Mula sa medyo may kadilimang parte kung saan nasa dulong bahagi ng malaking tarangkahan ay makikita ang limang kataong mistulang nakakubli rito. Alam nilang sa oras na lumabas sila ay katapusan nila. Halata sa atakeng ginawa ng mga sunod-sunurang mga assassins noon na sa kanilang pangangalaga ay nagmistulang mga mababangis na hayop kung saan ay wala na silang kahit anumang kontrol sa mga ito.
Hindi nila lubos maisip na ang kanilang ginawang hakbang at mga kilos laban sa malaking Asosasyon nito maging ang pag-ipit nila sa founder ng Alchemy Powerhouse Association at kapwa nila mga Opisyales ay siguradong hindi sila bibigyan ng kaunting awa ng mga ito patunay ngayon na maraming nasugatan sa kapwa nila mga Opisyales.
Bakas sa mukha ng mga Grego Clan lalo na sa mga ginawang marahas na atake ng mga Assassins. Hindi nila nakontrol ang sitwasyon. Hindi ito ang kanilang inaasahang kasunduan ngunit mas malaking unos pala ang mangyayari sa gabing ito idagdag pang wala silang kaide-ideya sa mga planong isasagawa at maaaring isasagawa pa ng kanilang itinuring na boss o lider.
Makikita ni Elder Ramon ang pangamba sa mga mata ng kapwa niya mga Elder maging sa kanyang asawa. Iba ito sa kanilang napag-usapan. Malayong-malayo ito ngunit ng maanalisa niya ang mga pangyayari noong nakaraang nagkita sila ng kanilang boss.
Dahil sa kayamanang ipinangako sa kanila ay wala silang rason upang tumanggi lalo pa't para sa kanila ay napakalaking tulong ito sa kanilang angkan. Masyado silang nasilaw sa kayamanan kung kaya't hindi nila naisaalang-alangang maaaring kahihinatnan ng kanilang ginawang aksyon patunay na ngayon ang napakalaking suliranin at gulong pinasok nila.
"Ano ang ginagawa ng mga Assassins na ito, masyadong kakaiba ang ikinikilos ng mga ito!" Sambit ni Fifth Elder Elmo sa kanyang nakikita. Bakas sa mukha nito ang pangamba dahil maging siya ay naguguluhan sa bilis ng pangyayari.
"Malayo ito sa napagkasunduan ng boss natin. Hindi ito ang nasa plano!" Mahinang sabi ni Second Elder Kirina ngunit may diin ang bawat salitang binibigkas nito lalo na't wala siyang natandaang ganitong senaryo na alinsunod sa kanilang napagkasunduan.
"Hindi ko inaasahang iipitin tayo sa napakalalang sitwasyon na ito. Hindi na natin makokontrol ito lalo pa't maling tao ang ating napaglingkuran." Sabi ni Fourth Elder Glemor Grego na ang kanyang mga ngipin ay nagkikiskisan tanda na gusto niyang ilabas ang kanyang galit ngunit mas pinili niyang sarilinin lamang ang bigat sa kanyang dibdib.
"Wala na tayong magagawa ukol dito, tanging ang magagawa lamang natin ay lisanin na ang lugar na ito lalo pa't alam nating maiipit tayo sa lugar na ito na siyang magdudulot sa atin ng agarang kamatayan, habang may oras pa tayo ay umalis na tayo dito." Bakas ang pangamba sa mukha ni First Lady Amelia ang takot lalo na't kahit na nasilaw sila sa kayamanan ay isinasaalang-alang pa rin nila ang kinabukasan ng Grego Clan.
Maaaring maling desisyon ang kanilang napiling tahakin ngunit para rin ito sa kapakanan ng kanilang angkan kahit na ang iba mga angkan ay magiging ganon din ang desisyon nila ngunit alam din nilang lahat ay may kapalit ngunit mas pinili nilang paninindigan ang kanilang napiling desisyon.
"Lisanin na natin ang lugar na ito ngayon din!" Pinal na pagkakasabi ni First Elder Ramon sa lahat ng mga Elders ng Grego Clan. Walang na solang sinayang pang oras.
Lahat ng mga Elders ng Grego Clan at maging si Amelia ay nangangamba sa maaaring mangyari ngayon lalo pa't nagbabadya na ang pagdanak ng dugo maging ng kamatayan. Sa oras na ito ay tuluyan na silang nawalan ng kontrol sa maaari pang mangyari. Ang kanilang determinasyon at mga magagandang plano sa angkan ng mga Grego ay nawala nang parang bula isama pang nasa bingit sila ng kamatayan.
Agad na nagsagawa ng malakas na Technique ang apat na Elder kasama si Amelia.alam nilang malaki ang kapalit nitong Technique na ito lalo pa't isa ito sa delikado ngunit epektibong Technique sa pagtakas. Agad silang nagpormang pabilog at gumawa ng iba't ibang simbolo sa hangin sa bawat pagkumpas ng kanilang mga daliri sa kamay. Ito ay ang secret Technique na iniingatan ng bawat Opisyales at Elders ng Grego Clan, ito ay ang Disperse Teleportation Technique na siyang angkop gamitin sa sitwasyon nila.
"Disperse!" sabay-sabay na sambit ng limang taong nakakubli sa kadiliman kung saan ay nawala na parang bula pagkatapos sabihin ang isang kataga.
"Mga walang hiyang mga Elders ng Grego Clan ang nagpadala ng mga Assassins na ito, humanda sila sa paghihiganti ko at ng buong angkan namin!"
"Kung makakaligtas ako sa kamatayan ngayong gabi ay pupulbusin ko ang mga Grego Clan at wala akong ititira ni isa man sa kanila!" Pagalit na pagkakasabi ng isang angkan na hindi kilala sapagkat napakadilim na parte ito nakakubli.
"Masyadong mapanlinlang ang angkan ng mga Grego sapagkat parang hinatid nila tayo sa kamay ni kamatayan, mga demonyo!" Dagdag pang sabi ng isang di kilalang tao sa ibang parte na malapit sa tarangkahan.
Sa maliwanag na parte ng malaking tarangkahan ng Alchemy Powerhouse Association ay halos lahat ng mga Opisyales ay may hindi kaaya-ayang ekspresyon sa mga mukha nila patunay na halos lahat ay umusok ang galit sa mga Assassins lalong-lalo na sa mga Elders ng Grego Clan.
Samo't saring pang-iinsulto at panlilibak ng mga Opisyales at mga Elders ng ibang angkan sa kanila na mga Grego Clan ang kanilang narinig bago pa sila mawala na parang bula. Bakas sa kanila ang kawalang-pag-asa sa pangyayari nang umabot ito kung saan malaki na ang naging kabayaran sa kanilang padalos-dalos na desisyon dahil sa pagkasilaw sa kayamanan. Kahit anong pagsisisi pa ang kanilang gawin ay wala na silang magagawa pa. Totoo nga ang kasabihang nasa huli ang pagsisisi kung saan ay nalugmok sila sa pinakailalim kung saan ay nawalan sila ng reputasyon at dignidad dahil lahat ng ito ay naibunton sa kanilang angkan ng Grego.
...
"Ha!ha!ha!ha!ha!ha!...!" Malakas na halakhak ng mga Assassins ngunit hindi makita ng maraming Opisyales ng Second at Third Rate Classes ang mga anyo maging ng mukha ng mga ito. Tanging ang nakikita lamang nila ay ang mga dalawang pares ng mga nagpupulahang mga mata na kung saan ay walang mabuting intensyon ang kanilang pagpunta dito.
Kahit ang mga iba't ibang Opisyales ay nagtaka , bakas ang pangamba sa mata nila.
"Ano ang tinatawa-tawa niyo? Nasisiyahan ba kayo sa inyong ginawang pag-atake sa amin? Naguguluhang sambit ng isang opisyales ng Second Rate Class kung saan ay may halong pangamba ang nakaukit sa kanyang bilugang pares na mga mata. Halatang nagtatapang-tapangan lamang ito ngunit dahil sa kuryusidad nito sa kakaibang aksiyon ng mga Assassins ay nagmistula silang mangmang sa kung anong ipinapahiwatig ng halakhak ng lahat ng mga assassins.
"Mga hangal kayo, hindi niyo siguro alam ito ngunit ang kaninang nililibak at binabatilos niyong angkan ng mga Grego ay nakaalis at nilisan na ang lugar na ito, ano pa kayo ngayon? Bwahahaha!!!" Mapangkutyang sabi ng isang tumatayong tagapagsalita ng mga Assassins.
Namayani ang mga halakhak sa tarangkahang bahagi ng Alchemy Powerhouse Association lalo pa't para sa mga Assassins ay mistulang mga batang musmos lamang ang mga tinaguriang mga Opisyales kung kaya't Hindi nila maiiwasan ang pagtawanan ang mga ito.
Pagkagulat ang namayani sa mga bahagi ng mga Opisyales ngunit ng makarekober sila ay pagkamuhi at galit ang unti-unting namuo sa kanilang puso't-isipan lalo pa't sino ba naman ang matutuwa sa kawalang-hiyaang ginawa ng mga Grego Clan. Sila lamang ang tanging nagtagumpay na makaalis sa lugar na ito at batid na nila kung saan ibubunton ang naiimbak nilang poot at pagkamuhi. Naiisip nilang ang Grego Clan ang nasa likod ng mga nagbabadyang paglalaban maya-maya lamang sa lugar na ito.
Naputol ang mga iniisip ng mga Opisyales ng Second at Third Rate Classes ng may naririnig silang tunog ng nagkikiskisang mga metal. Hindi nila batid ang mga tunog ngunit batid nilang dalawang bagay lamang ang maaaring madalas gamitin ng mga Assassins at ito ay ang mahaba at matalas na espada o ang nagtatalimang mga katana. Batid sa lahat ng mga Cultivator ang pagkakaroon ng matinding takot sa nagbabadyang kamatayan nila.
"Natatakot na kayo niyan? Para naman hindi kayo magkaroon ng mga tanong total naman ay mamamatay na rin kayo sa lugar na ito ay sasagutin ko na ang bumabagabag sa mga isipan ninyo. Hindi kami inutusan ng mga mahihina at walang kwentang mga Opisyales o ng mga Elders ng Grego Clan. Mga Uto-uto kasi kaya naloko sila ni Boss, Bwahahaha!!!" Sambit ng tagapagsalita sa grupo ng mga Assassins na may halong pang-iinsulto sa Grego Clan.
Hindi matatawaran ang mga halakhak sa bahagi ng mga Assassins na kung saan ay unti-unti na ring humihina. Lahat ng mga Opisyales na naririto ay nangangamba na sa kanilang buhay at kaligtasan lalo na't mas lumalakas ang amoy ng kamatayan lalo na't batid nilang konting oras nalang ay maliwanag pa sa sikat ng araw na uunti-untiin silang papatayin ng mga ito. Malaki ang lamang sa kanila ng mga Assassins sapagkat silang mga Opisyales ay hindi sanay at gamay sa larangan ng pakikipaglaban.
Ito na ba ang katapusan nila? Paano na ang kinabukasan ng kanilang angkan? Ano ang mangyayari sa susunod nilang mga henerasyon? Gulong-gulo na sila sa mga pangyayaring ito na hindi nila sukat akalain na ang kanilang desisyon ay magdadala sa kanila sa bingit ng kamatayan.