Chereads / Ancestal God's Artifacts / Chapter 79 - Chapter 24

Chapter 79 - Chapter 24

Ang naging kaguluhan sa labas noong nakaraang dalawang araw ay hindi naapektuhan ang ginagawang kilos ng mga miyembro ng Alchemy Powerhouse Association. Sa katunayan ay wala ito sa kanila. Mas naging abala sila sa preparasyong gagawin para sa malaking digmaan o mas mabuting sabihing pag-aangkin ng mga Ibang Kontinente sa maliit na kontinenteng ito ngunit hindi sila nagpadaig. Alam nilang kayang-kaya nilang labanan ang mga ipapadalang mga mandirigmang lalakbay at sasalakay sa Hyno Continent. Ibinigay ni Mr. V ang lahat ng kanilang mga pangangailangan. Sa sobrang dami nila na mayroong masamang nakaaraan at kalunos-lunos na kalagayan noon ngunit ibinangon silang lahat sa putikan at gawin kung ano sila ngayon kung kaya't ang gagawin nilang ito ay hindi pambayad utang kundi pagtanaw ng utang na loob.

Dito sila nipinanganak sa Kontinenteng ito kung kaya't hindi nila hahayaan ito ng mga dayuhang mananakop na siyang nasa ibang mga kontinente.

Ngayong araw ay malalaman din kung nagtagumpay sila o hindi. Kanina pa naghihintay sa malaking Field ang mga miyembro ng Alchemy Powerhouse Association ngunit kapansin-pansin ang isang matandang lalaking nakupo sa unahan. Maraming nakaupo at marami din ang mas piniling tumayo na lamang lalo pa't ang iba ay hindi mapakali sa kanilang upuan lalo pa't malalapit ang loob nila sa mga ipinadalang mga miyembro ng Alchemy Powerhouse Association. Halo-halong emosyon ang kanialng nararamdaman ngunit mas nanaig ang takot at pangamba sa kanilang puso't-isipan.

Bigla na lamang lumitaw ang mga miyembro ng Alchemy Powerhouse Association at ang naengganyo nilang mga Cultivator, ngunit ang mas nakakamangha ay halos isang buong pamilya ang mga naisama nila. Habang tumatagal ang oras ay unti-unting lumitaw rin ang mga miyembrong ipinadala sa delikadong misyon na ito at kasama ang hindi mabilang na mga Cultivator ang kanilang kasa-kasama sa pagteleport dito gamit ang Wrap Stones.

Sa huli ay halos mapuno ang malawak na field ng mga iba't ibang Cultivator na hindi pa kilala nila at lahat ng mga miyembro ng mga Alchemy Powerhouse Association na ipinadala sa delikadong misyon na ito.

"Maligayang pagdating sa inyong lahat at maluwag namin kayong tinatanggap sa Asosasyong sakop namin dito, Sana ay masiyahan kayo sa inying bagong tirahan na siyang sana ay ituring niyong bagong lugar at tahanan niyo upang magsimula ng bagong buhay! Sambit ni Mr. V sa lahat ng mga bagong miyembro ng Alchemy Powerhouse Association.

Maraming naguguluhan sa lahat ng pangyayaring ito na para sa kanila ay sobrang bilis ng mga pangyayaring ito. Ngunit kahit ganon ay nanatiling nakasarado ang kanilang bibig.

Hindi nila magawang magsalita dahil base sa kanilang obserbasyon ay walang sinuman ang

Kumukontra sa mga sinabi ng matanda patunay lamang na may mataas itong posisyon kaysa sa ibang mga naririto.

"Uhm, nakalimutan ko palang magpakilala, ako pala si Mr. V at ako ang founder ng malaking Asosasyon na ito. Sa mga miyembro ng Alchemy Powerhouse Association, maraming salamat sa inyong buong partisipasyon maging sa pagdala ng mga taong ito. Dahil sa inyong matagumpay na pagsasagawa ng misyong ito ay sabihan niyo na lamang ang mga Lider ng bawat departamento sa maaaring gusto niyong pabuya sa ginawa niyong ito." Nakangiting sambit ni Mr. V sa lahat ng bagong dating lalong -lalo na sa mga miyembro na noon pa ng Asosasyong ito.

Sa likod ng matandang si Mr. V ay ang mga lider ng ibat-ibang departamento at makikitang nakangiti ang mga ito lalo pa't naging matagumpay ang kanilang mga misyon na ibinigay ni Ginoong V. Ngumiti lamang pabalik ang mga miyembrong inatasan ng mga misyon. Ang kaba at takot na nararamdaman nila kani-kanina lamang sa ibang Kontinente ay unti-unti ng napapawi dahil alam nilang ligtas na sila kung nais man silang tugisin ng Cultivator ng ibang Kontinente.

"Maraming salamat po Ginoong V, ginagawa lang po namin ang aming tungkulin." Sambit ni Xeriol na kakikitaan ng respeto ang boses nito maging ang kanang kamay nito ay nakakuyom sa harapang dibdib upang ipabatid ng matinding paggalang sa matanda.

Sumunod din ang iba sa hand gestures na ginawa ni Xeriol tandang wala silang dahilan upang kuwestiyunin pa ang mga plano ng matandang si Ginoong V.

"Kung gayon ay asikasuhin niyo ang ating bagong miyembro ng ating Asosasyon na ngayon ay opisyal kung ipinapahayag na magkakaroon ng bagong Departamento, ang Commoner Department!"Sambit ni Mr. V na siyang hindi na ikinagulat ng lahat. Talagang napakaraming miyembro na ng Alchemy Powerhouse Association at mas lalo pa itong dumami ng dumating ang mga Cultivator na pami-pamilya ang bilang. Idinagdag ang ganitong Departamento (Commoner Department) upang maiwasan ang diskriminasyon sa bawat indibiduwal na mayroong mga Departamento na siyang trabaho ng mga ito. Ang mga may talento upang maging isang makapangyarihang Cultivator sa hinaharap na mula sa Commoner Department ay malayang makapili ng Departamento maging sa iba pang mga anak ng mga Cultivator noon.

Sa makalipas na buwan ng umalis si Mr. V na si Van Grego ay maraming mga Departamento pa ang idinagdag kagaya ng Training Department, Platform Department, Peace Department, Organizer Department at iba pa.

Ang Commoner Department na ito ay layuning bigyang karapatan ang mga Cultivator na may Ordinaryong Cultivation lamang o mga ordinaryong pamilya. Ngunit sino ba ang makapagsasabi dahil konti lamang ang nakakaalam na mayroon pa ring mga ipinanganak sa mga ordinaryong pamilya ng Cultivator na tinadhanang tahakin ang hangganan ng Cultivation. Mayroong biniyayaan ng pambihirang talento upang maging makapangyarihang indibiduwal sa hinaharap. Sino ba naman si Van Grego upang pigilan ang pagkakaroon ng magandang kinabukasan ng mga Cultivator na may pambihirang talento? Kahit siya ay hindi niya pipigilan kahit na sinuman lalo pa't makokonsensya siya kung gagawin niya man ito.

...

Naging tahimik sana ang araw na ito ngunit nabulabog ang lahat lalong-lalo na ang Hyno Continent nang may mga malalakas na pagsabog ang kanilang naririnig na hindi sa lupaan kundi sa katubigan o mas mabuting sabihin sa karagatang malapit sa kontinente ng Hyno. Lahat ay nagimbal lalo pa't sobrang malalakas ng mga pagsabog na halos yanigin na nito ang kalupaang sakop ng Hyno Continent. Kahit si Van Grego na nasa anyo ni Mr. V ay naalarma ngunit naging mahinahon rin dahil nalaman niyang hindi sa kalupaan ang nangyari ang mga malalakas na pagsabog ngunit nag-iba rin ang kanyang reaksiyon sa kanyang nakita gamit ang Immortal Eye ay naging posible ang nakita niya. Isang maalamat na Martial Beasts ang lumitaw sa karagatang sakop ng Kontinenteng ito.

...

"Ano ba ang nangyayaring ito? Sambit ni Headmaster Neria kay Jack Mirusa na siyang pinuno ng Intelligence Department.

Maging ang iba ay bakas ang kanilang katanungan ukol dito. Dalawang araw pa bago nasabing digmaan ngunit gumagawa na ng mga aksiyon ang ibang mga Kontinente na gustong sakupin ang lugar.

Ngayong umaga lamang ay nagpatawag ng emergency na pagpupulong sa mga lider ng Departamento. Sino ba ang hindi mababahala sa malalakas na pagsabog sa hindi kalayuang mula sa baybayin ng Hyno Continent? Maging ang mga hayop sa mga kagubatang malapit dito ay nabulabog maging ang mga tindahan ay maagang nagsarado at yung iba ay ipinagpaliban na ang pagbubukas ng negosyo.

"Uhm, huminahon kayong lahat, ipinulong ko kayo maging ang mga Opisyales ng Hyno Academy upang pag-usapan ang suliranin ngayom-ngayon lamang. Ito ay ang pagkakaroon ng mga pagsabog malapit sa kontinente na ito." Sambit ni Jack Mirusa lalo pa't kahit ang mga lider ng bawat departamento ay naguguluhan lalo pa't wala silang ideya.

"Spill it!"sambit ni Lily Hunch lalo pa't kilala siya bilang prangkang Cultivator na siyang lider din ng Strategy and Plan Department.

Kahit ang ibang mga Departamento ay tumahimik rin lalo pa't hindi nila nais na mabalingan pa ng anumang inis mula sa babaeng lider na ito.

"Kumalma ka babae, masyado ka pang highblood kaysa sakin. Alam ko na namang sa akin na naman kayo hihingi ng pabor, hindi ba?" Sambit ni Headmaster Neria na ang tingin kanina ay kay Lily Hunch at dumako ito papunta kay Jack Mirusa.

"Uhm, ah eh, Oo eh dahil kailangan talaga namin ng tulong mo Headmaster hehe!" Naiilang na tingin ang ibinibigay ni Jack Mirusa kay Headmaster Neria habang kumakamot ito ng ulo.

"Hmmp! Kung hindi lang dahil sa pananatili ni Ginoong V at pakiusap nito kani-kanina lamang ay hindi ko kayo tutulungan!" Sambit ni Headmaster Neria lalo pa't napakaistrikto nito lalo pa't kargo konsensya at responsibilidad niya ang lahat ng may kinalaman sa kanyang Akademyang pinapamahalaan. Dahil na rin sa pakiusap ni Ginoong V sa kaniya ay kinakailangan niyang makipagtulungan sa Alchemy Powerhouse Association.

Kung inaakala ng iba na ang Hyno Continent ay nasa pangangalaga ng Alchemy Powerhouse Association ay nagkakamali ang mga ito sa kanilang mga iniisip. Ang Hyno Academy ay ginawa para sa edukasyon at ang Alchemy Powerhouse Association ay para sa propesyon ng bawat Cultivator na gustong magtrabaho. Halos lahat ng mga estudyante ng Hyno Academy ay may propesyon na napili sa maraming Departamento ng Alchemy Powerhouse Association. Nagbibigay din ng suporta ang Asosasyon sa Akademya lalong-lalo na sa Martial Pills at mga Herbs na siyang Consumable items kung kaya't malaking tulong rin ito. Medyo may gap na namamagitan sa Akademya at sa Asosasyon para maiwasan ang pagkadependent at pagkakaroon ng espesyal ng trato sa mga estudyanteng nagtatrabaho at sa mga hindi. Iyon ay mahigpit na ipinapatupad lalo pa't isang malaking gulo kung patuloy lamang umaasa ang Akademyang ito sa malaking Asosasyon.

Ano ba ang nais mong gawing pabor ng Akademya sa Assosasyon na ito?"dagdag na sambit ni Headmaster Neria sa prangkang tono.

Kahit sila ay nabigla lalo pa't umiba ang ihip ng hangin, ngunit na-reyalisa nila na dahil din ito kay Ginoong V.

"Ang kaganapan na ito ay pabor din sa mga Akademya ng Hyno." Sambit ni Jack Mirusa

"Bakit naman?"sambit ni Zenori Cartagena.

"Ano na naman yan Jack? Sambit ni Leo Loriano

"Dami mo pang satsat Jack. sabihin mo na, isa kang malaking pabitin!"sambit ni Lily Hunch na may halong pambabara kay Jack Mirusa.

"Okay, okay, sasabihin ko na. Makinig kayong lahat, lumitaw malapit sa babayin ng Hyno Continent ang isang maalamat na Martial Beasts." May kaseryosohan na sambit ni Jack Mirusa.

"Maalamat na Martial Beast? Ano bang Martial Beasts yan?" Sambit ni Lily Hunch na kutang-kuta na sa pabitin ni Jack Mirusa.

Isa nalang Jack ha, sabihin mo na ang lahat ng impormasyong nalalaman niyong mga Intelligence Department tungkol sa bagay na ito, bilis!"dagdag na sabi ni Lily Hunch. Hindi na siya natutuwa sa pabitin ni Jack Mirusa.

"Isa lang naman Centurian Water Fox ang lumitaw, not a big deal." Simpleng sagot ni Jack Mirusa.

Nang marinig ito ng iba ay halos lumuwa ang mata nila. Alam nila ang halaga ng paglitaw ng Centurian Water Fox ito. Ang isang Martial Beasts na kutulad nito ay nagpapatunay lamang na malakas at napakabihira rin na lumitaw ang mga Martial Beasts na ganito. Pinaniniwalaang mayroon silang natural instinct at nagkakaroon ng kamalayan. Pinaniniwalaang isang Martial Beasts na nagbibigay suwerte sa isang Cultivator. Siguradong kapag napatay na ito ay mayroon itong Martial Spirit na nagbibigay ng Legendary Skills.

"Centurian Water Fox? Bakit di mo sinabi agad? Tara na at ng makuha na natin!" Masayang sambit ni Lily Hunch

"Hindi mo agad sinabi Jack, baka maunahan pa tayo eh, ano nga ba ang pabor na hihingin mo?" Sambit ni Headmaster Neria na hindi magkandaugaga sa galak.

"Kailangan ko ng malalakas na Water Attributes na Martial Soul na mga estudyante niyo upang ang isa sa kanila ay magkaroon ng napakalakas na Martial Spirit ng Centurian Water Fox."direktang pagkakasabi ni Jack Mirusa lalo pa't wala na silang oras dahil siguradong maraming mga Cultivator ng ibang kontinente ang dadagsa.

"Sige, ipapadala ko agad ang mga estudyanteng mayroong Water Attribute!" Masayang sambit ni Headmaster Neria dahil alam niyang maging ng ibang lider ng Alchemy Powerhouse Association na isa sa mga Water Guardian ang Centurian Water Fox kaya ganon na lamang ang kaniyang galak.

Ngunit nabulabog sila sa pagpupulong ng may maraming kumakatok sa pinto ng Meeting Room na kasalukuyan nilang pinagpuulungan.

"Pasok!" Sambit ni Jack Mirusa ng may hindi maganda ang timpla dahil alam nilang naiipit sila sa sitwasyon ngayon at may magandang topikong pinag-uusapan. Ngunit nagbago din iyon dahil ang kaniyang ka-miyembro ang naririto.

Napakabihira bumaba mula sa pinakataas na palapag ng gusali ang mga miyembro ng Intelligence Department dahil sila ang pinakainiingat-ingatan ng Asosasyon dahil sila ang utak ng Alchemy Powerhouse Association kung Kaya't mahigpit na inihahabilin sa kanila na huwag mamasyal o gumala kung hindi naman importante. May dalawang grupo ang intelligence Department upang hatiin ang trabaho, ito ay ang Office Works at isang Field Works. Ang Office Works ay sa opisina lamang silang nagtatrabaho upang itago ang mga mahahalagang impormasyon at ang Field Works ay sila mismo ang humahanap ng impormasyon at balita sa iba't ibang parte ng Hyno Continent. Hindi maitatangging sobrang hirap ng trabahong ito ngunit matapos ang ilang mga buwan ay marami na silang naging miyembro upang hatiin ang trabaho sa pangangalap. Hindi mo din pwedeng balewalain ang kakayahan ng Departamento na ito. Mga eksperto sila sa pangangalap at pagtatago ng impormasyon maging sa larangan ng pakikipaglaban. Sila ang pinakatalentadong Departamento dahil mayroon silang lakas, mapa-mental man o piskalan. Tanging si Headmaster Neria at Lily Hunch lamang ang may lakas ng loob upang sigawan o kontrahin si Jack Mirusa. Likas na matalino si Headmaster Neria at iniingatan niya ang kanyang estudyante lalo pa't tungkulin niya bilang punong-guro na siguraduhin ang kaligtasan ng mga estudyanteng kanyang sakop. Sa lagay ni Lily Hunch, alam na nila ang uglai nitong kokontrahin ka kapag may nakitang mali o kaya ay kulang o bitin ang impormasyong sinasabi sa kanya. Sobrang tapang ng babaeng lider ng Strategy and Plan Department kung kaya't takot din ang ibang mga miyembro ng Alchemy Powerhouse Association sa kanya ngunit mabait at maganda naman ito kung kaya't hindi din kataka-taka na marami din ang nagkakagusto sa kanya, mabata man o matanda man.

...

Agad namang pumasok ang isang miyembro ng Intelligence Department na nakaroba ngunit kaibahan ito sa suot ng mga miyembro ng mga nasa Office Works. Ang kulay ng roba nito nito ay itim na may disenyo ng dilaw na araw na may mga napakakomplikadong simbolo ngunit makikita sa kanang parte ng dibdib ang logo ng Intelligence Department.

"Pasensya na po sa aking malaking pag-abala ngunit--- "sambit ng isang miyembro ng Intelligence Department.

"Sabihin mo na, ang daming satsat!" Sambit ni Lily Hunch lalo pa't ayaw niya ng maraming pabitin.

"Sige sabihin mo na, total atat na atat naman ang lahat ng nandirito!" Sambit ni Jack Mirusa lalo pa't sobrang atat ng lahat. Sinasabi niya ito habang tinitingnan ang lahat maging siya ay ganoon rin."

"Dumating ang balita ngayon-ngayon po lamang na maraming malalakas na mga Martial Beasts ang lumalabas sa iba't ibang lugar sa kontinenteng ito. Mukhang napaaga po ang Hunting Season!" Kinakabahang sambit ng babaeng miyembro ng Intelligence Department. Sino ba naman ang hindi kakabahan lalo pa't lahat ng mga lider o pamunuan ng bawat departamento ng Alchemy Powerhouse Association maging ang Headmaster ng Hyno Academy ay naririto? Kung kaya't di masisisi ang naging pakiramdam ng babaeng halos manginig habang umuulat ng pangyayaring ito.

"Sa susunod na mga buwan pa iyon, at paano mo naman nasasabi iyon?" Sambit ni Lily Hunch sa babaeng hanggang ngayon ay nanginginig sa kaba at intimidasyon.

Kahit sinuman sa kanila ay mabibigla matapos iulat o ipaalam ng babaeng miyembro ng Intelligence Department ang maagang Hunting Season.

Agad na nabulabog ulit ang pagpupulong nila ng pumasok ang matanda na kahit sinuman ay natigilan sa kanilang mga suliraning kinakaharap. Ito ay walang iba kundi si Mr. V.

"Sorry sa abala ngunit maraming mga malalakas na mga Martial Beasts ang lumilitaw sa iba't ibang parte ng kontinente ng Hyno at kung ayaw niyong mawalan ng tiyansang mapasakamay ng alinman sa estudyante o mga kaangkan niyo ang mga Martial Spirits ng malalakas na Martial Beasts!" Sambit ni Vam Grego na nasa anyo ni Mr. V lalo pa't alam niyang sayang ang mga malalakas na mga Martial Beasts at mga benepisyong makukuha ng sinumang estudyanteng magkakaroon nito.

"Hunting Season na po ba Ginoong V?" Malumanay sa pagkakasabi ni Headmaster Neria bakas ang kuryusidad sa boses nito.

Tiningnan ni Mr. V si Headmaster Neria maging ang mga lider ng ibat-ibang departamento. Bakas din sa mga ito sa kuryusidad at naguguluhan sa hindi maipaliwanag na pangyayari.

Umalis na din ang miyembro ng Intelligence Department dahil hindi na din nito mapigilan ang kanyang intimidasyon at invisible na pressure na siyang nagpapahirap sa kanyang sitwasyon. Medyo humanga pa siya sa tibay at tagal niyang nakatayo sa napakaraming mga miyembro ng Alchemy Powerhouse Association maging sa Headmaster. Sa pagdating ni Mr. V na siyang Founder ay hindi na niya nakaya pang tumayo at umalis na soya dahil naging malambot na ang kanyang tuhod dahil hindi basta-bastang mga tao ang mga ito. Napangiti pa siya dahil nakaya niyang humarap sa mga nagtataasang mga taong iniidolo niya. Masaya siyang umalis sa Meeting Room at ginawa na ang dapat niyang gawin sa kanyang lokasyon na dapat na kinaroroonan niya.

"Ipapaumanhin niyo ngunit hindi Hunting Season ngayon, nagaganap na ang migration lalo pa't humihina na ang seal kung kaya't nagkaroon na ng tsansang mag-migrate o umalis ang mga malalakas at naglalakasang mga Martial Beasts. Humanda kayo dahil mula sa oras na ito ay mas lalo pang nalalapit na digmaan at hindi ito napakadaling bagay ngunit sana ay magmadali kayo upang samantalahin ang pagkakataong ito upang magkaroon ng mga malalakas na mga Martial Beasts ang mga talentadong mga Cultivator na wala pang Martial Spirits." Mahabang sambit ni Mr. V upang ipaliwanag ang kakaibang pangyayaring nagaganap sa Hyno Continent.

"Ano pa ang hinihintay natin, tara na!" Galak na pagkakasabi ni Lily Hunch na napatayo na.

"Oo nga, hindi natin sasayangin ang pagkakataong ito!" Sambit ni Luis Guiano na halatang gusto ng sumabak sa pagkuha ng Martial Spirit.

"Magmadali na tayo lalo pa't baka mahuli rayo sa paligsahang ito!" Sambit ni Zenori Cartagena

"Atin ang Martial Beasts na lumabas kung kaya't kailangan na nating puntahan ang mga iyon!" Sambit ni Hin Nogall na lider ng Weapon Department.

Marami pang iba pang mga lider ang nagpahayag ng kanilang saloobin at pawang mga positibo ang mga ito.

Nakatayo na ang lahat at aalis na sana ngunit napatigil sila sa isang boses.

"Tingin niyo ba darating ako dito ng dahil lang sa balitang iyon?" Sambit ni Mr. V

"Ano ang ibig mong sabihin ginoong V?"Naguguluhang sambit ni Hin Nogall.

Mayroon po ba kaming nakaligtaan na talakayin? Sambit ni Jack Mirusa.

Maging ang iba ay napaupo ulit dahil bakas din ang naguguluhan sila sa nais ipabatid ni Mr.V.

"Marahil ay nagtataka kayo sa aking gustong ipabatid ngunit dahil hinihingi na ng sitwasyong ito na nais kong magpakatotoo sa inyo, marahil ito na ang huli nating pagkikita pagkatapos ng digmaang ito." Sambit ni Mr. V na may mababa at malungkot na ekspresyon.

"Alam po namin na kung aalis po kayo upang pumunta sa ibang lugar ay sisiguraduhin po namin na pananatilihin namin ang kaayusan ng Alchemy Powerhouse Association." Sambit ni Jack Mirusa na may masayang ekspresyon.

"Kami po ang bahala po ginoong V sa mga bagay-bagay paukol sa mga dapat gampanan ng bawat miyembro ng aming Departamento." Masayang sambit din ni Zenori Cartagena upang ipabatid na hindi niya o nila pababayaan ang Asosasyong ito.

"Huwag kayong mag-alala Mr. V dahil akong bahala sa mga pasaway at tatamad-tamad sa trabaho maging sa mga tamad mag-cultivate." Matapang na pagkakasabi ni Lily Hunch na siyang ikinalunok ng laway ng iba. Kilala ang babae na ito sa pagiging prangka at suplada ngunit ang pinakahini-hindian nila dito ay ang pagiging amazona nito.

Maraming mga sunod-sunod na mga komento at pahayag na sinasabi ng mga lider kay Mr. V ngunit iba ang tumatakbo sa isip ni Headmaster Neria. Batid niyang may mali sa mga salita ni Mr. V kung kaya't nagsalita na rin siya.

"Ano ba ang sinasabi niyo ginoong V? Parang pinapabatid niyo na mamamatay kayo?"Sambit ni Headmaster Neria na hindi din mapigilang maluha. Alam niyang sa boses palang ng matandang nasa harapan nila ay hindi ito nagbibiro at may ipinupunto ito. Base sa obserbasyon nito ay alam na may ipinupunto ito at ngayon lang ito naging gnaito kaseryoso sa kanila.

"Masyado bang halata ang aking kilos at sinasabi Headmaster Neria?" Sambit ni Mr. V na tumatawa ngunit kitang-kita naman ng lahat ang napakalungkot nitong mga mata.

Mistulang naging napakalaking bombang sumabog ito sa bawat tainga ng mga matatalas na pamunuan na naririto. Hindi din itinanggi ni Mr. V ang naging Reyalisasyon ni Headmaster Neria kung kaya't hindi din nila mapigilan ang malungkot. Mistula silang napipi. Ang isiping mamamatay ang kanilang itinuturing na Founder na siyang nagbigay sa kanila ng pangalawang pagkakataon upang mamuhay ng payapa at magandang kinabukasan ay halos balutin sila ng takot at matinding hinagpis. Takot na mawala ang Founder na siyang naging sandigan nila at matinding hinagpis dahil papanaw na ito, na wala silang kaalam-alam sa pangyayaring ito.

"Sige lulubusin ko na ang oras na ito, hindi ito ang tunay kong anyo dahil ayokong mahusgahan niyo lamang ako ng sinuman mula sa umpisa. Tingnan niyong maigi ang aking tunay na anyo." Sambit ni Mr. V na ngayon ay unti-unting nagbago ang anyo nito sa pagiging binatang na inakala nilang apo ng matanda at nagulat sila ng nagbago ang anyo nito mula sa pagiging binatang laki hanggang sa batang lalaki.

Nakikita nila ngayon ang tunay na anyo ni Mr. V o mas mabuting sabihin ang tunay na anyo ng batang lalaking tumulong sa kanila.

Magkahalong emosyon ang nadarama ng bawat isang lider lalong-lalo na si Headmaster Neria.

"Ikaw ba ito Mr. V? Yung totoo?"

"Niloloko ba ko ng aking sariling mga mata? Pakisampal mo nga ko?

"Nananaginip ba ako?"

"I--is-isang bbbb-ba-bata?"

Ito lamang ang naging reaksyon ng mgal lider ng Assosasyon.

" O hindi, ang bata mo pa ngunit bakit nangyari ito sa'yo!" Sambit ni Headmaster Neria.

"Ano iyon Headmaster Neria?!"sambit ni Lily Hunch lalo pa't hindi niya alam ang kakaibang obserbasyon ni Headmaster Neria lalo pa't kita naman ng kanyang dalawang mga mata maging ng iba ang batang si Mr. V.

"Bilis, gamitin niyo ang Spiritual Sense niyo kay Mr. V!" Sambit ni Headmaster Neria sa lahat ng mga Lider ng Asosasyong ito. Naiinis din siya sa ibang mga lider lalo pa't batid niyang bumaba ang respeto ng mga ito sa matandang este sa batang si Mr. V.

Agad na ginamit nila ang kanilang Spiritual Sense upang tingnan at obserbahan ang batang si Mr. V. Nagulantang sila sa kanilang nakikita dahil mas kalunos-lunos pa ang sinasapit ng batang ito sa kanila.

"Bakit hindi mo agad sinabi ito sa amin Ginoong V?Bakit!" Emosyunal na pagkakasabi ni Lily Hunch matapos niyang makita ang kalagayan ng batang si Mr. V. Gusto niyang gumaling ang batang ito.

Nakita nilang lahat ang patuloy na panghihina ng batang si Mr.V. Ang bawat ugat sa katawan ng bata ay unti-unting nangamatay sa hindi malamang dahilan.

"Ano ba ang dahilan nito Mr. V? Bakit kung kailan sobrang lubha na ng kalagayan mo ay saka mo pa sinasabi ito sa amin!" Mataas na boses na pagkakasabi ni Jack Mirusa dahil ayaw niyang mamatay ang kanilang nag-iisang founder.

"Pinahanga mo ako Ginoong V sa inyong sariling kakayahan ngunit pwede po bang pilitin niyong lumaban para sa amin?"

Marami pang maririnig na mga malulungkot na pahayag ang natanggap ni Van Grego. Alam na ni Van Grego ang panghihina ng kanyang katawan noon pa ngunit patuloy pa rin siyang lumalaban para sa kaligtasan ng Kontinenteng ito. Lalaban pa siya upang pigilan ang mga dayuhang mananakop dahil dito siya minulat at nagkaroon ng kamalayan. Ayaw niyang maging alipin ang sinuman sa kanila. Hanggang sa huling hininga ay lalaban siya hindi dahil sa kanyang pansariling pangarap ngunit dahil gusto niyang huwag maranasan ng mga susunod ng henerasyon at mga musmos palang na mga bata ang kalupitan ng Cultivation World kundi ay isulong ang kalayaan, katarungan at kapayapaan maski sa maliit na kontinenteng ito.

"Ako si Van. Kahit sabihin ko pa sa inyo ang tunay na nangyari sa akin at mga pinsala na aking natamo ay wala pa ring mangyayari dahil wala na itong solusyon pa, kasabay ng pagtatapos ng digmaan ang aking kamatayan!" Mataas na boses na pagkakasabi ni Van Grego ngunit batid pa rin ang napakalungkot nito na boses ngunit nakangiti pa rin ito habang lumuluha. Pinapabatid niya lamang na hindi siya mahina, kaawa-awa o duwag sa kanyang kamatayan. Hindi niya na mapipigilan pa ang kanyang katapusan o kamatayan dahil unti-unti na siyang pinapatay ng Selyo ng Hyno Continent.

Tanggap man siya o hindi ng sinumang lider ay wala na rin siyang pakialam dahil hindi na rin siya umaasang makakaligtas pa siya sa kapangyarihang ganti ng Seal.

"Ang huli kong hinihiling sa inyong lahat ay huwag niyong palabasin ang ganitong usapin sa ibang mga miyembro. Sa oras din ng pagtatapos ng digmaan ay siyang ring pagbaba ko sa aking pwesto."Seryosong pagkakasabi ni Van Grego ngunit may saya rin dahil naramdaman niyang maging totoo sa kanyang sarili ngunit may lungkot pa rin siyang nararamdaman.

Agad na pinahid ni Van Grego ang luhang tumakas sa kanyang traydor na mga mata. Hindi niya gustong kinakaawaan siya.

"Ano pa ang hinihintay natin? Naghihintay na sa labas ang napakaraming estudyante sa gagawin nating pakikipaglaban sa mga Martial Beasts!" Pag-iiba ng usapin ni Van Grego upang ipaalam ang kanilang pag-Hunting ng mga malalakas na Martial Beasts.

Agad ring nag-iba ang atmospera at unti-unting lumakad palabas ng Meeting Room ang mga lider ng ibat-ibang departamento. May lungkot man silang nadarama ngunit ang huling utos ng batang ang siyang kanilang tutuparin. Napahanga sila sa kakayahan ng batang hindi nila lubos aakalain na siyang nagpabago sa takbo ng kanilang kalunos-lunos na buhay noon. Ang batang siyang nagpatunay na hindi basehan ang edad upang makapagtamo ka ng respeto at karangalan at higit sa lahat ay ang batang ito ang siyang nagpakita sa kanila na kaya nitong isakripisyo ang sariling buhay nito para sa kaligtasan ng nakararami.