Unti-unting humina ang tinig ng daing ni Roco at nagsimula itong tumawa ng malakas.
"Bwahahaha!!!" Sambit ng isang nakakapanindig na halakhak ng binatang si Roco.
Kapwa nahintatakutan si Framiyo at Commander Wilson sa kakaibang pangyayaring salungat sa inaasahan nila. Hindi man nakakamatay ang isa sa tatlong soul Skill nila ay kaya nitong magdulot ng sobrang sakit na atake sa kalaban ng isa o dalawang buwan ngunit sa nakikita nilang pagbabago sa binata ay alam nilang mas umiba at lumakas pa lalo ang kapangyarihan nito.
"Breakthrough?!!" Sambit ni Commander Wilson lalo pa't ginamit niya ang isang soul skill niya, ito ay ang Holy Light Power Analyzer na siyang kayang alamin ang kasaluku lakas ng binata. Ngunit mas ikinagulat niya ang sumunod na natuklasan niya sa binata.
"Hindi na siya isang Martial God Framiyo, Nasa BLOODLINE AWAKENING STAGE na siya!" Nahintatakutan na sambit ni Commander Wilson lalo pa't hindi na basta-basta ang lakas ng binatang nasa harap nila.
Nalaman niya lamang ang misteryosong rank na ito sa kaniyang namayapang ama at lolo niya noong nakaraang mga taon.
"BLOODLINE AWAKENING STAGE?! IMPOSIBLE!" Nahintatakutang sambit ni Framiyo lalo pa't napakadalang lang ng taong nakatungtong sa stage na ito lalo pa't ang alam niya lamang ay hanggang Martial God Realm lamang ang limitasyon ng Kontinenteng ito.
"Kanina pa kayo hah, subukan ko kaya ang bago kong kapangyarihan! Hahahaha!!!" Sambit ni Roco sa napakalalim nitong boses.
Biglang lumitaw ang isang balahibong kulay abo sa ibabaw ng uluhan ni Roco at unti-unting lumiwanag ang katawan nito. Unti-unting nalusaw ang kulay abong balahibo na ito at naging hugis espada.
Kasabay nito ang pag-iba sa katawan ni Roco. Until tinubuan siya ng kulay abong pakpak sa likod. Dalawang pakpak na sobrang laki na mayroong kakaibang enerhiyang bumabalot dito. Maging ang balot na balot nitong katawan ay napalitan ng isang armor na katulad ng mga mandirigmang mga anghel.
"Angel of Doom?! Isa siyang Angel of doom! Ano ang gagawin natin Commander Wilson?" Sambit ni Framiyo na may halong takot at pagkabahala sa transpormasyon ng binatang si Roco.
"Wala na tayong magagawa pa lalo na't ayon sa libro tungkol sa mga anghel ay sila ay tagaparusa o tagahatol ng mga itim na mga anghel at mga puting mga anghel. Kahit na ang mga matataas na mga arkanghel ay takot na kalabanin sila. Ano ba ang magagawa natin na isa lamang tayong hamak na Martial God? Isang atake lamang sa kanya ay lubhang ikakapinsala natin. Sumuko na lamang tayo." Mahabang salaysay ni Commander Wilson na tanggap na ang kaniyang pagkatalo. Totoo lahat ng kanyang sinabi maging ng kalkulasyon sa agwat na lakas nila.
"HAHAHA,Naturingan kang tagapangalaga ng Third Rate Class ay natakot ka na sa isang binatang ito. Isa lamang soyang binata at tatapusin ko siya gamit ang sarili kong lakas, hmmp!"
Walang inaksayang panahon si Framiyo at inatake niya ang Binatang si Roco ng napakalaks niyang Soul Skill.
"Hell Apocalypse Judgement!" Nakaigting-pangang sambit ni Framiyo lalo pa't hindi siya naniniwalang mas malakas ang binatang nasa harapan niya.
Agad na may itim na mga enerhiyang bumalot sa kinatatayuan ni Roco. Isang nakakapanindig balahibong mga enerhiya ang nararamdaman ng sinuman lalo na sa mga miyembro ng Alchemy Powerhouse Association ngunit hindi sila naapektuhan ng sobra, salamat sa protective Formation Arrays na nakapalibot sa loob ng assosasyong narito.
Ngunit hindi din maiiwasan na sumuka ng dugo ang mga Cultivator na nasa pamilihan na ilang metro lamang ang layo mula dito.
...
Agad na binalot ang binatang si Roco ng mga nag-iitimang mga enerhiya hanggang sa may mga lumitaw ng sobrang daming mga itim na kadenang parang buhay na pumulupot sa iba't ibang parte ng katawan ni Roco.
"Doom Energy Blast Field!" Sambit ni Roco sa isa sa kanyang apat na bagong skill. Kahit siya ay namangha sa bagong skills niyang mga ito. Alam niyang sinambit ng matandang si Framiyo ang ikalawang Forbidden Soul Skill nito na kayang apektuhan ang balanse ng kapaligiran.
Biglang gumalaw ang nalalakihang kulay abong mga pakpak ni Roco na animo'y may humaharang ngunit ang nakakabigla lamang ay umilaw ito at naglabas ng kulay abong liwanag na siyang biglang lumaki at pabilog na pumalibot sa binata. Nagmistula itong harang na siyang pumoprotekta sa binata.
"Tapos ka na binata! Nakagapos ka pa rin hahaha... Activate!"sambit ni Framiyo na animo'y nanggigigil lalo pa't gusto niya ng kitlin ang binata. Takot siyang mas lalakas pa ito. Hindi lamang siya isang Martial God Realm Expert lalo pa't nasa napakatuktok na siya ng rank na ito at malapit na rin siyang mag-breakthrough upang makatapak sa Bloodline Awakening Stage katulad ng binatang kanysng kalaban. Hindi siya makakapayag na may mas malakas pa sa kaniya.
Hindi pa rin lamang ang binatang kay Framiyo lalo pa't marami itong karanasan sa pakikipaglaban. Marami na itong nasuong na madugong mga labanan at digmaan.
...
Biglang may lumilitaw na maladagat sa laki at lawak at malaimpyernong init ng nasabing Fobidden skill ni Framiyo ngunit imbes na mangamba ang binata ay naging mahinahon lamang ito.
"Yun ang akala mo tanda, tingnan mo to! Sambit ni Roco ng may kasamang makahulugang ngiti.
Biglang naglabas ng kakaibang enerhiya ang Pabilog na enerhiyang bumabalot kay Roco. Nalusaw ang mga di mabilang na mga ekstraordinaryong mga kadenang pumulupot sa kaniya at sumabog ang pabilog na harang na ito na siyang nilusaw ang maladagat na impyerno na nasa paanan lamang ilang dipa lamang ang layo nito sa tinatapakan ng binatang si Roco.
"P---paa-no-nongggg nangyari ito, hindi maaari!" Pagalit na sambit ni Framiyo na parang nasisiraan ng bait.
"Ito na ang katapusan mo tanda... Doom Destruction!" Sambit ni Roco lalo na't napipikon na siya sa matandang si Framiyo dahil sa parang hindi na ito kompetisiyon at parang gusto siya nitong patayin kayat sinong matutuwa sa kapangahasan ng may edad na lalaking si Framiyo,diba wala? Iyan ang naiisip ng binata.
Biglang nagkaroon ng kakaibang enerhiyang biglang bumalot sa kalangitan na kahit ang mga hangin ay nagbabala ng kawasakan at kamatayan. Ramdam na ramdam ni Commander Wilson ang kakaiba ngunit napakalakas na pangalawang Skill ng binata.
"Ayoko pang mamatay. Sumuko na ko kani-kanina pa eh!" Nahihintatakutang smabit ni Commander Wilson lalo pa't kahit siya ay walang makitang kahit na anong enerhiyang namumuo ngunit ramd niyang napakalakas nito.
"Itigil mo yan Roco, mapapatay mo sila!" Sambit ni Van Grego sa katauhan ni Mr. V dahil ang skill na siyang isinasagawa ng binatang si Roco ay isang Bloodline ng Angel of Doom na nabibilang sa Destructive-Type Skill. Hindi man ito nakikita ng iba ngunit nakikita ito ni Van Grego. Kakaiba at napakalakas ng Destructive-Type Skill sa Forbidden Skill lalo pa't hindi ito nakikita ngunit ang maaari nitong resulta ay napakalaki. Hindi pa ito nagagamit ng binata kung kaya't maaaring magresulta ito sa napakalaking pinsala sa lugar o taong tatamaan nito.
Bigla na lamang nagsagawa si Mr. V ng kakaibang kumpas at galaw ng kanyang kamay at unti-unting may lumitaw ng mga kakaibang ruin at simbolo na hugis diyamante.
Nang makita ito nina Marciano at Roco lalong-lalo na ang dalawang May edad na Martial God Expert ay mas nahintatakutan sila sa ginawa ng matanda. Mas malakas ang kapangyarihan na inilalabas nito kumpara sa mga Technique nila kung kaya't natauhan ang naglalabang sina Roco at Framiyo.
Tanging tango na lamang ang ginawang tugon ni Roco sa naging utos ng matandang si Mr. V. Ayaw niya ding matikman ang galit nito kahit na napakalakas niya ay hindi niya pa rin alam ang hangganan ng lakas ng matanda na siyang Founder nila. Kahit na ang mga Lider sa iba't ibang Department ng Alchemy Powerhouse Association ay hindi nangangahas na galitin ang matanda.
"Deactivate!" Sambit ng binata at lumipad pababa sa kinaroroonan ni Mr. V at ni Marciano. Nawala ang kakaibang enerhiyang bumabalot sa himpapawid na parang bula tanda na hindi ito naactivate.
Ang dalawang Martial God Realm Expert na sina Framiyo at Commander Wilson ay mistulang natuod at nagmistulang maaamong tupa. Hindi sila makapaniwalang mas nakakatakot pala ang matandang lalaking nakikita nila hanggang ngayon.
Hindi makapaniwalang mas halimaw pa sa halimaw dalawang binata ang matandang uugod-ugod na. Nagtataka sila sa kung anong klaseng skill o Technique ang ginawa ng matanda kani-kanina lamang. Hindi sila nangahas na magtanong lalo pa't takot silang matikman ang lakas ng Matandang kani-kanina lamang ay hinahamak nila ngunit ngayon ay bakas ang paghanga sa ipinakita nitong lakas. Lakas na kakaiba sa lahat.