FINALLY! Sa unang beses na naging Enriquez si Melody nakaramdam din siya ng kalayaan mula sa kaniyang mga magulang nang hayaan siya nitong magbakasyon sa El Nido, kasama ang dalawang kaibigan niyang kambal na si Zander at Zandra.
Malaking bagay sa kaniya ang ginawang tulong ng mga itong payagan siya.
Masasabi niyang tagumpay ang plano nila at heto na siya ngayon, halos kalalapag lang ng eroplanong sinasakyan nila sa Palawan.
Ilang oras na lang nasa magandang Isla na silang tatlong magkakaibigan.
"Kamusta ang pakiramdam, Melody?" nakangiting tanong ni Zander kay Melody.
Ano pa nga ba ang isasagot niya rito? Kung 'di siya na ang pinakasamayang bakasyunista sa magandang lugar na 'yon na bahagi ng Pilipinas.
Inikot ni Melody ang tingin niya sa paligid. Wala na siyang hihilingin ngayon kun 'di ang maging masaya sa loob ng ilang araw nilang pananatili sa Isla.
Napasinghap na lamang siya sa mga naisip. She can wait the moment na makakaharap niya ang lalaking naging dahilan kung bakit sumidhi ang kagustuhan niyang makarating d'on.
"Hey! Are you okay? Nakarating ka lang dito sa Palawan, para ka ng sira d'yan," komento ni Zandra nang tapikin siya nito sa balikat.
"Masaya ako, Zandra. Masayang masaya ako," ani niya sa dalawa. Hindi niya makuhang ikubli ang nararamdamang 'yon sa puso niya.
"Halata nga, Frenny. Sobrang halata nga."
"Sinabi mo pa, Sis."
"Halika na kayo, hintayin na natin ang van na magdadala sa atin sa paradise," tumitiling sabi ni Zander sa kanilang dalawa ni Zandra.
Nangako si Melody sa sarili niyang gagawin ang lahat mahanap lang si Elijah.
Hindi niya man alam kung papano, tiwala siya sa sarili nyang makakaya niyang hanapin ito.
Ibibigay niya kay Elijah ang lahat ng kanta na mayroon siya.
"Are you really okay, Ode?" tanong sa kaniya ni Zandra.
Natutulala na naman pala siyang hindi niya namamalayan.
"I'am. Alam mo naman na first time ko 'to. Excited lang talaga ako, bago to sa akin, Zandra."
"I thought you are not. Ibabalik kita sa inyo kung hindi."
"Sira ka! Hindi magiging mongha ako ulit sa bahay kapag ginawa mo 'yon."
Gumawa silang magkaibigan sa tugon niya rito. Hinawakan siya nito sa balikat at iginiya na hanggang sa puting van na naghihintay sa kanila at ang magdadala sa kanila sa Isla ng El Nido ang isang paraiso para kay Melody.
~
"DUMATING na ang mga guest nasa, Nikolai." Ani ni Fernan kay Nikolai.
Nakaupo siya sa may bahagi ng veranda nila sa kanilang malaking bahay sa Palawan.
Nasa tabi niya ang isang stick ng sigarilyo sa isang ashtray, na hindi niya napapansing kanina pa umuusok at paubos na.
"Kamusta sila?" tanong niyang hindi makatingin kay Fernan.
"Maayos naman ang dating nila at ngayon papunta na sila sa beach resort. May ihahabilin ka ba sa mga tauhan natin d'on."
"Just secure the place, hindi sila dapat makarating sa basement sa bahay, Fernan."
"Areglado, Nikolai! Wala kang dapat ipag-alala at nasa maayos ang lahat. Ganoon din ang mga bisitang bagong dating."
Kilala ni Nikolai ang mga panauhing pandangal nila kabilang na ang isang babaeng si Melody Enriquez.
Hindi siya pweding magkamali na ito ang anak ng matinding kalaban ng mga magulang niya sa mga negosyo nila lalo na sa illegal na gawain ng pamilya.
Huling balita niya mula sa mga mata ng pamilya Enriquez ang pagkakahilig ng dalagang anak sa karagatan at kabilang na ang El Nido sa matagal nitong pangarap na puntahan.
He feel glad at pinayagan ito ng mga magulang, ang balita niya matagal na nitong iniingusan ang ama nito para ibigay ang gusto nitong makapag-tour sa isla at isa pa sa nalaman ni Nikolai ay ang paghahanap sa kaniya ng dalaga, siya bilang si Elijah.
"Poor Melody! Maiipit sa mga kasakiman ng magulang niya!"
Mapait na bulong ni Nikolai sa sarili niya.
Buo na ang plano sa isip niya, unti-untiin niyang mapalapit sa dalaga ng pamilya Enriquez, sa pamamagitan nito malalaman niya ang totoo kung may kinalaman ba ang pamilya nito sa pagkamatay ng mga magulang niya kasama ang kapatid niyang walang malay.
"Hello, Fernan! Ihanda mo si Grego, pupunta tayo ng El Nido!"
Mariing utos ni Nikolai kay Fernan si Grego ang sasakyan niyang mamahalin na binili niya pa sa ibang bansa. Ito ang gagamitin niya para makuha ang atensyon ni Melody.
MANGHANG-mangha ang mga mata ni Melody sa tanawing nakikita niya mula sa isang beach house resort. Nakatayo siya ngayon sa Terasa ng malaking villa na 'to at halos tanaw niya ang napakagandang paligid lalo na ang puting buhangin ganoon din ang bughaw na karagatan.
"This is truly a paradise," bulong niya sa kaniyang sarili.
Hindi niya akalain na magkakaron siya ng pagkakataon para makita ito.
'It will be more a paradise kung kapiling ko sana si Elijah. Magkikita pa kaya kami? Makikita ko pa kaya siya?' iyon ang paulit-ulit niyang bulong sa sarili niya
'Alam kong magkikita tayo Elijah! Sa ayaw man at sa gusto ng tadhana, magkikita tayo rito sa paraisong 'to!' buo ang loob niyang bulong sa sarili.
Tiwala siyang isa sa mga araw na 'to, makakadaupang-palad niya ang isang Elijah Perez hindi na lang ito basta-basta sa imahinasyon niya. Umaasa siyang makakaharap niya rin ito, kaya nga nandito siya sa Isla na 'to at isa sa mga dahilang iyon ang lalaking hindi nawala sa isip niya mula nang makilala ito.