Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 84 - Chapter 29

Chapter 84 - Chapter 29

Patuloy lamang lumilipad si Van Grego papunta sa pinakapusod ng kagubatan ng Ult Magna Forest. Wala naman siyang nakikitang o nasasagupang mga mababangis na halimaw o nilalang sa mga dinadaanan niya kung kaya't mas binilisan niya pa ang lipad ng kanyang Flying Sword ngunit mas tinaasan niya ang lebel ng kanyang senses sa mga nagbabadyang panganib at mga pangahas na atake ng sinumang nilalang. Kinain niya ang isang Tier-4 Recovery Pill kanina para manumbalik ang lakas niya ngunit ang kanyang pagod at exhaustion ay ininda pa rin ng kanyang katawan. Ayaw niysng umasa sa mga Martial Pills na gawa niya mismo dahil hindi siya lalakas sa kabuuang aspeto ng kanyang pagiging Cultivator magdudulot lamang ng backflow o masasamang epekto sa kanya ang mga ito.

Nagpatuloy pa sa paglalakbay si Van Grego ngunit agad na nagbago ng ekspresyon niya ng matanaw ang napakadilim na lugar ang lokasyon mismo ng pinakapusod ng gubat. Malayo palang siya ay ramdam na ramdam niya ang nakakapangingilabot na enerhiyang pinaniniwalaan ni Van Grego na sa mga nilalang na naninirahan dito.

Habang papalapit si Van Grego sa lugar na siyang kinaroroonan ng mga misteryosong enerhiya ay hindi niya ibinaba ang kanyang depensa at mas pinatalas pa niya ang kanyang Spiritual Sense para hindi siya mapinsala kung sakaling may umatake man sa kanyang nilalang.

Agad na bumaba si Van Grego sa kanyang Flying Sword ng makitang hindi siya makakadaan kung ipagpapatuloy niya pa ang kanyang paglipad lalo pa't nakakatakot man sabihin ngunit puno ng naglalakihang itim na sapot ang halos umabot at maging kapantay na ito ng mga puno ng mga Neraya Tree. Halos mabulok na rin ang higanteng puno ng Neraya Tree dahil sa lasong taglay ng sapot. Alam ni Van Grego na kapag dumikit pa siya dito ay mas hihina ang depensa niya. Mayroon na siyang ideya sa kanyang makakalaban na isang uri ng gagamba ang mga ito.

Agad na may dinukot si Van Grego sa kanyang Interstellar Ring na siyang nagliwanag ang kanyang katawan at napalitan ang kanyang Armor ng isa pang bagong Armor at ito ay walang iba kundi ang Vampiric Crab Armor.

Ang Vampiric Crab Armor ay siyang matinding kalaban ng mga Spider-Type na mga Martial Beasts dahil na rin sa kakaibang resistance nila sa atake ng mga gagamba. Kayang mapawalang-bisa ng Shell nito ang makamandag na lason ng mga gagamba na siyang kinaiinisan ng mga gagamba. Hindi sila minamaliit ng sinumang nilalang dahil kayang-kaya at paborito ng mga Vampiric Crab Martial Beasts na sumipsip ng mga dugo ng mga nilalang kung kaya't hindi iniiwasan ang mga ito.

Naglalakad na si Van Grego papunta sa lugar na ito papunta sa lokasyon mismo ng nag-iitimang mga sapot na siyang hindi niya namalayan na nakatapak na siya sa lugar na siyang sakop ng isang misteryosong Martial Beasts na nakatira dito. Naamoy siya ng dalawang nilalang sa oras na pagtapak palang nito. Maging ang makalat na Spiritual Sense ni Van Grego ay nagpatunton mismo sa kanya mula sa mga halimaw na nakatira dito.

"Sino kang insekto ka upang tumapak sa aking teritoryo!" Sambit ng isang baritonong boses na kakikitaan ng awtoridad laban sa mapangahas na nilalang na tumapak sa kanyang sariling teritoryo.

Matagal na ang oras na ang hinintay ng misteryosong halimaw ngunit wala siyang inaasahang sagot kay Van Grego.

"Isa ka bang pipi, ipapatikim ko sayo ang bagsik ng aking mga anak, Sugod!"

Nagulat na lamang si Van Grego ng sumugod ang mga malalaking mga Martial Beasts na mga Uri ng mga gagamba.

...

Lingid sa kaalaman ng nilalang na may baritonong boses ay hindi naririnig ng batang si Van Grego dahil sa maraming mga sapot ang nakaharang dito na siyang bakod pala ng halimaw. Nahirapan si Van Grego na tapyasin ang mga ito dahil sa makakapal ang sapot maging ang tigas ng mga hibla ng sapot ay hindi basta-basta lalo pa't may dalang lason ang mga ito.

Ang ginawa lamang ni Van Grego ay naglabas siya ng Black Fang Sword na naglalabas ng awra maging ng makapal na enerhiya na nagpapatunay na isa itong High-Tier Legend-Grade Sword. Hindi din Basta-basta ang nakatirang halimaw na naririto sa lugar na malapit sa kanyang kinatatayuan mismo. Gawa sa napakatibay at napakatigas na ngipin ng dragon ang espadang ito na kayang tapyasin o hiwain ang mga matitigas na mga bagay maging ng mga may mga kasamang lason ay napakalakas ang resistance nito. Mas mainam ito kaysa sa mga mababang mga klase ng espada. Kung sino ang makikita ng mga kakaibang bagay na may matataas na kalidad na pangdepensa na Armor at napakalakas na sandata na hawak ni Van Grego ay gugustuhing makuha ito at angkinin ngunit sa kasamaang palad ay walang may lakas ng loob na pasukin ang masukal na kagubatang sakop ng Ult Magna Forest kung kaya't tanging mga Martial Beasts lamang ang nakakakita nito.

Nagulat na lamang si Van Grego na bigla na lamang nagkaroon ng paggalaw ng lupa na siyang animo'y nagkaroon ng mahinang pagyanig ngunit imbes na huminto ay mas lumakas pa ito habang tumatagal. Nanindig ang lahat ng mga balahibo ni Van Grego ng makita siyang mga nilalang na papunta sa direksiyon niya. Sa mararahas at mabibilis nilang mga galaw ay siguradong hindi ito gagawa ng mga mabubuting gawa sa kanya lalo pa't tumutulo pa ang mga laway ng mga ito na kulay itim sa mga bibig ng mga ito. Ang Martial Beasts na mga ito ay walang iba kundi ang Black Terra Spider na isa sa makamandag at dambulahang uri ng halimaw na gagamba na siyang napakahirap puksain kapag nakaharap mo ito.

Prrirrrrrcccccccckkkkkkk!!!!!!

Brrrrmmmmmmmmmm!!!!

Shhrrrrrrrlllllllllcccckkkkk!!!!!

Maraming tunog ng nagtutumbang mga puno at mga batong nagkakabitak-bitak dulot ng mga mababagsik na puwersa ng mga dambuhalang mga gagamba na siyang nagdulot ng pagkasira ng mga bagay-bagay sa kapaligiran. Ngunit ang mas nakakabahala ay kung saan ang mga gagamba papunta dahil ang mga dambuhalang halimaw na mga ito ay mabilis na pinunan ang agwat ng distansya patungo sa direksiyon sa lugar mismo na kinatatayuan ng batang si Van Grego.

Nagulat si Van Grego nang aktuwal na masaksihan ang bilis ng mga dambuhalang halimaw na mga Black Terra Spiders. Ngayon niya lamang nakita ang angking bilis ng mga ito na noon ay sa mga makapal na libro lamang niya nababasa. Tunay ngang kahanga-hanga ang ganitong klaseng halimaw dahil nakaya nitong gumapang ng mabilis kahit na ilang tonelada ang bigat ng halos pabilog nitong tiyan. Mistula namang parang estatwa si Van Grego habang sumusugod na sa kanya ang hindi mabilang na mga dambuhalang halimaw na gagamba.

Ang pagitan ni Van Grego sa halimaw ay hindi na nagkakalayo pa at nang ilang dipa na lamang ang layo ng Black Terra Spider kay Van Grego bigla na lamang siyang inatake nito ng napakatalas nitong mga galamay maging ng iba pang mga Black Terra Spiders ng marating din ng mga ito ang lugar ng binata. Sa dami at lakas ng mga pamatay na mga atake ng mga halimaw gamit ang mga matatalas na mga galamay ay siguradong walang ligtas ang batang si Van Grego ngunit ito'y ikinabigla ng mga dambuhalang halimaw lalo na nang makitang isa lamang afterimage ang kanilang inatake ay halos magpuyos ng galit ang mga ito. Ang anim na mga mapupulang mata ng bawat Black Terra Spiders ay kakikitaan ng desperasyon na hanapin at kitilin ang buhay ng batang Cultivator na nangahas pumasok sa kanilang teritoryo na tinuturing nilang tahanan.

"Hanapin niyo siya mga anak, patayin niyo ang pangahas na nilalang na iyan kung ayaw niyong malintikan kayo sakin!" Sambit ng isang nilalang na may malamyos at napakagandang boses ngunit kakikitaan ng makamandag at mapagbantang salita na nagpapahiwatig na hindi ito natutuwa sa nangyayaring ito.

Mistulang naging hudyat ito sa mga hukbo ng Black Terra Spiders upang mas pabilisin ang paghahanap sa maliit na nilalang na iyon upang paslangin sa napakadaling panahon. Alam na alam nila kung paano magalit ang nilalang na itinuturing nilang ina. Ang ina nilang nagluwal at nagturo sa kanilang maging mabagsik at patayin ang sinumang matapang na tumapak sa kanilang teritoryo. Kahit sinuman sa mga halimaw na gumagala at nakasaksi sa mabagsik na pagpapaslang sa mga kaawa-awang biktimang tumapak o nakikita nilang banta sa kanilang lahi.

"Wrrrrrrrriiiiiiiiiiiccccccccckkkkkkkkkkkkk!

Wrrrrrrrriiiiiiiiiiiccccccccckkkkkkkkkkkkk!

Wrrrrrrrriiiiiiiiiiiccccccccckkkkkkkkkkkkk!

...!!!" Ungol ng napakaraming nga Black Terra Spiders na siyang nagpahiwatig na galit na galit ang mga ito. Mas lalong pumula ang mata ng mga ito tanda na mas mabagsik iyon kumpara kanina lamang. Ang kanilang marahas na paggalaw at pagkakaroon ng ganitong mga kilos ay patunay lamang na mas tinatalasan nila ang kanilang pandama sa paligid upang tuluyang wakasan ang buhay ng nilalang na nangahas pumasok sa teritoryo nila ng walang pahintulot.

Gamit ang Million Steps Ascend ay nakatakas siya sa bingit ng kamatayan kanila at napakasuwerte niya dahil ang after-image lamang ang natamaan ng halimaw imbes na ang aktuwal nitong Katawan ang matamaan o mapuruhan ay hangin lamang ang nataman nito na siyang ipinapasalamat ni Van Grego. Ginamit niya rin ang sitwasyon na ito nang atakehin ng mga dambuhalang halimaw ang kanyang after-image. Agad siyang nakapagtago sa isang puno na animo'y nabubulok dahil kulay itim ito. Hindi man ito kalakihang puno ngunit kaya naman nitong ikubli si Van Grego mula sa mga maraming sensitibong mata ng mga Black Terra Spiders.

"Kahit anong tago, mahahanap at mahahanap ka pa rin namin, Huli ka!" Sambit ng isang misteryosong nilalang sa batang si Van Grego. Umalingawngaw ang napakabaritonong boses nito sa isip ni Van Grego.

"Sino ka at anong kailangan mo sakin? Nais ko lamang dumaan dito sa lugar na ito." Sambit ni Van Grego habang nakakubli pa rin.

"Ako? Ako lang naman ang nagmamay-ari ng teritoryong ito! Ang sinumang tumapak sa teritoryong ko ay mamamatay, insekto!" Sambit ng misteryosong nilalang sa baritonong boses nito ngunit kakikitaan ng galit at batas sa mga salita nito.

Pagkatapos ng mga katagang binitawan ng nilalang ay hindi na ito nakipag-usap kay Van Gregosa isip nito. Halatang may pinal na itong salita sa bawat salitang binitawan nito.

Maya-maya pa ay bigla na lamang may naramdaman si Van Grego na papalapit ng mga hukbo ng mga halimaw na gagamba na siyang ikinabahala niya.

"Naloko na!"sambit ni Van Grego sa kanyang isipan. Sa hinuha niya ay hindi siya makakakubli sa lugar dahil sa misteryosong nilalang na kumausap sa kanya sa pamamagitan ng isip. Siguradong hindi siya sasantuhin ng mga dambuhalang halimaw na nasa kanya.

Nagulat na lamang si Van Grego na halos ilang dipa na lamang ang layo ng pinagtataguan niya at ng mga dambuhalang halimaw na mga Black Terra Spiders.

Nagpakawala ng Spider Sonic Waves ang mga halimaw na siyang ikinasira at ikinasabog ng punong pinagtataguan ni Van Grego ngunit nagtaka ang mga dambuhalang halimaw na gagamba dito at agad nilang hinanap ang batang itinuturing nilang insekto.

Mabuti na lamang ay agad na nakaalis si Van Grego gamit ang Flying Technique:Airwalk. Ito ang klase ng Flying Technique na kayang lumipad gamit ang paglalakad sa hangin ngunit nakakaubos din ito ng enerhiya. Nang atakehin na siya ng halimaw ay mabilis niyang tumalon pataas at ginamit ang Flying Technique na Airwalk. Dahil dito ay hindi agad siya nakita ng mga ito dahil tanging ang paligid lamang ang tinitingnan ng mga ito at hindi sa kalangitan. Tanging mga instinct lamang ng isang hayop ang mayroon ang mga ito at wala itong kamalayan kagaya ng isang tao o Cultivator. Hindi na inaksaya ni Van Grego ang pagkakataong ito upang atakehin ang mga halimaw na ito.

"Fang of the Divine Dragon!" Sambit ni Van Grego ng malakas na siyang kumuha ng mga atensyon ang mga dambuhalang halimaw. Nagkakaroon ng kakaibang enerhiyang bumabalot sa kamay ni Van Grego gumapang ang makapal na enerhiya papunta mismo sa Black Fang Sword na siyang nagkaroon ng kakaibang transpormasyon ang espadang hawak-hawak ni Van Grego. Ang espada na Black Fang Sword ay naging animo'y isang napakalaking ngipin ng dragon. Nakaramdam ng takot ang mga gagamba lalo pa't naestatwa ang mga ito sa kanilang kinatatayuan. Walang sinayang na oras si Van Grego at agad na ipinatikim ang lakas at kapangyarihan ng espada. Sa isang wasiwas niya lamang sa himpapawid na nakatuoon sa mga dambuhalang halimaw ay limang Black Terra Spiders agad ang namatay.

"Fang of the Divine Dragon: Slash Apocalypse!"sambit ni Van Grego sa malakas na sigaw. Agad nitong ipinamalas ang lakas ng Skill nito.

Agad na makikita ang napakaraming mga lumiliwanag na inilalabas ng transpormasyon ng Black Fang Sword na ngayon ay isa ng Divine Dragon Sword. Ang liwanag na ito ay nagtataglay ng Sowrd intent maging ng lakas ng isang dragon. Agad na tumama ang atakeng ito sa kalupaan na siyang kinaroroonan mismo ng hindi mabilang na mga Black Terra Spiders na siyang nahihintakutan sa ginawang atake ng batang inaakala nila ay insektong napakahina.

Sssspppplsssssshhhhhhhhhhh!!!!

Sssshhhhhhiiiiinnnnngggggg!!!!!

Prrrrrrrrrrrrrrnnnnnnkkkkkk!!!!!

Maraming tunog ang maririnig sa kapaligiran ng malasap ng kalupaan ang bangis ng atakeng galing mismo sa Divine Black Sword. Naglikha ito ng napakalaking usok na siyang hindi nagpapakita sa resulta ng atakeng isinaginawa ni Van Grego kani-kanina lamang.

Nang mahawi ang makakapal na mga usok ay malinaw na makikita ang resulta ng atakeng galing mismo sa Divine Black Sword na hawak-hawak pa rin ni Van Grego. Ang napakaraming bilang ng mga hukbo ng mga Black Terra Spiders ay namatay sa isang atakeng isinagawa ng batang si Van Grego. Kalunos-lunos an sinapit ng mababangis na mga halimaw sa kamay ng itinuturing nilang napakaliitna insekto. Halos nagkabitak-bitak at maghiwalay ang mga lupa sa lakas ng atakeng natanggap na atake. Nagkaroon ng animo'y massacre at matinding sagupaan sa lugar na ito. Ang kulay na dugo ng mga Black Terra Spiders ay halos maging lawa ito dahil sa patuloy pa rin bumubulwak sa mga katawan ng walang buhay na mga dambuhalang halimaw ang kanilang dugo. Nagkawatak-watak o nagkahiwa-hiwalay din ang mga bahagi ng katawan ng mga dambuhalang Black Terra Spiders dahil sa hindi makayanan ang atakeng isinagawa ni Van Grego.

Naramdaman ni Van Grego ang pagod at pagkasaid ng kanyang lakas (Martial Qi) dahil sa malakas na atakeng isinagawa nito kani-kanina lamang. Agad siyang kumain ng Tier-4 Recovery Pill upang ibalik ang kanyang lakas na hindi naman nagtagal ay naging maayos naman ang kanyang kondisyon ngunit hindi pa rin mapapawi ang kanyang pagod. Ayaw niyang dumepende lamang sa Martial Pills sapagkat hindi iyon makakabuti sa kanya o kung sinuman ang kumain ng sabay na Pills. Nakakaya niya pa naman kung kaya't hindi siya nababahala.

Habang nakatanaw si Van Grego sa kalupaan sa lokasyon mismo ng mga bangkay ng mga Black Terra Spiders ay nahalata niya na parang may mali sa pangyayari sapagkat magkaiba ang sapot na ibinuga ng mga dambuhalang halimaw sa mga makakapal na itim na sapot na makikita sa paligid. Kung hindi dahil sa Black Fang Sword ay siguradong hindi niya mapuputol ang mga napakaitim at naglalakihang mga sapot ng gagamba sa dinadaanan niya kani-kanina. Hindi niya mapigilang mangamba sapagkat hindi niya alam kung ano o sino ang nilalang na kumausap sa kanya sa pamamagitan ng isip lamang.

"Mapangahas na insekto, pagbabayaran mo ang pagpatay sa aking mga anak, Haaaahhhhhh!" Sambit ng isang nilalang sa isipan ni Van Grego halata ang galit sa malamyos na boses nito.

Nangamba si Van Grego sa misteryosong nilalang na kumakausap sa kanya. Hindi na ito baritonong boses bagkus ay malamyos ang boses nito. Lilingon pa sana si Van Grego ng may maramdaman siyang enerhiya malayo ngunit bigla na lamang siyang tumalsik na hindi niya inaasahan. Bumulusok ang katawan ni Van Grego pailalim ng napakabilis na siyang nagkaroon ng pagsabog sa lupang tinamaan nito. Nagkaroon ng makapal na usok sa lugar na pinagtalsikan ni Van Grego na siyang ikinangisi ng isang nilalang gumawa sa kanya.

"Isa ka lamang napakaliit na insekto ngunit binangga mo ang hindi abot ng iyong mga kamay, dito ka na malilibing ng buhay bilang kabayaran sa iyong kapangahasan!" Sambit ng isang nilalang sa malamyos nitong boses. Nagpapatunay lamang na isang babae ang nagbigay ng malakas na atake sa batang si Van Grego. Napakagandang babae ang lumilipad sa himpapawid na animo'y isang diyosa dahil sa taglay nitong karikitan at itim nitong maiksing damit maging ang napakahabang buhok nito na nililipad ng hangin ngunit ang kaibahan nga lang ay may nakakatakot na walong galamay sa likod nito. Ang awra ng napakagandang babaeng ito ay napakalakas na enerhiyang na siyang kayang paluhudin ang mga mabababang nilalang sa paligid. Agad na nilisan ng mga Martial Beasts na nasa paligid malapit sa lugar na ito ang lokasyong ito dahil hindi nila nakaya ang presensya ng babaeng kinakatakutan nila.

Kahit nanghihina si Van Grego sa kanyang pagkakabulusok pabagsak ay naramdaman niya ang lebel ng nilalang na pangahas na inatake siya habang nakatalikod siya. Hindi niya lubos aakalain na may napakalakas na nilalang ang nakatira sa lugar na ito. Gamit ang kanyang Immortal Eye ay nakita niya ang Cultivation Base ng sa hinuha niya ay babae. Dalawang bituin ang nakita niyang napudpod habang ang pitong bituin nito ay buo pa rin. Nakikita niya anyo ng babae ngunit ang walong galamay nito sa likod ay nagsasabing hindi ito isang tao kundi isang halimaw na ngayon ay Cultivator na. Halos mapaawang ang bibig niya. Naalala niya ang serpyenteng umatake sa mga Sky Birds sa loob ng Myriad Painting. Hindi siya nagkakamali sa kanyang kalkulasyon. Kahit wala na siyang magsalita ay pinilit niya pa ring magsalita.

I-sang M-Martial S-Stardust R-Realm B-Beast!