𝙁𝙡𝙖𝙨𝙝𝙗𝙖𝙘𝙠...
Naging close nga sina Jenneth at Ryan lalo pa at magkaklase sila sa Math. Si Jenneth ang naging tutor ni Ryan, hindi lang sa Math kundi maging sa ibang mga general subjects nito. Dahil doon ay lagi silang magkasama kahit na after school hours. Magkasabay din silang umuuwi dahil hinahatid pa ni Ryan si Jenneth sa bahay nito.
Maging ang nanay ni Jenneth ay napansin ang bagong kaibigan ng anak. Once ay tinanong niya si Jenneth kung nanliligaw ba si Ryan sa kanya. Jenneth blushed and said that he is just a friend. Hindi naman masyadong naniwala si Emilia doon, though hindi na siya nangulit pa.
Noong second semester, hindi na naging kaklase pa ni Jenneth si Ryan, pero dahil nga sa kaibigan na niya ito pati na rin sina Kenneth at Kristine, nakakasama pa rin niya ito tuwing vacant period at after class na rin. Minsan, silang dalawa lang ang magkasama kasi nga sina Kenneth at Kristine medyo nagsosolo na nung time na iyon. Kaya lalo namang naging malapit sina Ryan at Jenneth, at lalo ding nahulog ang loob ni Jenneth kay Ryan.
Ang naging kaklase ulit ni Jenneth ay si Mark. It turns out, pre-med pala nito iyong BS Biology. Nagkukunwari lang itong hindi masyadong matalino, though medyo hirap talaga ito sa Math. At dahil kakilala na niya ito mula noong nakaraang semester, ito ang naging bagong friend ni Jenneth sa mga subjects niya, lalo na at 3 subjects ang pareho nila noong sem na iyon.
Minsan ay hinahatid siya nito sa tambayan nila nina Ryan, Kenneth at Kristine. Minsan pa nga ay napipilit niya itong sumama sa kanila lalo na kapag vacant period din nito. Friend din naman nito si Ryan, so okay lang din sa kanila. Pero nung bandang huli, parang napapansin ni Jenneth na iniiwasan ni Ryan si Mark. Parang sinusungitan niya ito o kaya naman laging binabara.
Minsan ay tinanong ni Jenneth si Ryan tungkol dito.
"May problema ka ba kay Mark?" tanong ni Jenneth. Silang dalawa lang noon sa tambayan nila. Wala sina Kenneth at Kristine at kaaalis lang din ni Mark na nagpaalam na dahil nga sa hindi magandang pakikitungo ni Ryan.
"Nanliligaw ba iyon sa iyo?" sa halip ay tanong ni Ryan.
"Huh?"
"Obvious naman, eh! Iba makatingin sa iyo tapos kapag kausap ka parang nagsa-spark yung mata niya."
Napaisip si Jenneth. Hindi naman niya napapansin iyong mga sinabi ni Ryan.
"Hindi naman," ang sabi na lamang niya. "Wala naman siyang sinasabi sa akin."
Parang lalong nainis si Ryan. "Walang sinasabi, pero yung actions niya masyadong obvious. May gusto sa iyo iyon."
Napatingin na lamang si Jenneth kay Ryan. Bukod sa pagtataka sa inaarte nito, medyo na-offend din siya. Ang dating kasi eh parang wala siyang karapatan na magustuhan ni Mark. Gwapo kasi ito. Above average ang height, maganda ang built ng katawan. Mabait at matalino nga rin. Halos perfect package na.
Samantalang siya, simple lang at hindi pansinin ang ganda. At that time din ay nagsimula na siyang magsalamin. High school pa siya nung magsimulang lumabo ang mga mata niya. Hindi nga lang siya nagsalamin dahil ang sabi nila, kapag nasimulan na daw niya iyon ay tuloy-tuloy na ang paglabo ng kanyang mga mata. Kaya naman nagtiis na lamang siya na makiusap lagi na sa may bandang harapan siya uupo sa klase para makita ng maayos ang mga nakasulat sa blackboard.
Pero hayun na nga. Nung mag-college siya ay nagpasya na siyang magsalamin. At iyon na rin ang dahilan kung bakit lalo syang nagmukhang nerd. Dati na siyang mukhang nerd dahil sa plain at boring na fashion sense niya. Tapos nadagdagan pa ng salamin sa mata.
Kalaunan, maging sa kanya ay parang nag-iba na rin ang pakikitungo ni Ryan. Lalo na nung tuluyan na ngang manligaw si Mark sa kanya. Oo, tama nga ang sabi ni Ryan. Gusto nga siya nito. Somehow, Mark managed to see through that plain and boring personality of hers. Sinabi nito sa kanya na he likes her because she's kind, smart, awkwardly funny it's cute. Hindi malaman ni Jenneth kung paano magre-react doon, pero sabi ni Mark, he's willing to wait naman daw. Patutunayan daw nito na malinis ang intensiyon nito sa kanya.
And it totally severed her friendship with Ryan. Tuluyan na itong nanlamig sa kanya. Nalungkot si Jenneth doon, kasi nga until that time ay may gusto pa rin siya dito. Truth is, another reason why she can't agree with Mark's proposal for her to be his girlfriend is because there's still a part of her that's hoping it was Ryan who will ask her to be his girl. Pero imbes na ganoon ang mangyari, imbes na panliligaw ang i-offer sa kanya ni Ryan ay indifference ang natanggap niya mula dito.
Masaya nga sana na finally, may nakapansin at nagkagusto sa kanya; pero malungkot pa rin siya kasi isang bahagi ng buhay niya ang tuluyang nawawala – ang friendship nila ni Ryan. Minsan ay kinausap niya sina Kenneth at Kristine tungkol doon. Gusto na kasi niyang maayos iyong sa kanila ni Ryan at sobrang nalulungkot na siya sa nangyayari.
"Hindi mo ba napapansin?" tanong ni Kristine sa kanya.
"Ang alin?" Ano ba ang dapat niyang mapansin?
Kristine looked at Kenneth, and the latter just shrugged.
"Hindi ko alam kung ako yung dapat na magsabi sa iyo nito," ani Kristine. "Tsaka wala rin namang sinasabi si Ryan, eh. Hula ko lang ito base doon sa nao-observe ko sa inyong dalawa."
Jenneth frowned.
"Jhing, may gusto sa iyo si Ryan."
Shock is an understatement. Talagang nablangko si Jenneth sa narinig.
"Kaya siya naiinis kasi nagseselos siya," dagdag pa ni Kristine.
"Tama iyon, Jhing," ang sabi pa ni Kenneth. "At bukod doon, naiinis iyon kasi hindi niya alam na nagseselos siya. Basta ang alam lang niya, hindi niya gusto iyong nangyayari sa inyo ni Mark. Medyo may pagka-slow kasi iyon pagdating sa mga ganoong bagay. Tsaka first time din niya kasing ma-in love."
Hindi naman nakapag-react si Jenneth dahil hindi rin niya alam kung ano ang sasabihin o iisipin man lang.
Nagtuloy-tuloy na nga ang panliligaw ni Mark kay Jenneth. Lalo namang naging mas suplado si Ryan sa kanya nang mga sumunod na araw. Nang hindi na nakatiis pa si Jenneth ay kinausap na niya ito.
"May problema ka ba sa akin?" tanong niya.
"Wala. Ano namang magiging problema ko sa iyo?"
"Eh bakit ganyan ka? Bakit ganyan mo ako kausapin?"
"Marami lang akong iniisip."
Jenneth looked at him, and it seems he's telling the truth. Ni hindi man nga lang ito makatingin sa kanya habang gumagawa ng project.
At that moment, Jenneth realized that what Kristine and Kenneth said is not true. Hindi siya gusto ni Ryan. Siguro may kung anong problema lang ito na hindi nito masabi-sabi sa kanila. Baka pressured lang ito sa studies, o kaya naman may problema na naman ito sa parents niya. Ang masakit lang, hindi nito magawang mag-share sa kanya considering na sinabi nitong kaibigan na siya nito.
"Baka gusto mong pag-usapan," aniya dito. Baka sakaling maisipan nitong mag-confide ng problema.
"It's nothing that concerns you."
Medyo nasaktan si Jenneth sa sinabi nito.
"Akala ko kasi magkaibigan na talaga tayo. Hindi pa pala."
She knew there was pain in her voice as she said that. She knew Ryan stopped at whatever he's doing upon hearing her say that. She didn't bother hiding it. She's hurt at his indifference and disappointed at how their friendship turned out to be.
Hinayaan na lamang niyang manligaw si Mark. Alam niyang mali na gawin itong reason para maka-recover sa feelings niya kay Ryan, pero wala na siyang choice. Kung wala siyang gagawin, baka hindi maalis iyong nararamdaman niya para kay Ryan na wala namang kapag-a-pag-asa. Ni hindi na nga ito tumitingin man lang sa kanya.
Lumipas ang mga araw. Nag-Christmas vacation sila na pinagpasalamat ni Jenneth dahil hindi niya kailangang pakiharapan si Ryan. Hindi pa sila okay bago sila maghiwa-hiwalay para sa bakasyon na iyon. Hanggang sa pumasok na sila ulit ay hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo nito sa kanya. Kaya naman nagulat siya nung bigla na lamang siyang tawagan nito at imbitahin siyang dumalo sa birthday party ng daddy nito.
"Bakit ako?" tanong niya nang sabihin nito ang imbitasyon.
Silence. Hindi alam ni Jenneth kung ibababa na ba niya ang telepono, o hihintayin niyang magsalita ulit si Ryan upang sagutin ang tanong niya. Hindi na lamang siya nag-react at hinayaan ang lalaki na sagutin ang tanong niya.
"Siguro kasi… alam kong maiintindihan mo ako."
Napaisip si Jenneth. So dahil pala iyon sa family background nila kaya ganoon. Akala pa naman niya may ibang dahilan. Akala niya may espesyal na dahilan si Ryan kaya siya ang inimbita nito.
"Ryan, wala naman akong kakilala diyan sa mga kamag-anak mo."
"Please, Jhing. I just need someone to be with me."
For the first time ay nadinig niya itong magmakaawa ng ganoon. For the first time ay nadinig niya itong makiusap. Mukhang seryoso nga ang paghingi nito ng tulong. Kaya naman nagpaubaya na lamang si Jenneth sa hiling nito.
Pumunta siya sa party, at pagdating pa lang niya doon ay sinalubong na siya kaagad ni Ryan. Talagang hinintay siya nito sa may harapan ng gate nila.
"I'm so glad you came." Gratefulness is evident in that handsome face of him.
"Ganoon ba kalala para mangailangan ka ng back up?"
Ryan nodded shyly. Ramdam ni Jenneth ang nararamdaman nitong discomfort dahil sa sitwasyon.
"O sige, halika na."
Pumasok na sila sa venue, sa bahay mismo ng mga Arcilla. Pagpasok pa lang ni Jenneth ay ramdam na niya ang unwelcomeness ng mga tao sa paligid. Ipinakilala siya ni Ryan sa mga magulang nito. The father smiled, but the mother gave them a sullen look.
Iyong mga kapatid ni Ryan, medyo okay naman. Friendly naman pero ramdam mo pa rin na andun yung reservation. For a moment, Jenneth thought that it was about her own life story and not Ryan's. Hanggang sa ma-witness niya mismo kung paano siya i-address ng ibang mga guest na naroon.
"Ah, siya na ba iyon?"
Obviously, they are referring to Ryan being the love child of his father to 'the other woman.' Hindi lang iyon. Pansin ni Jenneth na may ibang mga nagbubulungan at nakatingin kay Ryan. Minsan napatingin siya sa mga ito at dali-daling nag-iwas ang mga ito ng tingin sa kanya. Obvious na si Ryan ang pinag-tsitsismisan.
"Akala ko ba close friends lang ang may alam?" she asked him nung makapag-solo silang dalawa.
"Well, my parents have a lot of close friends. Kalaunan hinayaan na nilang lumabas ang totoo. Siguro kasi nasanay na lang din sila. Namanhid na sila na may isang sampid sa buhay nila."
Jenneth looked around. Tama nga si Ryan noon. Iyong parang napaka-perpekto ng mundo ng mga taong naroon, tapos heto si Ryan na isang anak sa labas. Anak sa pagkakasala. Hindi man tahasan ay dini-discriminate siya ng mga ito.
"Hindi ko alam kung bakit nagtitiyaga ka sa ganito." Jenneth looked at him. "Why do you still come?"
"I guess I have no choice," ani Ryan. "I live here, so I have to be here."
"Siguro nga…" She looked down. "Hindi ka na galit sa akin, ha?"
Ryan looked at her, quite dumbfounded.
"Sorry…" ani Ryan nang makabawi na.
"Okay lang. Basta, huwag mo na akong sungitan."
Ryan smiled. "Promise, hindi na."
That look on his eyes made Jenneth stare at him. That was the first time he looked at her like that. It's that look that makes her heart beat faster, that sends her some weird feelings on her stomach. She looked away to stop whatever feeling is starting to overwhelm her.
"Jhing…"
Jenneth did not dare look. Parang lalong bumilis ang tibok ng puso niya nang mga sandaling iyon.
"I hope… I hope you'll be here again next year… for me…"
She looked at him and saw those begging eyes of him. She smiled.
"Oo naman."
Ryan smiled gladly at her.