Chereads / HIS VILE OBSESSION / Chapter 8 - Chapter 7

Chapter 8 - Chapter 7

NAPABALIKWAS nang bangon si Aki nang marinig ang pag-ring ng sariling cellphone. Kaya naman kahit pikit pa ang mga mata ay kinapa n'ya ang aparato na nakapatong sa ibabaw ng side table. Hindi na rin siya nag-abala pang tingnan kung sino iyon at basta na lamang niya itong sinagot.

"Yes, hello?" namamaos pa ang tinig niya pagkasabi noon.

"Naistorbo ba kita, anak?"

Nagising ang diwa ni Aki pagkarinig sa boses ng ina. Kaya naman inayos niya ang sarili bago muling nagsalita. "I'm sorry, Mom. Kagigising ko lang po," paghingi niya ng paumanhin. "Bakit po kayo napatawag?"

"It's okay, anak. Gusto ka lang sana naming kumustahin ng Papa mo."

Tsk! Si Papa kinukumusta ako? What the hell! "I'm okay, Mom. Katatapos lang ng assignment ko, that's why, I have a plenty of time to spend with," pagbibiro n'ya pa rito.

"Really, anak? Can you go home?" anitong bakas sa tinig ang saya. "We miss you, Akihiro. Matagal-tagal na din nang huli mo kaming bisitahin ng Papa mo. Two months? Three months? I don't know. Basta ang alam ko, masyado kang busy at nakalimutan mo na yata kami ng Papa mo," saad pa ng Mama niya na halatang nagtatampo.

Oo nga pala! isip-isip niya nang maalala na matagal na nga siyang hindi nakakabisita sa parents niya.

Sandali muna siyang nag-isip kung may gagawin ba siya ng araw na iyon sa opisina, at nang maalalang puro paperwork's lang iyon ay nagpasya siyang saka na lang gawin. Hindi naman kasi 'yon urgent.

Nagpasya siyang hindi muna papasok sa trabaho at bibisita na lang sa magulang. Tutal ay hindi pa naman niya nagagamit ang vacation leave niya, gagamitin na niya iyon ngayon para maka-bonding ang kanyang Mommy.

"Okay, Mom. I'll file a vacation leave today, then didiretso na ako d'yan. We'll have a date. Is it okay to you?"

"Oh! I would love that, son. Okay, see you then? Ipagluluto kita ng favorite mong beef caldereta."

"Thanks, Ma! Exited na akong matikman ulit 'yan. Anyway, I'll end this call. Mag-aasikaso na po ako para maaga akong makauwi. 'Bye, Mom! I love you," malambing pang paalam niya rito.

"Okay, anak. I love you, too. Take care. . ."

Pinatay na ni Akihiro ang cellphone pagkatapos ng pag-uusap na iyon saka bumangon at tinungo ang banyo para maligo. Nang matapos maligo ay lumabas siya roon na naka-boxer shorts lang habang pinapawisan pa niya ng towel ang basang buhok.

Ni hindi na rin siya nag-abala pang magsuot ng pang-itaas at dumiretso na siya nang paglabas sa kwarto at pumunta sa kusina. Naabutan naman niyang busy si Kiah sa pagluluto ng almusal.

Mula sa kinatatayuan ay tahimik niyang pinagmamasdan ang dalagang nakatalikod sa kan'ya. Pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. At hindi niya mapigilang makaramdam na naman ng pag-iinit dahil sa postura nito. Nakasuot ito ng hanging blouse na kulay puti. Kaya naman sa t'wing kumikilos ito ay lumalantad ang bahagi ng makinis nitong tiyan.

Pinarisan pa nito ng maluwang na black jogging shorts na kalahati ng hita nito ang haba, dahilan upang malaya rin niyang masilayan ang mahahaba nitong mga binti na perpekto ang hugis. Nakapagtatakang kahit laki ito sa hirap ay hindi halata sa anyo ng dalaga. Siguro ay dahil magaling lamang itong magdala.

Little sister, huh? Sinong niloloko mo, Akihiro Tetsuya? Alam naman nating hindi gano'n ang tingin mo sa babaeng 'yan! buska ng kabilang parte ng kaniyang isip. Ha! Little sister? Bakit ko nga ba nasabi 'yon? Lihim na napailing si Aki dahil sa tanong niyang iyon sa sarili.

Kilalang kilala niya ang sarili kaya naman alam niyang kasinungalingan lamang ang sinabi n'yang parang kapatid ang turing niya rito. Hindi nakababatang kapatid ang tingin niya kay Kiah, kung hindi isang malaking tukso na sumusubok sa pagtitimpi niya sa sex.

Naisip rin naman ni Aki na sa kabilang banda, maganda rin naman ang epekto sa kan'ya ni Kiah. Dahil nalaman niyang kahit paano ay kaya pala niyang kontrolin ang sarili kapag inaatake siya ng kalibugan sa katawan.

Aaminin rin niyang napakahirap para sa kaniyang pigilan ang pagnanasa na nabubuhay kapag nakikita niya si Kiah, lalo na kapag nakasuot ito ng mga sexy dress. Lihim pa niyang sinisi ang sarili na sana ay pumili siya ng konserbatibong damit para sa babae. Nang sa gayon ay hindi siya nahihirapan na kontrolin ang sarili. Pero wala siyang magagawa, nangyari na iyon.

Maging ang pagpapatira at pagbibigay niya ng trabaho sa babae ay pinagsisisihan niya, dahil pakiramdam ni Aki ay inilapit lamang niya ang sarili sa temptasyon. Ngunit huli na rin para roon. Nangyari na ang lahat at wala na siyang magagawa kundi panindigan ang mga sinabi kay Kiah.

Sa isang banda, totoo naman ang mga sinabi ni Aki na nahabag siya sa sinapit ni Kiah. Lalo pa nang marinig niya ang kwento nito kung paano napunta sa ganoong trabaho. No'ng una kasi, aaminin niyang kaya niya ito kinupkop ay dahil may naramdaman siyang pagnanasa rito. Pero noon iyon, ngayon ay desidido na siyang tulungan ito.

Kaya naman hindi niya hahayaang masira ang tiwala sa kan'ya ng babae dahil lang sa libog na nararamdaman niya para rito. Ayaw rin niyang makasuhan ng rape kung sakaling mawala siya sa sarili, besides, marami naman siyang babae para punan sex craving niya.

Behave ka lang, Polaris. Kiah is off limits. Umayos ka kung ayaw mong makasuhan ng rape ang gwapo mong amo, okay? saway niya sa isipan ng kaniyang nagwawala na namang alaga.

• • •

HABANG nagpiprito ng hamon si Kiah ay naramdaman niyang tila may nakatingin sa kaniya mula sa likuran kaya naman tiningnan niya kung sino iyon. At gayon na lamang ang gulat niya nang makita si Aki iyon na prenteng nakatayo sa pinto ng kusina habang pinupunasan ng tuwalya ang basa na nitong buhok.

Presko ang anyo nito at mukhang kagagaling lamang sa pagligo base sa basa pa nitong buhok. Agad rin niyang napuna na wala itong suot na pang-itaas at naka-boxer shorts lamang. Lumantad tuloy ang matipunong katawan nito na halatang alaga sa pag-eehersisyo. Bahagya rin siyang nagulat nang makita ang tattoo nito sa may kanang bahagi ng dibdib, na halos umabot na rin sa kalahati ng balikat ng lalaki. May tila malilit na pandesal rin itong mga masel sa tiyan na para kay Kiah ay maganda ang hubog.

Nakakita na rin naman siya ng mga ganoon sa probinsya nila. Iyon nga lamang, iyong mga binata na pawang banat sa pagsasaka at laging bilad sa arawan ang nakikitaan niya ng ganoon. Katulad na lamang ng kaibigan at kababata niyang si Carlos. Matipuno rin ang katawan nito ay may itsura rin kaya naman maraming kababaihan sa lugar nila ang humahanga rito.

Subalit katulad niya, sa pamilya rin lamang nakatuon ang atensyon nito. May sakahan ang mga ito at si Carlos ang namamahala noon. Maalwan ang pamumuhay nila Carlos kumpara sa kanila.

Iba talaga kapag mayaman, hindi kailangang gumawa ng mabibigat na trabaho upang makamtan ang ganoong katawan, wika niya sa isipan habang pasimpleng pinagmamasdan ang katawan ng lalaki.

Teka, bakit. . .

Pakiramdam ni Kiah ay namula ang kaniyang pisngi sa sobrang pagkapahiya nang mapagtantong bumaba ang paningin niya sa boxer shorts ng amo. Lihim pa niyang sinisi ang sariling mga mata dahil dumako ang tingin niya sa parteng iyon na hindi dapat niya tiningnan. Pero bakit ang laki? Totoo kaya iyon? maang niyang tanong sa sarili.

Subalit mabilis siyang napailing nang muling maisip ang kalaswaan na pumasok sa kaniyang isip. Naku po! Hindi ka dapat nag-iisip ng mga gan'yang kalaswaan Hezekiah! Mahiya ka naman sa amo mo! sita niya sa sarili habang panay ang pag-iling.

"What happen, Kiah? Masakit ba'ng ulo mo?!" agad ng tanong ng lalaki sa kaniya saka mabilis siyang dinaluhan at inalalayan na maupo.

"Ay, hindi po, Sir Aki," natataranta niyang sagot dito. "Nagulat lang po ako sa inyo. Akala ko po kasi namamalik-mata lang ako na nakikita kayong nakatayo d'yan," pagsisinungaling pa niya at agad na inayos ang sarili. Patawarin ako ng Diyos, usal niya sa isipan dahil sa pagsisinungaling.

Kunwari ay hinarap niya ang niluluto. Lihim pa siyang nagpasalamat na napatay na niya ang sindi ng kalan, kung hindi ay nasunog na ang niluluto niya. Narinig niyang natawa ang lalaki dahil sa sinabi niya.

"Mukha na ba akong multo sa paningin mo, Kiah?" narinig niyang pagbibiro pa ng amo. "What's for breakfast?' kaswal na tanong pa nito saka naupo sa upuang naroon.

Oo, minulto yata ako ng nasa loob ng salawal mo, Sir! wika niya sa isip subalit agad din siyang napaantanda dahil sa kalaswaang pumapasok sa isip niya. Diyos ko, patawarin mo po ako dahil sa naiisip ko. . .

Itinuon na lamang ni Kiah ang pagsasalin ng mga niluto sa plato at saka nagsandok ng sinangag na kanin. "Ipinagluto ko kayo ng bacon at saka itlog. Nagsangag din ako ng kanin," sagot niya habang nilalatag isa-isa ang mga iniluto.

"Hmmm, nagutom ako bigla. Ipagtimpla mo na lang ako ng kape then umupo ka na rito," saad pa ng lalaki habang nagsasandok ng pagkain sa plato. Tahimik naman niyang sinunod ang sinabi ng amo. Ipinagtimpla niya ito ng kape at inilapag sa harap nito saka siya umupo sa silyang katapat nito.

"Siya nga pala, Kiah. Magpa-file ako ng vacation leave sa trabaho. Uuwi ako sa bahay namin sa Cavite. Mawawala ako ng mga one week. Meaning, ikaw lang muna mag-isa sa bahay. Kaya mo ba?" pakli ng lalaki sa kaniya habang abala naman siya sa tahimik na pagkain.

Sandali munang nag-isip si Kiah. Tutal ay may isang buwan na rin siyang nasa Maynila at nakakulong na ng may-ari ng club na pinanggalingan niya, siguro ay maaari na siyang mamasyal kahit sa mga mall lamang. Isa pa, gamay na rin niya ang trabaho sa bahay kung kaya't hindi na iyon problema pa. Kung siya lamang maiiwan mag-isa, ibig sabihin lamang noon ay wala siyang ganoong tatrabahuhin.

"'Wag kayong mag-alala, Sir Aki. Kaya ko naman na ang sarili ko. Tutal ay naturuan niyo naman ako kung paano kumilos dito sa bahay. Ako na ang bahala," nakangiti niyang sagot sa amo.

"Are you sure?" Tumango siya. "Okay, good."

Ipinagpatuloy nila ang pagkain nang muling magsalita ang lalaki. "Or if you want, I'll give you a one week vacation leave. Umuwi ka sa inyo. I'll give your salary then 'yong financial help na pinangako ko para sa pamilya mo," mungkahi nito na ikinagulat ni Kiah.

Makakauwi na ako kina Nanay! Sa narinig ay hindi mapigilang tumayo ni Kiah at yakapin ang amo bilang pasasalamat. Subalit huli na lamang rin niya napagtantong kahiya-hiya ang inasal niya sa amo. "Sorry, sir. Hindi ko lang kasi mapigilang maging masaya dahil sa sinabi ninyo. Nangungulila na kasi ako kay Nanay at sa mga kapatid ko. Hulog talaga kayo ng langit, Sir Aki," nasisiyahang pasasalamat niya rito.

"No, it's okay. Ang totoo, naisip ko rin na baka nami-miss mo na ang family mo. Anyway, pack your things. Sabay na tayong aalis. Magpapa-book na lang ako ng flight pauwi sa province n'yo then ihahatid kita sa airport, okay? Make it fast," sunod-sunod pang wika ng lalaki.

Mabilis naman tumango si Hezekiah rito at saka masiglang tinapos ang pagkain. Nay, makakauwi na ako. Makakakain na rin kayo nila bunso ng masarap. . .

• • •

"Here's your phone, Kiah. Naka-save na rin d'yan ang number ko. Binigyan kita n'yan para ma-contact kita, okay? And here's your monthly salary. Katulad ng usapan, it's ten thousand."

Inabot ni Aki ang maliit na envelope kay Kiah pati na rin ang box na naglalaman ng brand new cellphone na binili niya para sa babae. "Ito naman para sa Nanay at mga kapatid mo. Buy their needs, okay?" bilin pa niya saka inabot ang isa pang sobre na naglalaman ng pera.

Kasalukuyan silang nasa departure area at hinihintay ang flight na nakuha niya para rito. Mabuti na lang at mabilis siyang nakapagpa-book ng flight sa tulong na rin ng kaibigan niyang may-ari ng isang travel agency.

"Maraming salamat po, Sir Aki. Talaga pong napakabait ninyo," pasasalamat naman ni Kiah sa kan'ya.

"Anyway, I'll go. Kanina pa ko kinukulit ni Mama. Have a safe trip, Kiah," paalam na niya sa babae.

"Salamat ulit, Sir."

Tumalikod na si Akihiro at iniwan ang babae, pero hindi pa siya tuluyang nakakalayo nang tumunog ang cellphone niya. Rumehistro ang isang unknown number doon. "Hello? Who's this?"

"Sir Akihiro, si Kiah ito. Nakalimutan kong sabihin na mag-iingat din kayo sa inyong biyahe pauwi."

Dahil sa narinig ay nilingon ni Akihiro si Hezekiah, at nakita niya itong malapad ang ngiti habang panay ang kaway sa kan'ya. Hindi naman niya mapigilang ngumiti sa kainosentehan nito habang gumaganti rin ng simpleng pagkaway.

"Kahit pala malayo, gwapo pa rin kayo, Sir Akihiro. . . Ay, naku! Sorry po!"

Maang namang nilingon ni Akihiro ang babae pero nakatalikod na ito sa gawi niya. Pinatay na rin nito ang tawag. Tuloy, napailing na lang siya saka itinago ang ngiti. She's damn cute. . .

Tuluyan na siyang tumalikod at naglakad patungo sa lobby ng airport. Plano pa kasi niyang dumaan sa opisina para mag-file ng vacation leave.