"Umalis na tayo sa lugar na ito, masyadong ng malalim ang gabi, alam niyo namang may curfew kayo."sambit ni Mr. V na intensyong ipaalala sa masayang mga binatang ito na oras na upang sila ay pumasok sa silid nila upang magcultivate.
Sa oras na tumapak ka sa Bronze Rank ay hindi mo na kailangan pang kumain o uminomΒ ng mga ordinaryong mga ordinaryong pagkain na karaniwang kinakain ng mga normal na tao. Maging ang pagtulog ay hindi na rin kailangan. Ang kailangan lamang ng isang taong lumakad sa daan ng Martial Arts ay magcultivate sa pamamagitan ng Pagmeditate o uminom ng mga Martial Pills at iba pang mga kakaibang bagay na makakatulong upang makalevel-up o mag-breakthrough sa susunod na Rank.
Ang tinutukoy ni Mr. V na curfew ay ito ang oras upang pumunta sa kani-kanilang mga silid upang magcultivate. Isa itong pagkakataon upang bigyang oras ang bawat miyembro ng Asosasyong ito upang patuloy na umangat ang rank ng mga Cultivator kahit na mayroon silang mga kanya-kanyang obligasyon o tungkulin na ginagampanan.
"Oo nga po eh, Tara umalis na tayo dito!" masayang sabi ni Roco kay Marciano. Malait na silang pagsarhan ng bantay ng kanilang palapag kung saan ay napakaistrikto pa nito na kung umusisa sa mga nahuli ay mala-imbestigador at mala-machine gun kung pumutak at mangaral kung kaya't nasusuka na sila sa mga sinasabi ng bantay nila.
Hindi nila hinintay pa ang magiging tugon ng matanda sapagkat limang minuto na lamang ay magsasara na ang napakaistriktog bantay nila. Agad silang nawala na parang bula na kanina lamang ay katabi lamang ito ni Mr. V.
"Malalaki na pero sng kukulit talaga hahaha..." mahinang sambit ni Mr. V na sa huli ay napatawa na lamang siya dahil hindi mapagkakailang maloko st makukulit talaga ang mga ito kahit na mga binata na ang mga ito.
Aalis na rin sana si Mr. V lalo na't wala na siyang dahilan upang manatili rito ngunit agad niyang naalala ang dalawang Martial God Realm Experts na nasa di kalayuan sa kaniyang puwesto. Alam niyang kanina pa ito nag-oobserba ng mga pangyayari.
Kaagad na hinarap ni Mr. V sina Framiyo at Commander Wilson na hindi alam kung ano ang emosyon ng dalawang Martial God Realm Experts na ito.
Nagulat naman sina Framiyo at Commander Wilson ng humarap ang matandang nakatalikod sa kanila kanina pa. Base sa obserba nila ay mulhang malapit ang loob ng matandang si Mr. V sa dalawang binatang may pambihirang talento at makokonsiderang henyo ng bagong henerasyon.
Base sa obserba ni Commander Wilson ay nasa Martial Ancestor Realm pa lamang ang matandang ito. Natukoy niya ito dahil sa kanyang Holy Light Power Analyzer kani-kanina lamang ngunit ang kapangyarihan na isinagawa sa kamay ng matanda ay hindi niya alam. Ngunit ipinagsawalang bahala niya muna ito. Ayaw niyang galitin ito at walang siyang planong kalabanin ang misteryosong Asosasyon na ito. Nakita niya rin ang mga bantay kanina at inenspeksiyon ang kanilang ranggo at masasabi niyang mas halimaw pa ang mga ito kaysa sa mga binata. Ang nakatinding na maayos saΒ ginta ng dalawang gwardiya na nakatayo harapan ng tarangkahan ay nasa 8th Stage ng Bloodline Awakening. Maging ang dalawa ay hindi rin basta-basta piwedeng banggain o kalabanin man lang. Nagpapatunay lamang na may ibubuga ang misteryosong Asosasyon na ito. Sinabi niya rin ang mga nalaman niya kay Framiyo at nagulat rin ito bakas ang pangamba.
Ngayon ay parang mga maaamong mga tupa sila. Hindi naman nangamba si Commander Wilson lalo pa't hindi siya nanggulo, tanging ang ginawa niya ay tumulong sa mga nasa bingit ng kamatayan dahil sa grupo ng mga Assassins na ang lider ng mga ito ay si Framiyo.
...
Sa mga grupo ng mga Assassin ay nandoon lamang sila sa napakadilim na parte na naghihintay sa senyas o utos ng kanilang lider. Hindi din naman sila galit sa ginawa ni Framiyo lalo na't nakatadhana silang tumulong sa anumang misyon kahit na napakadelikado nito. Tinagurian silang eksperto sa pagpatay at ipinanganak sila upang pumatay. Ito ang kasabihan nila. Kung nagkasala sila ay sila mismo ang kikitil ng buhay nila na siyang karamihan ay tinututulan ito dahil para sa karamihan, ang buhay ay biyaya at ang pagkitil ng sarili mong buhay ay isang sumpa. Ito ang siyang kaibahan sa paniniwala nila. Takot sila sa kamatayan ngunit pinili na nila ang landas na ito kung kaya't para sa ibang mga Assassins, ang kanilang buhay ay hindi na nila pagmamay-ari. Ang mga tumahak o pumili ng propesyon na maging assassins ay pawang mga itinuturing ng lipunan na mga Kriminal, Patapon ang buhay, Mga Black Sheep ng pamilya, mga alila na, sobrang kahirapan at marami pang iba kung kaya't halos lahat ay takot sa mga Assassins dahil sa brutal na mga istilo ng pagpatay ng mga ito at sa wlaang awa nilang pagkitil ng mga inosenteng buhay dahil sa salapi o kayamanan na kanilang natatanggap kapag naging matagumpay ang kanilang misyon.
...
Nang magtagpo ang mata ni Mr. V sa pares na mga mata ng dalawang Martial God Realm Expert na ito ay makikitaan sila ng takot at kaba ngunit nagulat na lamang silang dalawa lalong-lalo na si Framiyo.
"Salamat sa inyong pakikipaglaban sa dalawang mga binatilyong miyembro ng aming Asosasyon, kagaya ng pangako ko kahit na natalo kayo ay bibigyan ko ikaw Framiyo ng munting papremyo." Agad na may lumitaw na isang supot na walang iba kundi isang Interspatial Sack. Hindi din ito isang ordinaryong lalagyan lamang dahil isang Mid-Grade Interspatial Sack ito kung kaya't naghatid ito ng kasiyahan kay Framiyo.
"Uhmm, hindi ko inaasahan ang iyong kabaitan Mr. V, napakamahal ng ganitong Forge Item. Halata pa lamang sa itsura nito na napakagaling ng pagkakagawa nito." Kakikitaan ng paghanga sa mata ni Framiyo sa kabutihan ng matandang si Mr. V.
" Makakaalis ka na at wag ka na ulit magpapakita dito upang manggulo, naintindihan mo ba?" Mababakasan sa boses ni Mr. V ang kaseryosohan na may halong pagbabanta sa mga Assassins lalong-lalo na kay Framiyo na siyang lider ng grupong ito.
"Makakaasa ka Mr.V, alam kong kayang-kaya kaming pabagsakin ng kahit na sa sa iyong mga guwardiya dito ngunit hindi mo man lang pinagalaw ang mga ito upang sila ang trumabaho, Ano ba talaga ang Asosasyong ito?" Sambit ni Framiyo habang sa huling salita niya ay halata ang kaniyang kuryusidad ng misteryosong paglitaw ng Asosasyong ito nasa paunang daan pa mismo ng tatlong Classes.
"Ang dami mong satsat, ang impormasyong iyon ay hindi mo na kailangan pang malaman, ayoko sa lahat ay putak ng putak o baka gusto mong maglaban kayo ng isa sa mga Gwardiya ng Asosasyon na ito? H----" sambit ni Mr. V dahil sa pagiging tsismoso ng lider ng Assassins na si Framiyo.
"Okay na po Mr. V, aalis na po kami, wag mo na kong ipabugbog sa kahit sinong guwardiya mo. Mga Assassins, umalis na tayo dito ngayin din! Sambit ni Framiyo at agad na naging usok tanda na lumisan na saΒ lugar na ito. Lahat ng mga Assassins kani-kanina lamang ay unti-unting nawala sa kadiliman na walang bakas na iniwan. Ang maraming mga awra ay nawala na rin.
Nang makita ni Mr. V na wala na ang mga Assassins ay hinarap niya na si Commander Wilson na siyang tagapangalaga ng kaayusan patungkol sa Third Rate Class.
"Sa iyo naman Commander Wilson ano ang iyong kahilingan? Total ay malaki rin ang ginampanan mong tungkulin hindi parehas sa ibang mga Commander ng ibang mga Class na nawala nalang ng parang bula dahil sa pagkawala o paglisan ng Royal Clan." Sambit niΒ Mr. V sa tonong patanong dahil na rin sa kagitingang ipinakita ni Commander Wilson lalo pa't ilang buwan na ring wala ang Royal Clan na nangangahulugan lamang na wala siyang sweldo maging ng ibang mga Commander at trabahador ng ibang Classes.
"Isa man katatawanan para sa iba ang aking isasagot ngunit tinupad ko lamang ang aking pangako sa aking ama at lolo bago sila namatay. Ipinangako kong poprotektahan ko ang mga taong nangangailangan athindi gumaya sa kanila na ipinalit lamang sa malalaking mga halaga ng kayamanan kung saan maraming buhay ang nasawi, hindi nila naisip ang napakalaking balik o karma nito sa kontinenteng ito." Sambit ni Commander Wilson na hindi mapigilang maging emosyunal lalo pa't bumalik ang alaalang pilit niyang binabaon lalo na ang napakalaking kasalanan ng kanilang angkan sa kalunos-lunos na sinapit ng kontinenteng ito.
"Matanong kita Commander Wilson, may kinalaman ba ang angkan niyo sa pagkakaroon ng selyo ng Kontinenteng ito, lalong-lalo na ang lolo at mga ninuno niyo?" Sambit ni Mr. V na hindi mapigilang maging emosyunal lalo pa't hindi niya alam kung nasaang lupalop na ng Kontinente olugar ang kanyang bestfriend na siyang matinding kaparusahan sa paglabag ng batas ng kanilang angkan.
Muling nagbalik ang alaala ng mapait na kahapon para kay Van Grego kung saan ay naalala niya niya ang eksaktong kaganapan ng sinapit ng kanyang matalik na kaibigan na lubos niyang sinisi ang kanyang sarili sa pagiging mahina sa mga panahon at oras na iyon.
.... πππππππππππππππ....
Sakay ng isang maliit na bangka ang isang bata na puno ng pasa at mga latayΒ ang kanyang buong katawan. Maging ang mga sugat nito ay napakalaki na hindi kakikitaan ng pagtigil sa pagdurugo ng mga sariwang dugo na siyang nagpapahirap sa bawat galaw nito.
"Dapat sa gubat na lamang siya ipatapon para mapakinabangan pa siya ng mga malalakas na halimaw ha!ha!ha!ha!"Sambit ni Second Elder Kirina na halatang nanunuya pa sa sitwasyong kinasasadlakan ng batang sakay-sakay ng maliit na bangka.
"Ang dami pang arte eh, mamamatay na naman yan eh!" Sambit ng isang miyembro ng Grego Clan na gigil na masaksihan ang sasapitin ng basurang nilalang na ito.
"Sarap sunugin ng bata na yan, maghahatid pa yan ng kamalasan sa atin eh!" Nanggagalaiting sambit ni Fourth Elder Glemor na animo'y ginagatungan pa ang sitwasyong uto upang magalit pa ang mga tao. Ginagawa niya ito upang makinabang pa sa sitwasyong ito.
"Kaya nga eh, ang dami pang kaek-ekan na nangyayari, pinapahirapan pa nila ang buhay ng bata na yan." Dagdag pa ni Fifth Elder Elmo para mas makumbinsi pa lalo ang mga kaangkan nila na baguhin ang parusa ng batang ito.
"Patayin na yan ngayon na mismo, wala na ngang silbi yan!" Sambit ng matabang babaeng nagsasalpukan ang kilay nito na animo'y isang bulubundukin ang mukha.
"Palamunin lang naman yan eh, ang dapat diyan patayin na nang hindi na makaperwisyo pa!" Sambit ng isang babaeng makikitaan na nakumbinsi siya sa sinabi ng mga Elder.
Marami pang mga sigawan, panghahamak at hindi magagandang mga salita ang maririnig sa lugar na ito ilang metro lamang ang layo ng karagatan.
"Total nakapagdesisyon na ang lahat ay binabago ko na ang magiging parusa. Kunin niyo na ang batang iyan at ipatapon na sa kagubatan!" Sambit ni First Elder Ramon na siysng ikinasayang halos karamihan sa naririto.
"Huwag, maawa na kayo sa anak ko, wala siyang kasalanan kaya sana hayaan niyo na siysng umalis dito sa pamamagitan ng maliit na bangkang ito, kung nakatadhana siysng mamatay ay mamamatay siya." Sambit ng isang ginang na siysng ina ng musmos na batang sakay ng maliit na bangka na siyang magdedesisyon ng kapalaran nito.
"Baguhin mo ang iyong plano Ramon ng magkalabasan tayo ng sarili mo mismong baho at malaman ng lahat kung ano kang klaseng pinuno!" Banta ng isang ginoo na siyang Ama ng batang ipinatalsik sa kanilang angkan.
Alam ng lalaking ito na nangangaliwa si First Elder Ramon sa sarili nitong asawa. Kung tutuusin ay mas grabeng paglabag ang ginawa niya ngunit nananatili pa rin siysng tahimik lalo pa't pag nsgkaalaman ay siya pa rin ang madedehado lalo pa't may dalawa pa siyang sanggol na anak. Bilang ama, hindi niya rin kayang isakripisyo ang kanyang posisyon sa angkan na ito lalong-lalo na ang mag-iina niya.
Hindi agad nakapagsalita si First Elder Ramon at ng makarekober siya ay sinenyasan na huwag nang ituloy pa ang pagbabago ng parusa. Agad namang sumunod ang mga tauhan niya sa sinabi nito. Agad na siyang lumisan pa sa lugar na ito dahil ayaw niyang totohanin pa ng lalaking iyon ang kanyang banta sa kanya.
Agad na nilapitan ng lalaki ang kanyang anak at may ibigay siya patago sa bata na siyang kanyang anak.
"Napakahina kong Ama, patawarin mo ako sa pagkukulang kong ito Anak, Sana maging ligtas ka sa kung saan ka man dalhin ng iyong tadhana. Ipinapalangin ko ang iyong kaligtasan. Hindi ko maaaring iwan ang iyong mga kapatid at ina upang lumayo. Patawarin mo ko anak sa lahat-lahat !" Hagulgol ng lalaki habang yakap-yakap nito ang sarili niyang anak.
Hindi niya lubos maisip na magiging kalunos-lunos ang sasapitin ng kanyang anak. Ipinanganak ang anak niya na may buntot ng isang halimaw. Maging ng isang marka. Kakaiba ito na siyang pinaniniwalaan nilang malas. Pinakainiingatan nilang wag malaman ng mga kaangkan nila ang tungkol sa pagiging iba ng anak niya.
...
Lumaki ang bata na puno ng pagmamahal. Hindi nila pinaramdam sa musmos na batang ito na isa siyang halimaw o malas sa pamilya nila. Dahil dito ay lumaki ang bata na may magandang pag-uugali at ng pumasok ang mga ito sa paaralan ng Grego Clan ay nakilala ng bata ang matalik niysng kaibigan.
Nalaman rin ng batang naging matalik na kaibigan nito ang kanyang sikreto ngunit hindi siya nito nilayuan opinandirihan.
Ngunit isang araw ay naligo sila sa isang malawak ngunit tagong ilog. Masaya silang nagtatampisaw ngunit nakita sila ng isang matanda. At don nga ay lumaganap ang kwentong ito at sinugod sila ng kapwa- kaangkan nila.
...
Isang malas at anak ng demonyo,ito ang siyang pinaniniwaan ng lahat. Kaya ngayon ang araw na kinatatakutan ng mag-asawang ito. Ang malayo sa kanilang sariling anak.
Ang anak nilang walang kasalanan at musmos pa lamang ngunit ngayon ay haharap sa napakatinding pagsubok. Ito ay ang maglakbay at tanging ang panahon lamang ang makapagsasabi kung mabubuhay ba ang batang ito o hindi.