"STOP crying, okay? Naririndi na ako sa kaiiyak mo. Here, drink this."
Pinunasan ni Kiah ang mga luha sa mata at saka pigilan ang sarili na muling maiyak pa. Pagkatapos ay inabot niya ang baso na may lamang tubig.
"S-slamat po, Sir," aniyang hindi mapigilan ang panginginig ng boses. Mabilis niyang ininom ang tubig hanggang sa masaid iyon, saka niya muling inilapag sa babasaging mesa.
"Calm down, okay? Safe ka na. Wala na 'yong mga lalaki. For mean time, dinala muna kita sa condo ko. 'Di ko kasi alam kung saan ka dadalhin. Is it okay to you?" tanong pa ng estrangherong lalaki saka naupo sa tapat niya.
Napayuko si Kiah nang mapansing nakakunot-noo ang lalaki habang nakatingin sa kaniya. Marahil ay iniisip nitong nag-iinarte pa siya gayong nagmamagandang-loob lamang ito. Subalit ayaw din niyang lubusang magtiwala agad. Lalo pa't ganoon ang dinanas niya sa Maynila. Aaminin niyang nagkaroon siya ng trauma pagkatapos ng mga nangyari kaya nga hanggang ngayon ay nanginginig pa rin siya.
Muling nangilid ang kaniyang mga luha nang muling magbalik sa kanyang balintataw ang mapait na dinanas ngunit agad rin niyang pinigil iyon. Huwag ka nang umiiyak, Kiah. Baka lalong mainis sa'yo ang estranghero at palayasin ka nang wala sa oras, lihim niyang pang-aalo sa sarili.
Subalit sa kabilang banda, may parte rin naman sa pagkatao niya ang naniniwalang may mabuti itong puso. Patunay na lamang ang dalawang beses nitong pagsagip sa kan'ya.
"Look, I understand kung wala ka pang tiwala sa akin, pero hindi ako masamang tao," pangungumbinsi pa nito. Hindi siya sumagot at nakayuko lamang habang nakatingin sa magkadaop na palad. "Listen, if you don't believe me, let me introduce myself. I'm Akihiro Tetsuya. Isa akong undercover agent. 'Yon din ang dahilan kung bakit nasa club ako. Here, this is my Identification card," wika pa nito sabay lapag ng ID sa harap niya.
Nag-angat si Kiah ng tingin sa lalaki at dinampot ang ID nito. At ganoon na lamang ang panlalaki ng mata niya nang mabasa ang nakasulat doon. At nang lubos niyang maunawaan ay napangiti siya at nakaramdam ng pag-asa.
"I-ibig sasabihin pulis po k-kayo?" maang na tanong ni Kiah rito. Hindi rin niya maitago ang matinding paghanga sa kanyang mukha. Sabi ko na nga ba, mabuti siyang tao. . .
"Parang ganoon nga," tugon nito. "So, naniniwala ka na?"
Hindi na nagdalawang-isip pa si Kiah. Mabilis siyang tumango sa lalaki. "Opo, Sir. Isa pa, utang ko po ang buhay ko sa inyo. Kung hindi dahil sa pagsagip ninyo, baka naroon pa rin ako sa club na iyon. Maraming salamat po, Sir."
Nakita niyang tila nabunutan ng tinik ang lalaki at saka tumayo na at nakapamulsang tumingin sa kan'ya. "You don't have to mention it, kasama 'yon sa trabaho ko. So for now, you need to clean yourself. Kailangan mong maligo at magpalit ng damit. Pero wala akong maipapahiram na damit-pambabae kaya pagtiyagaan mo muna 'yong t-shirt ko. Wala naman kasi akong kasamang babae rito, mag-isa lang ako. I'll buy you tomorrow. Ayos lang ba 'yun sa'yo?"
Mag-isa? Ibig sabihin wala siyang asawa o kahit nobya. Bakit kaya? Gwapo naman si Sir, wika niya sa isipan habang pinagmamasdan ang lalaki. "O-opo."
"Good."
Mabilis na tumalikod ang lalaki at nagtungo sa kung saan. Naiwan naman siyang inililibot ang tingin sa tirahan ng lalaki. Malaki iyon at malinis. Kompleto rin sa mga kagamitan. Ang ilan pa ay pawang mga makabago na hindi niya alam kung para saan o kung paano gamitin. Napansin din niya ang malaki at manipis na telebisyon na nakalapat sa dingding, na ayon sa kaniyang mga narinig ay flat screen ang tawag.
Mayroon pang kung anu-ano ang mga naroon subalit hindi alam ni Kiah kung para saan. Wala naman kasi sila ng mga ganoon sa probinsya. Ni wala silang telebisyon at tanging de-bateryang radyo lamang ang kanilang ginagamit sa pakikinig ng balita at maging sa pakikinig ng drama.
Naputol ang pagmumuni-muni ni Kiah ng bumalik ang lalaki na may dalang kung ano. Inilapag nito iyon sa harapan niya. Napansin niya ring nagpalit na ng damit ang lalaki at nakapambahay na lamang ito. Isang kulay asul na t-shirt at shorts na kulay puti ang suot nito.
Aaminin niyang para sa kaniya ay magandang lalaki ito. Matangkad kasi ito at may maskuladong katawan. Bukod pa roon, maputi at makinis rin ang balat nito. Nahihiya nga siya dahil mas mukhang pambabae ang kulay nito kaysa sa kaniya. Siya kasi ay kayumanggi lamang.
Maganda rin ang mga singkit na mata ng lalaki na pinarisan pa ng perpektong hugis ng ilong at manipis na labi. Kung hindi nga lamang sinabi ng lalaki na undercover agent ito, mapagkakamalan niyang pagmomodelo ang ikinabubuhay nito.
"Here's my clothes. I'm sorry, I don't have undies. Sabi ko naman sa'yo, mag-isa lang ako, kaya kung ayos lang sa'yo, pagt'yagaan mo na muna 'yang boxer short's ko."
Ramdam ni Kiah ang pag-iinit ng pisngi dahil sa tinuran nito. Hindi niya akalain na aabot siya sa puntong manghihiram siya ng salawal sa isang lalaki na hindi naman niya kaano-ano. Hindi nga siya mahilig makipaghuntahan sa mga kalalakihan sa lugar nila, manghiram pa kaya ng salawal?
"But don't worry, it's new. 'Di ko pa nagagamit, pati ang t-shirt, toothbrush at towel, bago lahat," dagdag pa nito na tila wala lamang ang sinasabi, samantalang siya ay halos mamatay na sa hiya.
"S-salamat po, Sir," nahihiyang saad niya.
"D'on ang banyo. Dalian mo at magluluto ako ng food," utos nito na iminuwestra ang daan kung nasaan ang banyo. Tumango naman siya at mabilis na tumalima kipkip ang mga gamit na ibinigay nito.
• • •
NAHINTO si Aki sa paglalagay ng plato at kubyertos nang bumungad sa kaniya si Kiah. Nagpupunas pa ito ng basang buhok habang bakas sa mukha ang pagkailang. Suot na nito ang oversize t-shirt n'ya kaya nagmistulang duster ito para sa babae. Slim kasi ang katawan ng dalaga ngunit matangkad naman ito.
Sa tingin niya ay nasa 5'6 hanggang 5'7 ang taas nito. Umabot sa kalahati ng hita nito ang t-shirt kaya naman lumantad ang hita nitong makinis at maganda ang hubog, kahit pa nga morena lang ito.
Noon lang rin niya napansin na bakat ang malulusog na dibdib at nipples ni Kiah sa manipis na t-shirt na suot nito. Shit! Wala nga pala siyang bra! mariing usal niya sa sa isipan saka lihim na napalunok. Agad rin niyang naramdaman ang pagkabuhay ng natutulog niyang alaga sa loob ng kanyang brief.
Kaya't bago pa siya mawala sa wisyo ay kinontrol na niya ang nararamdaman at lihim na sinaway ang sarili. Easy ka lang Polaris. Alam kong diet ka ngayong araw pero please, 'wag ngayon okay? Calm down, matulog ka ulit, aniya na ang tinutukoy ay ang pagkalalaki niya.
Binalingan niya ang dalaga at pilit inalis ang init na nararamdaman sa katawan. "Maupo ka na, let's eat. Gusto ko na ring matulog kahit sandali. May pasok pa kasi ako mamaya," pormal niyang anyaya kay Kiah.
Nauna na siyang naupo at nagsandok ng kanin sa sariling plato. Sa sulok ng mga makasalanan niyang mga mata ay nakita niyang atubiling dumulog ang babae sa hapag, kaya naman inihinto niya ang sana'y pagsubo at hinarap ang dalaga.
Iniwas niya ang mga mata na mapatingin sa dibdib nito at itinuon lamang ang iyon sa maamong mukha nito. "Hey! Manonood ka lang ba d'yan? Ang sabi ko, maupo ka na at kumain. Gusto ko na rin kasing magpahinga, okay?"
Napayuko naman ang dalaga at tila batang mabilis na naupo sa silyang katapat niya. Inilapag nito ang tuwalyang hawak sa kandungan at nagsimulang dumampot ng kutsara. Nagsandok ito ng kanin at kaunting ulam saka nagsimulang kumain ng walang kibo.
"Anyway, saan ka nakatira at ilang taon ka na? Ang balak ko kasi ay ihatid ka sa inyo after mong magbigay ng statement," kaswal na tanong ni Aki kay Kiah.
Nag-angat ng tingin si Kiah at nahihiyang tumingin sa lalaki. "Twenty-one years old na po ako, Sir, at sa Leyte po ako nakatira."
Tumango-tango si Aki sa narinig. She's already twenty-one but she looks innocent. I wonder kung may naging boyfriend na s'ya. . .
Ganoon talaga siguro kapag laking probinsya ang mga babae. Karamihan ay old fashioned at parang walang kamuwang-muwang sa mundo. Hindi gaya ng mga kababaihang lumaki sa Maynila. Pawang mga liberated at sa murang edad ay hindi na birhen.
At syempre, alam na alam niya iyon. Gano'n naman kasi ang mga babaeng nakatatalik niya. Well, he doesn't care if they're no longer virgins. What is important, is that they are able to provide his sexual needs.
"Twenty-one ka na pala, so stop saying po. Twenty-six pa lang naman ako kaya you can call me whatever you want. Pwedeng Aki, Aking Gwapo o Sir Akihiro. Kahit ano d'yan basta 'wag mo ng lagyan ng po. Feeling ko kasi ang tanda ko na, e ilang taon lang naman ang tanda ko sa'yo. Got it?"
"Naiintindihan ko, S-sir Aki," nahihiya namang sagot mg dalaga.
Ipinagpatuloy nila ang pagkain ng tahimik na tila may kaniya-kaniyang iniisip. Katulad na lamang ni Kiah. Abala ang isipan niya kung paano siya uuwi sa kanila na bigo at walang dala maski isang pera. Nangako pa naman siya sa kanyang Nanay na magpapadala siya ng pera at mag-iipon para matubos ang lupang sakahan nila. Pero heto siya, uuwing kahihiyan ang dala sa ina at mga kapatid.
Samantalang si Aki naman ay abala ang isip sa lihim na pagsasaway sa nagwawalang alaga niya dahil sa kaakit-akit na tanawin na kanina pa tumutukso sa kan'ya. Kaya muli, naghanap siya ng paraan para i-distract ang sarili. Kailangan niya ito dahil mahirap pigilan ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.
"Before I forgot, may pasok ako bukas. Meaning, ikaw lang mag-isa rito. Kung mamalasin baka sa susunod na araw na ako makakauwi. Kailangan ko kasing asikasuhin ang club na pinanggalingan mo. Alam kong marami pang kagaya mo ang nar'on at sapilitang pinagtatrabaho. I need to rescue them," mahabang paliwanag niya na mukhang naintindihan naman nito kaagad. "Matanong ko lang, pa'no ka napasok sa club na 'yon? Tinakot ka bang sumama? Alam ba ng mga magulang mo na gan'on ang trabahong papasukin mo?"
Sa mga sinabi ng lalaki ay muling nakaramdam ng matinding lungkot si Kiah. Ang pamilya kasi ang kaniyang inspirasyon kung bakit siya sumama sa mga iyon upang lumuwas ng Maynila. Subalit magsisisi man siya, huli na. Dahil ito na siya ngayon, nabigo man na mabigyan ng maalwang buhay ang pamilya, ay ligtas naman siya sa tiyak na kapahamakan.
Uminom muna ng tubig si Kiah bago nagsalita. "May grupo kasi ng mga taga-Maynila ang nagpunta sa aming bayan at ang sabi'y naghahanap daw sila ng mga babaeng serbidora. At dahil nga, kulang ang perang kinikita ko para matulungan si Nanay sa pang-araw araw na gastusin, nagpasya akong sumama. Ulila na kasi ako sa ama at apat kaming magkakapatid. Dahil ako ang panganay, inobliga ko ang sarili na magtrabaho at tulungan ang mga kapatid ko. Bukod pa roon, nakasanla rin ang lupang sakahan namin dahil nagkasakit ang bunso kong kapatid ng pulmonya," mahaba at tuloy-tuloy na salaysay ni Kiah sa lalaki.
Muli niyang dinampot ang basong may lamang tubig saka uminom. Ramdam kasi niya ang panunuyo ng lalamunan dahil sa mahabang pagsasalita. Nang maginhawahan ay nagpasya siyang muling itinuloy ang pagsasalita, ngunit nakaramdam siya ng pagkailang nang mapansing matamang nakatitig sa kaniya ang lalaki habang magkakrus ang mga braso sa dibdib. Seryoso ang anyo nito at bahagya pang nakakunot-noo. Galit ba si Sir Aki? Bakit kaya? Nagdududa ba siya sa mga sinabi ko? Naku po! H'wag naman sana. . .
"S-sir Aki, bakit po kayo gan'yan makatingin? May problema ba?" lakas-loob na tanong ni Kiah rito.
Umiling naman ito sa kan'ya. "Nothing. Ituloy mo ang kwento mo."
Tumikhim pa muna si Kiah bago nagpatuloy. "Pagdating ko rito sa Maynila, nalaman kong pagbebenta pala ng katawan ang totoo kong trabaho. Nagtangka akong tumakas pero nahuli nila ako at ibinartolina ng tatlong araw. Ikinulong nila ako at hindi pinakain, kahit man lang tubig ay wala. Ang akala ko, doon na ako malalagutan ngunit kinaya ko. Pagkalabas ko sa kulungan ay nilagnat ako ng halos dalawang linggo. Kaya naman sabi ni Mr. Law ay kailangan pang maging malusog daw ako at maganda bago ipakita sa mga parokyano. At iyong kanina ang unang paglabas ko. . ."
Matamang pinagmamasdan ni Aki ang babae mula nang mag-umpisa itong magkwento at hanggang sa matapos. At hindi maiwasang maantig at makaramdam ng awa para rito. Ramdam niya na totoo ang lahat ng sinabi nito. Dahil habang nagsasalita ito ay diretso n'ya itong pinakatitigan sa mga mata.
Pawang kainosentehan lamang ang nababasa niya roon. Isang bagay na hindi makikita sa isang taong nagsisinungaling. Kung kaya naman, muli siyang nakabuo ng pasya.
"I have a proposal, Kiah. Live and work for me. Bukod d'on, tutulungan ko ang pamilya mo," diretsa niyang tugon kay Kiah na ikinagulat nang husto nito.
"Sir?"
"You have two choices, Kiah. Tanggapin mo o pababayaran ko sa'yo ang isandaang libo."