Chereads / A Love That Started With Him / Chapter 2 - Chapter 2

Chapter 2 - Chapter 2

Chapter 2

Hindi alam ni Mirabella kung ano isasagot sa tanong ng kanyang propesor lalo na ayaw niyang pag-usapan kahit kanino ang tungkol sa kanyang mga problema sa kanilang bahay. Mas pinili na lamang niya ang magsinungaling rito.

"Oo naman, Sir. Napuyat lang ako kagabi sa dinaming tinapos na assignments." Hindi niya magawang makatingin sa binata ng diretso.

"Ok, basta if you have any problem please don't hesitate to ask." Napangiti naman siya ng kaunti sa sinabi nito sa kanya. Bihira na lang kasi ang may guro na sa kolehiyo na ganito kabait at may malasakit sa kanyang mga mag-aaral.

Nabalutan ng ingay ang cafeteria dahil sa usapan ng mga kaklase ni Mirabella kasama na roon si Sandy. Nakikisabay rin si Jaxton sa mga ito habang tahimik lamang na nanonood si Mirabella sa kanya.

Pagkatapos ng lunchbreak, nagpaalam na rin si Jaxton sa kanyang mga estudyante dahil may susunod pa siyang klase. Samantala, nagpaalam na nag ilan sa mga taga-Block A Business Economics. Tanging si Sandy na lamang at Mirabella ang naiwan roon.

"Ok ka lang ba, seatmate?" Iyan ang tawagan nila kahit nasa labas na sila ng classroom.

"Oo…" hindi siguradong sagot ni Mirabella sa kanyang kaibigan.

"Pansin ko kasi ang tahimik mo kanina pa eh kaya kami ni Sir Jax nag-alala na sa'yo." bakas kay Sandy ang pag-alala sa kaibigan.

"Inaantok lang ako kasi napakaraming kong tinapos na gagawin." Pagsisinungaling niya muli sa kaibigan.

"Ikaw naman kasi hindi muna magpahinga at mag-leave sa work mo." Panenermon sa kanya ni Sandy subalit wala siyang choice kundi kumayod talaga para sa kanyang pag-aaral.

"Di ako makakapagtapos sa pag-aaral kung hindi ako magtatarabaho. Iyong scholarships na nakukuha ko pambayad lamang 'yon sa tuition natin." Paliwanag ni Mirabella pero napilitan lamang si Sandy na sumang-ayon na lang sa sinasabi ng kanyang kaibigan kasi di niya kayang makipagtalo rito dahil magaling magdahilan ito.

LUMIPAS PANG MGA ARAW. Nanatlli pa rin ganoon si Mirabella pero nagawa niyang makipakwentuhan sa kanyang mga kaklase para kahit papaano ay mabawasan ang nararamdaman niyang pagod.

"Goodbye, Sir Jax mauna na kami." saad ng isa sa mga kaklase ni Mirabella na si Bruno.

Nginitian niya mga ito at kinawayan niya, "Mag-iingat kayo sa pag-uwi."

Unti-unti ng nagsisialisan ang mga ito, "Thank you, Sir Jax sa libre at susunod kami naman manglilibre sa inyo." cool na sambit ni Kenneth at nakipag-apiran pa ito sa mga barkada.

"Huwag na. Itago niyo na lang 'yan." Pagtanggi ni Jaxton sa mga ito.

"Tama sila, Sir Jax." aniya ni Sandy. "Nahihiya naman po kami sa inyo na ilibre niyo kami parati tapos wala kaming counting part di ba?" sandali itong tumitig sa ilang mga kaklase.

"Eh basta. Hayaan niyo lang ako. Dito ako nagiging masaya na nakakatulong sa ibang tao." giit ni Jaxton. Malaki naman ang kinikita niya sa pagtuturo. Single siya at lalong wala siyang pinaglalaanan masyado ng pera dahil puro nasa abroad ang kanyang pamilya at siya na lang narito sa Pilipinas upang ipagpatuloy ang pinili niyang propesyon.

Hindi na rin nakapalag ang mga ito sa kanyang guro kaya napatango na lang silang lahat.

"Sige, Sir Jax mauna na rin kami. Kita kits ulit bukas."

"Huwag niyong kalimutan pag-aralan mag-review. Magbibigay ako ng quiz tomorrow."

Maya-maya ay nagpaalam sandali si Sandy kay Mirabella na pupunta muna ito ng CR.

"Huwag ka ng sumama. Madali lang ako. Sige na." Nagmamadaling pahayag ni Sandy sa kaibigan dahilan para pagdilatan ng mata ni Mirabella ito.

"Ah, Sir di pa po kayo pupunta sa klase niyo?" naiilang na tanong ng dalaga kay Jaxton.

"Magpapa-late ako sandali."

Napailing-iling sa paligid si Mirabella dahil parang gusto nanaman siya kausapin ng guro tungkol sa kalagayan niya.

"Gusto ko kasi ikaw tanungin kung mayroon kang problema na iniisip sa bahay niyo." Napatitig siya kanyang propesor matapos marinig iyon pero kaagad niya inalis ang paningin rito.

"Wala ka dapat ipag-alala. Ayos lang ako."

"Are you sure?" paninigurado ng binata na hinihintay niyang sumagot si Mirabella nang nakatitig sa kanya ng diretso.

"Yes na yes, Sir." Pinilit ng dalaga na tumingin ng diretso kay Jaxton kahit labis ang kaba na kanyang nararamdaman dahil di siya kumportable na magkwento kahit kanino maliban sa kanyang bestfriend na si Chloe.

"Are you really sure…." Naputol ang sasabihin ni Jaxton nang biglang lumitaw sa kanilang usapan si Sandy.

"Mukhang seryoso ang usapan niyo Sir ah." puna nito habang paupo mula ito sa tabi ni Maribella. "Ano pinag-uusapan niyo ni Sir?" tanong naman niya sa kanyang kaibigan.

Ngumiti lamang si Jaxton bilang saad at siya na mismo ang nagsalita, "Pansin ko kasi mukhang di ok si Mirabella kaya tinanong kung mayroon siyang problema." Napailing-iling ang dalaga sa kanyang naririnig. "Sabi niya ayos lang siya."

"Ah eh paano hindi magiging ok 'yan, masyado niyang nilulunod ang sarili sa trabaho, Sir Jax." Sa sagot ni Sandy nagawang sitahin siya ni Mirabella. "Di ba totoo?"

"Di mo kasi naiintindihan eh!" Naiinis ng tugon ng dalaga dahilan para magkaroon sila ng pagtatalo at pumagitna sa kanilang usapan si Jaxton.

"Hey. hey. Easy. Huwag kayo mag-away. Sinabi ko lang naman kung ano ang totoo." Bakas ang pag-alala ng binata nang mapatitig siya kay Mirabella. "Pero, Miss Trinidad dapat huwag mong pabayaan ang sarili mo. Like what I said earlier huwag mahihiyang humingi ng tulong."

"Pasenya na Sir wala lang kasi ako ibang maasahan sa amin para maitaguyod ko ang pag-aaral."

Kaunti na lamang ang oras ang natira kay Jaxton para makapagturo sa ibang block. Ililibre na lang niya ulit ang mga ito para makabawi siya. Di siya mapalagay sa nakikita niya kay Mirabella. Nais niya itong tulungan subalit tumatanggi lamang ang dalaga.

SA KABILANG DAKO, dagsaan ang mga customers sa isang coffeeshop na pinagtatrabuhan ni Mirabella. Kaya naman naka-focus lamang sa trabaho ang dalaga at iniinda niya lamang ang nararamdamang problema sa bahay lalo na kailangan niya ang kumayod para sa kanyang pag-aaral.

"Sinabi ko na sa'yo, Mira magleave ka na muna ngayon. Tignan mo nga 'yang sarili mo." saad ni Chloe na isang pinakamatalik na kaibigan ni Mirabella.

"Kaya ko pa naman eh. Don't worry." Mahinahon pa ring tugon ng dalaga rito kahit nakakaramdam na siya ng pagod.

"Ganyan ka naman lagi, tzk." reklamo ni Chloe. Siya ang supervisor ng Memontori Café at ang pinsang-buo niyang si Alfred ang nagmamay-ari nito. Alam nila ang sitwasyon ni Mirabella kaya di nila gaano ito inoobliga sa loob ng coffeeshop since tama naman ang bilang ng kanilang workers. Sadyang matigas lang talaga ang ulo ni Mirabella.

Hinatid na lang ni Chloe ang kaibigan kahit ilang beses na itong tumanggi sa kanya lalo na magdidilim na rin at halatang pagod si Mirabella. Sandali lamang ang biyahe kaya't nakarating kaagad silang dalawa sa bahay ni Mirabella.

Wala na sanang balak bumababa si Chloe pero nang makita niya si Mirabella na minamaltrato ito ng kanyang step-father at tunay nitong ina, bigla siyang napalabas ng sasakyan at sugurin iyon.

"Ikaw, saan ka nanamang nagsusuot na bata ka! Kanina ka pa namin hinahanap para mabigyan mo akong pantaya sa sugal ngayon. Bwisit! Anong oras na!" galit na galit na saad ng ina ni Mirabella sa kanya. "Kahit kailan wala ka talagang silbi." Dugtong pa nito.

"Bakit pa kasi hindi mo na lang 'yan palayasin dito sa bahay!" sambit naman ng kanyang step-father.

Lumuluhang pinanonood lamang ni Mico ang kanyang ate kung paano ito saktan ng kanyang magulang.

Gusto niyang ipagtanggol ito ngunit naninibabaw sa kanya ang takot lalo na kay Mang Carlosin na halos sinusuntok rin siya nito kapag siya nagkakamali.

"Tanga ka ba? Kakailanganin pa rin natin siya at bakit natin paalisin? Saka na kapag wala na tayong mahuhuthot na pera sa kanya." Gigil na gigil na pahayag ni Aling Gloria sa kanyang anak. "Ano hinihintay mo, nasaan ang pera?"

Halos maluha-luha na si Mirabella habang kausap niya ang mga ito. "Wala po akong dalang pera."

"Peste. Hindi mo ba ibibigay? Sasamain ka sa'min!" naghahasik ang mata ni Carlosin sa inis.

"Di ka talaga nadadala eh ano?" dagdag naman ng kanyang ina. "Kung ayaw mong mangyari nanaman sa'yo ibigay mo na sa amin ang pera mo." Marahas na hinila ng ina ni Mirabella ang kanyang braso at kinuha ang kanyang bag pero ayaw iyon ibigay ng dalaga kaya nasampal nanaman siya nang malakas sa kanang pisngi.

"Ano, ayaw mo?" Akmang susuntukin na nanaman siya nang amain nang biglang sumigit si Chloe sa kanila.

"Tama na po 'yan." agarang pagtatanggol ni Chloe kay Mirabella gamit ang mga braso nito kasabay niyang titigan ang magulang ng kaibigan. "Hindi tama 'yang ginagawa niyo!"

Tinawanan lamang siya nina Gloria at Carlosin. "Pwede ba huwag kang makialam sa problema ng ibang pamilya?"

"Ang lakas ata ng loob mong manghimasok. Kung ako sa'yo umuwi ka na sa inyo, bata." Tila naglalaway ang amain ang amain ni Mirabella habang nakatitig ito kay Chloe.

"Hindi. Sasamahan ko si Mira."

"Chloe, umuwi ka na sa inyo gabi na. Kaya ko 'to." Bulong ng dalaga habang nasa likod siya ng kanyang kaibigan.

"Hindi ako aalis, Mira."

Muling humalakhak sina Gloria at Carlosin.

"Mukhang matapang ang batang 'to. Di niya alam kung sino kinakalaban niya." saad ni Mang Carlosin.

"Chloe…" muling pakiusap ni Mirabella pero di siya pinakinggan ng kaibigan.

Matalim na tinititigan ni Chloe ang magulang ng kanyang kaibigan. "Di ako makakapayag na saktan ka nila ulit, Mira." Bulong niya pero naririnig pa rin iyon ng mag-asawa. "Kung balak ka pa nilang saktan ngayon, tatawag ako ng abogado para sampahan sila."

"Huwag, Chloe." Hinawakan ni Mirabella sa braso ang kaibigan.

"Ano ka ba Mirabella! Hindi nila ito titigilan hangga't di natin sila idedemanda sa ginagawa nilang pananakit sa'yo." Pilit na iginigiit iyon ni Chloe dahil ayaw niyang masaktan ang kaibigan.

Maya-maya hinila ni Chloe si Mirabella palayo sa mag-asawa na iyon at huminto sila saglit.

"Chloe…" sambit ng dalaga.

"Sa hotel muna tayong matutulog na dalawa hangga't di ako nakakahanap ng tutuluyan mo." Natigilan saglit si Mirabella sa kanyang narinig.

Tinignan niya si Chloe ng nakakalitong tingin. "Ilalayo na muna kita doon sa magulang mo, Mira para maturuan sila ng leksyon." paliwanag ng kaibigan ng dalaga.

"Pero, Clo…" kaagad nagsalita ito kaya di natuloy ang sasabihin ni Mirabella.

"Wala ng pero, Mira. Bukas kakausapin ko si Kuya Alfred dahil ang kapatid niya ay isa nagmamay-ari ng apartment at doon ka muna tutuloy."

Napabuntong-hininga si Mirabella sa naging pahayag ng kaibigan. Bigla siyang nakaramdam ng pagkahiya rito. Kaya naman muli siyang tumanggi sa alok nitong tulong. Napansin iyon ni Chloe ang biglang pag-atras niya.

"Mirabella, please naman sumama ka na. Hayaan mo muna sila, ok? Sana sarili mo naman ang isipin mo…" Bigla muling kinuha ni Chloe ang braso ng kaibigan at hinila ito papasok ng kanyang kotse. Wala ng kawala si Mirabella dito subalit nangangako siya sa kanyang sarili na babayaran niya lahat itong naitulong sa kanya ng matalik niyang kaibigan.

Ayon nga nakalipat si Mirabella sa isang apartment at noong nakaraang Sabado, kinuha niya ang mga importanteng gamit niya sa kanilang bahay. Eksaktong wala pareho ang kanyang ina at amain doon. Tanging nakababata niyang kapatid na si Mico at iba ang naiwan ang naroon. Nangako pa rin siya sa mga ito tutulungan niya ang mga kapatid kahit malayo siya sa piling nila.

ARAW NG LUNES. Pumasok nang maaga si Mirabella upang magawa niya ang ilang assignments na hindi nagawa kahapong linggo dahil naging abala siya paglalaba ng kanyang mga kasuotan at pag-aayos pa ng mga gamit.

Nakaramdam siya ng antok at nawala lamang iyon nang biglang kinausap siya ni Sandy at kasabay na pagdating ng kanilang professor. Malapit na ang final examinations nila pati ang intramurals. Kailangan na niyang maghanda dahil hindi pwedeng bumababa sa grade na 85 ang grado niya lahat ng subjects kundi matatanggal siya sa klase.

"Pakopya ako ng assignment mo sa Sociology." Pakiusap ni Sandy sa kanya kasabay ng puppy eyes sa dulo. Hindi niya mahihindian ang kaibigan kaya go lang siya ibigay ang notes para rito.

"Thanks." Magsusulat ito habang nagtatalakay ang guro nila sa Philosophy.

Naging bakante ang kanilang oras sa pangatlong asignatura dahil wala ang kanilang professor at tanging seatwork ang binigay lamang sa kanila. Habang ginagawa ni Mirabella ang mga ito bigla siyang tinawag ng kalikasan.

"Dito ka muna pupunta lang ako ng CR." Paalam niya sa katabi at nag-alok din itong samahan siya subalit tumanggi ito. "Huwag na. Gawin mo na lang 'yan."

"Sigurado ka?"

"Oo." Napipilitan niyang sagot dahil ihing-ihi na talaga siya.

Pagkatapos niyang gumamit ng comfort room bigla siyang sinalubong na isa sa kanyang manliligaw na si Justine.

"Hi, Miss Mirabella." Nakangiting bati nito sa kanya kasabay rin ng pagdating ni Jaxton at nakitang magkasama sila ng isang gwapong lalaki.