto dahil sa pinatay nito ang mga anak nila na nitong nakaraang tatlong buwan lamang niya isinilang ang mga ito. Galit na galit siya dahil wala na siyang magiging kaagapay sa pagprotekta ng kanilang teritoryo. Bilang ina, isa itong malaking kawalan sapagkat mayroon silang malaking plano tungkol sa hinaharap. Hindi niya gustong humingi pa ng tulong sa mga anak niyang nagpaparami din at nagpapalakas ng kanilang mga puwersa. Talagang mabubulilyaso ang kanilang plano kung patuloy na bubuhayin pa ang batang ugat ng problema nila ng kanyang asawa.

Nakakabinging katahimikan ang namayani sa buong kapaligiran na kagubatan lalo na sa teritoryo ng mga Black Terra Spiders. Tanging tunog lamang ng malalakas na hangin ang maririnig sa paligid. Nasa himpapawid pa rin ang babaeng halimaw. Kahit napakaganda nito ay hindi maitatangging halimaw pa rin ito na hindi pa binabasbasan ng kalangitan. Kahit na napakaamo ng mukha nito ay kakikitaan pa rin ng negatibong enerhiya na siyang nagpapakapal ng napakaitim na awra nito na bumabalot sa buong katawan nito na halatang hindi na nagugustuhan ang takbo ng pangyayari na ito.

"Gusto mo ng laro munting insekto? Pwes maglalaro tayo ngunit huwag mong pagsisihan na pinupuwersa mong magalit ako ng ganito!"sambit ni Jenevia dahil ayaw na ayaw niyang binabalewala lamang ng kung sinuman.

Web Technique: Tracking Inhibitor!"sambit ni Jenevia habang isinagawa ang Technique. Mabilis niyang natapos ang technique na siyang nagkaroon ng kaakibang pangyayari sa paligid ng Teritoryo pagmamay-ari niya mismo. Napangisi siya habang isinasagawa nito ang technique.

Nagulat si Van Grego habang nakakubli siya sa paligid. Nakita niya ang pagbanago sa kapaligiran lalong-lalo na sa lahat ng mga naglalakihang kulay itim na sapot na mabilis na umiilaw. Animo'y mga buhay na nilalang ang ito lalo pa't umiilaw ang mga ito at gumagalaw na animo'y mga ahas ngunit kaibahan lamang ay wala itong ginagawa kundi umilaw lamang. Nagulat na lamang si Van Grego na umilaw ang mga sapot na halos nakadikit na sa kanya na siyang ikinabahala niya. Napagtanto niya na ang lahat, hindi pang-atake ang ginawa ng babaeng halimaw kundi upang hanapin ang lokasyon niya. Isang Tracking-Type Technique na siyang pangunahing technique ng mga uri ng gagambang Martial Beasts. Hindi niya aakalaing mabilis siyang mahahanap ng halimaw na ito.

"Huli kang insekto ka! Web Technique: Web Tracking Explosion!"sambit ni Jenevia ng matapos niyang makita ang batang insektong nagtatago sa isang makipot na lugar. Napangisi na lamang si Jenevia nang mabilis nitong makita ang hinahanap niyang nakikipaglarong insekto sa kanya. Nanggigil siya habang isinasagawa ang web technique niya. Titiyakin niyang mapapatay niya na ito ng tuluyan.

Agad na sumabog ang malaking nag-iitimang mga sapot sa lugar na kinatatayuan mismo ni Van Grego. Hindi na nakagawa ng paraan si Van Grego upang makaalis sa lugar na ito dahil sa bigla na lamang sumabog ang mga malalaking sapot. Ang tanging nagawa na lamang niya ay isangga ang kanyang dalawang kamay para protektahan ang katawan nito ngunit wala rin itong silbi dahil sa napakalakas na pwersa ng enerhiyang inilalabas ng malalaking sapot. Isa, dalawa, tatlo hanggang sa hindi mabilang na pagsabog ang nangyari sa lugar mismo na pinagkukublian ni Van Grego.

"Arrrrrrrrrrrrrcccccccccccckkkkkkkkkkkkk!!!!"

"Sppppppppllllllllllllissssssshhhhhhhhhhhh!!!"

"Aaaaarrrrggggggggghhhhhhhhhhhhhhhh!!!!"

Sunod-sunod na tunog ang umalingawngaw sa lugar ni Van Grego. Ito ay ang hiyaw ng sakit at pagdurusa ni Van Grego dulot ng maraming mga pagabog. Walang dudang napakalakas ng bawat pagsabog dahil umaalingawngaw ito sa buong kagubatan na siyang naghatid ng takot sa mga Martial Beasts na agad na nagsitago sa kanilang tirahan maging ang mga taong nasa labas ng kagubatang narinig ang mga sunod-sunod na mga pagsabog ay nagsilikas na rin takot na balikan ang tirahan nilang winasak ng mga mababangis na Martial Beasts.

Kalunos-lunos ang itsura ni Van Grego matapos ang sunod-sunod na mga pagsabog na siyang direktang tumatama mismo sa kanyang katawan. Naliligo na rin sa sariling dugo si Van Grego dahil sa malalalim nitong mga sugat na tinamo mula sa matinding atake ng halimaw. Hindi maipagkakailang sobrang lakas ng atakeng ito na galing mismo sa isang Martial Stardust Realm Beasts. Pinipilit na magsalita ni Van Grego ngunit tanging nag-uunahang dugo lamang ang lumalabas sa kanyang bibig. Kung makikita mo ang itsura ng batang si Van Grego ay aakalain mong gripo ito ng sandamakmak ng dugo ang pumapatak sa lupa at walang tigil sa pagdugo ng mga malalalim na sugat nito. Sirang-sira na rin ang Vampiric Crab Armor at ang Black Fang Sword ay sira na rin at nagkapira-piraso dahil kanina pa nawalan ng bisa ang Fang of the Divine Dragon sa kadahilang hindi rin nakayanan ang lakas ng mga pagsabog. Kahit na maraming nakaharang sa katawan ni Van Grego ay halatang napuruhan siya ng sobra dahil na rin sa kasalukuyang kondisyon nito na sobrang kaawa-awa.

"Hahahaha, kaawa-awang batang insekto, bagay lamang sayo ang nangyaring ito dahil sa kapangahasan mo hahahaha!" Sambit ni Jenevia ng may kasamang halakhak. Tuwang-tuwa siya sa nangyari sa binatang halos mamatay na dahil kahit nakatayo ay nakayuko lamang ang bata habang naliligo pa rin ng sarili nitong dugo. Makikita rin ang maraming mga maliliit na kulay itim na tinta na ngayon humahalo na sa dugo ng bata ng hindi nito namamalayan.

Nang makita ng isang nilalang na nanonood ang pangyayaring ito ay bigla itong lumitaw sa tabi ni Jenevia.

"Mahal kong asawa, ito na ang batang insekto na nangahas na pumasok sa teritoryo natin!" Sambit ni Jenevia habang itinuturo ang batang may kalunos-lunos na kalagayan.

"Magaling ang iyong ginawa aking mahal na asawa, napakagaling mo!" Sambit ni Kenviel aabay halik sa napakagandang asawa nito.

Agad niyang ibinaling ang atensyon sa batang naliligo sa dugo. Walang awa siyang nararamdaman habang tinitingnan at pinagmamasdan ang kondisyon ng batang insektong nangahas sa teritoryo niya. Natutuwa siya sa pangyayaring ito dahil mamamatay na rin ang perwisyong insektong ito na nagdulot ng matinding gulo sa teritoryo niya pa mismo.

"Ano ang huling salita mo insekto bago ka mamatay?"sambit ni Kenviel habang mapanghamak na tinitingnan ang batang kanyang kaharap.

"Mayroon lamang akong tanong, ano ang dahilan ng kakaibang nangyayari sa loob ng teritoryong ito ng kagubatan ng Ult Magna Forest?"sambit ni Van Grego na halatang pinipilit lamang magsalita ng diretso kahit na nahihirapan na rin ito ngunit ang mga dugong lumalabas sa bibig nito ay patunay na nahihirapan na ito ng sobra.

"Hahahaha, dahil mamamatay ka na naman ay sasabihin ko na sa iyo ang katotohanan. Ang pangyayari na ito ay walang iba kundi ang pagrerebelde ng mga Martial Beasts na mayroong kamalayan upang angkinin ang kontinenteng ito. Amin na ang lugar na ito ulang gawing pugad ng tirahan namin. Ang mga mahihinang insektong katulad niyo ay hindi nararapat para pamunuan ang kontinenteng ito. Kapag lumakas at dumami ang mga lahi namin may mga malalakas na Cultivation Level ay saka namin gagawin ang planong pagsakop sa kontinenteng ito at sa ibang mga kontinente. Buburahin namin ang mga Cultivators na mga insektong katulad niyo bwahhahaha!" Sambit ni Kenviel habang isinasalaysay ang sumaryo ng kanilang malaking plano.

Napaigik sa sakit si Van Grego ng maramdaman niyang may unti-unting kinakain o sinisipsip ng kanyang enerhiya sa katawan. Hindi niya alam ang nangyayari sa kanyang sariling katawan dahil nararamdaman niya ang mabilis niyang panghihina.

"Kawawang insekto, mamamatay ka na ng paunti-unti dahil sa lasong humahalo sa dugo mo hanggang sa aatakehin nito ang iyong mga laman sa loob ng iyong katawan. Konting oras na lamang ay mamamaalam ka na sa mundong ito. Sayang nga lang dahil hindi mo makikita ang pagpatay namin sa mga Cultivators maging sa mga pamilya at mga mahihinang angkan. Uubusin namin sila at pahihirapan bago patayin. Ipapalasap namin ang totoong kalupitan ng mundong ito na walang puwang ang mga mahihinang nilalang sa mundong ito." Sambit ni Jenevia habang isinasalaysay ang kanilang plano habang kaharap ang batang si Van Grego.

Napakuyom si Van Grego habang unti-unting lumalabo na ang kanyang paningin. Hinang-hina na siya habang papatagal ang oras. Maging ang paghinga nito ay naaapektuhan na na nararamdaman na ng lahat Kontinente ng Hyno, ng ibang mga Kontinente hanggang sa lumawak ng lumawak. Ramdam na ramdam ng bawat nilalang ang nararamdaman ni Van Grego. Maging ang mga imortal at matataas na uri ng mga nilalang ay hindi nakaligtas sa sobrang sakit na biglaan nilang nararamdaman. Halos hindi sila makahinga na animo'y mamamatay sila sa hindi malamang dahilan.

Sina Jenevia at kenviel hindi rin nakaligtas. Maging sila ay hindi makahinga at ramdam ang pagsakit ng kanilang mga kalamnan na animo'y mamamatay na sila sa sakit.

"A-anong n-nangyayari mahal?! a-ang s-sakit!" Sambit ni Jenevia habang hawak-hawak ang kanyang leeg at namimilit siya sa sakit ng kanyang buong katawan.

"H-hindi k-ko d-din a-alam m-mahal!?!" Sambit ni Kenviel habang namimilipit din sa sakit.

Ang itsura ng bata ay ibang-iba na kumpara kanina dahil unti-unting umiiba ang mata ng batang si Van Grego. Nagiging puti na ang mata nito at nagkaroon ng mga kakaibang maliliit na simbolo ang mata nito hanggang sa kumalat ito sa kalahating mukha ng binata. Animo'y naging aklat na puno ng letra na halos sakupin nito ang buong mukha ng binata.

Dahil walang makita si Van Grego ay pinilit niyang iangat ang kanyang mukha at nang makita ito ni Kenviel ay agad siyang naging estatwang gawa sa papel na may isang simbolong nakatatak sa mga mata ito at naging abo. Si Jenevia naman ay naging estatwang papel sa isang kisapmata. Mayroong simbolo sa bandang ilong nito nA agad ding nag-crack ang buong katawan nito at tuluyang naging abo.

"Bakit wala akong makita?!" Sabi ni Van Grego habang unti-unti siyang tumingin sa kalangitan. Imbes na ang kalangitan ang matamaan ng mga simbolo ay ang seal ang pinuntirya nito. Makikita ang kakaibang pangyayari sa seal. Numinipis at humihina ang kapangyarihang nagmumula rito. Ang mga simbolo ay patuloy ang pagliliwanag. Halos wasakin nito ang selyo ngunit bigla na lamang nagdilim ang paningin ni Van Grego at patuloy siyang nahihilo hanggang sa hindi na makayanan ng kanyang katawang tumayo na siyang dahilan ng mabilis na pagbagsak sa lupa.