Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

A Love That Started With Him

🇵🇭_roseandtulips31_
--
chs / week
--
NOT RATINGS
2.6k
Views
Synopsis
May isang babae na pangarap na makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo para matulungan pa ang kanyang kapatid. Siya si Mirabella Trinidad at isang Business Economics student. Matalino at masipag na babae si Mirabella kaya marami rin siyang manliligaw mula noong high school hanggang sa magkolehiyo subalit wala man lang siya natipuhan sa mga ito at prayoridad niya muna ang kanyang pag-aaral. Nagbago lamang ang lahat simula nang nagkakilala at naging kaibigan ang kanyang Math professor na si Jaxton Villareal. Ang binata mismo ang nagpakita ng interes sa kanya hanggang sa unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Mirabella rito. Ayaw ng dalaga na magkaroon ng isyu, masira ang kanyang reputasyon at mawala sa kanya ang scholarships kaya't napagdesisyon niyang lumayo at umiwas na sa binata ng walang paalam. Lumipat ng panibagong eskwelehan si Mirabella at dito naman niya nakilala ang masungit na volleyball player na si Gian Rivera ng nasabing unibersidad. Paglipas ng mga buwan, nagkita muli sina Mirabella at Jaxton na hindi nila inaasahan. Dito mas naging masugid sa panliligaw ang binata sa kanyang dating estudyante at sa huli sinagot siya nito. Ngunit, hindi nagtagal ang kanilang relasyon nang kumalat ang isyu tungkol sa kanilang dalawa. Masakit man para kay Mirabella, nakipaghiwalay pa rin siya kay Jaxton alang-alang sa kanyang reputasyon at scholarships. Hindi sumuko sa kanya ang binata at patuloy pa rin ito na umasa subalit tumigil si Jaxton nang sabihin ni Mirabella na sa tuwing nakikita niya ito, naalala ng dalaga ang mga hindi nangyari sa kanya noon. Tumigil ang mundo ni Jaxton na dahilan para umalis siya sa kanyang propesyon at lisanin ang lugar na kasabay ng pagsimula niya ng panibagong buhay.
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1

Chapter 1

Bakas sa mukha ni Jaxton ang ngiti sa mga labi matapos ang kanyang klase. Ito na ang tamang panahon para sa kanya ang gumawa ng 'moves' para sa kanyang estudyante na si Mirabella. Matagal na niya itong nagugustuhan at ngayon lang siya naglalakas-loob na magpakita ng interes rito.

Napansin niyang tangi siya na lamang at kaibigan nitong si Sandy ang naiwan sa loob ng classroom. Magsasalita na sana siya nang marinig niya muling magsalita si Sandy.

"Wala ka bang balak sagutin isa sa mga manliligaw mo, Mira?" mahina lamang ang pagkakasabi pero dinig pa rin ni Jaxton ang kanilang pinag-uusapan.

Balita nga sa campus na maraming lalaki na nagkakagusto kay Mirabella subalit puro pagtanggi lamang ang kanyang nagiging sagot. Hindi akalain ng iba binasted din nito ang isa pinakasikat at gwapo sa kanilang unibersidad na si Erik Chrisostomo.

"Wala akong natitipuhan sa kanila." sagot ng dalaga sa kaibigan habang abala pa rin ito sa pagsusulat ng lectures na sa blackboard.

"Hays. Babae ka ba talaga, girl?" muling saad ni Sandy dahilan para tumigil sandali si Mirabella sa kanyang sinusulat.

"Baliw!" kinurot niya sa pisngi ang kaibigan dahil sa kadaldalan nito at hindi niya naiwasan napatitig sa kanyang Math professor na di pa pala umaalis. "Ayaw ko lang kasi kanila, gets mo?" tinuloy niya muli ang pagsusulat at malapit na rin siya matapos. "Teka, tapos ka na ba magsulat?"

"Oo, kanina pa at hinihintay na lang kita na matapos." mabilis na sagot ni Sandy kay Mirabella. Napansin rin niya si Jaxton na may ginagawa ito sa kanyang table.

"Nandito pa pala si Sir! Akala ko kami na lang dalawa na nandito." bahagya niyang nilakasan ang boses para marinig siya ng professor.

"Pasensya na kung di ko sinasadyang marinig ang kwentuhan niyo." Nakangiting sambit ni Jaxton na ikinagulat naman ni Mirabella. Inabutan tuloy siya ng pagkahiya nang marinig iyon ng kanilang professor.

"Anyway, gusto ko sana kayong yayain kumain sa cafeteria. My treat?"

Nagtinginan sina Mirabella at Sandy sa biglaang pagyaya sa kanilang ng kanilang guro na kumain ng lunch kasama ito. Ilang segundo pa lumipas bago nagsalita ang isa sa kanila.

"S-sige po, Sir." medyo nahihiyang sagot ni Sandy rito at tinawanan sila ni Jaxton.

Nang matapos ni Mirabella ang kanyang sinusulat, nagmadali na rin siyang nagligpit ng kanyang mga gamit dahil ramdam na niya ang pagkulo ng kanyang sikmura. Sabay-sabay silang lumabas ng classroom saka naglakad patungo sa pinakamalapit na cafeteria.

"May klase pa ba kayo mamaya?'' tanong ni Jaxton habang tinatahak nila ang daan patungo sa lugar na kung saan sila kakain ng lunch.

"Wala na po, Sir. Kayo na po ang last subject namin sa araw na ito." Sagot kaagad ni Sandy.

"Ako may klase pa mamaya. Saan ang punta niyo pagkatapos?"

Maya-maya ay nakarating na sila sa isang cafeteria at nakaagaw sa kanilang atensyon ang pagtitinginan ng mga ibang estudyante sa kanila. Dahan-dahang umupo si Mirabella kasama ni Sandy habang nanatili lamang nakatayo sa Jaxton.

"Anong gusto niyong kainin?" tanong nito sa kanila.

"Kahit ano na lang po, Sir Jax!" nahihiyang saad ni Sandy.

Mga ilang sandali pa ay nakalatag na rin ang pagkain na inorder ni Jaxton. Kumain na kaagad sila. Panay ang pagsulyap ng binata sa dalaga pero nang mapansin nito nakatitig siya kaagad itong umiwas. Mas lalong di mapalagay si Mirabella sa kanyang kinauupuan.

Katatapos lang nila kumain at si Mirabella ang nahuli sa kanila. Nagkwentuhan laman sila sa cafeteria sa loob ng maikling oras na iyon hanggang sa malapit ng matapos ang lunch break. Napagdesisyon na rin ni Jaxton na yayain na ring lumabas ang kanyang dalawang estudyante.

"Sige, mag-iingat kayo sa pag-uwi.'' Nagmamadaling pahayag ni Jaxton kina Mirabella at Sandy dahil ilang minuto na lang ala-una na ng hapon. May kalayuan pa naman sa kanilang pinagkainan ang classroom ng BS Human Resources Management-Block F at kailangan mo pang umakyat pataas para makapunta roon.

Nagpaalam muna sa isa't isa sina Mirabella at Sandy dahil kapwa papunta na sila sa kanilang destinasyon. Isa sa kanila ay may naghihintay ng sasakyan at isa naman ay nag-aabang ng masasakyang taxi papunta sa coffee-shop na pinagtatrabuhan niya.

Ala-sais na ng gabi ng nakakauwi ang dalaga sa kanilang bahay buhat sa trabaho. Bandang ala-singko ng hapon kasi ay mabigat na ang traffic sa kanyang dinaraanan.

Pagdating sa kanilang bahay ay nakaramdam siya ng kaunting pagod sa trabaho at sa pagbiyahe. Tutungo na sana ito sa kwarto nang bigla siyang tawagin ng pabalang ng kanyang step-father. Lasing nanaman ito dahil sa paika-ika siyang naglalakad palapit kay Mirabella.

"Hoy, akin ang pera mo!" sigaw nito sa kanya. Walang inabot si Mirabella rito dahil tanging bente pesos na lamang ang natira sa kanyang allowance ngayong araw. Akala nito ay nagsweldo na siya. "Akin na sabi ang pera!"

"Bente-pesos na lang po natitira kong pera, Tito Carlosin." sagot kaagad ng dalaga sa kanyang takot. Sinamaan siya nito ng tingin at marahas na inagaw sa kanya ang bag at muli siyang sinigawan pa nito. "Nasaan ang pera? Bilis!''

Nanginginig sa takot si Mirabella baka saktan nanaman siya ng kanyang step-father na walang ginawa kundi humingi sa kanya ng pera. Mabuti na lamang tinulungan siya ng kanyang mabait na amo na gawan ito ng bank account na kung saan doon niya lahat ilalagay ang mga perang kinikita niya sa trabaho pati iyong sa scholarships niya.

Naikwento kasi iyon ng dalaga sa kanyang amo pati sa mga kasamahan niya sa coffee-shop tungkol sa pagmamalupit sa kanya ng kanyang step-father at pagkukunsinti naman ng kanyang ina rito na walang ginawa kundi murahin siya. Dahil hanggang ngayon sinisisi siya nito sa pagkamatay ng kanilang ama noon.

Mabuti na lamang kahit papaano ay nakakalibre siyang pamasahe papuntang eskuwela dahil napapansin kasi ng tricycle driver kung gaano inaabuso si Mirabella at inaalipin sa kanilang tahanan. Ito ang napakalaking pasasalamat niya dahil may mga taong mabubuting loob pa ring nakakapaligid sa kanya.

"Hindi mo sasabihin?" saad ni Mang Carlosin sa dalaga nang may pagbabanta.

Mangiyak-ngiyak na si Mirabella sa takot na kanyang nararamdaman.

"Peste, bakit ito lang? Nasaan ang iba mong pera?" nilapitan siya nito at hinablot ang kanyang bulsa kung may itinatago pa siyang pera roon subalit nabigo ang lalaki kaya pinanlisikan niya ng mata si Mirabella at sinuntok nanaman ito sa tiyan.

Napadaing sa sakit ang dalaga kaya di na niya mapigilan ang lumuha. "Ibigay mo na kung ayaw mong triplihin ko pa 'yan!''

Wala siyang inabot rito kaya muntik nanaman siya masuntok ng kanyang step-father. Mabuti na lang biglang dumating ang ina nito na mukhang galing nanaman sa sugal.

"Anong iingay nanaman ba 'yan, hon?" Napatitig ang ina kay Mirabella at maging sa asawa nito.

"Kasi itong anak mo, ayaw akong bigyan ng pera." Nilapitan ni Aling Gloria ang dalaga at marahas ding hinawakan ito sa braso.

"Aba, aba maramot ka na ngayon ah! Pasalamat ka dito ka namin pinapalamon at pinatitira kung makaasta sino."

Sa halip na sumagot si Mirabella, tumakbo siya nang mabilis palabas ng kanilang bahay. Hindi na niya kaya ang pagmamaltrato sa kanya ng magulang. Hinintay niya munang makatulog ang mga ito bago siya bumalik sa kanilang bahay na kasalukuyan na niyang ginagawa. Kapag umaga mas maaga pa sa kanya umaalis ang mga ito para makipag-inuman sa mga lasinggero din si Mang Carlosin habang ang kanyang ina naman ay lumalabada sa kabilang barrio at kapag natapos pupunta ito sa pasugalan.

Kinabukasan. Pagkatapos ng kanilang klase muli silang niyaya ni Jaxton na sabayan sila sa pagkain ng pananghalian.

"Sir, di kaya po nakakahiya naman sa ibang classmates namin na kami lang niyayaya at nililibre niyo sa lunch?" saad ni Sandy na sinang-ayunan naman ni Mirabella.

"Oo nga po, Sir." Napaisip ang binata roon sa sinasabi ng mga ito. Actually, hindi siya namimili at nagkakataong nakalimutan lang niya yayain ang lahat ng nasa Business Economics- Block A. Kasi, ang Block D niyaya niya itong kumain ng merrienda sa hapon.

"Nakalimutan ko lang kasi sabihin pero bukas sasabihin ko sa kanila."

Ayaw kasi ni Mirabella na may ibang iniisip ang ibang estudyante dito sa kanila kaya minabuting ipinaalam nila iyon sa kanila professor. Kapag marami sila, wala ng ibang iisipin ang ibang mag-aaral rito.

Nagkwentuhan at nagbiruan lamang silang tatlo habang nagpapahinga sa kanilang kinain. Medyo nasanay na rin si Mirabella sa presensya ng kanilang guro na kahapon ay nahihiya pa siya. Masasabi niyang nakakatuwa itong kasama at mawawala ang kanyang problema sa bahay.

"Uuwi na ba kayo pagkatapos ng lunch?" tanong ni Jaxton kina Mirabella at Sandy.

"Oo, Sir pero si Mirabella hindi pa." Napakunot ang noo ng binata sa naging sagot ni Sandy.

"Why? Don't tell me na....." hindi natuloy ang sasabihin ni Jaxton nang biglang sumagot si Mirabella.

"Ah, Sir meron akong partime job pagkatapos ng klase." May halong pag-alala at tuwa ang nararamdaman ng binata para sa dalaga. Nag-alala siya na baka mapabayaan nito ang pag-aaral dahil sa pagtatatrabaho at na-impressed naman siya kay Mirabella dahil napakasipag nitong estudyante.

"Nagtatrabaho ako sa isang coffee-shop tapos minsan, ala-sais na ng gabi ako nakakauwi lalo na kapag maraming customers at nagpapa-extend ng thirty-minutes ang manager namin."

"Paalala lang. Huwag mo masyadong pagurin ang sarili mo sa katatrabaho baka di ka na makapag-focus sa pag-aaral."

Na-touch naman si Mirabella sa sinabi ng kanyang professor dahil kahit papaano may taong nag-alala sa kanya at nagpapalala.

"Nako si Mirabella? Strong woman ata 'yan." Pagpupuri pa sa kanya ni Sandy at napangiti siya roon.

Dahil sa narinig ni Jaxton, mas lalo niya pang nagustuhan si Mirabella kaya di niya namalayan na napapatig siya rito ngunit kaagad siyang umiwas.

"Sakto lang. Kailangan ko lang kasi kumayod habang nag-aaral. Alam mo naman ang sitwasyon ko di ba?"

Napatigil saglit sa pag-inom ng softdrinks si Jaxton sa sinabi Mirabella. Anong meron bakit kailangan niya kumayod ng kumayod habang nag-aaral. Alam niyang mahirap lamang ito pero iba ang naririnig niya sa tono ng boses na binitawan ng dalaga. Gusto pa sana niya tanungin ito pero nawawalan siya ng lakas ng loob pero balang araw malalaman din niya iyon.

Kinabukasan. Niyaya na nga ni Jaxton ang lahat ng kanyang estudyante sa Block A na kumain ng lunch kasama siya.

"Talaga, Sir?" Natutuwang-saad ng mga ito.

"Akala namin sina Sandy lang at Mirabella gusto mong yayain eh." Dagdag pa nito.

"Nakalimutan ko lang sabihin sa inyo nakaraan." Sagot ni Jaxton habang nagliligpit siya ng kanyang gamit sa pagtuturo.

Mga ilang sandali ay nagsilabasan na ang mga ito sa classroom at diretso silang nagtungo sa isang cafeteria na mas malaki sa kinainan noon kasama si Sandy at Mirabella.

Mas nauna ang mga ito kaya't naiwan sina Mirabella at Jaxton. Nagpaalam kasi si Sandy na tutungo itong CR kaya silang dalawa ang natirang naglalakad pa lamang palabas ng silid-aralan.

Napansin ni Jaxton na tahimik ang dalaga at pilit lamang ito ngumingiti kapag kinakausap kaya't hindi na siya ngdalawang-isip na tanungin ito.

"Are you, alright?"

Sa tanong niyang iyon ay biglang nagulat si Mirabella sa kanya at napatitig.