Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 81 - Chapter 26

Chapter 81 - Chapter 26

Sa isang nagbabagang apoy ang bumulaga sa pitong batang mga estudyante nang pumunta sa lugar na ito na may kalayuan mula sa lugar ng Alchemy Powerhouse Association. makikita sa bawat isa ang matinding galak at saya kumpara sa mga residente o mga tao sa ibabang parte ng kanilang Nililiparan. Ang pitong mga estudyanteng ito ay walang iba kundi ang mga estudyante o mas mainam sabihin na mga Outer Disciple ng Hyno Academy.

Gamit ang Flying Sword ay naging posible ang kanilang paglipad at lahat ng mga estudyante na ito ay sanay na sanay sa gamit nilang iba't ibang kalse ng Flying Sword na parang sarili nilang parte sa kanilang katawan.

Ang kaninang nagbabagang apoy ay siyang bunganga ng aktibong bulkan na siyang nakikita nila sa paanan nila habang patuloy na lumilipad sila hindi alintana ang init na kanilang nararamdaman. Unti-unti na silang bumababa papasok mismo sa loob ng bulkan. Napakainit at nakakapaso ang temperatura ngunit para sa mga Fire-Type Attribute Cultivator ay parang normal na temperatura lamang ito at gustong-gusto nila ang pakiramdam sa loob nito. Paraan nila ito ng pakikipag-cultivate sa maiinit na lugar na siyang nagpapabilis ng kanilang pag-absorb mula sa natural na enerhiya (Martial Qi) papasok sa katawan nilang mga Fire-Type Attribute Cultivator.

Pababa sila ng pababa at makikita mo sa loob ng bulkan ang napakalaking Martial Beasts na mistulang kakulay ng maiinit na magma. Habang papalapit sila ng papalapit ay nakikita nila ang kakaibang anyo ng Martial Beasts na siyang ikinakaba nila.

"Umalis na tayo dito, Napakalakas ng Giant Fire Blazing Lizard!" Sambit ng isang Fire-Type Attribute Cultivator na hindi kilala.

"Giant Fire Blazing Lizard? Ang hinang Martial Beast tapos nahirapan pa kayo? Walang kwenta!" Sambit ng isang nakarobang itim na may disenyo ito ng pulang apoy na may di kilalang Martial Beast ang nakaimprinta sa bandang kanang dibdib nito.

"Sino ka naman Gurang?"

"Ang lakas naman ng loob mong pumunta dito at maliitin ang napakalakas na Martial Beasts na ito!?!" Sambit ng isang Cultivator na halatang nagpipigil ng galit dahil totoo naman ang sinasabi niya. Mahihirapan silang patumbahin o patayin man lang ang ganitong Martial Beasts. Kanina pa isla ngunit parang wala man lang gasgas na natamo ang Giant Fire Blazing Lizard na siyang nagpamukha sa kanila ng katawa-tawa.

"At ano naman ang paki ko sayong kutong-lupa ka? Isa ka lang namang Rogue Cultivator na mga mahihina!" Sambit ng di kilalang nakaitim na roba. Sa pangangatawan palang nito at hitsura ay masasabi mong lalaki na maging ang napakalalim nitong tinig at tindig ay lalaking-lalaki.

"Kung makapanghamak ka ay parang dumi lang kami sa paningin mo. Sino ka ba hah!" Sambit ng Rogue Cultivator na soyang sinang-ayunan ng kapwa nito Rogue Cultivators.

"Hindi niyo na pwedeng malaman kung sino ako, pero isa lang ang sasabihin ko sa inyo, Isa akong Outer Disciple ng Flame Whisper Sect!" Buong yabang ng nakaitim na robang lalaki.

Mula sa malayo ay may dumating na hindi inaasahang bisita sakay ng isang Flying Flaming Carpet na isang gamit sa paglipad at paglagay lamang. Hindi din ordinaryong bagay ang Flying Flaming Carpet dahil bibihira lamang ang kayang gumawa ng mga ito. Siguradong gawa ito ng napakatanyag at hinahangaang Forger. Ngunit ang mas nakakabahala ay ang sakay nitong apat na katao. Mas nakakagulat pa mga batang edad labin-isa hanggang labinlimang taong gulang lamang ang mga ito. Makikita ng lahat na halatang hindi basta-basta ang mga batang ito.

Kitang-kita palang sa mga ito ang kanilang nagkikinangang mga hibla nito yari yata sa napakatibay at napakamahal na tela. Ang pagdating ng tatlong batang ito ay nag-agaw ng lahat ng mga atensyon ng mga Cultivators na naririto. Ang disenyo ng mga robang kasuotan ng tatlong batang ito ay nahahawig sa nakaitim na roba ngunit matingkad lang ito at mas malinaw na nakaburda ang bawat linya at guhit nito kung kaya't mas masasabi ng lahat na mas may mataas na estado ng pamumuhay ang tatlong ito kumpara sa nagyayabang kani-kanina lamang na nakaitim na roba.

"Oh, nandito pala utusan natin na si Urshu Moore ha!ha!ha!" Sambit ng nasa kaliwang batang lalaki na nasa Flying Flaming Carpet.

Natuod ang lalaking nakarobang itim na nagngangalang Urshu Moore. Ang kaninang sobrang yabang nito ay napalitan ng pagkandaugaga nito at bakas ang takot sa mga mata nito.

" Trio Fuego, bakit nandito kayo?!" Sambit ni Urshu Moore na halatang di natutuwa sa pagdating ng tatlong batang ito sa lugar na ito.

"Ano bang paki mo kung pumunta kami dito. Pumunta ka na dito at pagsilbihan kami!" Sambit ng batang nasa kanan ng Flying Flaming Carpet na agad na lumebel sa nakaitim na roba.

"Bago ka magdesisyon Urshu Moore, Magpakilala muna kami. Ako si Miel Miron na siyang lider ng Trio Fuego!"sambit ng batang lalaking nasa gitna na siya palang pinuno ng Grupong ito.

"Ako naman si Baron Fill na siyang kaliwang kamay ng grupong ito na siyang papatay o aalipin sa inyo sa hinaharap!"maangas na sambit ng batang nasa kaliwang bahagi ni Miel Miron.

"Ako naman si Donnie Vilan, Ang kanang kamay ng grupo na siyang dudurog sa mga haharang sa daraanan namin!" Sambit ng nasa kanang bahagi ni Miel Miron

"Kami ang mga batang henyo ng Fire Whisper Sect ng Serpien Continent at siyang sasakop sa maliit na basurang kontinenteng ito! Bwahahahaha!!!"

Nag-aalangan pa naman si Urshu Moore na sumakay sa Flying Flaming Carpet lalo pa't ayaw niyang manilbihan at magmukhang alipin ngunit agad pumasok ang mukha ng isang matandang parang mangangain ng buhay na umuusok ang ilong kung kaya't halos madapa siya kakatakbo takot sa background ng mga batang lalaking ito.

"Ang duwag mo pala at bumalik sa iyo ang mga sinabi mo!"sambit ng isang Rogue Cultivator na galit sa binitawang salita ni Urshu Moore.

"Walang sariling salita, nagpapaalipin lang naman bwahahaha!"Humagalpak na tawa ng isa pang Rogue Cultivator halatang hinahamak niya ang mayabang na si Urshu Moore.

Napakuyom na lamang ng sariling kamay si Urshu Moore dahil wala siyang laban sa tatlong batang ito na siyang hindi niya nagustuhan. Inaalipin lamang siya ng mga ito at itinuring lamang siya na parang basura. Nagalit at nahiya din si Urshu Moore dahil sa ganting panghahamak sa kanya ng mga Rogue Cultivators ngunit wala siyang lakas o kapangyarihan man lang. Napagtanto niyang masyado siyang naging mapagmataas ngunit mas masahol pa ang pinagbagsakan niya.

Grrrroarrrrrrrr!!!!!!

Srrrrrrrrrrshhhhhzzzzzzz!!!!!

Bigla na lamang umatungal ng napakalakas ang Giant Fire Blazing Lizard na siyang umagaw ng atensyon ng lahat na siyang pumutol sa namumuong labanan sana ng mga Cultivators.

Ang mga estudyante ng Hyno Academy maging ang lahat ng mga Cultivators ay parang natuod sa nakakatakot na atungal ng malakas na Martial Beasts na ito maging ang mala-higanteng laki nito ay hindi papatalo.

Unang nakabawi ang Tatlong batang tinatawag na Trio Fuego. Agad silang bumuo ng Formation para sa pagsabak sa labanan laban sa Giant Fire Blazing Lizard.

Unang nagsagawa ng Technique ang nasa kaliwa ng tumatayong lider na si Baron Fill sa sentro ng Flying Flaming Carpet. Naglabas ito ng sariling Martial Soul na isang Flaming Verdant Eagle.

"Humanda ka halimaw, tikman mo to! Verdant Fire Eruption!"sambit ni Baron Fill na pasigaw na gusto na nitong patayin ang Giant Fire Blazing Lizard.

Bigla na lamang naglagablab ang kamay ni Baron Fill ng napakainit na apoy, mararamdaman mo ang paggalaw nito na animo'y may buhay na agad nitong itinutok sa dambuhalang Martial Beast.

Bumuga ng napakalaking apoy na hugis ng Martial Soul ni Baron Fill na isang Flaming Verdant Eagle. Halos mabalot ng apoy ang dambuhalang Martial Beast na siyang ikinasaya ni Baron Fill maging ng kanyang kasama. Nag-apir ang tatlo dahil sa tagumpay nila ngunit nag-iba ang kanilang ekspresyon ng biglang may bumubulusok na malalaking Fire ball na galing sa Martial Beast na hanggang ngayon ay binabalot ng apoy na galing sa Martial Technique ni Baron Fill.

"Iwas!"sambit ni Miel Miron habang umiiwas siya sa naglalakihang mga Fireball. Nagbigay siya ng babala sa tatlong kasamahan niyang nakasakay sa Flying Flaming Carpet.

"Hindi maaari, isa ka lang hamak na Martial Beasts!" Sambit ni Baron Fill habang nagtataka.

"Huwag kang mag-alala Baron, ako ang tatapos sa Martial Beast na ito!" Sambit ni Donnie Vilan habang nakatingin ng may habag kay Baron Fill. Alam niya kasing ito ang pinakamalakas niyang Technique kung kaya't nanlulumo ito dahil hindi man lang natinag ang dambuhalang Martial Beast bagkus ay tinira pa sila ng mga higanteng Fireball na nagpahirap sa kanilang sitwasyon.

Lumitaw sa kamay ni Donnie Vilan ang kanysng Martial Soul, isang hindi kahabaang espada na nababalot ng pulang apoy. Napakalakas ng Sword Intent ang inilalabas nito na siyang nagpabagsik sa itsura ng Martial Beasts.

"Tikman mo to halimaw, Dance of the Sword Replications!" Sigaw ni Donnie Vilan habang inihahagis ng malakas ang maliit na espada sa ere. Unti-unting lumiwanag ito at makikitang ang isang maliit na espada ay dumoble, trumiple hanggang sa naging sampong nagbabagang espada ito. Sampong beses din ang lakas nito kung kaya't napasinghap ang lahat dahil napakalakas ng sword ng sampong espadang ito.

"Mamatay ka na!"Sigaw ni Donnie Vilan nang kinontrol nito ang sampong espada papunta sa Giant Fire Blazing Lizard.

Unti-unting papalapit na sa katawan ng Giant Fire Blazing Lizard ang sampong naglalakasang espada ngunit sa unang pagkakataon ay gumalaw ang Halimaw na ito at iwinagwag nito ang buntot nito na ang pinakadulong buntot nito ay gawa sa napakatigas na pabilog na hugis.

"BBBBBBOOOOOOOOOOOGGGGGGGGGGSSSSSSSHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!" Tunog ng nagbanggang puwersa ng magkabilaang atake.

"Isang napakahina at walang kuwentang nilalang ka lamang ngunit hindi ka mamatay-matay, tikman mo to!" Sambit ni Miel Miron habang isinasagawa ang kanyang pinakamalakas na Technique na kanyang natutunan. Lumitaw agad sa likod nito ang Napakalaking sandata. Ito ay isang Giant Fire Claw.

"I---isa-isang da--dambuhalang F-fire Ccc-cl-claw?! Utal-utal na sambit ng Rogue Cultivators

"Isang napakahenyong bata ito!"

"Napakaswerte ng mga kumupkop sa batang ito!"

"Tunay na napakatalentadong bata!"

Marami pang mga pagpupuri ang natatanggap ni Miel Miron dahil sa pagpapakita niya sa publiko ng kanyang Martial Soul. Makikita ang kayabangan nito sa kanyang mukha at panghahamak naman sa mga Cultivator na nakikita niya.

"Ang tatapang niyo namang pumunta dito sa Teritoryo ko, ililibing ko kayong lahat dito ng buhay!" Sambit ng Giant Fire Blazing Lizard sa nakakatakot nitong boses.

Nang marinig ng mga Cultivators na naririto ang boses ng Giant Fire Blazing Lizard ay nahintatakutan silang lahat magjng ang Trio Fuego.

"N--nakakap--pagsal--li--lita k-ka?!" Pautal-utal na sabi ni Miel Miron na itinuturo pa mismo ang dambuhalang Martial Beast.

"I--isang Martial God Beast!" Sambit ng isang Rogue Cultivator na medyo may katandaan niya. Alam niyang Martial God pataas lamang na Martial Beasts ang pwedeng magkaroon ng kamalayan at pag-iisip na katulad ng tao. Hindi pa siya nakakakita ng Martial God Realm na Beast kung kaya't pagkamangha at takot ang naramdaman niya.

Halos lahat ng mga Rogue Cultivators ay natuod maging ang iba pang mga di kilalang mga Cultivators.

"Bwahahaha, Infernal Blast!" Sambit ng Martial God Beast (Giant Fire Blazing Lizard) sa napakalalim na boses bakas ang kasiyahan habang binibigkas ang sarili nitong Skill.

Walang ano-ano pa ay natunaw ang lahat ng lupang tinatapakan ng Martial God Beast (Giant Fire Blazing Lizard) biglang tumaas ang magma sa loob ng bulkan at napakatinding init ang nararamdaman ng bawat isa na siyang malaking epekto sa karamihan sa mga Cultivator.

"Umalis na tayo Miel Miron, di na natin kontrolado ang sitwasyong ito!" Sambit ni Urshu Moore lalo pa't siya sng unang nakarekober sa sitwasyong ito.

Nagising si Miel Miron sa pagkakatuod at tumango kay Urshu Moore

"Mabuti pa nga!" Simpleng tugon ni Miel Miron na mabilis na dinukot sa bulsa nito ang Wrap Stone. Agad nitong biniyak ang bato. Binalot sila ng liwanag at nawala sila sa kawalan.

Ang ibang mga Cultivator ay ganon din ang ginawa na parang bulang nawala at nilisan ang lugar na ito takot sa nalalapit nilang kamatayan dahil sa ekstraordinaryong Martial Beasts na ngayon lamang nila nakita at nasagupa sa aktuwal na pangyayaring ito.

Ilang segundo lamang ang nakakalipas ng tuluyan ng ipinamalas ng Martial God Beast ang lakas ng sarili nitong napakalakas na Skills.

Biglang nagkaroon ng sunod-sunod na malalakas na pagsabog sa loob mismo ng bulkan.

Ahhhhh!!!!

Prrrrcccccccckkkk!!!!

Shhhhhhwwwwwwcckkkkk!!!!!!

Pppppwwwwwwwwaaaaaarrrrrccccckkkkkkkkk!!!!!

Matinding palahaw ang maririnig sa paligid na sa loob mismo ng bulkan. Sa bawat malalakas na pagsabog nito ay siya namang pagkawala ng mga tinig ng pagpapakasakit ng Cultivator.

Hanggang sa ilang minuto lamang ang nakalilipas ay tumigil na rin ang nakakapanindig-balahibong mga pagsabog at mga palahaw.

Makikita ang naging kinalabasan ng napakalakas na Skill ng isang Martial God Beast sa lugar na ito. Ang mga maliliit na lupa at nga bato ay mistulang ulan dahil na rin sa pagkawasak ng kalahating parte ng bunganga ng bulkang ito. Ang Giant Fire Blazing Lizard ay nasisiyahan sa paggamit nito ng isa sa npakalakas nitong skill na siyang umubos sa itinuturing niyang mga pesteng nilalang. Napakaingay kasi nila na ayaw na ayaw niya maging ang panghahamak sa kaniya ay hindi katanggap-tanggap lalo pa't ito ang pinakaayaw na ayaw niya.

Ngunit nagbago ang ekspresyon sa mukha ng dambuhalang Martial Beast ng may naramdaman siyang mga enerhiya ng mga buhay na nilalang. Imposibleng isipin para sa kanya na may nakaligtas sa malakas na atake nito. Ngunit kitang-kita niya ngayon ang malaking bilog na nakapalibot sa pitong batang Cultivator.Isa lamang ang naiisip niya sa pangyayaring ito. Tanging ang mga batang bubwit lamang ang nakaligtas sa napakalakas na atake niya.

"Kailan pa nagkaroon ng Stone Shield na pambihirang kayamanan ang mga bubuwit na katulad niyo?!" Sambit ng Martial God Beast na ito na puno ng kuryusidad at katanungan ang isip nito.

Alam na alam ng Martial God Beast na ito ang halaga at tunay nitong yaman dahil masasabi mong kaya ka nitong protektahan sa oras na nasa bingit ka ng kamatayan lalo na kapag nakulong ka sa isang napakalakas na Skill. Tinatawag din ang Stone Shield na ito na Life-Protective Stone dahil an rin sa pambihira nitong kakayahang protektahan ka sa anumang malalakas na atake.

"Hindi mo na yun pwedeng malaman pa, sumuko ka na lamang!" Sambit ni Con Drino lider ng Estudyante ng Hyno Academy

"Sige, ikaw ang uunahin ko at ang mga bubuwit mong kasama mo! Fire Blazing Speed!" Nakakatakot na sigaw ng Giant Fire Blazing Lizard.

Unti-unting nagkaroon ng kakaibang galaw ng hangin kasabay ng pagkawala sa pwesto ng Martial God Beast (Giant Fire Blazing Lizard). Nahintatakutan ang mga batang estudyante ng Hyno Academy lalong-lalo na ang lider ng grupong ito. Halos manginig sila sa takot dahul sa banta ng Martial God Beast ngunit naisip nilang hindi pa ito nagkakaroon ng Human Form o anumang kakaibang katangian na siyang benepisyo ng sinumang Martial Beast na nalampasan ang limitasyon ng kalangitan.

Unti-unting nagkaroon ng mga afterimages ang Giant Fire Blazing Lizard at nabigla na lamang ang pitong estudyante ng lumitaw na lamang sa kanilang harapan ang halimaw na may nakaktakot na anyo at aurang nakapalibot dito.

Pinaghihiwa niya ang bawat parteng katawan ng mga estudyanteng ito gamit ang matatalas nitong kuko at pinaghahampas niya ang mga ito ng kanyang malaki at matutulis na mga tinik ng kanyang buntot. Dahil sa bigat at pamatay na atake ay nagtalsikan sa malayo ang mga bata.

Hinintay niya ang tiyempong mawalan ng bisa ang Stone Shiel na kinapapalooban ng pitong estudyante upang magsagawa ng pamatay na atake. Alam niyang ito lang ang tsansa para hindi agad makagamit ang mga estudyanteng bubuwit ng Stone Shield. Alam niyang maraming reserba ang mga ito ng Stone Shield na ikinapagtataka niya kung saan galing ang mga ito.

Mabilis na pinagtataga, pinaghahampas at pinagsasaksak niya ang apat na estudyante na natitira upang bigyan ng matinding pinsala. Wala awang inatake ng malaki at malaks na halimaw na ito ang mga batang estudyante na halos maligo sa sarili nilang mga dugo ang mga estudyante ng Hyno Academy.

Nawalan ng malay ang dalawang estudyante kabilang na doon si Con Drino. Halos mawalan ng pag-asa ang anim na estudyante dahil wala na silang pinuno at naiisip nilang katapusan na nila ito.

Ang tatlong estudyante na tumalsik ay sumugod pa rin kahit na wala silang laban sa malakas na halimaw at gagamit pa sana sila ng sarili nilang Martial Art Techniques ngunit lumitaw muli sa harapan nila isa-isa ang Giant Fire Blazing Lizard at pinagtataga sila ng sarili nitong mga malalaki at matatalim nitong Kukong halos warakin na ang dibdib nila. Halos umulan ng dugo ang paligid dahil sa walang awang pagkakasaksak at bunot ng mga kuku nito sa mga tiyan, dibdib at likod ng tatlong estudyante.

Hindi tinitigilan ng Giant Fire Blazing Lizard ang tatlong estudyante na halos di na makilala, literal na naliligo na ang mga ito ng sarili nilang dugo na hindi na makilala kung hindi lang dahil sa kulay ng suot ng mga ito na halos magkulay pula na rin.

"Tumigil ka na halimaw, Tikman mo to! Fire Swamp Rampage!" Sambit ng batang estudyante ng Hyno Academy na hindi pa nagsasalita kanina pa ang nagsagawa ng kakaibang Skill. Ang batang ito ay walang iba kundi si Zerk Clamir.

Si Zerk Clamir ay isa sa apat na walang awang pinagtataga ng napakatalim na kuko ng halimaw at pinaghahampas ng pamatay na atake ng dambuhalang Buntot nito. Nang makita niyang halos mamatay ang mga kasamahan niya ay hindi niya maatim na mamatay lang ang mga ito sa kamay ng mabagsik na halimaw na ito. Kahit na alila siya st inaabuso din siya ay ipinangako niya sa sarili niyang ililigtas ang mga Cultivator na nangangailangan ng tulong.

Unti-unting nagkaroon ng pagtaas ng magma na naglalabas ng kakabang malalapot na apoy na animo'y buhay dahil parang naging isang lawa na ang tinatapakan ng Martial Beasts. Halatang nagagulantang ang Martial God Beast dahil nagawanv pabagalin ng Technique ang kanyang galaw. Walang nagawa ang skill niya sa malakas na Technique ng batang ito. Unti-unti ring bumabaon ang mga naglalakihang paa nito pailalim hanggang sa tumigas ang kalahating katawan nito ng mga Magma na mistulang magma na dahil tumigas na ito na nagdulot sa Giant Fire Blazing Lizard na hindi makagalaw.

Kahit malala ang tinamong sugat ng anim na Cultivator at maging si Con Drino ay nagkaroon na ng malay at pinaulanan nila ang dambuhalang halimaw ng mga malalakas na Technique na walang awang tumatama ang mga atake sa iba't ibang parte ng katawan ng Dambuhalang halimaw. Halos humina din ang depensa ng katawan ng Giant Fire Blazing Lizard dahil sa malalakas na atake ng mga batang minaliit niya kani-kanina lamang dahil akala niya ay dumidepende ang mga batang ito sa kayamanan lamang na pag-aari nila. Hindi alam ng Martial God Beast kung anong milagro ang ginawa ng mga Cultivator at ng Kontinenteng ito sa bagong henerasyon ng siyang batang Cultivators sa kasalukuyan.

"Kailan pa nagkaroon ang basurang kontinenteng ito ng malalakas na Cultivator?!" Sambit ng Giant Fire Blazing Lizard sa kanyang isipan lalo na ng masaksihan niya ang Technique na isigawa ng bubuwit na sobrang tahimik lamang ngunit may ibubuga rin. Hindi niya isinambit ang kanyang pagpuri at paghanga baka lumaki pa ang ulo ng mga ito. Isa siyang Martial God Beast kung kaya't may iniingatang dignidad din siya katulad ng ibang nilalang na mayroong kamalayan.

"Di din tatagal at mauubusan din kayo ng ipanglalaban sakin. Uunahin kitang bata ka bwahahaha!" Sambit ng Giant Fire Blazing Lizard habang matalim itong nakatingin direkta sa batang lalaking gumamit ng malakas na Technique.

Halos mawalan ng pag-asa ang pitong estudyante na pawang nahintatakutan. Nararamdaman nila ang unti-unting paglakas ng halimaw (Giant Fire Blazing Lizard) kaya't nangangamba sila sa kaligtasan nila.

"Umalis na tayo sa lugar na ito ngayon din!" Sambit ni Con Drino na siyang lider ng pangkat na ito. Alam niyang napakalakas ng Martial God Beast na ito at hindi nila kakayanin ang lakas at kapangyarihang taglay ng halimaw. Kaya't kailangan na nilang umalis at linsanin ang lugar na ito bago pa tuluyang makaalis pa sa pagkakabaon ang halimaw na ito.

"At mas mabuting maiwan at magsakripisyo ang isa sa inyo upang makaalis tayo ng ligtas sa lugar na ito." Dagdag na sambit ni Con Drino dahil alam niyang maikli lang ang oras nila para makaalis ngunit siguradong patay naman silang lahat pag nagkataon.

" Anong sabi mo Con Drino? Bakit "niyo", diba dapat ikaw ang magsakripisyo dahil kasalanan mo ito at ikaw ang lider ng pangkat na ito!" Galit na sambit ng babaeng miyembro ng grupong ito. Hindi siya makakapayag na sia ang gawing pain.

"Ayoko din, labas ako diyan sa maiiwan!"sambi ng isa pang miyembro ng pangkat na ito.

Halos wala ding gustong magpaiwan upang maging pain. Kaya't nagkaroon ng mahabang diskusiyon at di pagkakaunawan.

Naging tahimik lamang ang tumatayong lider na si Con Drino at piniling di na makasali sa alitan dahil pinoproblema nila ngayon. Napag-isip-isip niya ang lahat ng bagay-bagay lalong-lalo na sa mga background ng mga kagrupo niya. Lahat naman ay mayroong mga pamilya at malalakas na angkan na nagtatrabaho sa Alchemy Powerhouse Association ngunit ng mapadako ang kanyang tingin kay Zerk Clamir ay may namuong kakaiba at masamang plano sa isipan nito. Wala siyang inaksayang oras at agad na siyang nagsagawa ng Martial Art Skill.

"Fire Binding Chain!" Sambit ni Con Drino at direkta niyang pinatama ang Skill niya kay Zerk Clamir.

"Hindiii m-----!" Sasanggain pa sana ni Zerk Clamir ang nasabing skill kaso lamang ay nahuli na siya dahil napuluputan na ang buo niya katawan maging ang kanyang paghinga ay naapektuhan na.

"Umalis na tayo sa impyernong lugar na ito!"sambit ni Con Drino sa limang kasamahan niya ng nakangisi.

"Oo nga, ayaw na ayaw ko na sa pesteng lugar na ito!"Sambit ng babaeng bata na halatang gusto niya ng umalis sa lugar na ito.

"Magaling ka talagang pumili Con, lisanin na natin ang lugar na ito!"Sambit ng isang lalaking Cultivator na nawala ang pangamba lalo pa't hindi siya ang pinatamaan ng Skill ng kanilang lider na si Con Drino.

Agad nilang nilabas ang kani-kanilang Flying sa kanilang Interspatial Ring. Agad silang sumakay sa kani-kanilang Flying Sword ngunit naagaw ang atensyon nila sa batang nababalutan ang buong katawan ng nag-aapoy na kadena. Imbis na maawa ay napangisi sila sa kalunos-lunos na kalagayan ng batang si Zerk Clamir.

"Hindi masasayang ang sakripisyo mo Zerk Clamir, wala ka namang pamilya eh hahaha!!!

"Pabayaan niyo na yan, wala ring silbi sng alilang yan!"

"Umalis na tayo sa lugar na ito, Baka mamatay pa tayo kasama ang alilang yan!" Sambit ni Con Drino dahil alam niyang malapit ng makawala ang halimaw sa Technique ni Zerk Clamir at lalo pa itong lumalakas.

Agad na lumipad na sila ng hindi lumilingon sa kawawang batang si Zerk Clamir. Ni hindi nga sila nakaramdam ng awa maski paalam o pasasalamat lamang ay hindi sila nakapagsabi.

Walang naririnig si Zerk Clamir liban sa nagkikiskisang mga kadenang patuloy na umiipit sa maliit niyang katawan. Wala siyang ideya sa nangyayari sa kaniysng paligid. Ang huli lang niyang natatandaan ay ang pagsambit ng Martial Art Skill ni Con Drino na alam niyang siya ang pinatamaan nito. Isang binding Skill na siyang nagpapahirap sa kaniya.

Habang patuloy siyang gumagalaw ay siyang sumisikip ang kadenang pumupulupot sa kaniyang buong katawan. Kung kaya't naisip niyang hindi siya gagalaw at nagtagumpay siya dahil lumuluwag na ang kadenang nagpapahirap sa kanya kani-kanina pa. Agad na nawalan ng bisa ang skill at kusang nawala ang mga kadenang pumupulupot sa kaniya. Napatawa siya ng pagak dahil kung malakas lamang ang binding skill na iyon ay kaya nitong puluputan ang Martial God Beast ngunit alam niyang wala din itong silbi dahil sa laki pa lamang ng Martial God Beast ay siguradong mawawasak lamang ito ng mabilisan.

Magiging masaya sana ang ekspresyon ni Zerk Clamir ng bigla na lamang gumalaw ang Martial God Beastna siyang sumabog at tumalik ang mga likidong apoy na naging batong bumabalot kani-kanina lamang sa kalahating parte ng dambuhalang halimaw na ito.

Ang malala lang ay nang tamaan siya ng malaking tipak ng bato at nasama pa siya sa marahas na pagtalsik ng mga malalaking tipak ng mga bato.

"Arccckkk!" Hiya ni Zerk Clamir dahil sa sobrang sakit ng kanyang pagbagsak. Pinilit niyang tumayo at pinagpag ang alikabok na kumapit sa katawan nito. Nagbago ang ekspresyon niya ng may naramdaman na malakas na enerhiyang nagmumula sa lugar ng dambuhalang halimaw.

"Katapusan mo na bubuwit, Fire Descending Blades!" Sambit ng Giant Fire Blazing Lizard habang may isinasagawang malakas na atake. Agad niyang itinuon ang napakalakas na atake na ito direkta sa kinaroroonan ngbatang si Zerk Clamir.

Halos mawalan na ng pag-asa ang batang si Zerk Clamir habang natatanaw nito ang napakalakas na atakeng gawa sa naglalakihang mga nag-aapoy na mga Blades. Marami na rin siyang malalang pinsalang natamo at halos magdilim na din ang kanyang paningin lalo pa't halos wala na siyang lakas pang lumaban.

Ang tanging nagagawa niya lamang ay ang sinabi ng kanyang magulang. Itaas niya lamang ang kaniyang kamay kahit na napakaimposibleng lalo pa't kahit kailan ay hindi niya pa nakita ang heirloom ng kanilang angkan. Ang tanging alam niya lamang ay sa kanyang katawan itinago ng kanyang angkan ang isang armas na siyang may napalakas na kapangyarihan.

Kahit na halos wala na siyang makita ay nararamdaman niya ang pinagmumulan ng enerhiya. Doon niya itinutok ang kaniyang kaliwang kamay. Sa hindi inaasahang pangyayari ay lumitaw sa kaliwang kamay sa mismong palad nito ang kakaibang simbolo na kulay pula. Agad na may lumabas na isang maliit na kulay pulang kutsilyo walang hawakan. Mabilis itong bumulusok papunta sa napakalakas na atake ng Martial Beasts ngunit ang mas nakakagulat ay parang lamang papel na pinunit ng maliit na kutsilyo ang mga Fire Descending Blades na siyang ikinagulat ng Giant Fire Blazing Lizard.

"Holy We----- ahhhhhh!!!!!!" Sigaw ng Giant Fire Blazing Lizard habang binibigkas ang kakaibang kutsilyong walang hawakan na lumitaw sa batang lalaking si Zerk Clamir. Hindi niya aakalaing espesyal na bata pala ang kinalaban niya. Ngunit huli na ang kanyang pagsisisi dahil bigla na lamang bumulusok ang maliiit na kutsilyo papunta sa kanya. Walang ano-ano pa ay nalagutan ng hininga ang Giant Fire Blazing Lizard na halos nakaluwa ang mata tanda ang nakakahindik nitong kamatayan. Agad ding bumalik sa loob ng palad na kaliwang kamay ni Zerk Clamir ang kakaibang armas na siyang ipinangalaga sa kanya ng kanyang buong angkang namatay dahil sa pagtago nito. Agad din itong nawalan ng malay at malalaglag sana ito sa nagbabagang apoy ng bulkan ngunit may bigla na lamang lumitaw na batang lalaki at sinalo ang batang si Zerk Clamir.

Ito ay walang iba kundi si Van Grego, ang batang nakakita ng buong pangyayari na nagpahanga sa batang si Zerk Clamir na hindi niya lubos akalain na may kakaibang armas pala sa katawan ng batang si Zerk Clamir.

Agad na inilalayan ni Van Grego ang batang si Zerk Clamir malayo sa naglalakihang tipak ng bato na ngayon ay lumulubog na sa kumukulong magma sa loob mismo ng bulkan.

Pumunta siya sa Martial God Beast na isang Giant Fire Blazing Lizard. Nakita niya rin ang Martial Spirit nito na siyang kinuha at maingat na inilagay sa Interstellar Dimension. Agad ding hiniwa ni Van Grego ang bandang tiyan ng Martial God Beast at agad na kinuha nito ang kumikinang na kulay puting Beasts Core.

"Dahil sa iyong kagitingan ay ipapasa ko na sa iyo ang nararapat na Martial Spirit para sa iyo, Zerk Clamir." Sambit ni Van Grego na mabilis nitong ipinalabas sa katawan niya ang kulay asul na Martial Spirit. Aakalain mong Water-Type Attribute na Martial Spirit ito ngunit kung oobserbahan mo ito ng mabuti maging ang nakakapasong init nito ay masasabi mong isang Fire-Type Attribute Martial Spirit ito. Hindi niya din kasundo ito maging ang pagpapanatili sa katawan niya ay mas nagpapalala sa kanyang kondisyon. Nanghihinayang man siya sa napakalakas na Martial Spirit na ito ay alam niyang hindi ito naaangkop sa Attribute ng kanyang magiging Martial Soul. Nagtataka pa rin siya sa kanyang Martial Roots dahil animo'y buhay ito dahil mahigpit itong kumakapit sa Myriad Painting maging sa Martial Spirit. Nahihirapan man siyang tanggalin ang misteryosong Martial Spirit ay pinilit niya pa ring alisin at putulin na ang ugnayan niya sa misteryosong Martial Spirit upang mabilis itong makapag-fuse sa Martial Soul ni Zerk Clamir.

"Paalam!" Sambit ni Van Grego habang pinagmamasdan ang misteryosong Martial Spirit na siyang naging kasama at kasangga niya sa mga delikadong sitwasyon simula ng pinulupot ito ni Van Grego. Ang mata ni Van Grego na may kakaibang bughaw na kulay ay wala na maging ang kulay bughaw na aurang inilalabas nito ay wala na.

Walang sinayang na oras si Van Grego at agad na inilagay ang misteryosong Martial Spirit sa tiyan sa mismong dantian ni Zerk Clamir.

Sa simula ay walang nangyari ngunit agad na nagkaroon ng kakaibang pangyayaring nagpamangha kay Van Grego. Ang dantian ni Zerk Clamir sa bandang tiyan ay unti-unti na nagliwanag na kulay bughaw hanggang binalot nito ang buong katawan ng bata hanggang sa lumitaw ang scepter na siyang Martial Soul nito at ang misteryosong Martial Spirit. Mas nagliwanag pa ito at nagkaroon ng napakainit na temperatura na siyang nagpalayo kay Van Grego. Kahit siya ay nagtataka dahil akala niya ay simpleng pagsasanib lamang ng kapangyarihan ng Martial Soul at ng Martial Spirit ngunit may namumuong tatlong maliliit na parang bato.

"Tatlong Spiritual Beads!" Sambit ni Van Grego ng may pagkamangha dahil hindi niya aakalaing sobrang Compatible ang Martial Spirit sa Martial Soul nito ay nabigyan agad ito ng Spiritual Beads na siyang nagdadagdag sa kabuunang lakas ng isang Cultivator.

Maya-maya pa ay unti-unting bumalik sa normal ang lahat. Nakahiga pa rin si Zerk Clamir habang humihilik. Wala na rin ang mga malulubha nitong sugat na animo'y hindi nangyari dahil walang peklat na naiwan dito.

Umalis na si Van Grego sa lugar na ito, alam niyang ligtas na si Zerk Clamir dahil walang nilalang ang nasa malapit nito. Alam niyang hindi din ito pababayaan ng Martial Spirit. Alam niyang masaya na ang misteryosong Martial Spirit dahil nakita na nito ang nararapat niyang maging amo, ang Cultivator na nagmamay-ari din ng malakas na armas.