Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

The Mafia King's Melody

Thunder_Bird_0731
--
chs / week
--
NOT RATINGS
2.9k
Views
Synopsis
NAGING tagapagmana si Nikolai sa Under ground organization ng kaniyang pamilya nang namatay ang mga magulang nito sa isang ambush sa bahagi ng Palawan. Ang layunin ni Nikolai ay ang mabigyan ng hustisya at maipaghiganti ang mga magulang. Sa kabila ng kaniyang pagiging mahilig sa musika at pagsusulat ng kanta, wala na siyang nagawa kun 'di tuluyang yakapin ang mundo ng kanilang organisasyon. Pero paano kung anak pala ng mga taong hinahanap niya si Melody Enriquez, ang babaeng bumihag sa puso niya't dahilan ng inspirasyon sa bawat kantang nabubuo niya? Makakaya niya bang maging kasangkapan sa paghihiganti niya ang dalaga? O titiwalag sa organisasyon at layunin ng pamilya?

Table of contents

Latest Update3
C32 years ago
VIEW MORE

Chapter 1 - c1

ISANG malakas na pagsabok ang narinig ni Nikolai sa unahang bahagi ng sasakyan kung saan naka-cowboy siya sa mga magulang niya kasama ang tatlong body guard ng Daddy Lucas niya.

Pinagmasdan niya ang tatlo kung saan nagkaniya-kaniyang nilagay ang radyo na hawak ng mga 'to sa kaniya-kaniyang sariling teynga.

Malakas ang loob niyang may hindi magandang nangyayari; talahib at mataas na bangin ang daan na dinadaanan nila ng mga sandaling 'to patungo sa resort ng pamilya Buencamino.

Hindi niya rin naiwasang mapatingin sa mga kalibreng armas ng mga tauhan ng magulang niya. Kaniya-kaniyang higpit ng hawak ang mga ito.

"A-anong n-nangyayari?" nauutal na tanong ni Nikolai kay Fernan ang isa sa mga naging malapit sa kaniya sa tagal ng panahon na nanungkulan ito sa pamilya nila.

Puno ng pag-alala ang nanahan sa puso niya nang pumorma ang mga ito sa pagbaba.

Hindi siya basta-basta papayag na iwan na lamang siya ng mga ito sa sasakyan.

Mula sa front seat kinuha ni Nikolai ang isang 45 calibre pistol na pagmamay-ari ng driver nilang si Beltran.

Kahit hindi sabihin ng mga 'to malakas ang kutob niyang may hindi magandang nangyari sa mga magulang niya. Halos nasa sampu ang sasakyang naka-cowboy sa mga ito at sila ang nasa hulihang bahagi kasama ang tatlong tauhan ni Don Lucas.

Isa pang malakas na pagsabog ang narinig ni Nikolai at pinili niyang magkubli sa likod na bahagi ng itim na van na sinasakyan nila kanina.

Binaling ni Nikolai ang tingin sa taas na bahagi ng bundok at puro talahib ang naaabot ng tingin niya.

"Bakit ho kayo bumaba, Sir Nikolai?" Iyon ang narinig ni Nikolai nang mapatingin siya sa likuran niya, biglang sumulpot d'on si Fernan.

"Nasaan sina mommy at daddy? Nasaan si Zia? Nasaan ang kapatid ko?" puno nang pag-aalalang tanong ni Nikolai sa lalaki.

"Kailangan mo na bumalik sa sasakyan, Nikolai! Kailangan natin makaalis na ligtas dito! Lalong-lalo ka na!"

"Nasaan si Zia? Nasaan si Mommy?!"

Galit na hinawakan ni Nikolai ang kwelyo ng damit ni Fernan.

Hindi ito makatingin ng direkta sa kaniya.

"Umalis tayo! Umalis na tayo, Nikolai! Huwag na maging matigas ang ulo mo! Kung ayaw mong pati ikaw mapapahamak!" ani sa kaniya ni Fernan.

Laglag balikat na tumayo si Nikolai sinunod ang gustong mangyari ni Fernan. Tumayo ito sa tabi niya at naging magalaw ang mga matang tumingin-tingin sa paligid ng lugar hanggang makasakay siya ng ligtas sa sasakyang gamit nila.

'Kung ayaw mo pati ikaw mapahamak!' iyon ang paulit-ulit na salitang naririnig ni Nikolai mula kay Fernan. Mas sumidhi ang kabang naramdaman niya ngayon na may nangyari ngang masama sa pamilya niya.

"N-Nasaan si Zia?" ulit niyang tanong kay Fernan nang tumabi ito sa kaniya.

Si Zia ang limang taong gulang na kapatid ni Nikolai. Sinadya nila itong isama sa pag-uwi ng pamilya nila sa Palawan, sa pag-aakalang magiging ligtas ang buhay nito sa lugar ng Mommy Czarina niya.

Malakas ang kutob niyang ambush ang nangyari, hindi man malinaw dahil wala pa ring kahit na ano'ng kibo sa kaniya si Fernan. Ganoon na ang sinisigaw ng isip niya.

"Iligtas niyo si Zia! Iligtas niyo ang kapatid ko!"

Iyon ang paulit-ulit na salitang lumabas mula kay Nikolai nang makabalik na ang tatlong kasama niya kabilang si Fernan. Kinuha nito mula sa kamay niya ang kaninang baril lang na hawak niya.

"Bumalik tayo sa hide out!" untag ni Fernan kay Beltran.

Mabilis umatras ang sasakyan na lulan nila't hindi niya na alam ang mga nangyari dala ng pag-aalalang labi niyang nararamdaman para sa buo niyang pamilyang ilang metro ang layo mula sa kanila.

Isang tingin ang pinakawalan ni Nikolai sa direksyon na tinungo ng pamilya niya kanina lang.

Nandoon ang bigat sa pakiramdam niya na wala man lang siyang nagawa o mas tamang sabihing wala man lang siyang magawa para tingnan kung ano ang totoong nangyaring nagbigay sa kaniya ng labis na pag-aalala at takot.

He don't want to convince himself na may masamang nangyari sa mga ito.

Naniniwala siyang hindi kailanman pababayaan ng mga tauhan nila ang pamilya niya maging ang Tito Manuel niya ang mommy at daddy niya lalo na si Zia.

Nakahinga ng maluwag si Nikolai nang maalala ang Tito Manuel niyang nakasunod lang sa van ng mga ito.

"Wala pa tayong natatanggap na tawag, Niko! Kaya huwag kang mag-isip ng kahit na ano'ng masamang nangyari tungkol sa kanila! Ipagdasal na lang natin na ligtas ang pamilya mo lalong-lalo na si Zia.."

Tumango siya ng pilit sa sinabi sa kaniya ni Fernan. Nagtaas siya ng tingin sa mga ito at isang tingin pa ang pinakawalan niya sa likurang bahagi ng sasakyan nila.

Malayo na ang tinakbo ni Beltran mula sa pinanggalingan ng malakas na sunod-sunod na putok kanina kasunod ang malakas na pagsabog na nagbigay ng sobrang kaba sa puso niya.

Hahawakan niya ang mga sinabi ni Fernan, ganoon din ang Tito Manuel niyang kasunod ng mga mahahalagang tao sa buhay niya.

"Tawagan mo ang pweding tawagan, Fernan! Alamin mo kung kung kamusta sila... lalo na si Zia. Bata pa ang kapatid ko. Hindi niya dapat maranasan 'to!"

Hindi niya matatanggap sa sarili niya kapag may mangyaring masama kay Zia. Isa siya sa may kasalanan kung mapapahamak si Zia. He let his parents take him on their way, hindi niya matatanggap sa sarili niya kung sakaling tama ang hinala niya kanina.

"Kailangan kong makausap si mommy o daddy, Fernan! Kailangan kong malaman ang nangyari sa kanila at kung nasaan si Zia."

Hindi man lang siya binigyang pansin ni Fernan. Tahimik lang ito sa tabi niya, sa mga mata nito nandoon ang malalim na iniisip nito.

"Si Tito Norman? Tumawag na ba siya? Nag-radyobna ba siya? Bakit ayaw niyo akong sagutin! Pamilya ko ang nandoon! Pamilya kong hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanila!" malakas na pagkakasabi ni Nikolai sa mga katabi maging sa unahang bahagi ng sasakyang gamit niya.

"W-Wala na si N-Nikolai! In-ambush ang mga magulang mo! Kasama si Zia! Wala na sila!"

Hindi alam ni Nikolai kung ano ang mararamdaman sa mga narinig niya mula kay Fernan.