"Hoy, nagmamadali umalis?"
Kumaway ako kay Kierra pagkapasa ko ng gawa ko sa President namin. Siya na raw ang magbibigay kay Sir kasi absent. Mabuti na nga lang at absent dahil binigyan kami ng palugit sa oras ng pagpapasa kaya natapos ko rin by 5 PM 'yung gawa ko.
Pinagsisisihan ko na tuloy na tinaboy ko si crush. Paano ko na siya hahanapin ngayon, ha? Wala naman akong number noon! Nangako pa siya na mamaya kami maglalandian diba? Nasaan na siya ngayon?!
Tinanggap ko na lang na hindi ko naman siya macocontact kaya lumabas muna akong Noval para bumili ng milktea bago bumalik sa loob ng UST dala-dala 'yung milktea ko. Palinga linga pa ako sa paligid, umaasang makikita nga siya.
"Hoy!"
Napalingon ako kay Sevi nang tinawag niya ako. Tumatakbo na siya palapit sa 'kin ngayon galing doon sa field. Huminto ako sa paglalakad dito malapit sa may BGPOP at hinintay siyang makalapit.
"Anong kailangan m-" Napatigil ako nang kinuha niya ang milktea ko. "HOY!" Hinatak ko ang buhok niya para hindi niya inuman pero nauna na siya.
Masama ko siyang tinignan nang ibalik niya sa kin ang milktea ko, tuwang tuwa pa. Napaka-kapal talaga ng mukha!
"Pakyu, Sevirous!" Galit na sabi ko.
Tinawanan niya ako habang nagpupunas ng pawis. Naririnig kong pinagbubulungan siya ng mga babaeng dumadaan sa likod ko. Hindi naman kasi mapagkakaila na gwapo siya, oo. Tapos captain pa siya ng basketball team. Full package.
Tarantado nga lang! Hayop na 'yan! Ininuman milktea ko!
"Kapag ako nagkasakit at namatay dahil sa laway mo, ikaw magbabayad ng hospital bills at funeral ko!" Halos sakalin ko na siya.
"Luh, O.A!" Inismiran niya ako at iniwasan ang kamay kong handa nang sakalin siya.
"Bumalik ka na roon! Hanap ka na ng instructor n'yo!" Tinulak ko siya pabalik habang pinupunasan ang straw ng milktea ko. Ngumisi siya sa akin at may kinawayan pa sa likuran ko bago tumakbo pabalik sa field.
Umirap ako at pinagpatuloy ang paglalakad. May mga nakakasalubong akong kakilala ko na kinakawayan ko na lang. Halos maikot ko na 'tong buong UST pero hindi ko pa rin siya nakikita. Umupo na lang ako sa isang bench sa Plaza Mayor, sa tapat ng Main Building at doon nagmasid ng mga dumadaan.
Nag-retouch pa naman ako para sa kanya. Nag pulbos ako tapos naglagay pa 'ko ng cheek tint at lip tint. Nagpabango pa ko at inayos ang bun ng buhok ko. Nag-laglag ako ng kaunting hibla ng buhok sa may magkabilang gilid ng mukha ko para kunwari messy bun.
Pinaghandaan ko 'to, oh! Kung alam ko lang kasi na dadating siya kanina e 'di sana nag-gown ako! Sumimangot ako habang nakatingin sa main building. Para talaga siyang painting, e, 'no? Isa 'to sa dahilan kung bakit dito ako nag-enroll, e. Pakiramdam ko narerelax ako kapag tinitignan ko ang building na 'to pagkatapos ng klase.
"Hey."
Napaawang ang labi ko nang makita ko si Kalix sa harapan ko. Umupo siya sa tabi ko at tumingin rin sa Main building habang may hawak na Starbucks cup sa kabilang kamay. Hindi ako makapagsalita. Na-starstruck ata ako. Wow, artista ang datingan.
Hindi ko siya masyadong napagmasdan kanina. Naka puting shirt lang siya at black pants. Naka-tuck in 'yung shirt niya at may belt siyang itim, tapos naka puting sapatos. Bakit kahit ang simple ng suot niya, ang lakas ng dating sa 'kin? Ang bango pa.
"Hi, anong pabango mo?" Agad na tanong ko para masimulan na ang usapan naming dalawa. Interview na naman 'to. Kung ano ang itanong sa kanya, 'yon din ang isasagot.
"It's not important," sagot niya. Bago 'yun, ah! Hindi niya sinagot nang diretsahan!
"How are your plates?"
Napalingon ako sa kanya nang siya naman ang magtanong sa 'kin. Wow, kinakausap niya 'ko ngayon, ah! Mabuti naman. Kung hindi sasakit na ang likod ko kakabuhat sa usapan naming dalawa.
"Tapos ko na. Pinasa ko kanina lang. Buti nga absent 'yung prof eh kaya natapos ko. Nakalimutan ko kasi noong weekend. Paano, natulog kami kila Sam, 'di ba? Tapos nag-mall pa kami sa QC. Tapos noong gabi, nagpuntang BGC. Hindi pa naman ako sanay na nagca-cram. Never ko na gagawin 'yon!" Pagdaldal ko.
Ganoon sana! E 'di perfect ako sa essay, diba?!
"Ikaw? Musta cases?" Tanong ko naman.
"Finished reading"
Ngumuso ako. Tignan mo, ang ikli talaga ng sagutan. Tumayo ako kaya napatingala siya sa akin, nagtataka kung saan ako pupunta.
"Tara, bibili ako ng Potpots. Sama ka?" Tanong ko. Kumunot ang noo niya. "Pot.. what?"
"Masarap 'yon! Tara!" Gusto ko sanang hawakan kamay niya para hatakin pero nahiya ako slight. Mabuti na lang at tumayo rin siya kaagad kaya nagla kad na kami papunta sa carpark.
Nang makabili na ako, inalok ko kaagad sa kanya. Tumanggi pa siya pero pinilit ko kaya kumuha na rin siya at kumain. They were just some normal flavored potato chips na malambot. Naglakad-lakad kami pabalik pagkatapos kong bilhin. Nang madaan sa UST Hospital, naisipan kong magtanong sa kanya.
"Parehas ng parents mo, rito nagtatrabaho?"
"Yes." Tumango siya habang sinasabayan akong maglakad. Mas mahaba ang biyas niya sa 'kin kaya binabagalan niya ang lakad niya. Napapairap ako dahil pinagtitinginan siya ng iba. Hindi ko alam kung dahil ba gwapo siya o dahil naka civilian siya. Halatang hindi taga-rito.
"Anong klaseng doktor?"
"Neurosurgeon. The other one is ortho, I think." He shrugged, mukhang hindi rin niya alam kung ano-ano ang terms.
"May mga kapatid ka ba?" Tanong ko ulit. Tumango lang siya.
"Ilan? Anong course? Ilang taon?"
Ayan, ha! Dinamihan ko na ang tanong para madami na rin siyang masabi.
"We're 3. I'm the middle child. My sister is in med school and my little brother is only 4."
Aw, so kuya siya? Cute naman. I liked men who were good with kids. Nakita ko na tuloy ang future ko with him. Char!
"Bakit hindi ka nag-med?" I tried to ask. Naramdaman kong sensitive topic ata 'yon para sa kanya kaya hindi na rin ako nag-expect ng matinong sagot.
"I just don't want to."
Tumango na lang ako at hindi na nagsalita pa tungkol doon dahil mukhang iniiwasan niya. Madaldal ako pero alam ko kung hanggang saan lang 'no! Umupo na lang kami sa may lovers lane kahit hindi naman kami lovers.
"So, kala ko ba Friday ka pa pupunta dito? Bakit ka narito?" Na-miss mo siguro ako!
"My friends are here."
"Oh? Nasaan?" Luminga-linga pa ako na parang makikita ko mga kaibigan niyang nagtatago rito. He looked at me and bit his lower lip to stop a smile.
"Not here. Nasa Dapitan, umiinom," medyo natatawang sabi niya.
Tumango ako. "Bakit hindi ka sumama? Tara, sama tayo!" Aya ko sa kanya dahil makapal ang mukha ko. He stared at me for a second, halatang may iniisip.
"I think that's not a good idea," sabi niya naman.
"Bakit? 'Di ba 'yun din friends mo na nakasama namin nila Sam?"
"No." Umiling siya. "These are my high school friends. Almost all of them ended up studying here so they held the 'mini reunion' here."
"O, bakit nandito ka?! Tara nga! Saan ba sila nainom? Sundan natin! Sali tayo!" Tumayo ako. Halatang ayaw niyang tumayo pero napilitan siya.
Pumasok kami sa 4M. Inaasahan kong makikita ko iba kong kakilala dito at tama nga ako. Kumaway lang ako sa kanila bago kami umakyat ni Kalix. Nang makaakyat, sumenyas kaagad yung isa niyang tropa na nandoon sila sa gilid.
"Pre! Ano, kala ko ayaw mo uminom?!" Salubong noong isa sa kanya sabay handshake. Lima siguro sila. May dalawang taga UST at 'yung tatlo, hindi naka-uniform kaya hindi ko alam kung taga-saan.
"O, pucha, Luna!" Nanlaki ang mata ko nang makita ko 'yung kakilala kong taga kabilang section ng Archi. Kaibigan niya pala! Hanep! "Anong ginagawa mo rito?!"
Napatingin din si Kalix sa amin nang mapansing magkakilala nga kami. Kinakausap siya ngayon noong isang naka civilian.
"Sinamahan ko lang si Kalix. Kaibigan mo pala!" Medyo sumisigaw ako dahil ang ingay noong nasa kabilang table. Pinaupo kami ng mga kaibigan niya. Bale, magkatabi kami ni Kalix at sa tapat ko 'yung kakilala ko, si Erick.
"Girlfriend mo, pre?" Tanong noong isa kay Kalix.
"Hindi" maikling sagot niya.
Ang cold, ah! Huwag kang mag-alala! Soon! Pakiramdam ko naman wala siyang girlfriend... "di ba? Hindi siya umaangal sa mga advances ko, e. Ngumiti lang ako doon sa nagtanong bago ko pinagpatuloy ang pakikipag-usap kay Erick tungkol sa prof.
"Pakilala mo 'ko," rinig kong sabi noong isa pang naka civilian.
Hindi ko alam kung anong sinagot ni Kalix. Kumuha lang siya ng baso at nagsalin ng inumin doon. Ako lang ang babae sa kanila. Buti na lang may kakilala ako. Halata nga lang na tinatamaan na sila dahil kanina pa ata sila nagsimula. Gin pa ang tinira.
"Paano kayo nagkakilala?" Tanong ni Erick. "Ang layo, ah!"
"Common friend. Si Sam, kaibigan ko sa Ateneo," sagot ko naman. Lumingon ako sa nag abot sa akin ng baso. Kinuha ko iyon at ngumiti sa kanya. Dapat mabait ako dahil friends sila ni Kalix. Pa-goodshot lang!
"Hi, anong pangalan mo?" Tumabi sa akin 'yung naka civilian kanina na kausap ni Kalix.
Napalingon si Kalix sa gawi ko nang mapansing lumipat ang kaibigan niya. He was watching us with no emotion in his eyes. Hindi niya pa matanggal ang tingin niya.
"Luna." Nakipagkamay ako pagkatapos magpakilala. "Ikaw?"
"Mark. Archi ka pala sa UST? Musta?" Pakikipagchikahan niya sa 'kin. Nakipagkwentuhan na rin ako sa kanya dahil hindi rin naman ako kinakausap ni Kalix. Mukha namang mababait ang ibang mga kaibigan niya. Nailang lang ako sa hindi ko malamang dahilan.
Nakaka-apat na baso na 'ko habang nakikipagkwentuhan. Hindi ko na rin napapansin. Lumabas muna si Erick tsaka 'yung taga isang UST para mag yosi. Kausap ni Kalix 'yung isa niyang kaibigan ngayon. Yung dalawang naka civilian, lumipat sa harapan ko para makipag-usap naman sa 'kin.
"Naiistress ka pa sa lagay na 'yan? Hindi halata, ah!" Sabi noong Rey.
"Grabe ka, oo naman," awkward na sabi ko. "Kayo ba? Kumusta acads?"
"Okay lang. Madalas ako sa UST pero bakit hindi ata kita napapansin doon? Kakaiba pa naman 'yung ganyang ganda." Hinawakan niya ang baba ko saglit. Awkward akong ngumiti kay Rey. Ano ba 'to? Sinasadya niya ba? Si Mark naman ay may tinext kaya hindi niya nakita.
"Saan ka madalas, Luna?" Tanong ni Mark nang makabalik. "Kain tayo minsan. Malapit lang ako dito!"
"Puta, ang bilis mo, ah." Siniko siya ni Rey.
Ngumiti si Mark sa akin. "O kaya inom tayo minsan. Mukhang malakas ka, e. Lasing ka na ba? Pang ilan mo na 'yan, oh?" Turo niya sa baso ko.
"Pang pito pa lang, grabe." Tumawa ako para maalis ang tensyon. Lumingon ako kay Kalix at nakitang lumipat na siya roon sa katapat kong side na table at kausap pa rin 'yung kaibigan niya. Seryoso lang siyang nakikinig at
paminsan-minsan tumitingin sa 'kin.
"May boyfriend ka?" Tanong ni Rey bigla.
"Uh, wala," sagot ko kasi totoo naman.
"Bakit wala? Ganda mo, oh! " Sabi naman ni Mark. Ano ba 'yan? 'Yan 'yung mga typical na galawan ng mga highschool, e. Ang tanda na niya, hindi ba siya mag-eevolve man lang?
Nilapit ni Rey ang upuan niya malapit sa akin at nilagay ang braso sa sandalan ng inuupuan kong monoblock. Inalis ko ang pagkakasandal ko para hindi ako madikit sa braso niya. Nagkunwari na lang akong nagsasalin sa baso ko, nailang na lalo.
"5 seconds nga! 5 seconds walang malisya!" Sigaw ni Mark. Narinig noong mga lasing sa kabilang table kaya nagsi-kantyawan na sila sa amin ni Rey. "5 seconds! Walang malisya!"
Awkward akong umiwas ng tingin. Nakatitig lang sa 'kin si Rey at lumapit para bumulong. "G? Isa lang"
"Luna, tara na."
Napatingin ako kay Kalix nang tumayo siya at nasa gilid ko na siya. Tumayo na rin ako at kinuha ang bag ko para makaalis. Ayaw ko na rito. Hindi ko gusto ang hangin.
"Pre, ang KJ naman!" Kantyaw ni Mark. "Saglit lang, wag muna kayo umalis!"
Hindi siya pinansin ni Kalix at tinulungan akong kuhanin ang bag ko doon sa kabilang upuan. Tumayo na rin si Rey para pigilan kaming dalawa.
"Pre, mamaya na kayo umuwi." Hinawakan ni Rey si Kalix sa balikat pero agad 'tong umiwas sa hawak niya. "Ano, pre? May problema ba?"
Umiling si Kalix at nag ambang aalis na pero pinigilan ulit siya ni Rey. Ano ba 'tong isang 'to? Hindi ba siya makaramdam? Hinarang niya ang kamay niya sa dibdib ni Kalix at marahan siyang tinulak. Halatang lasing na
"Huwag mo 'kong hawakan," naiiritang sabi ni Kalix.
"Bakit ka galit? Sabi mo hindi mo girlfriend? Ano naman kung maghalikan kami, ha? Ano naman sa 'yo?!" Tumataas na ang boses ni Rey. Natahimik tuloy ang mga tao dito at naki-chismis. Ano ba 'tong nangyayari rito? Hindi naman ito ang pinunta ko. Hindi sumagot si Kalix at umambang lalakad na. Sumunod ako sa kanya pero hinawakan ni Rey ang palapulsuhan ko athinatak ako pabalik kaya muntik na akong matumba.
"Shit!"
Nanlaki ang mata ko at napatakip sa bibig ko nang bumagsak si Rey sa sahig dahil sa suntok ni Kalix. Napaatras ako dahil nagkagulo na ang mga tao! May mga umakyat sa hagdan para silipin ang nangyayari at napatayo na rin ang mga nasa ibang table.
"Puta, anong nangyayari?!" Bumalik na si Erick at 'yung isa pang taga UST. Agad inawat ni Erick si Rey at si Kalix habang ako gu lat pa rin ako sa nangyari. Jusme! Bakit may nagsusuntukan?!
"Putangina!" Galit na sigaw ni Rey. "Huwag kang magpakita sa 'kin, Kalix! Babasagin ko ulo mo!"
Tinapunan siya ng tingin ni Kalix. "Fuck you"
Nagkantyawan sila roon pero hindi ko na narinig nang hatakin na ako ni Kalix palabas. Nang nasa kanto na kami, binitawan na niya ako at huminto siya saglit sa paglalakad sa may Dapitan para pakalmahin ang sarili. Mabigat ang paghinga niya at hindi naman ako makapagsalita sa gulat.
"O-okay ka lang?" Tanong ko.
"Are you?" He looked at me with con cern in his eyes. Medyo namumula ang mukha niya. Hindi ko alam kung dahil sa galit o dahil sa alak, pero ang pogi niya pa rin tignan.
Napaiwas ako ng tingin habang hinahabol rin ang hininga ko. Parang hindi ako nakahinga doon sa loob! Masyadong marami ang nangyayari!
"Okay lang ako. Medyo nailang lang ako." I gave him a smile so he would calm down.
"Fuck, kaya ayaw kitang isama roon, e," rinig kong bulong niya.
Natahimik ako dahil hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Bakit kasi nagpumilit pa ako?! Next time, hindi na. Malay ko bang siraulo pala mga 'yon, 'no? Akala ko dahil kaibigan niya, matitino at mababait katulad niya. Hindi pala.
"Okay na, tara na. Bumalik na tayo," pinilit ko na siyang bumalik sa loob ng UST. Nang nasa tapat na kami ng carpark, huminto na ako sa paglalakad para magpaalam sa kanya. "Sige na, uuwi na 'ko."
"Paano ka uuwi?" Tanong niya.
"Jeep. Mag-aabang ako roon sa España o kaya sa Noval. Ikaw ba?" Tanong ko.
"Hatid na kita." Nauna siyang maglakad papasok ng carpark.
Napaawang ang labi ko sa gulat pero sumunod na lang rin ako sa kanya. Oh my gosh! Tama naman ang pagkakarinig 'ko, 'di ba?! Hatid! At papunta kami sa carpark dahil...ihahatid niya 'ko gamit ang kotse niya! For the first time!
Level up! Ihahatid na niya ako. Anong sunod? Mag-uusap na kami gabi gabi? Mag-aaya na siya ng dinner? Pipilitin niya na kumain ako dahil ayaw niyang nagugutom ako? Magde-deep talks kami sa madaling araw? Tapos next week, hindi na siya magrereply kasi sasabihin niya busy daw siya pero makikita mong may kausap na palang iba?
Charot!
Kinagat ko ang ibaba ng labi ko nang makita kong binuksan niya na ang pinto ng Mustang niyang itim. Sumakay na lang rin ako at nagsuot ng seatbelt. Tahimik lang kami sa byahe. Tinuro ko lang kung saan ang condo namin. Wala na! Alam na niya kung saan ako nakatira! Baka puntahan ako! Char
"Saan ka nakatira?" Tanong ko naman sa kanya.
"I have a condo near Ateneo," maikling sagot niya.
Tinignan ko ang kamay niyang nakahawak sa manibela. Medyo namumula ang kamao niya. I smiled by myself, pinipigilan ang kilig ko.
"Saan?" Tanong ko.
He arched a brow. "What are you planning?"
Nahugot ko ang hininga ko! Kung umiinom lang ako at nasamid na ako! "Grabe ka! Anong ibig mong sabihin? Tinatanong ko lang kasi curious ako! Ikaw, alam mo kung saan ako nakatira tapos ako hindi. Unfair na may alam ka sa 'kin na hindi ko alam sa 'yo. Gets mo?"
"Haba ng paliwanag," he whispered.
"Aba!" Singhal ko. Bastos ugali nito, ah! Pero imbis na mainis ako, kinilig pa ako. Malala na ata ako, ah.
"Same building ni Sam," sagot niya.
Huh?! Kaya naman pala kahit late na noon, wala siyang pakialam kasi sa ibang floor lang siya! Hanep!
Okay, may plano na ako. Kailan kaya next na mag-aaya si Sam sa kanila? O kaya doon na lang kaya ako matulog? Kunwari bored ako. Susuportahan naman ako noon sa kalandian ko, e. Tama 'yon.
Hininto niya na ang kotse sa tapat ng lobby ng condo ko.
Tinanggal ko ang seatbelt ko at tumingin sa kaniya.
"Thank you sa hatid" sabi ko bago buksan ang pinto.
"You won't ask me to go up?"
Nanlaki ang mata ko at nasara ko pabalik ang pinto para lang lumingon sa kanya. "H-huh?" Nauutal na tanong ko dahil sa gulat. "Gusto mo bang umakyat?" Tanong ko.
He chuckled. "I'm kidding. Goodbye."
Phew. "Okay. Bye!" Bumaba na ako ng kotse niya at pinanood ko pa siyang umalis bago ako umakyat. Nang makasakay ako sa elevator, buti na lang mag isa lang ako, sumigaw sigaw ako sa kilig at inayos ang itsura ko nang makita ang salamin.
Nang makapasok sa unit, tumakbo ako at niyakap si Kierra na nananahimik sa sofa at kumakain ng ice cream. "What the heck!" Reklamo niya sa 'kin. "Anong mayroon?!"
Binitawan ko siya at pinisil ang pisngi niya. "Ang daming nangyari sa araw na 'to! My gosh!"
Tuwang tuwa ako habang binababa ang gamit ko. Muntik ko pang mababaan ng bag 'yung nakalatag na painting ni Kierra na pinapatuyo niya. Muntik ko nang harapin ang kabilang buhay, ah.
"Ano ngang nangyari?!" Curious na tanong ni Kierra.
"Okay so, nagkita kami ni Kalix tapos sabi ko mamaya na niya ko landiin tapos sabi niya okay mamaya na lang, tapos nagkita kami sa Plaza Mayor tapos uminom kami kasama friends niya sa 4M tapos medyo minanyak ako ng friends niya tapos sinuntok niya, sis! Nakakaloka! Tapos hinatid niya ako pauwi, sabi pa niya kung hindi ko siya aayain sa taas tapos joke lang daw! Edi sis ako naman kilig na kilig ako kahit alam kong sasaktan niya rin ako sa huli kasi ganoon naman sila lagi, charot!"
Humiga ako sa sofa habang kinikilig pa rin. Mas nakakakilig pala kapag kinwento! Halos mawalan ako ng hininga dahil tuloy-tuloy talaga akong nagsalita. Mabuti na lang sanay na si Kierra kaya naintindihan niya pa rin ang kwento ko.
"Hala ka, malandi ka talaga! Bakit may suntukan sa 4M?!" lyon lang ata ang tumatak sa utak ni Kierra.
"Hindi ko rin alam! Nagulat nga ako!" Sabi ko habang nagiiscroll sa phone ko. Naisipan kong i-add si Kalix sa Facebook kahit sabi niya hindi naman siya nagfefacebook. Nakita ko ang account niya pero halos lahat ng information at picture naka-hide. Ano ba 'yan! Napakaprivate na tao! Yung current profile picture niya lang ang nakita ko. Nasa yacht siya. Nakasandal siya sa railings at medyo hinahangin ang buhok niya. Naka white na sleeveless shirt siya, black board shorts, at naka shades! Hindi siya nakangiti sa picture. Seryoso lang ang mukha niya at nakatingin sa malayo.
Ang header niya naman ay picture nilang tatlo nila Leo at Adonis. Naka-suit sila at parang nasa party. Hindi pa rin siya nakangiti sa picture na 'yon pero ang gwapo niya tignan sa ayos niya.
"Ang pogi talaga!" Sabi ko pagkapindot ko ng Add Friend. Hindi ako nag-expect na iaaccept niya ako kaagad kasi sabi niya hindi daw siya nagfe-Facebook
Sinubukan kong tignan kung may Instagram siya. Nakita ko pero naka-private!
kalixjm
0 posts-2,345 followers-342 following
E 'di ikaw na private na tao! Wala man lang kapost-post! Mag-follow request pa rin ako para kapag finollowback na niya ako, magpapapansin ako sa IG stories ko. Planado na ang lahat. Operation: Mahulog siya sa 'kin. Chos.
Binaba ko muna ang phone ko para kumain ng nilutong sinigang nitong si Kierra. Busy na siya ngayon na nagpe-paint. Nagpa-practice kasi siya ngayon. Ako naman, ingat na ingat na huwag dapuan ng sabaw ng sinigang 'yung ginagawa niya. Kung hindi, baka magsabunutan kami rito.
Ang rule namin ay: kahit galit kami sa isa't isa, walang siraan ng plates.
And I abide by the rules of the court!
Minsan nga, gagamitin ko 'yan kay Kalix para kunwari same interests kami. Makapagbasa na nga ng mga kaso para naman next time, may mapag-usapan kami. lyong mahaba ang pag-uusap namin! Tama!
Napa-search tuloy ako. Habang nagsesearch ako, biglang may lumabas sa notifications ko.
kalixjm accepted your follow request.
Napangisi ako at dali-daling binuksan ang Instagram ko para mag-dm sa kanya. Akala niya, ha. Accept pa niya ang follow request ko, ah! Hindi ako matatahimik ngayon dahil sa excitement.
lunavaleria: so what's your thought on Hernandez v. CA
I giggled by myself.
kalixjm: typing...
kalixjm: Tf?
Napalingon sa akin si Kierra nang tumawa ako mag-isa. I cutely smiled at her before biting my lip. Nag-type ulit ako habang natatawa.
lunavaleria: why? curious ako sa case:)
kalixjm: Really?
kalixjm: What are you curious about?
lunavaleria: the case nga:)
kalixjm: Did you even read it
lunavaleria: oo naman!
kalixjm: What's the ruling?
Napabalik tuloy ako sa sinearch ko! Siyempre hindi ko talaga binasa, duh! Bakit ko babasahin! Random search lang naman ako tungkol sa mga kasal kasal cases! Nakakaloka, malay ko ba! Hindi naman ako na-inform na may pa-recitation pala rito.
kalixjm: See? Hindi mo nga alam.
lunavaleria: alam ko kaya. the decision of the court of appeals is affirmed. panis
Ang hirap naman makibagay kay crush! Nage-effort naman ako, e. Sana lang hindi niya pagtawanan ang mga sinasabi ko.
kalixjm: Really? Tell me the facts.
lunavaleria: oo na hindi ko na binasa ano ba 'yan epal ka naman e ;(
Seen
Hindi na niya ako nireplyan! Ngumuso ako at naghugas na lang noong pinagkainan ko bago ako nag-shower. Nag-skincare na rin ako at sinimulan nang gumawa ng plates. Pinicture-an ko yon at nilagay sa IG story ko para tignan kung nagviview ba si Kalix.
Viniew nga niya, hindi nga lang nagreply! Dahil makapal ang mukha ko, binuksan ko ang dm namin at nag-snap ako ng picture ng drawing ko at sinend ko sa kanya. Nakita kong inopen niya kaagad.
kalixjm: typing...
kalixjm: sent a photo
Sinendan niya rin ako ng picture ng binabasa niyang libro about Taxation. I giggled again when he sent another message.
kalixjm: Wag kang magulo.
Tumawa ako kaya napatingin ulit sa 'kin si Kierra. Nag peace sign lang ako sa kanya at bumalik na sa ginagawa ko.