MYCAH AILE PADILLA'S POV:
"Life is a beauty so admire it!" napangiti ako sa kawalan habang iniisip ang bagay na iyon. Tama nga ba? Life has a beauty? Kasama ko si Jhonet Marquez, ang best friend ko. Nasa isang mall kami. Nakaupo sa pa-circle na bench, sa second floor at medyo natatawa ako sa tagline na naka-post sa wall ng isang sikat na fashion boutique rito. Beauty?
Maraming nagbago sa akin pagkatapos ng mga nangyari. After one and half year, sobrang dami kong na-realize sa buhay. Mas lalo akong naging matapang na harapin ito. Mas lalo kong napatunayan na dapat hindi pala basta-basta nagtitiwala o nagpapaniwala. Masyado maikli ang buhay kaya dapat laging wais sa pagdedesisyon. Hindi dapat sinasayang.
"Bhessy, alam mo ba?" excited niyang sabi sa akin. "Naka-receive ako ng message via e-mail. I need to transfer in Brown Hills University. Alam mo bhessy, pinapagulo nila." nag-sad face pa siya. "Nabasa ko pa," nagpangalumbaba siya "Selected students lang daw ang pinili na i-transfer doon at incoming senior high students na excellence at may ibubuga, meaning may talents or leaderships. Basta iyon lang natandaan ko ei."
Salita nang salita si Jhonet at may pa aksyon-aksyon pa yung iba niyang sinasabi pero medyo gets ko naman kung ano yung kinukwento niya kasi naka-recieve rin ako.
***
"Bakit ka aalis? Paano na ang anak natin? Paano si Aile? Okay lang naman sa akin na mambabae ka. Okay na sa akin iyon. Okay lang na hindi na ako ang mahal mo. 'Wag mo lang sirain ang pamilya natin. Maawa ka kay Aile. Ayaw kong masira ang maganda at kompletong pamilyang nakagisnan niya." umiiyak na samo nito.
"Itigil na natin 'to, Len. Hindi habang buhay, maitatago natin sa anak natin na hindi na tayo ayos - na hindi na ikaw ang mahal ko. Kaya hangga't maaga pa at bata pa si Aile, sasabihin mo na at ipapaalam mo na may iba na ko at hindi na kailanman mabubuo tayo."
Napaupo ako sa may hagdan. Kitang-kita ko at rinig na rinig ko ang usapang iyon ng mama at papa ko. Masaya naman kami dati eh. Lagi kaming lumalabas t'wing day-off ni papa. Lagi kaming nagpa-family date. Sabi ko pa noon, wala na kong hihilingin pa kasi super blessed na ang pamilyang mayroon ako. Pero nang makita ko mismo ang hindi pagkakaunawaan ng mama at papa ko. Gumuho ang mundo ko. Pigil na pag-iyak ang tanging nagawa ko habang pinanonood ang eksenang iyon. Lumuhod si mama at hawak ang laylayan ng pantalon ni papa.
"Mark, maawa ka kahit 'wag na sa akin kung hindi para sa anak mo na lang. Ayaw kong masaktan siya. Ayaw kong masira ang mga pangarap niya." pagmamakaawa ng mama ko. Little by little, my heart was breaking at that scene that my mom begged my dad not to just leave us.
"Tumayo ka riyan, Len. 'Wag mong ibaba ng husto ang sarili mo. Mas lalong masasaktan si Aile kapag hindi niya malaman na iba na ang mahal ko at hindi na ang mama niya. At Len, hinding-hindi masisira ang pangarap ng anak natin dahil susuportahan ko pa rin naman kayo. Tumayo ka na riyan." paliwanag ng papa ko at doon mas lalong nadurog ang puso ko.
Itinayo ni papa si mama hanggang sa napahagulgol na ako at tuluyan nilang napansin na naroon ako, nakaupo sa hagdan.
"I HATE YOU!!!" sigaw ko at lumapit ako sa kanila. Tumayo si mama at niyakap ako.
"Anak, go up to your room first. Please, anak! Nag-uusap pa kami ng papa mo." pakiusap sa akin ni mama. Kitang-kita ko sa mga mata ni mama yung sakit at ramdam ko rin ang pakiramdam na iyon.
"No!" umiling ako, "No! ma. AYAW KO!!!" mariing kong pagtutol.
"Hayaan mo siya, Len. Para malaman ng anak natin at maintindihan ang sitwasyon."
Pagkasabi ni papa no'n, lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Nakatingin ako ng diretso kay papa. Nasa gilid ko si mama at patuloy sa pag-iyak. Fifteen years old na ko at malinaw na malinaw sa akin ang lahat. Mas pinili ni papa ang kabet niya kaysa sa amin na legal niyang pamilya. Kahit kailan talaga, napakawalang kwenta ng mga lalaking mas pipiliin ang kabet kaysa sa legal na pamilya. At durungin ang puso ng taong walang ginawa kung hindi ang mahalin siya ng sobra.
"Anak, malaki ka na at alam kong maiintindihan mo na ang lahat. Kami ng ..."
"Tama na, Mark. Hindi 'to pwede. Hindi ako papayag!" biglang singit ni mama. Hinampas niya nang hinampas si papa sa sobrang galit niya.
"Len, please!" hinawakan ni papa ang dalawang braso ni mama upang mapatigil niya sa paghahampas sa kanya.
"HAYAAN MO SIYA!!! LET HIM!" sigaw kong sabi at pinunasan ko ang luha ko. Napaupo na lang sa sofa si mama at iyak pa rin nang iyak.
"Kami ng mama mo. Maghihiwalay na." pagpapatuloy ni papa. Hindi muna ko sumagot. Tumingin ako kay mama saka ko ibinalik ang tingin sa papa ko.
"Alam ko!" matapang kong sagot. Ngumiti pa ko para ipakita na kaya ko. Madalas ko na rin naman naririnig ang pagtatalo nila. Matagal na kong handa sa ganito. Alam ko na kapag nagbago si papa, mauuwi sa hiwalayan. Pwedeng yung kabet niya ang hiwalayan niya o kami na legal niyang pamilya.
"Pero anak, susuportahan pa rin naman kita at ang obligasyon ko sa mama mo. Magpapadala ko ng pera buwan-buwan. Sa pag-aaral mo. Sa lahat ng gastusin mo." Explain sa akin ni papa.
Ano to? Pera-Pera na lang? Padadalhan niya kami tapos ano? Gano'n lang iyon? Ang sama mo! Hindi mo inisip ang mararamdaman ni mama sa gagawin mo. I HATE YOU!
"Sana anak, 'wag mong isipin na ginagawa ito ni papa para sa sarili ko lamang, kung hindi ginawa ko ito para sa'tin din. Sa ikaaayos natin." dugtong pa niya at hinawakan niya ulit ang balikat ko. Anong gusto niyang iparating? Anong akala niya sa akin, TANGA? Na hindi ko naiintindihan yung nangyayari? Na alam ko at malinaw na malinaw na ginawa niya ito para sa sarili niya. Dahil makasarili siya. Dahil masama siya!
"Really? Did you really do it for our good or for yourself?" tinanggal ko ang kamay niya na nakapatong sa balikat ko. "Sinong niloko mo? Ha? Hindi ako bulag at hindi ako bingi. Malinaw pa ang paningin at pandinig ko 'pa. I saw how you badly treated my mom. Kung paano, gabi-gabi naghihintay sa iyo si mama, sa pag uwe mo pero ano? Hindi ka uuwe at sasabihin mo na nag-overtime ka sa opisina mo pero ang totoo kasama mo yung malandi mong kabet." sumbat ko kay papa. Nakita ko ang pag-iwas ng tingin ni papa sa akin at ang paglunok niya. Sa sobrang galit ang nararamdaman ko dahil sa ginawa niya kay mama hindi ko napigilang sumbatan siya, the way ng pagsagot ko sa kanya ay para bang kaaway o stranger sa buhay namin ni mama.
Hinawakan niya ko sa dalawang braso ko. Tiningnan ko siya ng diretso, kahit nanggigilid ang luha ko ay tiningnan ko pa rin siya. Nagka-eyes to eyes contact kami. Kung p'wede lang pumili ng magiging ama, hindi ko nanaising maging ama ang katulad niya.
"Anak, makinig ka muna." sabi nito sa akin pero hindi ko siya hinayaan na ituloy pa ang sasabihin niya dahil sobrang sakit na at hindi ko na kaya pang marinig lahat ng paliwanag niya. Tinanggal ko ulit for the second time ang kamay niya sa braso ko.
"Anong makinig muna ko? Ha? No!" umiling ako, "Ikaw ang makinig." dinuro ko siya gamit ang hintuturo ko. "Susuportahan mo kami? Ha Mark? Ang studies ko? Ang gastusin namin? Eh baka nga sa MALANDING KABET MO kulang na kulang pa ang kinikita mo." umiling ako. Ramdam ko ang pagpigil sa akin ni mama ngunit hindi ko inintindi iyon, saglit na katahimikan ang naghari at humugot ako ng malalim na hininga. "Hindi namin kailangan ng PERA MO. Kayang-kaya namin ito. Hindi ka namin kailangan. Mas gusto mo sa KABET MO, edi doon ka na." diin kong wika.
"Aile." pagpigil ni mama sa akin ngunit hindi ko siya tiningnan.
Nung nararamdaman ko nang tutulo na ang luha ko agad ko siyang tinalikuran at tumakbo ako paakyat sa taas. I hate him so much. Bakit ba siya pa ang naging papa ko? Sh*t! pagpasok ko sa kwarto, sinarado ko nang malakas ang pinto.
***
Naramdaman ko na lang ang panglalabo ng mga mata ko at nag-una-unahang nang pumatak ang luha. I feel miserable every time that situation comes back to me. Lalo akong nasusuklam sa kanya at mas lalo akong nagagalit sa mga lalaki, wala silang kwenta.
"Are you okay, bhessy?" hinawakan niya ang braso ko at inabutan niya ako ng tissue. Halata sa mukha ni Jhonet ang pag-aalala. Kinuha ko naman iyon at pinunasan ko ang luha ko. "Oh, sino na naman ba ang dahilan ng pag-iyak mo? Ha?" at bigla siyang sumeryoso ng tingin sa akin. "Si Rex ba?" sunod na tanong niya.
Umiling ako. Si Jhonet, sobrang concern sa akin at the best talaga siyang kaibigan. Hmm... oo nga pala. Si Rex? Ano nga bang parte ni Rex sa buhay? Si Rex Vincent Mendoza. Ang Ex-boyfriend ko. Paano nga ba nagtapos ang aming relasyon at nauwi sa paglakad sa magkaibang landas?
Napabalik ang tingin ko sa tagline sa wall. "Life is a beauty so admire it!" bulong ko.
"What?" curious na tanong ni Jhonet. Napatingin naman ako sa kanya.
"Hmm. Sabi kasi rito sa tagline 'Life is a beauty so admire it'. Naisip ko lang, dapat nga bang kahangaan ang buhay? Feeling ko kasi, hindi sa lahat ng oras at pagkakataon dahil napaka-unfair ng buhay." explain ko sa kanya. Napataas naman ang kilay niya na parang dig-agree sa mga sinabi ko.
"I think, that tagline is true." wika niya at tumingin sa akin ng seryoso.
"How did you say so?" taas kilay kong tanong.
"That's true but it depends on who believes." at ngumiti siya sa akin. "Siguro iyan yung best explanation ko para sa tagline na iyan." saka niya ibinalik ang tingin niya roon.