Chapter 3
Nagawa munang pakinggan ni Jaxton ang usapan nina Mirabella at ng isa sa manliligaw nito. Subalit, mas nakapag-inis sa kanya nang biglang hawakan ng lalaki ang braso ng babaing mahal niya. Gustung-gusto na niya lapitan ang dalawa at sirain ang pag-uusap ng dalawa ngunit hindi niya ginawa dahil mas mahahalata ng iba na may gusto siya kay Mirabella.
"Sorry, Justine mas may iba pa akong pinapa-priority ngayon kaysa sa relasyo." Habang paunti-unting binitawan ni Mirabella ang braso ng schoolmate niya. "Mas priority ko ang studies ko sana maintindihan mo." Dugtong pa ng dalaga.
"Napakaganda mo kasi Mirabella para di ko pigilan ang sarili na ligawan ka. Pero, kung sakali man magawa mo na ang mga ibang priorities mo mabibibigyan mo na ba ako ng chance?"
Hindi kaagad nakasagot si Mirabella dahil di rin niya alam ang isasagot. Ayaw niya rin kasi direktang sabihin kay Justine na wala itong pag-asa sa kanya. Samantala, si Jaxton naman ay titig na titig lang sa kanyang pinapanood ngunit napadako ang kanyang paningin sa relos na suot niya. Malapit na palang mag-alas onse. Nilakasan na niya ang loob na magpakita siya at yayain na si Mirabella na pumasok na sa loob ng classroom.
Nanlaki ang mata ng dalaga nang makita nito ang kanyang Math professor na dadaraan na kung saan nakatayo sila ni Justine.
Biglang nagsalita si Jaxton nang lumihis sandali sa kanilang kinaroroonan, "May you enter the classroom now, Miss Trinidad? We will start already the discussion." Biglang nilipat ang paningin nito mula kay Mirabella hanggang kay Justine. Tinititigan niya ito ng kakaiba bago nakasagot si Mirabella.
"Sige po, Sir Jax." Nakayuko itong nagsalita at nilingon sandali si Justine. "Sorry talaga."
Samantala, naghihintay ang kanyang professor na makapasok siya ng silid bago ang mismong binata at muli niyang tinititigan si Justine na walang expression na makikita sa kanyang mukha.
Bumalik ulit ang ngiti ni Jaxton nang magsalita na siya sa klase. Binati niya ang mga ito saka sinimulan ang discussion.
"Alright, what topic did we discuss yesterday?" Tanong niya para malaman kung may natutunan ang kanyang mga estudyante sa kanyang naituro.
Matapos ang midterm exam, muling magsisimula ang Intramurals para sa ngayong taon kaya naman puspusan ang paghahanda ng lahat. Ilang araw rin hindi nakita ni Jaxton si Mirabella since may mga naka-assigned din sa kanyang gagawin para sa Math competition na gagawin at isa rin siya sa magiging judge dito. Pero, binabalak niyang bumawi para sa dalaga kapag mayroon siyang oras.
Habang busy ang ibang estudyante sa pag-aasikaso sa paparating na Intrams sinubukan niyang sumali sa isang Scrabble game. Bata pa lang siya paborito niya itong laruin kaya simula Elementary hanggang high school sumasali siya competition.
"Sige, seatmate maiwan muna kita rito. Pipila rin ako para sa Badminton tournament. Bye." Paalam muna ni Sandy kay Mirabella at muli siyang nag-focused sa pilang tinatayuan niya.
Pagkatapos niyang pumila, nagtungo siya sa isang P.E professor nila na nagkataon na ito hahawak sa laro na sinalihan niya.
"Pasok ka, Miss Trinidad." sambit sa kanya ni Mrs. Santiago at ipinaupo niya kaagad ang dalaga pati ang ibang players na sasali dahil sunud-sunod na itong pumasok sa kanilang opisina.
"I'm really excited sa Intrams. Wooo." Nasasabik na saad ni Sandy habang kumakain silang dalawa ni Mirabella ng lunch. "Good luck sa ating dalawa."
Nakipagtawanan ang dalaga sa kanyang kaibigan habang pansamantala muna silang tumigil sa ibang gagawin nila. Dahil sa Lunes, magsisimula na ang intramurals.
Tatlong araw siyang nakapasok sa coffeeshop dahil sa pagiging abala niya sa school. Naiintindihan naman iyon ni Chloe.
ARAW NG LUNES. Nagsimula na ang programa at lahat na patimpalak kaya naman pumuwesto na kaagad si Mirabella sa team ng Scrabble game. Mamayang alas-diyes ay magisismula na sila.
Samantalang si Jaxton naman hinahanap kung saan kabilang ang babaing gusto niya at madali niya iyon matunton. Ala-singko ng hapon na natapos ang nasabing aktibidad at muling ipagpapatuloy bukas.
"First game talo, hays." Naghihimutok at nalulungkot na pahayag ni Sandy kay Mirabella habang nilalakad na nila ang daan palabas ng school campus.
"Hindi pa naman tapos eh. Hayaan bukas baka manalo na kayo." Pagpapakalma ng dalaga sa matalik niyang kaibigan.
"Buti ka pa, first game at first win din.'' Nagawang akbayin ni Mirabella si Sandy sabay alukin nitong kumain sila ng streetfoods.
"Ano?" Paninigurado niya muli kay Sandy.
"Sure, basta libre ko." Natawa lang ito na kahit di siya iyong nagyaya siya pa rin ang manglilibre sa kanilang dalawa.
"Ako naman ang manlilibre. Nahihiya naman kasi ako." Di mapalagay na saad ni Mirabella sa kaibigan. "Ikaw kaya ang parati na nanglilibre kaya ako naman ngayon."
"Huwag na seatmate. Ipunin mo na lang muna 'yan. Ako na." Hindi na nakapalag pa si Mirabella dahil ininuhan na siya ni Sandy na magbayad sa tindero ng mga street foods.
Lumipas ang isang oras na pagtatambay ng dalawa sa parke napagdesisyon na rin ng dalawa na umuwi. Si Sandy ay madali lamang makakasakay dahil nakaabang lamang ang driver ng kotse na sinasakyan nito. Samantala, si Mirabella naman ang nagpunta sa paradahan ng jeep umang makasakay subalit may biglang nagbusina sa kanya na isang SUV. Lumabas ang may-ari nito at bumungad sa kanya si Jaxton.
"Sir!" gulat na tugon ng dalaga habang nilalapitan siya ng kanyang Math Professor.
"Pauwi ka na ba, Miss Trinidad?" Hindi pa rin makapagsalita si Mirabella dahil sa kanyang nakikita dahil wala siyang alam na ganito pala kaunlad ang buhay ng binata. "Ah oo, Sir. Pasakay na nga po ako ng jeep eh."
"Huwag na. Sa akin ka na lang sumabay." Maotoridad nitong sagot sa kanya.
"Nako, Sir di na po nakakahiya." Tinignan siya ng seryoso ng professor at biglang hinila sa braso.
"Get inside na."
Subalit bakas pa rin kay Mirabella ang kalituhan sa nangyari.
"Bakit ngayon ka pa lang umuuwi? Madilim na ang gabi ah." pahayag ni Jaxton habang nagmamaneho na siya ng sasakyan.
"Eh kasi Sir tumambay muna kami ni Sandy sa park." Nilingon siya sandali ng binata at muling binalik ang paningin sa dinaraanan.
"Anyway, saan ka nga pala ang bahay niyo?"
"Sa Sesame St., Sir." Hindi alam ni Mirabella ang isasagot dahil ayaw niyang sabihin sa binata kung saan siya nakatira ngayon.
"Ok." Napatangu-tango lamang ito bilang tugon.
Mga ilang sandali pa ay nakarating na silang dalawa sa nasabing lugar. Temporaryong iginilid ni Jaxton ang sasakyan saka huminto.
"Narito na tayo." maikling sambit nito at sumang-ayon lamang si Mirabella habang napatitig siya sa mukha ng binata. Muntik na siyang mahuli na nakatitig dito.
Akmang lalabas na sana ng kotse ang dalaga nang biglang nagsalita si Jaxton. "Can I drive you home next time?"
Natigilan si Mirabella sa kanyang narinig. "Kapag nagkuros ang landas natin. Ok lang ba?"
Ilang segundo muna ang lumipas bago nakasagot si Mirabella. "Nakakahiya naman kung gano'n."
"Bakit ka pa mahihiya sa akin?" natatawang saad nito. "Isang taon na rin tayo magkakakilala, right? Saka, we are friends already."
"Pero, Sir Jax…" Pinutol kaagad ang sasabihin ni Mirabella nang magsalita kaagad si Jaxton.
"No but's." Napalunok ng laway si Mirabella rito. Tumango na lang rin siya bilang tugon.
"Lalabas na po ako, Sir." Nahihiya pa ring saad ng dalaga.
"Sige, mag-iingat ka."
SA ARAW NG BIYERNES. Ito na ang araw kung saan tatanghalin ang mga nanalong contestant at players mula sa iba't ibang kupunan. Nakamit ni Sandy ang firth placer sa badminton samantalang first placer naman si Mirabella.
Maya-maya, tumunog ang cellphone nito at may nag-text pala. Si Jaxton.
"Congratulations." sabi nito at sinundan muli ng isang text pa. "Pati kay Sandy pala."
Sinagot kaagad niya ito, "Thank you, Sir." Tumunog ulit ang phone ng dalaga at bubuksan niya ang messenger nang bigla na siyang tawagin ni Sandy.
"Uy, halika na. Picture muna tayo." Sigaw nito sa kanya dahil nasa limang metro ang layo nito.
Pagsapit ng hapon, inanunsyo ang gaganapin ng camping para bukas kaya naman mas napahiyaw ang mga estudyante sa sobra nilang excited. Nagtinginan lamang sina Sandy at Mirabella.
Matapos ang simpleng orientation na ibinahagi ng may-ari ng school, ng administrator at deans ang tungkol sa mga policies na gaganaping aktibidad bukas.
Alas-tres na rin nang makalabas na sila ng school campus. "Bukas susunduin kita sa bahay mo, seatmate?"
Nilingon niya ang kaibigan ng nakakalitong tingin, "Para hindi ka mamasahe pa papunta dito sa school saka baka mahuli ka dahil sa traffic."
"Kahit di na seatmate. Ano ka ba? Aagahan ko na lang ang pag-alis."
Ayaw kasi ipagbigay-alam ni Mirabella rito sa pansamantala niyang tinitirhan ngayon.
"Eh basta. Susunduin ka namin ni Kuya Driver." saka na siya iniwan mag-isa subalit nilingon siya nito sandali, "Saan nga pala ang bahay mo, seatmate?"
Huminga muna nang malalim si Mirabella bago niya sinagot ang tanong ng kaibigan. "Ite-text ko na lang sa'yo mamaya."
"Sige. Hihintayin ko 'yan." Sumakay na rin ng kotse si Sandy at nakatayo na lamang mag-isa si Mirabella para maghintay ng jeep.
Mga ilang minuto pa niyang paghihintay nang may humintong kotse muli sa kanyang harapan. Pamilyar ito sa kanya at mga ilang sandali, tumunog ang kanyang phone.
"Si Sir Jax 'to. Pumasok ka na." Nanlaki muli ang mata ni Mirabella sa kanyang nabasa. Napailing-iling siya sa paligid bago naglakad papalapit sa sasakyan.
"Baka gabihin ka na sa pag-uwi niya at lalo na kailangan mong maghanda sa camping natin bukas." Nagulat ang dalaga sa kanyang narinig dahil di niya inakala na isa si Jaxton sa mga guro na sasama para sa camping nila bukas. May mga ilang guro kasi ang hindi sasama.
"Kasama kayo, Sir?" Di makapaniwalang reaksyon ni Mirabella.
Tumango-tango lamang ang binata habang tutok siya pagmamaneho.
"Pero, hindi ako ang may hawak sa block niyo para gabayan kayo." Dagdag pa ng binata. "Sa ibang course ako nila nailagay."
Napatango lang din si Mirabella. Maya-maya, huminto sila sa isang convinient store na kanyang ipinagtaka.
"Samahan mo akong mamili ng kakailanganin tomorrow." Ngadadalawang-isip ang dalaga sa sinabi ng professor lalo na wala siyang pera pa pambili ng mga 'yon dahil sakto lamang ang kinikita niya sa gastusin sa school at sa pagkain. "Halika ka na…" Pamimilit na sa kanya ng bata at wala na rin siyang choice kundi pagbigyan ito.
Matapos nila mamili, nagtungo na kaagad sila kotse at may biglang inabot si Jaxton kay Mirabella. Nagtaka ang dalaga, "Ano 'yan?"
"Mga kakailanganin mo para bukas. Di pwedeng wala kang dala ng pagkain. Magugutom ka." Tumanggi kaagad ang dalaga at di niya iyon tinanggap.
"Huwag na po, Sir. Nag-alala po kayo masyado sa'kin. Ok lang ako."
Inabot pa rin sa kanya ni Jaxton ang groceries na pinamili nito. Iniangat nito ang kanyang kanang kamay at binigay iyon.
"Pero, Sir Jax."
"Kunin mo na 'yan ok? Sige ka magtatampo ako sa'yo."
Wala nanamang nagawa si Mirabella sa sinabi ng professor. Sobra na siyang nata-touch sa ginagawa nito para sa kanya. Nagtinginan sila pareho subalit hindi nakatagal si Jaxton.
"Let's go?" Pag-iiba na niya ng usapan.
Nang makauwi na rin si Mirabella sa apartment, kaagad na niyang inihanda ang mga dadalhin para bukas. Napatitig siya sa grocerie items na pinamili nila kanina. Hindi niya maiwasan ang mapangiti subalit binawi niya kaagad iyon.
MAAGANG nagising si Mirabella at nakalimutan din niyang i-text si Sandy kagabi kaya kaagad niya hinablot ang cellphone.
"Sa Sesame St., ang address. Pakihintay niyo na lang ako sa labas."
Pagkarating nila ng school, halos magpupunuan na ang bus kaya dali-dali silang tumakbo roon hanggang sa papasok na rin.
Maya-maya may bigla nanamang nag-text sa kanya. "Finally you came. Akala ko hindi na sasama sa camping natin." mensahe sa kanya ni Jaxton.
Sasagutin na sana niya iyon nang kausapin siya ni Sandy. "Sino 'yang ka-textmate mo ah? Kanina pa ako nagsasalita may kausap ka pala diyan sa phone mo.
Marami ng activities nang nagawa ang karamihang estudyante kasama na roon si Mirabella. Mga ilang sandali tinawag sila ni Kristen na hahawak sa panibagong activity na gagawin.
Nang malayu-malayo na sila ay biglang tinawag nito si Mirabella, "Miss Trinidad?"
Kaagad na nag-respond ang dalaga, "Ano po 'yon, Ma'am?"
Sa mga sumunod pang araw, magsisimula na ang camping kaya excited ang karamihan sa mga estudyante. Mas lalong naging abala si Jaxton