Chapter 12. Nightmares
Aeon's POV
Gumising akong bangag at wala sa sarili. "Hoy bruha, natutulog ka pa ba? Ano bang nangyayari sayo?" tanong ni Dark sa tabi ko. Andito kami sa loob ng classroom at katatapos lang ng second subject namin ngayong umaga at kanina pa ako napapagalitan dahil natutulog daw ako sa klase, mabuti nalang at ang susunod naming subject ay hindi boring. May limang minuto pa bago magsimula ang klase kaya napagpasyahan kong pumunta muna ng banyo.
"Oh, san ka pupunta?" tanong ni Dark ng tumayo ako.
"Comfort room" tanging sagot ko saka ako naglakad palabas ng classroom patungong banyo. Malapit lang naman ang cr sa room namin. Mag hihilamos lang ako para mahimasmasan ako ng konti. Malapit na ako sa cr ng makasalubong ko si Trasher na mukhang galing din sa cr. Hindi ko napansin na lumabas siya kanina sa classroom. Bangag nga talaga ako. Hindi ko siya pinansin at dumiretso nalang ako sa cr ng mga babae. Tinampal tampal ko muna ang pisngi ko, tumingin ako sa salamin at sinuri ang napaka laking eyebags ko saka ako naghilamos at pinunasan ang mukha ko gamit ang tissue sa banyo.
Ilang linggo na akong ganito. Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin. Ng matapos akong maghilamos bumalik na ako ng classroom baka andun na ang professor namin mamaya. Five classrooms away from ours may nahagip ang mga mata ko sa section E. Si Trasher, na mukhang nakikipaglandian sa isa sa mga kababaihan sa section na iyon. Iniwas ko nalang ang tingin ko ng mahagip niyang nakatingin ako sakanila ng babae. Dumiretso nalang ako sa classroom at hindi ito pinansin. Ng makarating ako sa classroom wala pa kaming guro. Sinubsob ko muna ang mukha ko sa mesa ng aking upuan.
"Okay ka lang ba Aeon?" tanong nanaman ni Dark. Kanina pa niya ako kinukulit. Bahagya kong inangat ang aking ulo tsaka ko siya tinignan.
"Okay lang ako" tanging sagot ko nalang at sinubsob ko ulit ang ulo ko sa mesa. Ilang minuto pa ay narinig kong biglang bumukas ang pintuan ng classroom, umayos ako bigla ng upo sa pagkakaalam kong ang professor na namin ang dumating pero hindi pala, mula sa pinto ay biglang pumasok si Trasher at umupo sa tabi ng mga kaibigan niya. Tapos na siguro siyang makipaglandian. Iniwas ko nalang ang tingin ko saka ako tumitig sa labas ng classroom.
"San ka galing?" narinig kong tanong ng isa sa mga kaibigan niya. Hindi ko maiwasang hindi makinig dahil kahit nasa unahan sila habang ako ay nasa likuran, maririnig ko talaga sila, isa ito sa mga taglay naming kapangyarihan na mga bampira.
"Sa admin" simpleng sagot niya rito. Pss. Admin daw, admin na ba ngayon ang Section E? Siguro, admin ng kalandian. Napairap nalang ako sa sarili kong ideya.
Napalingon nalang kaming lahat sa pintuan ng bigla itong bumukas at iniluwa non ang professor na hinihintay namin, si Mr. Sanders.
"Good morning everyone. I'm so sorry to tell you but I can't meet you right now because we, professors, have a meeting about the incoming acquaintance party" bungad niya sa amin. Bigla namang nagsaya ang mga kaklase ko dahil sa narinig nila.
"But---" Mr. Sanders said then pause for a minute. Ang kaninang masayang mukha ng mga kaklase ko ay napalitan ng pagrereklamo.
"May but pa talaga sir?" reklamo ng isang kaklase ko na hindi ko alam ang pangalan. Ilang buwan narin ako dito sa unibersidad na ito pero iilan lang ang kilala ko. Wala rin naman akong balak na makipagkilala o makipagkaybigan sakanila.
"Yes, Mr. Cameron, there is a 'but'. I'm giving you a homework para hindi kung ano ano ang ginagawa niyo during your vacant period" ani professor. Mas lalong lumakas ang pagrereklamo nila dahil sa sinabi niyang iyon.
"Quiet!" malakas na sigaw ni Mr. Sanders sa buong klase dahilan ng pagtahimik nila. I grinned. They just really don't know when to shut up. Lumipas pa ang ilang segundo baka uli siya nagsalita.
"Your homework is to write an essay about the word 'fate'" he paused for a while at saka siya humarap sa board saka may sinulat.
"As in 'fate' which means course or destiny, not faith na paniniwala, that's for the creative writing subject, for the Literature, make sure you have knowledge about the work of F. Scott Fitzgerald's The Great Gatsby. I expect you to comply, 'coz if not then don't blame me for your low grades" sabi niya. Ang ilan sa mga kaklase ko ay nakasimangot at nagrereklamo, those students who doesn't read and are averse to books, ang ilan naman ay patango tango lang at mukhang easy lang sakanila ang binigay niyang homework, gaya ko. I've read The Great Gatsby so it'll be easy for me, as for writing an essay, it's a piece of cake, it's my cup of tea, I just don't know about the topic which is fate.
"Ah sir, how about our other subjects na susunod po sa subject niyo? Ilang oras po ba yung meeting niyo?" tanong ni Dark sa tabi ko habang nakatayo.
"I don't know actually, but we have a lot to discuss, it's better to ask your professors para hindi kayo pagalitan kung sakali" tanging sabi niya tsaka siya lumabas ng classroom. Ilang segundo lang ang nagdaan ay may mga kaklase na kaming nagsisitayuan at akmang aalis na ng biglang nagring ang speaker sa loob ng room tsaka bumukas ang flat screen TV sa gilid ng silid.
Announcement:
Mr. Homer-vacant
Ms. Page- vacant
Mrs. Henson- vacant
Pagkabasa nila ng announcement sa TV ay bigla nalang silang naghiyawan lahat at nagsipaglabasan.
"Punta tayo sa mall?" tanong ng isang kaklase kong babae sa kaibigan niya.
"Sure, I heard maraming dumating na mga branded clothes and shoes ngayon eh" sagot naman ng isa. May mall sa university. Actually, marami kang pwedeng pagkaabalahan dito, malling, clubbing, golf, bowling. Sa field naman o sa quadrangle ay makikita ang mga nag sasanay ng hand to hand combat and archery.
"Tara sa club pre, hanap tayo chicks" narinig kong sabi ng isa sa mga kaibigan ni Trasher bago sila tuluyang lumabas.
Tumayo ako at maglalakad na sana palabas ng silid nang hinawakan ni Dark ang braso ko.
"San ka pupunta?" tanong niya sakin. Tinignan ko siya saka ko siya sinagot.
"Library" tanging sagot ko nalang saka ko inalis ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at nagpatuloy na sa paglalakad.
Ilang minuto pa akong naglakad papuntang library, ng makarating ako ay naghanap agad ako ng mapupwestuhan na walang makakaistorbo sakin. Before I even realize it, I just found myself walking in the yearbook section, sa lugar kung saan may mga ala alang biglang pumasok sa isip ko. Hindi ko alam kung sakin ba ang ala alang iyon dahil wala akong matandaan. Ng makarating ako roon, the table is empty, mabuti nalang at medyo tago ang section na ito. Umupo ako sa isa sa mga upuan, ipinatong ko ang dala kong bagpack sa mesa at nagsimulang magsulat. Ilang minuto lang ang lumipas ay natapos ko rin ang pinapagawa ni Mr. Sanders. Tumingin ako sa wrist watch ko kung anong oras na, 9:30 palang ng umaga. Nilabas ko nalang ang libro na nasa loob ng bag ko at sinimulan kong magbasa. Ilang minuto na rin ako ng nagbabasa ng antukin ako. Ito na siguro yung epekto ng hindi ko pagtulog dahil sa mga panaginip ko. Wala akong maintindihan sa mga panaginip ko. Hindi ko rin alam kung anong ibig sabihin ng mga ito. Napagpasyahan kong umidlip nalang muna kahit ilang minuto lang.
"Hey T, are you with Ate?" agad kong tanong sakanya.
"What the hell A, anong oras na bat ka ba nambubulabog?" sagot niya na parang naiinis. Oh, natutulog na pala siya.
"I'm sorry pero kasama mo ba si Ate?" tanong ko ulit.
"Si Eying? Hindi, dis oras na ng gabi, ang sarap na ng tulog ko. Wait, what are you talking about?" tanong niya sakin.
"Si Ate lumabas ng bahay. T, masyadong delikado para sakanya. Help me find her" sabi ko naman sakanya. Gabi na, baka kung mapano siya at delikado ang buhay niya.
"Okay okay, I'll find her" sabi niya then the line went dead.
Nagsisimula na akong kabahan. Masyadong delikado sa labas. Alam naman niyang hindi siya pwedeng lumabas dahil sa kalagayan niya. Masyado talagang matigas ang ulo ng babaeng yun.
"Manang labas lang po ako saglit" sigaw ko para marinig ni manang habang pababa ako ng hagdan.
"San ka pupunta? Dis oras na ng gabi ah?" nagtatakang tanong niya habang naglalakad palapit sakin. Hindi ko pwedeng sabihing lumabas si ate, tiyak na mag aalala lang si manang.
"Pupuntahan ko lang po si T" simpleng sagot ko nalang saka ako lumabas ng bahay. Tiyak na magtatanong at magtatanong lang siya. Dumiretso ako sa sasakyang nakaparada sa labas ng bahay saka ako sumakay at pinaharurot ito palayo.
Mga ilang minuto lang ay biglang nagring ang cellphone ko. Ng tignan ko kung sino, si Tam ang tumatawag. Sinagot ko agad ang tawag niya saka ko niloud speaker.
"Where is she?" hindi ko na siya inintay na magsalita, agad na akong nagtanong.
"I've located her phone's signal" he said then paused.
"What the heck T, wag mo na akong bitinin" singhal ko sakanya. Wala ng oras na dapat pang pinapalagpas.
"She's in the forest, near the school" nanlamig ang buo kong katawan sa narinig ko. What the hell is she doing there? No. This can't be happening. Agad kong piinatay ang tawag ni T saka ko pinaharurot ang sasakyan papunta sa school. Ilang minuto lang ay nakarating na ako. Pinark ko ang aking sasakyan sa tagong lugar at malayo sa eskwelahan saka ko kinuha ang cellphone ko.. Naglakad ako sa labas ng pader ng eskwelahan. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng jacket ko saka ko binuksan ang GPS nito at hinanap kung nasaan si ate. I saw the red dot that indicates my sister's whereabouts, hindi ito malayo sa kinatatayuan ko. Sinundan ko ang direksyon na tinuturo ng red dot. Ng malapit na ako, nagpalinga linga ako ng makita ko ang likod ng isang babae at may kausap itong lalake, hindi kalayuan sa kanya. Nakita na ba siya ni T? Nagulat nalang ako ng biglang nagvibrate ang phone na hawak ko.
"Nahanap mo na ba siya?" yan ang text na nabasa ko na galing kay T. Napakunot noo ako at binalingan ulit ang lalaking kaharap ng babae. Sa likod palang nito ay alam ko ng si ate iyon. Nakita kong biglang umatras si ate ngunit ang lalaki ay hindi parin kumikilos sa kinatatayuan niya. Hindi ko makita ang mukha ng lalaki dahil nasa madilim siyang parte. Lalapit na sana ako ng biglang lumapit ang lalaki sa kinatatayuan ni ate at ang mga sumunod na pangyayari ay ang gumimbal sa mundo ko. My soul left my body the moment the guy dug his fangs to my sisters neck, draining the life out of her. Tatakbo na sana ako palapit at handang kitilin ang buhay ng lalaki ng may biglang yumakap sakin sa likuran, takpan ang mga bibig ko at hinila ako patago sa puno di kalayuan. Nagpumiglas ako ngunit masyado siyang malakas. Wala akong nagawa kundi umiyak habang pinapanood kung pano mamatay ang kapatid ko sa mismong harapan ko, wala man lang akong magawa. Mas lalong tumindi ang galit sa loob ko ng makitang bumagsak ang wala ng buhay na katawan ng aking kapatid sa lupa. Bumalik ang nanlilisik kong mata sa kung sinong pumatay sa kapatid ko, ngunit hindi ko parin siya makita ng maayos kahit na nasisinagan na ng buwan ang kanyang mukha.
Hinila ako paalis ni Tam paalis sa lugar na iyon. Ng malayo na kami sa pinangyarihan ng insidente hindi ko mapigilang sumigaw.