Bago maganap ang napakalaking komosyon sa labas...
Maraming mga Cultivator na siyang mabilis na naglalakad palabas ng teritoryo ng Alchemy Powerhouse Association lalo pa't hindi na sila kabilang pa sa maaaring maging kasosyo o kaibigan ng nasabing mga angkan. Hindi maiiwasan ng mga iba na malungkot at manghinayang ngunit nakagawa na sila ng padalos-dalos na desisyon. Huli na ng mapagtanto nilang hindi nila napag-isip-isip ang kanilang mga naging desisyon lalo pa't malaki ang benepisyong nakukuha nila sa Asosasyong ito ngunit nahikayat sila ng mababang Opisyales ng isang maliit na angkan, ang Grego Clan.
Halos lahat ay nakalabas na at nasa harap na mismo ng Nasabing gate ng Alchemy Powerhouse Association ng may hindi nakakatuwang pangyayari ang kanilang nararamdamang presensiya. Ang masasabi lamang nila ay may mga taong nag-aabang sa kanila na naririto at alam nilang walang mabuting balak ang mga ito bagkus ay nagbibigay takot at pangamba ang mga Opisyales na kapwa rin mga Cultivator ang naririto. Hindi nila alam kung bakit nangyayari ito ngunit isa lamang ang kanilang sigurado, nandito ang mga ito upang patayin sila. Ang mga ito ay walang iba kundi mga Assassins.
Agad na nagkaroon ng hinuha ang mga Opisyales sa mga Assassins at iyon ay mga binayaran ng mga Grego Clan ngunit nanatili lamang silang tahimik.
Walang ano-ano pa'y nagkaroon ng lakas ng loob ang isang opisyales ng isang kaharian.
"Ano ang inyong dahilan upang magparito kayo dito?" Naguguluhang sabi ng isang opisyales na ito. Malakas niya sabi sa patanong na paraan.
Maya-maya pa ay lumabas ang isa sa mga hindi kilalang mga assassin lalo pa't halos balot na balot ang mga ito sa kanilang suot na animo isang magnanakaw. Naging mabilis ang galaw nito lalo pa't biglaan ang paglitaw nito na kahit ang halos lahat ng mga Opisyales na nandito ay hindi masundan ang ginagawang kilos ng misteryosong assassin na ito. Alam nilang hindi ito nag-iisa bagkos ay ramdam nila ang dami ng mga ito. Hindi na itinago ng mg assassins ang kanilang mga awra bagkus ay iniiwan nila ang mga ito bilang palatandaan sa bawat lugar na kanilang inaapakan at kinaroroonan. Naglilikha ang mga ito ng kakaibang ngunit malakas na enerhiyang humahalo sa hangin kung saan nakakaramdam ang iba ng takot at pangamba.
"Ano pa ba ang ipinunta namin dito? Ano ba ang trabaho o propesyon namin?" Sarkastikong sabi ng misteryosong assassin na may halong pagyayabang sa kanilang propesyon.
Natahimik ang Opisyales na ito at hindi na nagsalita pa bagkus ay nagtago ito sa maraming mga Cultivator. Nagkaroon ng mahabang katahimikan sa lugar na ito sa pagitan ng mga Opisyales at ng mga Assassins.
"Diba kayo ang inutusan ng mga Elders ng Grego Clan? Diretsuhin niyo nga kami, ano talaga ang gusto niyo sa pagharang sa dinadaanan namin?" pagmamatapang ng isang di kilalang Opisyales lalo pa't likas na sa personalidad nito ang pagiging prangka lalo pa't sabik na siyang umuwi dahil naghihintay sa kaniya ang kanyang mag-ina. Masyado ng malalim ang gabi at ang pagharang ng mga Assassins na ito ay siyang ikinairita nito. Ayaw na ayaw niyang hinagarangan ang kaniyang dinadaan maging ng gusto niya.
...
Nakita ito ng mga Hunters Department ngunit kabilin-bilinan sa kanila na ipaalam muna ang mga kakaibang bagay o pangyayari bago sila gumawa ng aksyon. Mabuti na lamang at nandito si Mr. V kung kaya't hindi sila makikipag-usap sa mga Department Leaders.
Alam nilang sabik ang mga Sect Leaders maging ng ibang mga miyembro Alchemy Powerhouse Association sa mga labanan kung kaya't siguradong magsasaya ang mga ito at darating ang mga ito dito. Paborito pa naman nilang paglaruan ang mga mayayabang na mga Cultivator at bibigyan ng napakalakas na atake na siyang magpapalubha sa kalagayan ng sinumang Cultivator kung kaya't iniwasan ng mga Hunters Department na makatawag ng atensyon at ayae nilang ang mga Leadr ng bawat Departamento ang haharap sa mga Assassins.
Naiisip pa lamang nila ito ay nakaramdam sola ng awa sa mga ito. Sa larangan ng pisikalan ay siguradong lugi ang mga Assassins lalo pa't ang kanilang istilo ay isang tago o lihim na atake ngunit maitatago ba ang mga ito sa mga miyembro ng Alchemy Powerhouse Association. Kapag nalaman ito ng mga Assassins ay siguradong hindi na sila babalik dito.
Ngunit istriktong ipinatutupad ni Mr. V ang pagkakaroon ng maayos na diskusiyon kung saan ay baka madala ang mga suliranin sa mabuting usapan saka lamang gagawa ng aksyon kung naging malala na ang sitwasyon maging ng agresibong kilos ng Cultivators.
...
Nagkaroon ng mahinang diskusyon ang mga Opisyales sa kanilang kapwa Opisyales maging ng kanilang mga kaangkan na may matataas na posisyon sa bawat lugar na kanoang pinamumunuan. Alam nila ang nais iparating ng isa sa mga maraming mga Assassin na nagmamamtyag sa kanila. Kanina pa nila nararamdaman ang tensyon at masamang layunin ng mga Assassins na ito na maya-maya lamang ay alam nilang aatake ang mga ito ng napakalakas at sobrang kritikal na mga Technique sa kanilang mga kamay.
"Hmmm, edi ang patayin kayong lahat bwahahaha!" Malakas na sambit ng misteryosong assassin na ito na may malademonyong halakhak. Nagbigay ang kanyang salita ng takot sa bawat Cultivator.
Pagkatapos ng kanyang tawa ay siya namang paglipad ng mga matatalas na shuriken maging ng mga dual blades at matatalas na mga kutsilyo bilang pauna ngunit isang kritikal na atake. Bawat matatalim na bagay na lumilipad na ito sa mabilis na oras ay may kasamang mga iba't ibang awra upang mas lalo pang pabilisin at patalimin ang nasabing mga bagay na siysng papatay sa sinumang haharang sa dinaraanan nito.
Kahit na alam ng mga Opisyales na may masamang mga layunin ang pagparito ng mga Assassins ay hindi nila inaasahan na aatake agad ang mga ito sa napaikling oras lamang.
Maraming mga Cultivator ang naglabas ng mga Defensive Technique o mga barrier. Ang iba nama'y sinubukang iwasan ang mga mabibilis at delikadong mga atake ng mga Assassins sa pamamagitan ng pagtalon-talon, paggulong at iba pa.
Krrkkk!!!! Ito ang tunog na maririnig mo sa bawat mga defensive Techniques o barriers na unti-unting nababasag sa pagsangga ng mga malalakas na atake.
Ahhh!!!! Maririnig ang bawat palahaw sa paligid sa harap ng malaking gate ng Alchemy Powerhouse Association sa mga Cultivator na hindi nakaiwas sa mga atake kung saan ay nailagay ang kanilang sarili sa napakakritikal na kalagayan. Halos karamihan sa natamaan ay nasa bandang dibdib kung saan umagos ang napakaraming at napakasaganang dugo sa mga naglalakihan at naglalalimang mga sugat na natamo sa mga matutulis na bagay na ibinato na kung saan ay ginamit sa pag-atake ng mga assassins.
"Arrghh!!!" Rinig na palahaw ng mga Cultivators na siyang mga Opisyales rin ng mga angkan o kaharian. Makikita sa kanialng mga mukha ang iritasyon at galit lalo pa't ayaw na ayaw nilang madaplisan sila o kaya ay magkaroon ng sugat. Matalas silang tumingin sa madilim na parte ng lugar kung saan nagtatago ang mga Assassins. Wala silang magagawa lalo pa't ibubuwis lamang nila ang buhay nila sa wala kung susugod sila ng padalos-dalos.
Makikita sa mukha ng mga nakaligtas sa mga atake ang awa sa kalunos-lunos na sinapit ng kapwa nila mga Opisyales lalo pa't karamihan sa kanila ay mga naging kasosyo o kaibigan ng kanilang angkan o maging ng mga kaharian nila. Makikita sa mukha nila ang halo-halong emosyon at nangibabaw sa kanila ang galit. Mababasan sa bawat isa sa kanila ang pait ng sinapit nila at ang kapwa nila mga Opisyales.
Paghihigante... Ito ang naiisip nilang paraan upang makabawi sila sa kanilang kasalukuyang kalagayan.