Lumilipad si Van Grego ng mabilis habang binabaybay ang pinakapusod ng kagubatan ng Ult Magna Forest. Hindi niya sana gustong pasukin ito dahil sobrang masukal ang malawak na kagubatang ito lalo pa't nakakapagtaka ang pagkakaroon ng hindi pangkaraniwang pangyayari sa loob ng kagubatang ito.
Napadaan siya sa isang malaking butas na animoy isang madilim na lagusan ngunit pinabayaan niya lamang ito, ayaw niyang problemahin ang mga nilalang o mga halimaw na hindi naman naghahasik ng lagim o nagbabanta ng buhay niya o ng sinumang Martial Beast.
Nakakabinging katahimikan ang namayani lalo pa't nakakatwang isang malawak na kabatuhan ang mga naririto at makikita ang ibang mga kabatuhan na may mga rust na animo'y mga lumang metal o dinaanan ng metal. Nakaramdam ng kakaibang enerhiyang bumabalot sa lugar na naririto si Van Grego ngunit hindi niya namalayang...
"Whishhhh! Whishhhhh! Whishhhhhh!...!"tunog ng mga nagliliparang mga itim na matutulis na mga metal ang bumubulusok pababa sa kinaroroonan ni Van Grego.
"Million Steps Ascend!" Sambit ni Van Grego dulot ng kanyang mabilis na reflexes at pakiramdam sa kanyang paligid. Muntik na siya sa kakaibang atake ng hindi niya pa kilalang nilalang. Nagimbal siya sa kakaibang nilalang na animo'y mabilis na tumatakbo at nawawala kapag malapit na ang mga ito sa mga batuhan. Kakaiba ito sa inaasahan niya maging ang magkaroon ng pangamba dahil sa hindi niya man lang masipat kung ano ang kabuuang itsura nito.
"Body Changing Technique: Vile Armor Transfiguration!" Sambit ni Van Grego habang hindi pa siya inaatake ng kakaibang nilalang na ito. Inaasahan niya na ito dahil base sa kalkulasyon niya ay malapit na siya sa pinakapusod ng gubat. Magdadapit-hapon na siya at malaking problema sa kanya kung hindi niya makikita o mapapatay ang napakadelikadong nilalang na hindi niya nakikita. Wala na ang misteryosong Martial Spirit na tutulong sa kanya ngunit ito ang makabubuti, ayaw niyang madamay pa sa kung anong kapalaran pa ang naghihintay sa kanya. Hindi niya din inaasahang makakaligtas pa siya ngunit umaasa siyang makakaligtas ang kontinente na ito kaysa sa sarili niya. Mas makabubuting magkaroon pa siya ng ganitong ensayo para sa nalalapit na digmaan.
Nararamdaman ni Van Grego ang mga nilalang malapit sa kanyang lugar ngunit hindi namalayan ni Van Grego na may isang nilalang na nakatayo mula sa likod niya na nakalapit pala ng hindi niya namamalayan.
"Paalam batang uhugin!" Sambit ng malalim at nakakatakot na nilalang sa likod ni Van Grego.
Saktong humarap si Van Grego ng saksakin siya ng Martial Beast. Kitang-kita ni Van Grego ang nilalang na ito. Mga Dark Metallic Slimes pala ang mga kalaban niya. Napakadelikado ng mga ito dahil kayang-kaya nilang makipag-isa sa mga kapaligiran na siyang kanilang tirahan. Likas na mga tuso ang mga ito at agad na pinapatay ang sinumang tumapak sa lugar na tirahan nila. Hindi nila pinapaalis ng buhay ang sinumang mabibiktima nila. Hugis-tao ang mga ito Dark Metallic Slimes ngunit ang kaibahan lamang ay hindi nakikita ang mga mata nito sa sobrang liit at sensitibo. Ang halimaw na ito ay maitim ang buong katawan nito na parang jelly ace kung kaya't masasabing isa sila sa napakahirap patayin na nilalang dahil walang mga lamang loob o butong pwedeng tamaan o masugatan.
"Arrghhh! Tunog na palahaw ni Van Grego dahil ang hawak ng Dark Metallic Slime na sumaksak sa kanya sa dibdib ay ang mahaba at patulis na kulay puting metal na may kulay dilaw na likido na tumutulo mula rito. Ito ang totoong sandata ng mga Dark Metallic Slimes at ang tinta naman nito ang kulay dilaw na kayang pasuin o wasakin ang depensa ng isang nilalang.
Agad na ginamit ni Van Grego ang Million Steps Ascend na siyang nagpalayo sa kanya sa napakadelikado at pamatay na atake ng Dark Metallic Slime. Agad na kumain si Van Grego ng Tier-7 Anti-Poison Pill na siyang agad na nagpawala sa napakatinding lason na nagsimulang lumakbay sa dugo at mga laman nito. Maging ang pagdugo. Kaunting sugat lamang ang kanyang nakuha mula sa pagkakasaksak nito. Hindi aakalain ni Van Grego na kayang-kayang butasin ng dilaw na tinta at ng puting patulis na metal ang napakatigas na Vile Armor Transfiguration niya. Napamangha si Van Grego dahil na rin sa totoo ang sinabi ng librong nabasa niya patungkol sa Dark Metallic Slimes na isa sa nagtataglay napakadelikadong tinta na kayang sunugin ang napakatibay na armor ng sinuman.
Kahit na isang Creation Technique lamang ang Vile Armor Transfiguration ay maikukumpara pa rin ito sa isang High-Tier Epic Grade Defensive Armor ngunit natunaw lang ito sa mabilis na oras.
Agad na tiningnan ni Van Grego ang Vile Armor Transfiguration na may butas ang nasa bandang dibdib nito, naiisip niya na kung sasaksakin ulit siya ng mga Dark Metallic Slimes ay siguradong mamamatay agad siya ng ilang segundo lamang ang nakalilipas. Wala siyang sinayang na oras at ginamit ang kanyang Spiritual Sense na agad na nagliwanag ang kanyang singsing sa bandang hintuturo tanda na may kinuha siyang bagay mula sa loob nito.
"Equipment Set on!" Sambit ni Van Grego ng may pinili siyang bagay mula sa loob ng kanyang singsing.
Biglang nagliwanag ang buong katawan ni Van Grego. Ang kaninang Vile Armor Transfiguration ay nawala at napalitan ng nakakatakot ngunit nakakamanghang Armor.
Ito ay walang iba kundi ang Blue Catastrophic Dragon Bone Armour na siyang may lakas ng Low-tier Legend Grade Defensive Armor.
Napakaeleganteng tingnan ang kabuuang postura ni Van Grego habang suot-suot nito ang Blue Catastrophic Dragon Bone Armour mula sa simple suot nitong sobrang nipis na armor kani-kanina lamang ay sobrang iba ang dating kumpara ngayon. Hindi lamang ang dating ni Van Grego ang nakakamangha ngunit ang kabuuang depensa niya ay sobrang napakataas na animo'y isa siyang hindi matitinag na bato sa gitna ng malaking unos.
Ang Armor ni Van Grego ay gawa mismo sa napakatigas na buto ng Blue Catastrophic Dragon na siyang may resistance sa mga lason at matutulis na mga bagay kung kaya't naisip ni Van Grego na angkop ito sa kanyang pakikipaglaban sa mga Dark Metallic Slimes ngunit alam niyang di rin ito masyadong matibay lalo pa't ang dilaw na tinta ay sisikapin nitong susunugin ang armor dahil sa malaasido nitong epekto sa mga metal na madidikitan nito.
Agad na naalarma ang mga Dark Metallic Slimes sa mabilis na pagbabago sa antas ng depensa ng batang Cultivator. Sa kilos ng mga Dark Metallic Slimes ay siguradong hindi sila agad susuko sa labanang ito.
Kalmadong nakatayo lamang si Van Grego sa isang batuhan ngunit makikita ang mga pasugod na mga Dark Metallic Slimes. Ang iba ay tumatakbo ng mabilis, ang iba ay naging malapot na bagay na mabilis na gumagapang papunta sa kanya. Ang iba pang mga halimaw na ito ay piniling magkubli ng sarili ng mga ito at mabilis na lumilitaw sa ibang mga lugar sa mga batuhan ngunit malinaw na aatake sila ng palihim ngunit pamatay rin na mga atake.
Ngunit hindi rin talaga maiwasan ni Van Grego ng magulat ng biglang may lumitaw naman na isang Dark Metallic Slime sa likuran niya ngunit kalmado lamang na humarap si Van Grego sa halimaw. Ngunit hindi rin nangamba si Van Grego lalo pa't laking pasalamat niya pa rin na isang Martial Dominator pa lamang ang mga ito ngunit ang mga bilang nila ay sobrang dami na siyang nagpapahirap sa kanya sa paglaban sa mga ito.
Agad na sinaksak ng isang Dark Metallic Slime si Van Grego sa bandang dibdib rin gamit ang parehas na sandata ng halimaw na may dilaw na likido ngunit gasgas lamang ang ginawang pinsala nito sa armor ni Van Grego.
Maraming mga sumubok na umatake ng kaparehas na atake ng naunang mga kauri nilang mga halimaw ngunit pawang mga gasgas lamang ang nakuha ng armor ng batang Cultivator na si Van Grego.
Ngunit nagulat na lamang si Van Grego ng nagkaroon ng galamay ang mga Halimaw na mga ito at pinaghahampas siya sa iba't ibang parte ng katawan na siyang nagdulot ng pagkakaroon ng mumunting mga pinsala ang kanyang armor. Hindi ordinaryong galamay lamang ang galamay ng Dark Metallic Slime lalo pa't tumutulo ang kulay dilaw na tinta nito na siyang nagpapabula sa bawat lupang tatamaan ng asido maging ang pagkakaroon ng mga usok sa lupang nilalaglagan nito. Ang kaninang mumunting pinsala ay unti-unting lumaki lalo pa't halatang numinipis na ang kanyang Armor na siyang ikinakabahala niyang baka masira ito ng madaling panahon lalo pa't hindi siya tinitigilan ng mga Dark Metallic Slimes sa pag-atake sa kanya ng napakabilis at dahil na rin sa sobrang dami ng mga ito. Tanging pagsangga lamang ang kanyang nagawa. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay naisip niyang subukan ang lakas ng kanyang natutunang Epic Grade Formation Technique na ang isa ay nagamit niya kanina lamang.
Habang inaatake siya ay isinagawa niya ang kanyang atake upang ipatikim sa mga halimaw na ito ang lakas ng isang Formation Master.
"Gravitational Push and Pull Technique!" Sambit ni Van Grego habang may ginagawang kakaibang galaw ang kamay nito na siyang habang patagal ng patagal ay bumibilis na siyang unti-unting nagkaroon ng mga komplikadong simbolo na hugis pabilog ngunit ang kaibahan lamang ay nasa tinatapakan ni Van Grego hanggang sa sinakop nito ang buong kabatuhan ang kinapapalooban ng Epic Grade Formation Technique.
Umilaw ang buong katawan ni Van Grego patunay na ang kanyang medyo malagong buhok ay nililipad na ng marahas na hangin. Agad niyang ipinatikim ang Gravitational Pull sa buong kabatuhan na siyang nagpatigil ng galaw ng mga Dark Metallic Slime na siyang ikinagimbal ng mga ito. Kahit hindi man gumalaw ang mga halimaw ay bigla na lamang nilang pinaulanan ng napakaraming dilaw na tinta si Van Grego ngunit biglang tumalon si Van Grego ng napakataas at ginamit ang Gravitational Push na siyang nagtulak sa Dark Metallic Slimes na maging ang mga tinta ay puwersahang pumailalim na tumama lamang sa mga batuhan na siyang naglikha ng makapal na usok.
Nang naramdaman ni Van Grego na bubulusok siya pailalim ay agad niyang inilabas ang kanyang Flying Sword na siya ng nagbigay-daan upang manatili siya sa ere.
"Formation Technique: Berserk of the Constellations, Second Layer!" Sambit ni Van Grego habang sinasambit ang isang Epic Grade Formation Technique na siyang isang pamatay atake. Mas malaki ang sakop ng Formation Technique na ito kaysa sa ginawa niya kani-kanina lamang sa Stone Prime Golem.
Namuo sa himpapawid ang kakaibang simbolo ng mga napakaraming magkakadugtong na Bituin na may inilalabas na kakaibang enerhiyang bumabalot sa bawat isa nito. Napakomplikadong simbolo na hindi nabibilang sa elementong naririto sa kalupaan kundi sa himpapawid o kalangitan, malayo sa mundong tinatapakan ng mga nilalang na nabubuhay sa mundong ito.
Wala ng hinintay na oras si Van Grego at agad na itinuon ang napakalakas na atakeng ito sa lokas sa batuhan. Walang hinitay na oras siyang hinintay na oras at pinatikim na niya sa mga halimaw ang lakas ng atakeng galing mismo sa isang Formation Master.
Nakaramdam ng kakaibang enerhiyang ang mga Dark Metallic Slime papalapag sa lokasyon nila ngunit dahil hindi pa rin tumitigil ang epekto ng Gravitational Push ay nahihirapan silang gumalaw. Nakatingala lamang sila sa pinagmumulan ng enerhiya na nasa itaas ng kalangitan na mabilis na bumubulusok paibaba sa kanila. Ang mga simbolo na gawa mismo ng mga bituin ay kumapit sa mga batuhan maging sa mga Dark Metallic Slime na siyang binagsakan nito ngunit kaunting panahon lamang nang kumapit ang mga ito ay bigla na lamang lumiwanag ang mga simbolo at nagkaroon ng mga malalakas na pagsabog sa lokasyon mismo ng mga batuhan maging ang mga Dark Metallic Slime ay sumabog at tumalsik ang bawat parte ng mga ito sa iba't ibang direksyon na siyang nagdulot ng mga napakalaking mga usok at mga malalakas na apoy. Isang kalunos-lunos na kamatayan ang nangyari sa batuhan na siyang tirahan ng Dark Metallic Slime at sa mga halimaw na rin.
Maya-maya pa ay nawala na ang makakapal na usok maging ng malalaking apoy. Halos mga pira-piraso na lamang ng mga bato ang natira dahil sa napakalakas na atake ni Van Grego na isang Formation Master.
Makikita ang mga Dark Metallic Slimes na tumalsik sa mga damuhan ngunit unti-unti rin itong namamatay tanda na halos maging tubig ang katawan nito ng dumampi ito at nagkaroon ng nakakabinging ingay ng Dark Metallic Slimes na siyang tanda na malapit na itong mamatay.
Mabilis na nilisan ni Van Grego ang lugar na ito lalo pa't hindi kapani-paniwala na mayroong Martial Evil Beasts na naman sa mga pasukan mismo o sa mismong daanan papunta sa pusod ng kagubatang ito. Isa lamang ang naiisip niya at ito ay ang pagkakaroon ng agawan sa mga tirahan ng mga ito na siyang nsgpaalis sa mismong lugar ng mga ito. Nakita niya ang mga bakas papunta sa dating lokasyon ng tirahan ng mga Dark Metallic Slimes ngunit isinasawalang-bahala niya na lamang ito dahil alam niyang sa pusod ng kagubatan mismo ang sagot sa lahat ng kakaibang pangyayaring ito.
Marami siyang nakita at nadaanang mga malalakas na Martial Beasts ngunit hindi naman ito mga sobrang agresibo o umaatake na lamang ng basta-basta kung kaya't hinahayaan na lamang ni Van Grego na lampasan ang mga ito. Kataka-taka ang mgai kinikilos ng mga ito dahil parang may kinakatakutan ang mga ito na siyang nagpasuspetsa kay Van Grego na mayroong misteryo sa likod ng mga ito.