Chapter 30 - Catching Up

𝙁𝙡𝙖𝙨𝙝𝙗𝙖𝙘𝙠...

It was Jenneth's first day as a college student in CPRU. Although sa nasabing paaralan niya ginugol ang kanyang high school life, magkaiba naman ang building ng sa college department. Kaya naman nanibago pa rin si Jenneth lalo na at sobrang laki na rin ng CPRU. Parang nasa ibang lugar na nga talaga siya.

Her first class is College Algebra, sa Room 201. Now she doesn't know where Room 201 is. Hindi naman kasi katulad ng sa high school na per year lever ang assignment ng bawat floor. Sa college ay talo-talo. At bukod pa doon, nagsimula na ring i-align ang mga subject sa CPRU. Kung saang college major ang isang subject ay doon mo ito kailangang kuhanin, whatever your course may be. Kaya kahit na BS Medical Technology and course niya at dapat nasa School of Medical Sciences siya ay nasa School of Physical Sciences siya ngayon. Ito kasi ang nag-ooffer ng lahat ng Math subjects sa college department ng CPRU.

Palinga-linga siya sa paligid at pilit hinahanap iyong Room 201, nang bumangga siya sa isang estudyante. Mabuti na lang at nahawakan siya nito dahil kung hindi ay baka natumba na siya.

"O, ingat lang kasi," ang sabi pa ng nakabungguan niya.

Natigilan si Jenneth. Kahit pala lampas isang taon na niyang hindi naririnig ang boses na iyon ay pamilyar pa rin sa kanya. Dahan-dahan niyang tinignan ang mukha ng lalaki, at nakumpirma nga niya ang hinala.

It's Ryan Arcilla!

"Dapat kasi sa daraanan ka nakatingin," ang sabi pa nito, mocking her a little.

Jenneth felt her face blush. Not because of the mockery, but because it was Ryan who said that.

Yeah, she could blush with Ryan saying nothing at all.

"Akala ko kanina kamukha mo lang, eh. Ikaw pala talaga iyan," Ryan said. "Taruc, right? Ex-O."

Tumango si Jenneth. "Jenneth po, Sir."

"Hey! Wala nang 'Sir' at wala ang 'po.' Ryan na lang."

Sobrang saya ni Jenneth sa sinabi ni Ryan. She could not hide the smile on her face.

"Saan ba ang punta mo at parang naliligaw ka yata?" tanong ni Ryan.

"Room 201," Jenneth answered.

"Talaga?" Bahagyang nagulat si Ryan. "Anong klase mo?"

"College Algebra 1," ani Jenneth.

"Oh! Magkaklase tayo!" tuwang-tuwang wika ni Ryan.

Jenneth went blank. Ano daw? Magkaklase silang dalawa?

"Kaya pala kahit ayaw ko eh napilit ko pa rin ang sarili ko na kunin iyang subject na iyan. Kasi pala may makakaklase akong magaling," ani Ryan.

Jenneth frowned. Hindi niya maintindihan ang ibig nitong sabihin, at hindi pa rin siya maka-get over sa katotohanang makakaklase niya ito.

KAKLASE NIYA SI RYAN ARCILLA!

"Last year kasi hindi ko iyan kinuha kasi 'ka ko, walang matuturo sa akin. Busy kasi sina Kenneth at Samantha. Pero naisip ko kunin na siya ngayon kasi nga baka mahirapan ako kung sa third year ko siya kukunin. Eh puro major subjects na kasi next year."

Napatango na lamang si Jenneth. Hindi pa rin siya makapag-isip ng maayos at, if ever man, ano naman ang sasabihin niya tungkol doon?

"Halika! Dito ang magiging klase natin."

Ryan grabbed her hand and Jenneth felt it warm up. It felt as if her arm blushed dahil sa pagkakadikit nito sa balat ni Ryan. Gusto tuloy bawiin ni Jenneth iyon dahil baka maramdaman ni Ryan na exceptionally warm ang bahaging iyon ng kanyang katawan.

But Ryan didn't mind. Nakarating na sila sa kanilang classroom ay nakahawak pa rin ito sa kamay niya.

"Here we are," he told Jenneth.

May mga estudyanteng napatingin sa kanila. Lalo tuloy nahiya si Jenneth. This time, sigurado siyang ang mukha na niya ang nag-init at namula.

"Hey Ryan!" tawag ng isang lalaking estudyante.

"Uy Mark! Dito ka rin pala?" Binitiwan na ni Ryan ang kamay ni Jenneth at pumasok na sa loob ng classroom. Pero bago tuluyang umupo sa tabi ni Mark ay tinignan muna niya si Jenneth, asking her to come in.

Lumapit naman si Jenneth at saka naupo sa tabi ni Ryan, na tumabi naman kay Mark.

"Uy! Girlfriend mo?" tanong ni Mark kay Ryan.

Lalo yatang namula si Jenneth. Napaiwas siya ng tingin upang maiiwas ang mukha niya.

"No, she's a schoolmate in high school. Jenneth."

"Hi Jenneth!" ani Mark sabay ngiti. "Mark." Inilahad nito ang kamay.

Nakipagkamay naman si Jenneth dito. "Hi…"

"First year si Jenneth," ani Ryan kay Mark. "Ano na nga bang course mo?" tanong naman nito kay Jenneth.

"Medical technology," she answered.

"Wow!" Mark said.

"Matalino talaga iyang si Jenneth," ani Ryan. "Ikaw yata ang valedictorian sa batch ninyo, right?"

Tumango si Jenneth. Ibayong hiya ang nadarama niya dahil sa papuring iyon ni Ryan.

"Wow! Ang galing naman," komento ni Mark. "Ako pasang-awa lang sa batch namin."

"Nga pala," ani Ryan kay Jenneth. "Third year na itong si Mark. Hinuli lang niyang kunin ang College Algebra."

"Bakit ba kasi kailangan ng Algebra?" ani Mark. "Saang parte ng BS Biology kakailanganin ang X and Y?"

"Akala ko magkaklase kayo," ani Jenneth sa dalawa.

"Nope, sa English lang last year," ani Ryan. "Seatmates kami kaya naging friends na rin somehow."

Friendly talaga itong si Ryan, Jenneth thought. Obvious naman, kasi siya nga nilapitan nito at sinamahan ngayon sa klase nila. Though nakakalungkot ng kaunti kasi katulad lang pala siya ng ibang friends ni Ryan, kahit papaano ay okay na iyon. Naa-appreciate na niya ang katotohanang pinapansin siya ng lalaking itinatangi.

Pagkatapos ng klase ay umalis na kaagad si Mark. May pasok pa daw kasi siya after noon. Si Ryan naman ay vacant pala niya at after lunch na ang susunod na pasok.

"Ikaw?" Ryan asked Jenneth. "Anong next class mo? Ihatid na kita sa classroom mo at baka maligaw ka na naman."

Hindi na napigilan ni Jenneth ang makaramdam ng kilig dahil sa sinabi ni Ryan. Ang sweet naman noong ihahatid pa siya nito papunta sa susunod niyang classroom. Ang kaso…

"Vacant period ko. Mamayang 12:30 pa iyong next class ko." Nalungkot si Jenneth sa sinabi.

"Talaga? O di sama ka na muna sa akin. One P.M. naman ang next class ko."

Pakiramdam ni Jenneth ay lumukso ang puso niya sa narinig. Iyong akala niya na end of story na para sa kanila ni Ryan for this day ay may overtime pa pala. Makakasama pa niya ito ng mahigit tatlong oras!

"Para may kasama din ako kasi sina Kenneth at Kristine, mamaya pa ang vacant period nila."

Hindi na pinansin pa ni Jenneth iyong katotohanang parang panakip-butas lang siya sa mga kaibigan ni Ryan. Ang impotante ay makakasama pa niya nang mas matagal ang lalaking gustong-gusto niya. And anyway, blessing in disguise na rin iyong makakasama nila sina Kenneth at Kristine. Suddenly, Jenneth felt she is now being inducted into the elite group of Ryan, Kenneth and Kristine.

But it could have been better if Samantha de Vera was there, too.

"Si Sam de Vera nga pala?" Jenneth asked. "Nabalitaan ko nag-Harvard daw siya?"

Halata ang pagkalungkot sa mukha ni Ryan. Suddenly, his happy-go-lucky mood changed.

"Yeah… alam mo naman iyon. Sobrang talino. Sabagay, overqualified naman talaga ang utak noon dito sa CPRU. Pang-international school talaga siya. Pero siyempre, nakakalungkot pa rin."

Ramdam nga ni Jenneth ang lungkot ni Ryan. At nalungkot na rin siya because again, napatunayan niya na espesyal si Samantha de Vera kay Ryan Arcilla.

"Especially for Kenneth," Ryan said. "Sobrang dinamdam niya ang pag-alis ni Sam. He was depressed for half the second semester until summer vacation. Mabuti nga medyo naka-recover na siya ngayon. But even so, hindi na katulad ng dati. Something has changed in him. You can feel he's different from the old Kenneth."

"Sobrang close kasi nila ni Sam dati," sabi ni Jenneth.

Lahat naman ay alam na mag-best of friends talaga sina Kenneth Oliveros at Samantha de Vera. Kahit silang mga COCC trainees nila ay namalas ang kakaibang closeness na iyon.

"Kaya nga hindi na tulad ng dati," Ryan said. "We hang out together still, pero hindi na tulad noong andito pa si Sam. Not only dahil nabawasan kami, but also because nag-iba na talaga si Kenneth. Iniisip ko na lang na people change. Darating ang araw mag-iiba naman talaga ang mga ugali natin. Si Kenneth, naisip ko na lang na napaaga ang change na iyon for him."

Tumango na lamang si Jenneth. Hindi nga siguro naging madali para kay Kenneth ang mawalan ng best friend. Hindi rin naman niya ito masisisi. Noon pa mang nasa first year high school siya, namalas na niya ang kakaibang closeness ng dalawang mag-best friend tuwing nakakasama niya ang mga ito sa pagre-review para sa iba't ibang inter-school competition na sinasalihan nila. Iyon iyong tipo ng friendship na mahihiling mong meron ka din kasi sobrang ganda at sobrang saya noon.

Pero hindi na ngayon. Umalis si Samantha, at kahit na alam naman nila na iyon ay makakabuti sa kanya, hindi pa rin maiwasan ni Kenneth ang ma-depress. Ganoon nga siguro itong nagdaramdam ngayon dahil sa pag-alis ng pinakamalapit nitong best friend.