Chereads / HIS VILE OBSESSION / Chapter 9 - Chapter 8

Chapter 9 - Chapter 8

"Musuko, sore wa yoi kotodashi, anata wa ie ni iru! Hontōni aitaidesu. (Anak, mabuti naman at nakauwi ka na! Na-miss talaga kita.) bulalas ng kanyang Mommy nang makita siya.

Napangiti naman si Akihiro nang marinig 'yon. Sinalubong niya ang yakap ng ina at saka yumapos rin nang mahigpit. "Mama mo hontōni koishī yo! (I really miss you too, Mama.)" nakangiting sabi niya sabay abot ng isang bouquet ng white roses. "Here, flowers for my lovely mother."

Hindi naman maipinta ang saya na rumihistro sa mukha ng kanyang mommy nang tanggapin nito ang bulaklak.

"Thank you very much, anak." Matamis pang ngumiti ang ginang pagkasabi niyon. She really loves flowers, especially roses. "Tamang-tama, katatapos ko lang lutuin ang favorite mong beef caldereta. Magpalit ka na ng shirt mo. Sabay-sabay na tayo ng Dad mo."

Napakunot-noo si Aki nang marinig ang sinabi ng kaharap. "Nand'yan si Dad?"

"Yes, anak. Sinabi ko kasing uuwi ka ngayon."

Lihim s'yang bumuntong-hininga. Hindi kasi sila close ng kan'yang Daddy sa isa't-isa. Sa t'wing umuuwi siya sa bahay ay madalang silang mag-usap. Ni hindi nga nito kinukumusta ang kalagayan niya. Maging ang trabaho niya ay gano'n din.

Feeling nga niya, hindi niya ito ama. Mula pa kasi no'ng maliit pa siya ay ganoon na ito. Cold ang personality, hindi gaya niyang jolly. Wala siyang naalala na nagkaroon sila ng ama ng father-son bonding kung tawagin.

Lagi kasi itong wala sa bahay dahil busy sa trabaho. Sa t'wing nasa bahay naman ito ay nagkukulong lang sa library, kaharap ang laptop at cellphone. At nakalakhan na niya ang ganoong sitwasyon.

"May problema ba, anak? Ayaw mo bang kasama ang Daddy mo?" tanong ng ginang sa panganay na anak. Batid rin kasi niyang hindi in-good terms ang mag-ama kaya she makes her own ways para mapagkasundo ang mga ito.

"Of course not. Nagulat lang ako. Alam mo naman, Mom, hindi kami close ni Dad."

Dahil sa sinabi ay nilapitan siya nito at ikinawit ang kamay sa braso niya, naglalambing. "Malay mo, anak. Ito na rin ang best time para naman magkausap kayo ng Daddy mo. Kaya umakyat ka na at magpalit, magpapahain na ako ng pagkain."

"Okay, Mommy."

Umakyat na si Akihiro sa second floor kung saan nar'on ang kwarto n'ya  Pagpasok niya sa loob ay napangiti siya dahil ni hindi man lang nagbago ang kanyang kwarto. Ganoon pa rin ang ayos at disenyo. Ngunit mapapansin namang alaga sa linis ang silid dahil wala kahit man lang kaunting alikabok ang naroon.

Kaagad niyang tinungo ang closet at namili ng pambahay na damit. Isang simpleng blue cotton shirt at gray board shorts ang napili niyang suotin. Nang makapagbihis ay agad siyang bumaba at dumiretso sa kitchen. Naabutan niyang nar'on na ang Daddy niya, habang ang kanyang Mommy ay katulong ng kanilang kasambahay sa paghahanda ng pagkain.

Pinagmasdan ni Aki ang ama na noon ay prente lang ang pagkakaupo. Nang makita siya nito ay tinapunan lang siya ng tingin na parang wala lang siya r'on.

Lihim tuloy siyang bumuntong-hininga bago binati ang kanyang Dad. "Kon'nichiwa, papa. Ogenkidesuka? (Hello, Papa. How are you?)"

"Daijōbudesu, (I'm fine.)" maikling sagot nito. Nakaramdam ng pagkadismaya si Akihiro dahil doon pero dahil kasama naroon ang Mommy niya, ay itinago na lang n'ya ang pagsama ng mukha.

"Okay, let's eat! Ready na ang food!" masayang sabi ng ginang sa anak at asawa. Namayani kasi ang katahimikan sa dalawang lalaki at nahalata niya ang namumuong tensyon sa mga ito. "Anak, tikman mo ang niluto kong caldereta," nakangiting alok pa ni Mrs. Tetsuya Kay Akihiro sabay abot ng bowl ng umuusok pang ulam.

Nag-umpisa at natapos ang kainan na si Aki lang at ang kanyang Mommy ang nag-uusap. Ang Daddy niya ay tahimik lang na kumakain na para bang walang kasama sa dining table.

Nauna nang tumayo ang si Mr. Tetsuya sa hapag pero bago pa ito tumalikod ay binalingan si Akihiro ng ama. "Toshokan ni ikimasu, Akihiro. Hanashiaubeki jūyōna koto ga arimasu, (Go to the library, Akihiro. We have something important to talk about.)" may awtoridad na bilin nito.

Something important? clueless niyang tanong sa isipan. Bago kasi sa kan'ya ang sinabi ng kanyang Daddy. Kahit kailan kasi ay hindi pa ito nagsabi na mag-usap sila ng sila lang, kaya't siguro ay importante nga ang sasabihin nito.

Tumango si Akihiro sa kanyang Dad. "Hai, Papa. (Yes, Papa.)

• • •

"I want you to date my business partner's daughter. Sinabi ng kanyang anak na dalaga na gusto ka nitong makasama sa isang dinner. Do it for our company, Akihiro. Her father is one of the major stockholders of our company."

Hindi inaasahan ni Akihiro na iyon ang maririnig niya sa kanyang Dad. Unang beses lang nitong mag-request sa kan'ya at hindi niya akalaing sa gan'ong bagay pa. Base rin sa timbre ng boses nito, hindi 'yon pakiusap kung hindi utos.

Nag-isip sandali si Akihiro. Na-realize niyang wala namang masama kung pagbibigyan niya ito. Tutal ay baka iyon din ang maging daan para maging close sila ng kanyang Dad.

Kahit naman kasi inis siya rito, gusto pa rin niyang magkaroon man lang ng pagbabago sa relasyon nila sa isa't isa. Gusto niyang kahit pa'no ay maramdaman man lang na may ama siya. Besides, nag-iisa lang siyang anak nito.

"Okay, Dad."

Hindi nagbago ang anyo ng Dad niya nang sabihin n'ya iyon. Seryoso lang ang mukha nito habang nakaupo sa swivel chair, at bakas pa rin sa mukha ang pagiging istrikto kahit may edad na. "Good. I'll arrange your date soon. You can go out now."

Sana naman, magandang babae 'yong anak ng business partner ni Dad para naman sulit 'yong pagpayag ko. . .

• • •

"ANAK?! Hezekiah!" malakas na bulalas ng kanyang Nanay Rebecca nang ibaba si Kiah sa harapan ng kanilang bahay. Kasalukuyang nagbibilad ang ina  niya ng mga pinatuyong isda sa isang malaking bilao.

"Nanay!" Mabilis na tumakbo Kiah patungo sa ina saka ito niyakap. Naramdaman din ang pag-iinit ng kaniyang mga mata dahil sa labis na saya.

"Akala ko, anak ay may nangyari ng masama sa iyo. Mahigit isang buwan kang walang paramdam. Labis kaming nag-aalala ng mga kapatid mo!" Gumaralgal na ang tinig ng kanyang ina habang mahigpit ring nakayakap sa kan'ya.

"Sorry, 'Nay! Naging abala lang po ako sa trabaho kaya ngayon lang ako nakauwi," umiiyak na ring tugon ni Hezekiah.

Naisip na ni Hezekiah na 'wag nang sabihin sa Nanay niya ang kanyang dinanas sa Maynila, dahil ayaw niyang pagalitan siya nito. Isa pa, tutal ay tapos na iyon.

Nakita niyang nagpahid ng luha ang Nanay niya gamit ang laylayan ng suot nitong kupasing sarong. "Ayos lamang iyon, anak. Ang mahalaga ay nandito ka na. 'Lika na sa taas. Naroon ang mga kapatid mo at nanananghalian," nakangiting anyaya nito sa kan'ya.

Tumango siya sa kanyang ina saka dinampot ang dalawang malalaking plastic na may laman ng mga pinamili niyang pasalubong para sa kanyang mga  kapatid at ina. Kaagad namang napansin iyon ni Nanay Rebecca saka namamanghang binalingan ang anak na dalaga.

"Napakarami naman yata ng mga pinamili mo, Hezekiah? Para ba sa aming lahat iyan?" halos hindi makapaniwalang pang usisa nito saka kinuha sa kamay ni Hezekiah ang isang balutan at binitbit.

"Opo, 'Nay. Nangako kasi ako sa inyong bibilhan ko kayo ng masarap pag-uwi ko, 'di ba?" ani Kiah saka malapad na ngumiti sa kanyang ina.

"Ay naku! Maraming salamat, anak! Tiyak na matutuwa ang mga kapatid ko. Tena sa 'taas at nang makita makita ka ng mga kapatid mo," masayang bulalas pa nito saka nagpatiunang pumanhik sa hagdan na yari sa kahoy papasok sa kanilang maliit ngunit maayos na bahay.

"Mga anak! Nandito na ang Ate Hezekiah ninyo! Madali kayo!"

"Nandyan na si Ate 'Nay?!" hindi makapaniwalang bulalas ng kapatid niyang si Ezekiel. Ito ang sumunod kay Hezekiah.

Labing-siyam na taong gulang na ito at tulad kay Kiah, malaking tao rin ito minana ng mga ito sa kanilang Tatay. Agad siyang sinalubong ng kapatid habang halos mapunit na ang bibig sa lapad ng pagkakangiti.

"Ate Hezekiah!" magkapanabay namang wika ni Elijah at ng bunsong si Josiah. Mabilis na lumapit ang mga ito at yumakap sa kan'ya. Katulad niya at ni Ezekiel ay malalaking bulas rin ang nga ito.

"Kumusta ang mga gwapong kapatid ko?" tanong niya sa mga ito saka gumanti ng yakap. Maging si Ezekiel ay niyakap rin niya kahit alam niyang nahihiya na rin ito sa kaniya dahil binata na ito.

"Ayos lang kami, Ate! Nami-miss ka na namin, eh!" masayang sabat ni Elijah.

"Ate, may pasalubong ka ba?" nakangiting tanong naman ni Josiah.

"Ikaw talaga, bunsoy. Pasalubong agad ang tinanong mo kay Ate," singit naman ni Ezekiel sa usapan.

Kumamot naman sa ulo ang bunsong si Josiah saka nakangusong nagsalita. "Sorry, Ate."

"Naku, Ezekiel! 'Wag mo na ngang pagalitan si bunsoy," saway niya sa kapatid. Nilapitan niya si Josiah saka pinisil sa pisngi. "'Lika bunso, maraming pasalubong ang Ate sa iyo," malambing niyang wika sa kapatid. "Kayo din Ezekiel at Elijah, halika na kayo sa kusina at ng makakain na."

Masaya namang nagsipagsunuran ang mga ito sa kan'ya patungo sa kusina. Naabutan nila roon ang ina  abala sa paglalatag ng mga binili niya. Binilhan niya ng dalawang kahon ng pizza ang mga kapatid. Pati na rin ng isang gallon ng sorbetes. Bumili rin siya ng hotdog, ham at dalawang tray ng itlog saka mga de lata gaya ng sardinas at corn beef, at noodles.

Masaya nilang pinagsaluhan ang mga iyon kasama ng mga kapatid niya at ina. Habang pinagmamasdan ni Kiah ang mga kapatid na masayang kumakain ay wala ring pagsidlan ang kaniyang kasiyahan sa dibdib.

Lihim rin siyang nagpapasalamat kay Akihiro dahil kung hindi dahil sa lalaki ay hindi niya matutulungan ang pamilya. Kaya naman napakalaki ng utang na loob niya sa napakabait na amo. Ipinangako rin niya sa sariling gagawin niya ang lahat upang makaganti ng utang na loob rito.

"Wow, Ate! May cellphone ka na?" bulalas ni Josiah ng makitang inilabas niya sa bag ang binigay na cellphone ng binatang amo.

Bumalik pa sa isip niya ang eksena noong kausap niya ang binata sa airport. Nakakahiya ka, Hezekiah! Bakit mo ba iyon nasabi? tanong niya sa sarili ng maalala ang nakakahiyang sinabi niya sa binatang amo.

"Sir Aki, ang gwapo pa rin pala ninyo kahit sa malayo!"

Lihim na napailing si Kiah dahil parang naririnig pa niya ang sariling tinig habang sinasabi iyon. Nakakahiya ka talaga, Hezekiah! Baka kung ano ang isipin ni Sir Aki dahil sa sinabi mo! lihim niyang sita sa sarili. Bumuntong-hininga na lamang siya dahil doon.

"Hezekiah, anak? May problema ba?" untag ng ina niya sa panandaliang pananahimik niya.

"Ha? Wala po 'Nay," sagot niya sa ina saka binalingan si Josiah. "Binigay ito ng amo ko, bunsoy para makausap ko siya kung may kailangan siyang ibilin," nakangiting sagot niya rito pagkatapos ay marahang hinaplos ang buhok ng kapatid.

"Ang yaman siguro ng amo mo, Ate. Namimigay ng cellphone, eh!" sabat naman ni Ezekiel. Tiningnan niya ang kapatid saka ngumiti rito. Binata na ang kapatid niya at kasalukuyan itong nasa ika-unang baitang sa kolehiyo sa kanilang bayan.

Mabait at responsable ang kapatid niyang ito. Nagpapasalamat din siya dahil kahit lagi siyang nakaririnig ng mga kabataang nagloloko sa pag-aaral at maagang nagbibisyo ay hindi ito pumaparis.

Pinangaralan kasi nila ito ng kaniyang Nanay, pati na rin ang dalawa pa niyang kapatid na sa gaya nilang mahihirap ay ang edukasyon lamang ang tanging maipagmamalaki nila.

Ang edukasyon ang pinakamabisang sandata laban sa kahirapan. Lubos naman ang pasasalamat niya sa mga ito dahil nag-aaral naman ng tatlo niyang kapatid ng mabuti. Si Ezekiel na pawang matatas lagi ang marka sa pagsusulit.

Inhinyero ang kursong kinukuha nito at talagang pinagsikapan nila ng kaniyang Nanay na maigapang ang pag-aaral nito. Si Elijah naman at Josiah ay parehong nasa sekondarya at pawang laging nasa listahan ng mga batang may karangalan pagdating sa tagisan ng talino.

"Hayaan mo, Ezekiel. Ibibili kita ng cellphone pagbalik ko muli rito," saad niya sa kapatid na ikinagulat nito. Pero ilang sandali lamang ay tumahimik ito. "Bakit Ezekiel? May problema ba?"

"Ate, 'wag ka sanang magagalit pero gusto ko sanang sabihin na hindi cellphone ang gusto ko. Gusto ko ay 'yong bagong sapatos na magagamit ko sa pagpasok. Sira na kasi iyong ginagamit ko," nahihiyang wika pa nito. Hindi naman niya mapigilang mapangiti sa tinuran ng kapatid.

"Sige, Ezekiel. Bukas na bukas ay magpupunta tayo sa karatig-bayan para bumili ng sapatos mo." Sa sinabi niya ay bumalatay ang kasiyahan sa mukha ng kapatid.

"Ate Kiah, bakit si Kuya lang? Paano naman kami ni Josiah? Sira na rin ang sapatos namin kaya tsinelas na lang ang ginagamit namin," reklamo naman ni Elijah sa kan'ya. Natawa naman siya sa mga ito ngunit sa loob-loob niya ay naaawa siya sa mga kapatid dahil nakararanas ang mga ito ng ganoon.

"Wala naman akong sinabi na ang Kuya Ezekiel n'yo lamang ang bibilhan ko. Syempre, kayo rin. At pati si Inay."

"Talaga, Ate? Yehey!" masayang wika ng mga ito.

"Naku, anak. Ang mg kapatid mo na lamang ang unahin mo," sagot naman ng ina niya. Sasagot pa sana siya ng makarinig ng malakas na pagtawag na nagmumula sa labas.

"Nanay Rebecca? Tao po!"

Hindi man nakikita ni Hezekiah kung sino ang tumatawag sa ina niya ay kabisado naman niya ang boses ng lalaki. Isa pa, isa lamang ang kilala niyang tumatawag ng  "Nanay" sa kaniyang ina. Nagmamadaling tumayo si Kiah at tinungo ang bintana.

"Carlos!" malapad ang ngiti niyang tawag sa binata.

"Hezekiah?!" gulat na bulalas nito pagkakita sa kan'ya. Patakbo namang bumaba si Kiah sa kanilang tahanan at mabilis na yumakap sa lalaki.