"Mga inutil kayong lahat! Nakatakas ang mga kutong lupang mga Elders ng Grego Clan! Tapusin na natin ang mga Opisyales na nandito saka natin paslangin ang buong angkan ng Grego Clan!" Sambit ng tagapagsalita ng mga kapwa nila Assassins.
Walang ano-ano pa'y bigla na lamang nagpaulan ng mga atake ang nasa panig ng mga Assassins. Sobrang bilis ng mga ito kung saan ang mga nagtatalimang mga pana at mga iba't ibang uri ng patalim ay hindi masundan ng mata.
Mula sa panig ng mga Opisyales ay may biglang lumitaw na isang medyo may edad na lalaki na may suot na kulay puting Roba.
"Freeze!" Isang salitang lumabas sa medyo may katandaang lalaki kung saan ay unti-unting nararamdaman ang pagbago ng klima sa lugar na kinatatayuan nila.
Kapansin-pansin ang pagbagal ng pagbulusok ng mga iba't ibang patalim na gawa mismo ng mga Assassins hanggang sa ito ay nabalutan na ng yelo. Bigla na lamang may kakaibang enerhiyang inilalabas ang katawan ng puting robang lalaki kung saan ay nawasak ang lahat ng mga patalim.
Pagkamangha at pagkagulat ang namayani sa lahat ng mga nakasaksi sa pangyayaring ito. Nang makabawi ang mga nasa panig ng mga Opisyales ay nakilala nila ito.
"Commander Wilson!"
"Si Commander Wilson nga!"
"Siya ang isa sa Commander ng Ice Frost Kingdom!"
"Mabuti at dumating na si Commander Wilson, ligtas na tayo!"
Maraming mga nag-iingayang mga Cultivator sa panig ng mga Opisyales kung saan ay patungkol ito sa katapangan at kagitingan ng Lalaking nakaputing roba kung saan ay marami pa itong natanggap na mga papuri sa iba't ibang Opisyales bakas ang respeto at paghanga sa kanya.
"Magaling, Magaling! Magaling! Subukan natin kung hanggang saan ka tatagal!"
"Thousand Piercing Dragon Arrows!" Sigaw ng tatlong hindi kilalang mga Assassins na nasa dilim ngunit ang ginawang Technique ng tatlong kataong ito ay kitang-kita kung gaano ito kalakas.
Mula sa kalangitan, kitang kita ang mga isang libong nagliliyabang mga palaso. Ang kaninang malamig na klima ay naging napakainit na klima. Maya-maya pa ay bumulusok ang mga palaso na animo'y mga bulalakaw lalo na't sobrang bilis itong bumulusok na animo'y kaya nitong butasin ang lupang tinatapakan ng mga Opisyales.
"Frost Bomb!" Malakas na sigaw ni Commander Wilson sa pagsagawa ng isa sa napakalakas niyang Technique.
Unti may lumitaw na dalawang napakalaking bombang gawa sa yelo. Agad niya itong ihinagis ang dalawang bomba sa ere at nagsagawa ng isang Technique.
"Unyeilding Ice Bomb!" Sambit ni Commander Wilson ng sipain niya ang dalawang napakalaking bombang gawa sa yelo. Ang isang napakalaking bombang gawa sa yelo ay papunta sa direksyon ng mga nagbabagang palaso at ang isa ay sa lugar na napakadilim kung saan ang ginawang taguan ng mga Assassins.
Isang dual Technique ang ginawa ni Commander Wilson lalo pa't alam niyang hindi niya mapapagalaw ang mga Ice Bomb ng ordinaryong sipa lalo pa't sasabog ito sa oras na makaramdam ng hindi ankop na attribute ng tubig o yelo.
Makikita sa kalangitan kung pano magsagupa ang isang napakalaking bombang gawa sa yelo sa nagbabagang palaso. Isang napakalaking pagsabog ang nagyari st umulan ng yelo. Ang nagbabagang mga palaso ay nagkapira-piraso at nabalutan ng yelo. Nagmistulang umulan ng niyebe. Sa huli ay nanaig pa rin ang attribute ng Yelo laban sa Apoy.
Nag-iba ang direksiyon ng mga tingin ng mga Opisyales sa madilim na lugar. Unti-unti nilang naramdaman ang kakaibang nangyayari sa panig ng mga Assassins.
Naalarma ang mga Assassins nang may paparating na napakalaking hugis bombang pabilog na gawa sa yelo. Bakas sa mukha nila ang pangamba ngunit agad silang nagsagawa ng Technique na para sa kanila ay kayang-kaya nilang pantayan ang lakas nito.
"Blazing Fire Shield!" Sigaw ng anim na katao sa pagsagawa ng isang malakas na Fire Technique.
Makikita sa mukha ng lider ng mga Assassins ang pagiging kampante at mapangmaliit na tingin sa panig ng mga Opisyales. Alam niyang kayang-kaya nilang talunin ang mga ito lalong lalo na ang nakaputing roba.
"Ahhh!!!!!!" Sigaw ng anim na mga Assassins matapos magdikit ang Blazing Fire Shield at ng Ice Bomb. Bakas ang takot sa mukha ng anim na Assassins ng makita nila ang resulta. Sanilang katawan ay halos nabalutan na ng mga yelo. Hindi sila makagalaw at nahihirapan silang huminga dulot ng pagbalot ng yelo.
"Masyado ko kayong minaliit lalong-lalo ka na Nakaputing Roba, ipapatikim ko sa inyong lahat kung ano ang tunay na lakas naming mga Assassins! Pagalit na sambit ng tumatayong lider sa grupo ng mga Assassins.
Nahintatakutan ang lahat ng mga Opisyales maging ang nakaputing roba na si Commander Wilson. Ramdam na ramdam nila ang pag-iba ng ihip ng hangin maging ang daloy ng kalikasan. Isa lamang ang paliwanag sa pangyayaring ito.
"Umalis na kayong lahat dito ngayon din, Isa itong napakalakas na Forbidden Technique ng mga Assassins. Iligtas niyo na ang mga sarili ninyo!" Pautos na pagkakasabi ni Commander Wilson sa mga iba't ibang Opisyales na naririto.
"Hindi namin magamit ang teleportation Technique namin!"
"Bakit ayaw gumana ng Talisman Communicator namin?!"
Ilan lang ang mga ito sa mga reklamo na maririnig sa panig ng mga Opisyales kung saan ay wala silang nagawa sa kakaibang pangyayaring ito. Isa lamang ang naging reyalisasyon nila sa delikadong sitwasyon na ito. Ito ay hindi sila hahayaang makaalis ng buhay ng mga Assassins na nandito upang paslangin silang lahat.
"Bwahahaha!!!! Sino ang magliligtas sa inyong lahat ngayon? Wala na kayong matatakbuhan pa, mamatay kayong lahat na nandirito at walang matitirang buhay sa inyo Bwahahahaha!!!"nakakapanindigbalahibong sambit ng Llider ng mga Assassins.
Ang kaninang tinig ng tao kani-kanina lamang ay napalitan ng napalaking boses na animo'y isang demonyong bumangon sa kailaliman ng mundo. Ito ang napakalakas na Fobidden Technique na pagmamay-ari ng mga Assassins. Ang One with the Darkness Technique na siyang kayang palitan ang lahat ng kanilang iba't ibang Attribute sa kapangyarihan ng kadiliman.
Ang mga pulang mata sa kadiliman ay unti-unti ng nawawala ngunit ang awrang nakapaloob sa madilim na parte ng tarangkahan kung saan naroroon ang mga Assassins ay unti-unting lumalakas na halos wala ng katapusan sa pagtaas pa. Ang kaninang hinaing ng anim na mga Assassins ay wala na.
"Humanda kayong lahat at maging alerto k-------!"pasigaw na sambit ni Commander Wilson sa mga Opisyales ngunit bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin ay...
Ahhh!!!!
Maawa ka sa ---- Ahhhh!!!!
Bibigyan kita ng napakalaking halaga ng sala--- arccckkkkkk
Mga Demonyo ka------Oorcccckkkkkk!
Splassssshhhhhh
Bogsshhhhhh
Sssshhhricccccckkkkkkkk
Maraming mga sari-saring palahaw at mga tunog ng mga sandatang tumatama sa mga mga katawan ng mga Opisyales tandang hindi na sila hinahayaan pang magsalita ng mga ito. Makikita sa bawat isang mga Opisyales ang matinding takot, pangamba, galit, pagkapoot at suklam sa mga Assassins. Wala silang nagawa sa mga malalakas na atake ng mga Assassins na walang habas na umaatake sa iba't ibang parte ng kanilang katawan.
Kahit na manlaban pa sila ay hindi nila magawang masalag ang mga ginagawang malalakas na atake ng mga iba't ibang patalim sa kanilang katawan lalo pa't ang mga Assassins na ito ngayon ay gawa lamang sa itim na usok kung saan ay nagagawa nilang mapawalang bisa ang anumang mga depensa ng mga Opisyales. Ang mga dugong tumaltalsik at umaagos sa katawan ng mga tinaguriang mga Opisyales ay patuloy sa pagdami at pagkalat sa iba't ibang parte sa labas ng malaking tarangkahan.
Hindi na magawang maatim ni Commander Wilson ang kanyang nakakaawa at napakalupit na sinapit ng mga Opisyales ng Second at Third Rate Classes. Alam niyang may kinalaman ang mga First Rate Class dito. Sa oras ng digmaan na sana niya ipapamalas ang kanyang natatagong abilidad ngunit nangangailangan na siya sa sitwasyong ito lalo pa't kahit ang buhay niya ay nanganganib na. Wala na siyang maaari pang hingan ng tulong o kung may tutulong pa sa kanila.
Unti-unting bumibitak ang lupang tinatapakan ni Commander Wilson at lalo pang lumalaki ang pagitan ng bitak-bitak. Unti-unting binabalutan ng kakaibang liwanag ang kanyang katawan maging ang nasa kanyang likod. Pagkaraan ng ilang minuto lamang ay malinaw na nakikita ng lahat ang anyo ni Commander Wilson at kung ano ang kaninang liwanag na nasa likuran nito. Saksi ang lahat ng mga Opisyales maging ng mga Assassins sa pangyayaring nangyari kay Commander Wilson.
Kitang-kita ng lahat ang isang higanteng Martial Spirit sa likurang bahagi sa katawan ni Commander Wilson. Nagmistula lamang isang langgam si Commander Wilson lalo na't hindi pangkaraniwang Martial Spirit ang kanyang taglay. Ngunit napuno rin ng respeto at paghanga ang lahat ng mga Opisyales na narito lalo pa't isang Martial God Realm Expert pala ang tumulong sa kanila. Hindi ordinaryong makakakita ng isang Martial God Realm Expert sa kontinenteng ito o maging sa iba pa lalo na't isa silang indibidwal na itinuturing na kayamanan ng kontinente lalo na't hindi lahat ng tao ay nakaktapak sa Rank na ito kung saan ay nangangailangan ito ng lakas, kapangyarihan, tibay ng loob, pagpupursigi at gabundok na Cultivation Resources at mga Iba't ibang mga kayamanan kung kaya't isang mataas na karangalan ang natatamo nila maging ang mataas na pagkilala ay natatamo nila.
Walong katao lamang ang kilalang mga nakaapak sa Martial God Realm at yun ay ang mga tagapagbantay ng First, Second,Third Rate Classes at ang limang dugong bughaw na namumuno sa nangungunang kaharian, ito ay ang Nightfury Kingdom.
"Isang Martial God!"
"Ang maalamat na Martial Spirit, ang Martial Light Ice Goddess!"manghang sambit ng isang sugatang Opisyales.
"Isang himala ito!"
Marami pang mga iba't ibang mga komento at mga pahayag ang maririnig sa lugar na ito pstungkol sa paglitaw ng isang Martial God Realm Expert na walang iba kundi si Commander Wilson.
Walang inaksayang oras si Commander Wilson at agad na gumawa ng malakas na Technique.
"Light Heal!" Sambit ni Commander Wilson . Isa itong maalamat na Technique na tanging ang Martial God Expert na may Martial Light Ice Goddess lamang ang nakakagawa nito.
Unti-unting naghilom ang sugat ng mga Opisyales na animo'y wala silang tinamong anumang sugat kani-kanina laman lalo na't wala man lang bakas ng anumang patalim na sumugat sa kanilang balat.
Agad na bumuti ang lagay ng mga naghihingalo kani-kanina lamang. Wala ni isang namatay sa kanila tandang napakalakas ni Commander Wilson na nagtataglay ng maalamat na Martial Spirit.
Isang pigura ang bigla na lamang lumitaw sa kalangitan. Ito ay hugis taong kulay itim na animo'y anak ng demonyo. Walang duda, ito ang kinikilalang lider ng mga Assassins.
Bwahahaha!!! Kung akala niyo ay tapos na ang labanang ito ay nagkakamali kayoz panoorin niyong mabuti bago ko kayo paslanging lahat! Sambit ng Lider na animo'y isang demonyo sa anyo niya at kakikitaan ng pagmamayabang ang boses nito.
Unti-unting umitim ang lugar na kinatatayuan sa himpapawid ng lider ng mga Assassin. P umapalipot sa kanya ang mga itim na usok maging ng kadilimang nagmumula sa ibang direksiyon papunta sa katawan nito. Maging ang pagnipis ng hangin, pag-iba ng daloy ng tubig at pagkatuyo ng lupa sa kinalulugaran ng di kilalang lider na ito. Lumikha ng pag-uga ng lupa sa mga Assassins maging sa mga lupang kinatatayuan ng mga Opisyales. Ramdam nila ang ibayong lakas at kapangyarihang taglay ng lider na ito. Walang ano-ano pa ay biglang may lumitaw na isang napakalaki at nakakatakot na nilalang sa likuran ng kinikilalang lider ng mga Assassins.
Nang makita na ng lahat lalong-lalo na ang mga Opisyales at ni Commander Wilson ay nagimbal sila na animo'y gulat na gulat. Ayaw nilang maniwala sa lahat. Halos hindi sila makabawi sa kanilang nakikita kahit ang iba ay nanlambot ang tuhod at natumba sa kinatatayuan nila. "Hindi, hindi ito maaari!" Ito ang isinisigaw nila.
'Magpapakilala ako sa inyong lahat, ako si Framiyo, ang ika-siyam na Martial God Expert ng Hyno Continent. Ito ang pinakamamahal kong maalamat na Martial Spirit, ang Dark Shadow Crow! Buong pagmamayabang na sambit ni Framiyo habang ipinagmamayabang ang kanyang titulo.
Hindi lubos maisip ng lahat na may lilitaw pang isang nakakatako na Eksperto sa maliit na Kontinenteng ito. Ito na ang katapusan nila, yan ang isinisigaw ng bawat isa habang nakatingin sa nagpupulahang mata ng Dark Shadow Crow na nagpapahiwatig ng delubyo ang sasapitn ng sinumang haharang sa daraanan nito.