Halos lahat ng mga Cultivators ay umuwing walang dala dahil nagkaroon ng maling kalkulasyon na sana ay uuwi silang tagumpay ngunit naging kabaliktaran ang kanilang inaasahan. Ang tagumpay ay nauwi sa pagkasawi dahil nalagasan sila ng napakaraming mga kasamahan na siyang naging malapit sa kanila. Ang masaya sanang pag-uwi ay umuwi silang luhaan at puno ng paghihinagpis.
...
Sa isang kapatagan na sakop sa lupain ng Third Rate Class ay makikita ang dambuhalang Martial Beast na naghahasik ng lagim. Ang normal na pamumuhay ng mga Cultivators ay nabulabog dahil nagkaroon ng mga pagkasira ng bahay, lupain at mga pangunahing hanapbuhay ng mga Cultivators na naririto. Ngayon lamang sila nakaranas ng ganitong pangyayari na siyang nagdulot ng takot sa mga taong naninirahan dito. Nagkaroon ng mga tsismis at mga Iba't ibang mga hinuha ang mga tao na wari'y isa daw itong senyales ng pagwakas ng mundong ito, na lulubog daw ang kontinenteng ito, magkakaroon ng mga pagsakop ng mga Aliens at marami pang iba.
Ang kanilang mga hinuha ay hindi man tamang hula ngunit parang may punto sila sa naghihintay na malaking delubyo o mas tamang sabihin na isang malaking digmaan na ang kontinente ng Hyno Continent.
Nagkaroon ng paglikas sa lugar na malapit sa dambuhalang Martial Beast na nandito. Hindi matukoy ng mga Residente kung ano ang klaseng halimaw ito kung kaya't minabuti nilang dumoon na lamang sa Evacuation Center ngunit hanggang kailan sila ligtas doon? Ano pa kaya kung malaman nilang marami pang mga malalakas na Martial Beasts na gumagala pa?
...
Mula sa himpapawid na tinatabunan ng mga kaulapan ay isang bata ang sumasakay sa napakaelgante at kumikinang na Flying Sword. Makikita sa batang ito ang napakaseryoso ngunit kalmadong ekspresyon sa mukha. Wala kang mapapansing kakaiba sa anyo nito lalo pa't purong kulay itim na buhok, kilay, mata ngunit ang kabuuang postura ng bata ay napakaamo. Ito ay walang iba kundi si Van Grego
Agad nakita ni Van Grego ang napakalaking pinsalang ng kung anong nilalang. Nakumpirma niya ito ng makita ang napakalaking halimaw. Base sa kanyang nakita ay isang Martial Ancestor Realm lamang ngunit hindi pa rin dapat balewalain dahil malakas ang depensa nito. Ito ay ang Stone Prime Golem na isang Defense-Type Attribute.
Agad inatake ni Van Grego ng malakas na atake ang Stone Prime Golem. Nagsagawa ng mga komplikadong kilos ang kamay niya at unti-unting bumuo ng mga pabilog na mga simbolo.
"Formation Technique: Berserk of the Constellations!"sambit ni Van Grego ng isa sa malakas niyang atake. Hindi niya minamaliit ang depensa nito maging ang anumang Martial Beasts dahil walang mahinang Martial Beasts maging ng mga Cultivators na siyang mga may kakaibang katangian.
Ang kakaibang atake ay bumulusok paibaba at makikita ang kakaibang Constellations habang bumaba ito. Nang tumama ito sa katawan ng Stone Prime Golem ay iba't ibang simbolo ang lumitaw sa katawan nito na siyang agad na sumabog na siyang nagdulot ng pagkapira-piraso ng bawat laman nito. Maraming dugo ang lumabas sa katawan nito dahil na rin sa kakaibang enerhiyang winasak ang kabuuang depensa nito. Hindi man lang nakita o nakapag-atake ang dambuhalang halimaw anvg pangahas na umatake sa kanya patunay lamang na walang patas sa mundong ito.
Lumitaw ang Martial Spirit ng Stone Prime Golem sa ibabaw ng nagkapira-piraso nitong katawan patunay na kumikislap sa tama ng liwanag mula sa araw ang Beast Core nito na kulay berde.
"Martial Art Technique: Million Steps Ascend!"
Sambit ni Van Grego at mabilis siyang kumilos na kahit sinong makakakita ay hindi masusundan ang galaw nito. Agad niyang pinuntahan ang lokasyon ng Stone Prime Golem at kinuha ang Martial Spirit nito maging ang kulay berdeng Beast Core ay hinablot ito at maingat na inilagay ang mga ito sa Interstellar Dimension. Agad na nawala siya na parang bula ngunit makikita mo ang marahas na hpas na hangin hanggang sa bumalik ito sa dati.
May pumuntang mga Rogue Cultivators pero ng makita amg kalunos-lunos na sinapit ng Stone Prime Golem ay nahintatakutan sila at nilisan ang lugar takot na mapatay siya ng misteryoso ngunit malakas na nilalang hindi nila alam ang pagkakakilanlan nito. Mabilis na na lumaganap ang balita patungkol sa gumagalang malakas na nilalang na siyang nagbigay takot at pangamba sa mga lumikas.
...
Patuloy pa rin lumilipad si Van Grego papunta sa Ult Magna Forest, hindi niya alam ngunit nakaramdam siya ng kakaibang enerhiyang bumabalot dito. Matagal na din siyang hindi nakalakad papasok sa pinasentro maging sa pinakadulo ng kagubatang ito lalo pa't kahit na sabihing malakas siya ay hindi niya pa rin makakayanan ang napakaraming Martial Beasts na gumagala maging ng mga malalakas na nilalang na naninirahan dito. Ang Interstellar Palace ay matatagpuan lamang malapit sa labasan ng kagubatan ngunit hindi din agad makikita sapagkat napakaliit lamang na butas na isang tao lamang ang makakapasok kung kaya't mahirap din ito matunton.
Nagsimulang ibinaba ni Van Grego ang lipad ng kanyang Flying Sword na ilang dipa lamang ang layo sa pagitan ng lupa. Ayaw niya ring makatawag pa ng atensyon sa kahit na sino o anumang nilalang na nasa paligid. Mahirap lumipad ng mataas sapagkat maraming mga malalakas at mababangis na ibon o mga Flying-Type Martial Beasts ang gumagala o kaya ay nagtatago upang gawing hapunan nito.Tahimik lamang niyang binabaybay ang daan at maging handa sa anumang pangyayari.
Habang papasok siya ng kagubatan ay hindi niya maipagkakailang naninibago siya dahil wala ni isang pagala-galang mga Martial Beasts na siyang kaniyang naggugulumihanan dahil imposible namang walang ni isa man lang. Ngunit ng makalampas sa outer area si Van Grego ay patuloy niya pa ring binabaybay ang daan papasok pa sa pinakapusod ng gubat.
Hindi rin nagtagal ay nakaamoy si Van Grego ng masasangsang na amoy na animo'y nagkaroon ng matinding delubyo o ng digmaan. Hanggang sa natanaw niya ang maraming tumpok maging ng nakakalat na mga bangkay ng mga Martial Beasts. Karumal-dumal na pagpatay ang sinapit ng mga ito palatandaan na winakwak ang mga dibdib ng mga ito maging ang mga lamang loob ng mga ito ay nakalabas sa mga katawan ng mga ito. Nasa Martial Dominator Realm pababa ang mga ranggo ng mga Martial Beasts na ito at tinatayang aabot sa limandaang mga halimaw ang bilang ng mga nangamatay. Nakakapagtaka ito ngunit nang makita ni Van Grego ang isang nilalang na nakatalikod sa kanya habang may kung anong hinahalukay at kinakain ito. Makikita sa paligid ng misteryosong halimaw ang mga sariwang bangkay ng mga Martial Beasts ngunit malalaman agad ng mga nakakakita na nakakapangingilabot ang pagkakapatay sa mga ito.
Naging alerto ang misteryosong halimaw ng may maamoy siyang kakaibang enerhiyang nagmumula sa likod niya. Agad niyang pinaulanan ng kakaibang maliliit na kahoy ang inaakala niyang kalaban nito.
"Sino ka upang pakialaman ang ginagawa ko?!" Sambit ng misteryosong Martial Beasts sa kanyang hindi inaasahang bisita.
"Sino ako? Sabihin mo yan sa sarili halimaw!" Sagot ni Van Grego na may kalmading ekspresyon sa mukha ngunit makikitaan ng makahulugang salita sa mga sinabi nito.
"Magaling!Magaling!Magaling! Nakikita mo ang totoo kung anyo." Sambit ng misteryosong halimaw. Agad siyang nagpalit ng anyo ng isang higanteng Martial Beasts.
"Akala mo maloloko mo ko mapanlinlang na halimaw, base sa aking obserbasyon at nalalaman ay siguradong nakamit mo na ang Human Form mo mula ng humina ang seal niton mga nakaraang buwan lamang kaya natitiyak kong nakatapak ka na sa Bloodline Awakening Stage!" Kalmado ngunit may diin sa sabi ni Van Grego.
Nang marinig ito ng misteryosong halimaw ay mistulang napipi siya sa sinabi ng binata.
"Magaling kang kumilatis bata ngunit isa ka pa ring batang may lakas lamang ng isang Martial Ancestor Realm Expert kung kaya't masasabi kong napakahina mo para labanan ako. Kahit sa anyo ko lamang ito ay kayang-kaya na kitang tapusin, bwahahaha!" Sambit ng misteryosong Martial Beasts na hindi pa rin nito pinapakita ang tunay na anyo nito.
Walang sinayang ang misteryosong halimaw at agad na umatake ng mabilis na siyang ikinaalarma ni Van Grego. Matutulis na mga kahoy ang lumalabas sa mga atake niya. Alam ni Van Grego na kayang-kaya ng halimaw na ito na magbalat-kayo ng kahit na anong halimaw ngunit ang atake nito ay parehas lamang sa tunay nitong atake ngunit ng masipat ni Van Grego ang mga atakeng nagmintis diretso sa mga puno ay nakita niya ang mga kulay berdeng malapot na siyang hinihinala niyang makamandag na lason mula sa nilalang na ito.
"Pwes, kung gusto mo ng larong ito pagbibigyan kita! Body Changing Technique: Vile Armor Transfiguration!" Sambit ni Van Grego tanda na sasabak siya sa matinding labanan kung Kaya't hindi niya pwedeng maliitin ang kalaban niya lalo pa't ilang dipa ang layo ng ranggo nila sa isa't-isa. Isa lamang siyang hamak na Martial Ancestor Realm Expert kumpara sa Bloodline Awakening Stage na ranggo ng misteryosong halimaw na ito. Siguradong manghihina lamang siya kung tatanggapin niya ang mga atake nito. Ang agwat ng lakas nila ay napakalayo.
Nagliwanag ang buong katawan ni Van Grego na siyang nagkaroon ng pagbabago sa katawan nito. Unti-unting napalitan ang robang suot nito sa isang manipis na armor. Ang pisikal na anyo ni Van Grego ay hindi na patpatin, sa edad na labindalawang taon ay ibang-iba na ang anyo ng pangangatawan nito dahil sa matinding ensayo ng pagpapalakas kung kaya't nagkakaroon siya ng mga mumunting muscles sa katawan na siyang nagpapamukhang mature sa batang ito. Masasabi mong angkop na angkop sa kanya ang armor na ito. Ngayon niya lamang ginamit ang ganitong Technique na siyang nabibilang sa Creation Technique.
"May tinatago kang pambihirang Technique bata kaso nga lang, mamamatay ka na sa lugar na ito!" Sambit ng Misteryosong Martial Beast habang nag-iba ang anyo nito bilang isang Amorphic Serpent Vine na siyang kilala bilang mabilis na nilalang sa pag-atake dahil na rin sa mga galamay nito na napakarami. Ang katawan nito ay napakatigas na siyang nahihirapan ang kalaban nitong patumbahin ang ganitong Martial Beast.
Nakatayo lamang si Van Grego ng biglang lumitaw sa harap niya ang nagbabalat-kayo na Martial Beasts. Agad niyang sinasaksak ang binata gamit ang mahaba at napakatulis na kahoy na may lason.
"Paalam pakialamerong bata hahaha!!!" Sambit ng misteryosong Martial Beast nang tinangka niyang saksakin ang batang si Van Grego.
"Hindi maaari, papaanong?!" Nahintatakutan na sambit ng Misteryosong Martial Beast sa kanyang nakikita.
Akmang sasaksakin niya na ang binata sa bandang dibdib kagaya ng pagpatay niya sa napakaraming mga Martial Beasts ay nagkamali siya sa inaakala niya. Imbes na bumaon ang napakatulis na kahoy sa dibdib ng bata ay mistulang napudpod lamang ito sa mabilis na oras habang patuloy niyang pinagsiiskapang ibaon pa sa mismong puso nito. Nahintatakutan siya sa pangyayaring ito.
Hindi na nagkaroon ng pagkakataon ang misteryosong Martial Beasts na umatras pa dahil bigla na lamang siyang binigwasan ni Van Grego at mahigpit na hinawakan ng bata ang ulo nito at marahas na ibinaon sa lupa. Halos manghina ang misteryosong Martial Beast sa ginawang atake ng bata. Tatayo pa sana at didistansya sa binata ngunit binuhat naman siya nito at tinuhod siya sa sikmura na siyang nagpadura sa halimaw ng napakaraming dugo. Habang dumudura siya ng dugo ay malakas siyang sinipa ni Van Grego sa bandang mukha nito na siyang nagpatalsik sa kanya ng malayo.
"Para sa isang Martial Beast, napakahina mo pa!" May diing sambit ni Van Grego sa bawat salita upang hamakin ang nagbabalat-kayo na Martial Beast.
"Hindi pa ito ang huli nating pagkikita bata, gagantihan kita hahaha!" Sambit ng misteryosong Martial Beast habang tumatayo ito. Mabilis itong nagpalit ng anyo bilang Black Teror Centipede na siyang kilala bilang isa sa napakabilis na nilalang sa larangan ng pabilisan.
"Matapos ang lahat ng ginawa mong ito, aalis ka nalang bigla?!" Sambit ni Van Grego ng malakas habang tinatanaw ang lokasyon ng napakabilis na Martial Beast na siyang tumatakas ngayon.
"Hindi maaar----Arcccckkkkk!" Sambit ng Nagbabalat-kayo ng Martial Beast na nasa anyo bilang Black Teror Centipede. Hindi inaasahan ng Martial Beast ang napakabilis na paglitaw ng binsta sa kanyang eksaktong lokasyon mismo.
Gamit ang Million Steps Ascend ay agad na naabutan ng batang si Van Grego ang papatakas na halimaw na siyang walang awang kumitil ng maraming buhay ng mga Martial Beasts. Alam niyang kapag nagutom pa ito at walang makain ay lalabas pa ito ng kagubatan upang doon maghasik ng lagim na siyang kikitil sa mga inosenteng buhay ng mga Cultivators. Masyado pang mahina ngayon ang misteryosong halimaw na ito ngunit alam niyang darating ang oras na mas lalakas pa ito kung kaya't magandang tapusin na ang ganitong klaseng beast. Ginamit niya ang Knife of the Nightingales upang mabilis na kitilin ang buhay ng misteryosong halimaw na ito dahil sa oras na makatakas pa ito ay hindi niya alam kung kaya niya pang protektahan ang kanyang sarili maging ng ibang taong naninirahan malapit dito.
Hindi nagtagal matapos ng pagkamatay ng misteryosong Martial Beast ay lumantad ang anyo nito na siyang ikinagulat at pinangambahan ni Van Grego. Ang totoong anyo ng misteryosong Martial Beast ay walang iba kundi ang Six-Tailed Demonic Fox na siyang kilala bilsng mapanlinlang at napakatusong nilalang. Napakalaki na nito at wala ng maitim na enerhiyang bumabalot dito. Isa itong klase ng Martial Evil Beast na siyang layunin lamang ay manghasik ng lagim sa oras na lumakas ito. Sa dami ng pinatay ay siguradong nagpapalakas pa lamang ito ngunit para sa anong dahilan? Ito ang naiisip ni Van Grego lalo pa't hindi naman kasali sa Migration ang nilalang na ito lalo pa't ito ay siguradong nilalang ito na mula sa kontinenteng ito.
Agad na kinuha ni Van Grego ang Martial Spirit nito at itinago sa Interstellar Dimension. Aalis na sana siya ng may mapansing kakaibang liwanag na nasa bandang noo ng Six-Tailed Demonic Fox. Nang makita niya ito ay nagulantang siya. Isa itong Spiritual Pearl na siyang pinagmumulan ng enerhiya ng mga Martial Beasts kapag nakatuntong na sila sa lebel ng Bloodline Awakening Stage. Dito ay nagiging marahas ang isang Martial Beast sa pagpatay at gustong makipaglaban. Itinuturing itong paggising ng natural na talento ng mga Cultivators na galing sa kanilang sariling dugo. Ngunit nakadepende ang lahat sa maaaring maging katangian ng iyong pinagmulang lahi o ng dugong nananalaytay sa iyong bawat laman.
Itinago niya ang Spiritual Pearl na siyang kulay pula tanda na papagising palang ang natural na talento ng Six-Tailed Demonic Fox ngunit namatay siya sa kamay mismo ng binata. Agad na nilisan ng batang si Van Grego ang lugar na ito upang galugarin at tuklasin ang hiwagang kinapapalooban ng Ult Magna Forest.