Nandito sa isang malaking silid ang mga Assassins na siyang kasa-kasama ng kanilang lider na walang iba kundi si Framiyo. Dala ang isang maliit ngunit pambihirang supot na kanyang hawak-hawak ay hindi niya na papatagalin kung ano ang laman ng mga ito.
"Buksan niyo na boss!" Malakas na sambit ng isa sa mga Assassins na atat na atat ng malaman ang laman ng supot na hawak ng kanilang Itinuturing na boss o lider.
" Oo nga boss!" Dagdag pa ng isa pang assassins.
Agad na tiningnan ni Framiyo ang lahat ng mga Assassins at pawang mga tango lamang ang kanilang itinugon na siyang ipinaaalam kung ano ang laman ng pambihirang supot na hawak ng kanilang lider na si Framiyo.
Sige, kung yan din ang kagustuhan niyo!" Galak na pagkakasabi ni Framiyo na kahit siya ay may kuryusidad na alamin ang laman ng supot na tinatawag ding Interspatial Sack.
Agad niyang binuhos sa isang malaking lamesang parihaba ang laman ng Interspatial sack kung saan ay nagulat at namang silang lahat lalong-lalo na si Framiyo.
"Kayamanan, maraming kayamanan!" Sambit ng isang Assassins. Halatang namangha siya sa kayamanang nakuha nila na ibinigay ng matandang ginoo sa kanila.
"Boss, mayaman na tayo!" Sambit ng isa pang Assassins dahil kahit siya ay namangha sa kayang nakahain sa harap nila.
"Napakaraming kayamanan! Atin to'ng lahat!" Sambit ni Framiyo habang inaalala niya ang matandang nagbigay sa kaniya o sa kanila ng napakalaking halaga ng kayamanang ito.
"Salamat Ginoo!" Dagdag na sabi ni Framiyo sa hangin at tiningnan amg maraming kayamanan sa kanyang harapan. Rare Items, Weapons, Martial Pills, Martial Money at marami pang iba.
...
"Commander Wilson, pwede rin na hilingin mong maging bagong miyembro ka ng Alchemy Powerhouse Association!" Malumanay na pagkakasabi ni Mr. V.
"Huh. Ma-maging m-iyemb-bro n-ng Alch-Alchem-my Po--power-h-house Asso-ssocia-t-tion?!" Gulat na sambit ni Commander Wilson dahil naguguluhan siya sa takbo ng pangyayari.
Para sa kanya ay napakamisteryoso ng Assosasyon na ito maging na maging siyaay gustong tuklasin ang loob ng tinawag ng matandang si Mr. V na Alchemy Powerhouse Association. Gusto niyo pumayag agad ngunit nag-isip-isip pa siya sa gagawin niyang desisyon.
"Ano ba ang magiging benepisyo na makukuha ko kung magiging miyembro ako ng misteryosong Asosasyong ito?" Sambit naman ni Commander Wilson lalo pa't kung aanib siya ay benepisyo rin ang unang dapat na alamin. Sino bang aanib sa isang kilusan, grupo o Asosasyon kung wala kang makukuhang benepisyo? Diba wala.
"Mga Cultivation Resources,mga Martial Pills, Rare Items, Tools, Weapons at mga Equipments, Martial Money at marami pang iba." Sambit ni Mr. V na hindi dinedetalye ang mga bagay-bagay na kanyang sinabi.
Ngunit ng marinig ito ni Commander Wilson ay nagmistulang malaking engganyo ito para sa kanya.
"Pwede na siguro iyon, masyadong marami pala iyong benepisyo na nakukuha ng mga miyembro ng Asosasyong ito." Masayang sambit ni Commander Wilson ngunit hindi pa namam siya pumapayag na maging miyembro nito lalo pa't nagdududa pa rin siya lalo pa't napakahirap makahanap ng mga kayamanang inaalok sa lanya ng matanda lalo na ang mga Rare Items at iba pa.
Ipinapaalam ko sayo na dito ka na muna manirahan pansamantala o kaya ay umalis ka na sa oras ng digmaan kung gugustuhin mo lalo pa't marami ka pang dapat malaman sa Asosasyong ito at makahabol ka sa araw ng proklamasyon at mga Seremonyang idadaos.
"Masusunod po, Mr. V!" Sambit ni Commander Wilson na may paggalang. Hindi naman siguro siya magsisisi diba? Iyon ang katanungang umiikot sa kanyang isipan.
...
Isang araw lamang ang lumipas ngunit marami siyang nalaman na siysng ikinamangha niya. Lahat-lahat ng mga nakikita niya sa loob ng Asosasyong ito ay nagpapalaki sa kanyang mga mata. Sono ba ang hindi magugulat sa lawak ng lupaing sakop ng Asosasyong ito. Hindi pa nga nila nalibot ang lahat ng lugar ng Alchemy Powerhouse Association. Tanging kalahating porsyento lamang ng lupain ang nalibot niya.
Ang pinakapaborito niyang puntahan ay ang mga Cultivation Places katulad ng Cultivation Platforms na may mga Illusion Technique kung saan ay makikita mo ang mga Maalamat na mga Martial Beasts na siyang pinangarap niyang magkaroon ngunit agad ding napawi rin ang kanyang inggit dahil dito ng napag-isipan niyang ilisiyon lamang ang mga ito. Hindi nga siya nanalo kahit isang beses. Tunay ngang napakalakas ng mga Martial Beasts dahil mararahas at wala silang awang pumatay kung kaya't halos natakot siya sa naging labanan nila na pinangambahan niyang makakita o masagupa ang mga ganitong halimaw sa totoong pangyayari. Mabuti na lamang at ilusiyon lang ang mga ito at napakahinang pinsala lamang ang natamo niya. Ang nasabing Cultivation Platform na ito ay isang battlefield na may isa lamang na klase, ito ay ang DIFFICULT. Layunin nitong hindi biglain o takutin ang mga Cultivator kundi ay ihanda ang mga Cultivator sa anumang malalakas na Martial Beasts na kanilang masasagupa kung sakali man sa hinaharap. Mas nakakatulong ito sa mga Cultivator na walang ideya sa ugali ng mga Martial Beasts at kung paano lalabanan ang kanilang sariling takot kung sila ay nasa aktuwal na pangyayari na.
Kung lalabanan mo ang mga Martial Beasts sa Cultivation Platform na ito ay mapapasabi ka na lamang na mabuti ng mamatay ka ngunit dahil din dito ay mas lumakas ang kanilang Battle Prowess maging ang kanilang kasanayan sa pakikipaglaban. Ang malaking kaibahan lamang ng mga Cultivator sa Martial Beasts ay ang kanilang lakas at laki ngunit nasa disadvantage pa rin ang mga Cultivator lalo pa't sa oras na tamaan sila ng atake ay mamamatay sila agad-agad lalo pa't hindi basta-basta ang lakas na taglay ng Martial Beasts. Mas nakakatakot pa ito kung may sariling pag-iisip ang mga Martial Beasts. Wala ng anumang lamang ang kahit na sinong Cultivator ngunit depende iyon sa sinumang gustong lampasan ang kanilang limitasyon.
Ang atakeng natatamo ng mga Cultivator galing sa mga Beasts na ito ay totoo ngunit dahil nga isang ilusiyon ito ay isang porsyento lamang ang aktuwal na atake nito ang natatamo ng isang Cultivator. Kumpara sa isang porsyento sy masyadong napakababa na ng isang porsyento ngunit magdudulot pa rin kto ng malubhang pinsala mula sa mga Martial Beasts.
Marami pang ibang natutunan si Commander Wilson sa napakalaking Asosasyong ito na hindi niya naranasan noon pa man ngunit parang isa itong daan upang buksan ang kamalayan ng iba pang Cultivator na ang Asosasyong ito ay hindi basta-basta at ang pagsapi rito ay hindi lugi ngunit isang sandalan upang umangat ang antas ng pamumuhay ng bawat indibiduwal. Marami pa siyang binabalik-balikan na kani-kanina laamng niya nalaman st naranasan, masasabi niya ngayong hindi siya nagsisisi sa desisyong sumapi sa Asosasyong ito na layuning tulungan sila, hindi upang ihatid sila sa kapahamakan at sa kalunos-lunos na kalagayan.
Ang binigkas pa lamang ni Mr. V sa kanya na mga benepisyo ay paunang bayad lamang sa mga bagong miyembro. Hinihintay niya o nila ang darating na mga Seremonya at iba pang mga dadausing mga selebrasyon at aktibidad ng Alchemy Powerhouse Association na itinuturing niyang bagong pamilya lalong lalo na ang bagong tahanang alam niyang hindi siya pababayaan sa oras ng kagipitan.
Ang mas nakakagulat niyang nalaman sa pagpasok sa Assosasyon na ito ay ang mga Cultivator na siyang mas malalakas pa kumpara sa mga binatang nakalaban niya. Napalunok siya sa kaba ng minsang nakasalubong siya ang mga ito. Hindi man lumalabas ang mga aura ng tunay na lakas ng Cultivator na mga ito ay masasabing sobrang lakas ng mga ito. Kahit siya ay nag-aalangan ng sumali sa mga patimpalak ukol sa palakasan sa mga susunod na mga buwan.
May natanggap din si Commander Wilson na supot na katulad din sa ibinigay ni Mr. V kay Framiyo. Paunang bayad palang daw iyon sa kanya sa pagiging bagong miyembro ng Alchemy Powerhouse Association.
...
Nang mabuksan ni Commander Wilson ang supot ay katulad din ang reaksiyon niya sa ibang mga miyembro ng Alchemy Powerhouse Association noong bago pa lamang sila dito at parehas ni Framiyo at ng mga Assassins.
Lingid sa kaalaman ni Framiyo, mas maraming benepisyo pang makukuha si Commander Wilson sa hinaharap kaysa sa kanya.