"Patawad po sa aking ginawang atake Ginoong V!" Maikli ngunit makahulugang sambit ni Roco dahil sa kanyang kapangahasan ngunit hindi niya rin maiiwasang di magalit sa matandang si Framiyo lalo pa't alam niyang hindi siya sasantuhin nito sa oras na maging mahina siya.
"Ngunit mali pa rin ang ginawa mo Roco, tandaan mo na mayroong patakaran sa ating Asosasyon maging sa inyong Departamento." Sambit ni Mr. V sa nakayukong binata na si Roco.
"O siya, umalis na tayo rito lalo pa't may kasalanan rin ako dahil di ko kayo pinigilan ng mas maaga, ngubit masasabi kong malaki ang naging progreso ng iyong Cultivation rank at ang iyong karanasan sa pakikipaglaban." Malumanay na sambit ni Mr. V kay Roco.
Nang marinig ito ni Roco ay nasiyahan siya sa mga sinabi sa kanya ng matanda na siyang Founder ng Asosasyong kinabibilangan niya.
Iniaangat ni Roco ang kaniyang ulo na may maaliwalas na itsura at nakangiti. Bibihira lamang pumuri ang matanda kung kaya't isa itong magandang senyales na ibang-iba na siya ngayon kumpara kanina lamang.
"Mawalang-galang na Mr. V ngunit may nakalimutan ka atang sabihin kay Roco, hehehe." Awkward na pagkakasabi ni Marciano sa pakikipagsawsaw niya sa usapan sabay nito ang pagkamot niya ng kanyang ulo.
"Oo nga pala, binabati kita sa iyong pag-breakthrough, Opisyal ko ng inaanunsiyo ang iyong pagiging ganap na pagtapak sa 1-Star Bloodline Awakening Stage at Opisyal na na miyembro ng Advance Court ng Akademya."masayang sambit ni Mr. V kay Roco.
Nagalak ang puso't-isipan ni Roco ng marinig ang salitang "ADVANCE COURT", isa na siyang ganap na Advance Member na siyang pangarap niyang mapabilang. Tanging ang mga nakatapak lamang sa Bloodline Awakening Stage ang pwedeng mapabilang dito kung kaya't napakahirap ding abutin ito sa konting panahon lamang. Naging posible ito dahil sa Bloodline na dumadaloy sa katawan ni Roco. Ang sinasabing Bloodline na nagigising sa katawan ng isang Cultivator ay siyang pinagmulan ng kanilang lahi o tribo ngunit mayroon ding sinusuwerte kagaya niya. Kung tutuusin ay napakalakas na ng Bloodline ng Angel of Doom ngunit mas sinuwerte ang binata lalo pa't napakabilis ng kaniyang paglevel-up ng rank sa kaunting panahon lamang. Naging posible rin ito dahil mayaman ang Asosasyong ito at sa buong suporta ng Hyno Academy sa kanila.
Hyno Academy?
Lingid sa kaalaman ng lahat ay mayroong ipinatayong akademya sa Kontinenteng ito at ito ay ang Hyno Academy. Ang Akoademyang ito ay layuning lumikha ng mga malalakas at mala-halimaw na mga Cultivator sa hinaharap. Hindi upang gumawa ng mga Sakuna at delubyo sa ibang mga Kontinente at umalsa laban sa ibang mga malalakas na mga tao o grupo ng indibiduwal.
Ang totoong layunin ng Akademyang ito ay para magkaroon ng malalakas na Guardian o mangangalaga sa maliit na kontinenteng ito. Maliit lamang na porsyento ang bilang nila sa ngayon ngunit kayang-kaya naman lamangan ang mga manlulupig na mga Cultivator sa lakas at Cultivation Resources na siyang malaking lamang o alas nila laban sa mga indibiduwal na may masamang layunin sa Hyno Continent.
Ang Akademyang ito ay nahahati sa maraming uri ng Court. Ito ay ang Outer Court, Mid/Middle Court, Inner Court, Advance Court at marami pang misteryosong mga Court ang hindi tinatalakay o hindi alam ng karamihan maging ng ibang mga alinmang nasa Sage Court pababa. Naguguluhan man ang karamihan ngunit hindi nila kinikuwestiyon ang Awtoridad ng Akademya maging ng malaking Asosasyong ito. Alam nilag may dahilan ang lahat ng mga ito maging ng hindi paglabas ng anumang impormasyon sa publiko. Ang digmaang magaganap ang isa sa napakalaking dahilan kung kaya hindi maaaring magpahayag ng anumang impormasyon at testimonya ang kinauukulan.
...
"Maraming Salamat po Mr. V, utang ko po ang lahat ng ito sa inyo lalo pa't kung hindi dahil sa naging karanasan ko dito sa labanang ito ay hindi ako magbi-breakthrough at madagdagan ang aking karanasan o kasanayan sa pakikipaglaban." Masaya ring tugon ni Roco kay Ginoong V sa mahabang salaysay lalo pa't totoong hindi siya makakatungtong sa rank na to ngayon kung hindi dahil sa labang ito at ang dalawang medyo may edad na sina Framiyo at Commander Wilson ang naging mahalagang kasangkapan upang magtagumpay siya.
"Ikinagagalak ko ang iyong pagiging ganap na miyembro ng Inner Court Roco!" Sambit ni Marciano sa malakas at masayang boses ngunit kakikitaan ng lungkot ang kaniyang boses lalo pa't mawawalan ulit siya ng matalik na kaibigan at palaging kasama. Isa pa ring Middle Court Disciple si Marciano kung kaya't sobrang dalang na silang magkita nito.
...
Magkababata lamang sila ngunit malaki ang naging agwat ng kanilang lakas maging ng rank sa ngayon.
Naalala pa ni Marciano na Itinuturing o binansagan silang "THE FIGHTER DUO" noong pareho pa silang disipulo ng Middle Court na siyang naging tanyag sila na halos kilala sila kahit sa Outer Court ilang buwan lamang ang nakakalipas.
Ngunit ng lumipas pa ang mga buwan nang nabigla na lamang siya sa bilis ng pagtaas ng Rank ni Roco. Alam niyang dahil siguro sa Cultivation Resources ito na angkop talaga kay Roco kung kaya't mabilis itong nagle-level up.
Akala niya ay iiwan na siya ng kaning itinuturing na kababata ngunit tinupad nitong magiging matalik na kaibigan pa rin sila at palaging kasama sa mga gala at pinili nila ang parehong propesyon sa iba't ibang Departamento at iyon ay ang Hunters Department. Sa sobrang kulit nila ay magdududa ang iba kung kayang manatili ng dalawang binatang ito sa isang lugar.
Literal na makukulit ang mga ito at gustong maglakbay at sumuong sa mga bagong kapaligiran at mga delikadong misyon. Sa edad na dalawampu't isa ay masasabi mong malalakas ang mga ito. Sa malahalimaw na depensa ni Marciano at nakakamatay na atake ni Roco, sino ang haharang sa kanila.
Ngayon, saksi ang isang pares na mga mata ni Marciano kung bakit lamang sa kanila ang binata, ito ay dahil sa Bloodline nito na isa palang Maalamat na Nilalang, ang matalik na kaibigan niya ay nagmula sa lahi ng Angel of Doom. Halos matameme siya sa kaniyang nasaksihan. Halo-halong emosyon ang kanyang naramdaman sa oras na ito. Masaya dahil nakatapak na sa Advance Court ang kaibigan niya at maituturing na Advance Court Disciple/Member ng korteng ito ng Hyno Academy. Malungkot sapagkat napakalayo na ng agwat nila, dalawang agwat ng Court lang naman ang kanilang layo sa isa't isa. Ano pa ba ang kaniyang inaasahan.
"Bilisan mo naman sa pagcucultivate Marciano, napag-iiwanan ka na oh, hahahaha!!!" Pagpapaalala ni Roco sa kaniyang matalik na kaibigan na si Marciano sa tonong pabiro.
...
Alam naman ni Roco at ng halos lahat ng mga Cultivator na ang mga Defensive-Type na mga Cultivator ang pinakamabagal o napag-iiwanan sa larangan ng pagpapataas ng Rank lalo pa't nangangailangan sila ng matinding ensayo pagdating sa pisikalan maging sa pagsangga ng mga malalakas na atake. Iba ang kanilang nilalakaran kumpara sa ibang mga Cultivators na pawang pagpapalakas ng kanilang kapangyarihan o atake ang pinagtutuunan ng pansin at hindi ang pangdepensa.
Kahit na mabagal magcultivate ang mga Defense/ Defensive-Type Cultivator ay itinuturing pa rin silang malaking hadlang sa mga kalaban lalo pa't sila ang pinakamatigas na animo'y napakatigas na harang sa madugong labanan na kung saan ay kayang pabagalin o pigilan ang maaaring atake sa mgak asamahan nito. Sa maikling salita, sila ang "NAPAKALAKING TINIK SA LABANAN" kung haharang sila sa mga kalaban nito at matataob ang labanan na siyang isang disadvantage ng mga purong atakeng grupo kagaya ng mga Assassins.
Ngunit isang masakit na katotohanan sa mga Defensive-Type Cultivator na kailangan nilang magdoble kayo o tripleng sipag upang mapantayan o maungusan ang mga kaedad nito o kalevel nito na mga Assault-Type na kahit tamarin man ang mga ito sa pagcucultivate ay kaya pa rin nilang lumakas.
Kahit na mayroon silang tungkulin sa Iba't-ibang Departamento ay mahigpit pa rin ang paalala sa kanila na sipagan ang pagcucultivate ng sa gayon ay hindi sila mapag-iwanan o maging dalahin ng Asosasyong ito. Hindi naman sila sapilitan o puwersahang pinapa-cultivate ngunit alam nilang Lakas lamang ang nanaig sa kontinenteng ito maging sa iba pang Kontinente ng Martial World.
...
Pinagloloko mo naman ako Roco eh, alam mo namang Defensive-Type yung Martial Soul ko at Martial Sipit ko eh!" Sambit ni Marciano sabay pakita ng kaniyang Martial Soul na isang higanteng kulay itim na misteryosong bato at ng malahigante sa laki ng One-Eyed Colossal Tortoise.
Namamangha pa rin ang apat na saksi sa pangyayaring ito na sina Commander Wilson, Mr. V, Framiyo maging si Roco lalo pa't napakalaki ng Martial Spirit na ito na siyang alam nilang angkop sa Defensive-Type Cultivator na si Marciano.
"Binibiro lang kita kaibigan, Wala pa ring iwanan, bibisita pa rin ako sa iyo kapag may bakanteng oras ako, pangako!" sambit ni Roco sa masayang tono.
"Inaasahan ko iyan Roco, wag mo kong pinagloloko ha!" Sambit ni Marciano na natatawa.
"Pangako ay pangako, Kaibigan! Walang iwanan!" Sambit ni Roco ng Seryosl
"Walang iwanan!" Mahinang sambit lamang ni Marciano.
Makikita ang totoong koneksiyon at dalawang taong tunay na nagpapahakaga sa pagkakaibigan.
Mapait lamang napatawa si Van Grego ngunit pilit lamang ito. Naalala niya naman ang masakit na sinapit nila ng kaniyang itinuturing na matalik na kaibigan.
Saan ka na kaya, Eljaro?! May pag-aalala sambit ni Van Grego na nasa anyo ni Mr. V. Mahina lamang ang kanyang pagkakasabi ngunit mababakasan ng sobrnag lungkot lalo pa't naalala niya ang masasakit na alaalang sinapit nila sa batas ng kanilang angkan ngunit hindi niya rin masisisi ang kanyang sarili o ng kanilang angkan lalong-lalo na at hindi na maibabalik pa ang nakalipas na panahong inagaw sa dalawang batang musmos na pinagkaitan ng kahapon.