Chereads / TEENS SPOTTED UNIVERSITY / Chapter 2 - Chapter Two: FFY - I accidentally meet Mr. Yabang!

Chapter 2 - Chapter Two: FFY - I accidentally meet Mr. Yabang!

May point naman siya sa mga sinabi niya kaya hindi na ako nagsalita pa. Hindi ko naman kailangan idepensa yung tagline na naka-post sa wall ng isang boutique rito sa mall. May kani-kaniya tayong opinyon sa mga bagay na kakikita o nababasa natin.

"You are remaining silence, Miss Mycah Aile Padilla." seryosong wika niya. "Meaning... you are agreed with me. I am so happy naman." At tumawa pa siya. Napatingin naman ako sa kanya nang walang emosyon. Bigla kasing sumagi sa isip ko si Rex siguro dahil binanggit niya ang pangalan nito kaya naalala ko.

***

Iyak ako nang iyak at nakakulong pa rin ako sa kwarto ko pagkatapos ng nangyari kanina, between my father and I conversation. I can't imagine that from 'Happy Family' that I always admired to happen napunta lang lahat sa pagka-broken, 'Broken Family' that I've never ever dream to done with us. Sh*t! Sarap magpaulan ng mura. Damn!!! I want to talk to Rex. I need him right now. I need him. I dial the number of Rex then he answers the phone call.

"Hello." Malungkot na bungad ko sa kanya pagkasagot na pagkasagot niya ng tawag ko.

"Hello babe. Napatawag ka?" Tanong ni Rex sa akin. I try to stop my tears for falling but I failed. "Babe?" tawag niya ulit. Gusto kong magsumbong sa kanya. Gusto kong ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Siya lang naman ang mahihingahan at masasandalan ko sa mga oras na ito.

At magsasalita na sana ako ngunit…

(Mamaya na iyan, Rex. Importante ba iyan tawag na 'yan?) Babae? Babae ang narinig ko sa kabilang linya. Sino siya? I feel jealousy right now.

"Babe, wait lang. Tapusin ko lang ito. I will call you back." Toot-toot...

Bigla niyang in-end call. Damn! Sinong kasama niya? Pati rin ba siya, niloloko Ako? How dare he's doing this to me? Sh*t!

Ayaw magpaawat ng luha ko sa pagpatak. Kumakatok si mama but I said 'Just leave me alone' ayaw ko ng ganito. I'm the kind of girl that always happy go lucky, go with the flow, never think about problems but look at me now, I'm miserable! I'm almost dying sa sakit na nararamdaman ko inside at yung akala kong masasandalan at mahihingahan ko ng lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon ay naging isa pa sa dahilan kung bakit mas lalong sumakit ang puso ko.

Dahil sa sobrang inis ko. Hindi na rin ako makapag-isip ng maayos. I open my chat-app at nag-message ako sa kanya kahit na nanlalabo pa rin ang mga mata ko. [Sino siya? Babae mo? Fine! Magsama kayo. Break na tayo!!!] sabay send at hagis ng phone ko sa kama saka ako naupo sa isang sulok sa kwarto ko. Niyakap ko ang mga tuhod ko at yumuko. Sobrang sakit ng puso ko. Dalawang taong mahalaga sa buhay ko niloko lang ako, sinira yung tiwala ko at sinaktan ako.

Wala pang ilang minuto ay nag-ring ang phone ko. Tumatawag siya? Wow! I let it ring. Iyak pa rin ako ng iyak. Mayamaya, may kumakatok ulit sa pinto ng kwarto ko.

"Anak, nasa baba si Rex. Hinihintay ka." Sabi ni mama.

Napatayo ako at inayos ko ang sarili ko saka ko binuksan ang pinto. Ramdam ko kay mama ang pag-aalala at nakikita ko rin na nagpapakatatag lang siya para sa akin. Umalis na si papa dala ang lahat ng gamit niya.

"Ma, ba't nandito siya?" seryosong tanong ko.

"Siya na lang ang tanungin mo, anak. Okay ka na ba?" concern na tanong ni mama, I just nod then I go down stair.

Pagkababang-pagkababa ko,

"Why are you here?" tanong ko sa kanya without looking at him. Maga ang mata ko at ayaw kong mapansin niya. Nagdire-diretso ako hanggang sa garden, sumunod naman siya sa akin saka ako huminto.

"Babe." Mahinang tawag niya. Nanatili akong nakayuko hanggang sa hinawakan niya ang balikat ko. "Look at me straight. Anong Problema? Ano yung message mo sa akin? Bakit ka nakikipag-break?" Sunod-sunod niyang tanong sa akin. Itinaas ko ang tingin ko at nagtama ang mga mata namin. Nanggigilid ang mga luha ko.

"Babe, tell me. What's the problem?" malungkot nitong tanong. "Bakit maga ang mata mo? Bakit ka umiiyak?" hindi niya alam kung anong gagawin niya at natataranta siya nang makita akong gano'n

Tiningnan ko siya ng matagal, "Break na tayo!" Biglang tumulo ang luha ko. "Ayaw ko na." saka ako lumakad dahil hindi ko na siya kayang harapin pa ngunit hinawakan niya ang braso ko upang pigilan ako.

Kinabahan ako nang sandaling tiningnan niya ako ng seryoso, "Bakit?" pagtataka niyang tanong.

Humarap ako ng maayos sa kanya, "Para..." Huminga ako ng malalim at patuloy pa rin sa pagluha ang mga mata ko. "Hindi ka na mahirapan pa. itigil natin 'to!"

Napailing siya at napabitiw sa braso ko, "ANO?" pasigaw niyang tanong. "Mahirapan saan?" naguguluhan siya. "Aile, Saan ako mahihirapan? Hindi kita maintindihan, please Aile, ipaintindi mo naman sa akin hindi yung ikaw lang ang nakakaintindi." pakiusap niyang sabi at hinawakan niya ko sa balikat.

Huminga ako nang malalim, "May babae ka Rex, hindi ba? Doon ka na sa kanya. Ayaw kong mahirapan ka pang pumili between me and the other girl. Kaya, Break na tayo. Ayaw ko na!" saka ko ini-alis ang kamay niya sa balikat ko at pinunasan ko ang luha ko sa pisngi saka tumalikod sa kanya.

"Ano?" hinawakan niya ang braso ko para mapigil niya kong lumakad palayo. "Ano bang sinasabi mo, Aile?" takang tanong nito.

"Hindi mo ba naiintindihan?" sigaw kong sabi. "Pinadadali ko na nga." at pumatak ulit ang luha sa pisngi ko. Magulo pa rin ang expression ng mukha ni Rex. "Para kapag pumili ka hindi ka na mahirapan pa. Ayaw kong maging pangalawa kaya break na tayo. Jusko naman!" at napahawak pa ako sa noo ko at ginulo ko ng bahagya ang buhok ko. "Ano bang hindi mo maintindihan sa salitang 'Break na tayo'. Ayaw ko na." saka ko siya itinulak at tumakbo papasok sa bahay then I lock the door.

"Babe" sigaw nitong tawag at patuloy sa pagkatok sa pinto. Agad na lumapit sa akin si mama habang nakasandal ako sa pinto.

"Anak, anong nangyayari?" takang tanong ni mama. Patuloy ang pagtulo ng luha ko hanggang sa napahagulgol na ko sa sobrang sakit. Bakit ba kasi sunod-sunod? Lord? Bakit? Niyakap na lang ako ni mama nang makita niya ako na nakalupasay na sa sahig. Tawag pa rin nang tawag si Rex ngunit hinayaan ko na lang hanggang sa mawala ang boses nito.

***

"Bhessy." Hinawakan ulit ni Jhonet ang balikat ko. "Ano? Okay ka lang ba?" nakatayo na pala siya sa harapan ko. I smiled. Tama na. Ayaw ko nang maging emosyonal habang buhay. Tama na yung one and half year na pagpapakagaga, pagpapakatanga. Ayaw ko na!

Tumayo ako dala ang drink na iniinom ko at hinila ko siya.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya habang hila-hila ko siya.

"Fun Game tayo." aya ko sa kanya.

"Okay ka na ba?" pag-aalala niyang sabi, I nod then sa pagliko namin. Hindi ko sinasadyang mabangga ang isang lalaki. Natapunan ko siya ng dala kong drink sa shirt na suot niya. Napabitaw ako ng hawak kay Jhonet. Nakita kong naningkit ang singkit nitong mata. Gwapo siya at mukhang may katatagpuin. May kahawaig siya. Napatulala ako.

"Lagot" Bulong ni Jhonet.

"Are you blind or you're such a damn sh*t stupid!" mayabang niyang sabi saka pinagpagan ang polo niya. "Sh*t!" napapatingin sa amin yung mga dumadaan. Napayuko ako. Kasalanan ko.

"S-sorry po." Iyon lang ang lumabas sa bibig ko dahil sa sobrang kaba. Kasalanan ko kasi, hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko. Napa-cross fingers pa ako.

Itinaas niya ang tingin ko, hinawakan niya ang chin ko para magka-eyes to eyes kami.

"Look miss." maangas na sabi niya habang hawak pa rin ang chin ko. "Sorry? Look at my shirt." Binitawan niya ang chin ko nang pabigla, napatingin naman ako sa shirt niya. "You ruined it." Sabay turo niya sa damit niya. "You ruined my outfit, then you just say Sorry? Damn!" Sabay kuha niya ng drink na hawak ko at hinagis iyon.

Nagulat ang lahat ng tao na nakakakita at nakakarinig sa amin. My gosh! Oh em... hinawakan niya ang buhok niya para ayusin. Nasabi ko bang Gwapo siya? Ay syete! Binabawi ko na!!! Gago pala siya. Ang yabang niya. Nag-sorry na nga ako kung ano-ano pa ang sinabi niya. Pasensya mo Aile, pasensya mo habaan mo.

"Kaya nga po nag-so-sorry hindi ba?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Bhessy, let's go." Hinawakan naman ni Jhonet ang braso ko. "Sir, sorry po ulit sa nangyari." Nag-bow pa siya. Nakita ko namang ngumisi yung mayabang na lalaki.

"Okay, what's your name miss?" tanong ng lalaki kay Jhonet.

"Jhonet... Jhonet Marquez." Sagot naman niya sa lalaki.

"Oh, your name is Jhonet. Wow! Nice and cute name." Nag-smile pa yung mayabang na lalaki. "By the way, I'm Ace. Tutal ikaw na ang humihingi ng apology dahil sa ginawa ng stupid mong maid. Wala na sa akin 'yon." Nag-wink pa ng mata.

Anong sabi niya? MAID? As in M-A-I-D? A-abnoy pala to eh!

"Ah kaya pala stupid, maid pala nung isang girl na naka-curl yung hair, guys." sabi ng isang babae sa mga kasamahan nito.

Talkist! Ang daldal ng babaeng to ha. Letche! Umirap ako sa babae. Then ibinalik ko ang tingin ko kina Jhonet at sa abnoy na mayabang na lalaking nasa harapan ko. Tutal natapunan din naman yung kamay ko ng drink. Ipinunas ko yung kamay ko sa damit niya at dahil doon lumaki ang singkit niyang mga mata sa gulat. Ngumisi ako.

"Bhessy!" napatakip nang dalawang kamay sa bibig si Jhonet.

"Yung cute guy oh?" - turo ng isang girl.

"Ang dirty na ng polo nya." - sabi pa ng isa.

"Maid pala? Eh anong tawag sa'yo? BASURERO?" nilakasan ko pa ang pagkasabi ko ng word na iyon. Ano siya? Ako lang ang mapapahiya? Damay-damay na'to. Ngumiti ulit ako.

"STUPID!" naningkit ang mata niya.

"Let's go na nga bhessy, aksaya sa oras 'to." At lumakad na kami, hindi pa kami nakakalayo nang;

"Oh em Ace? Anong nangyari sa iyo?" maarteng tanong ng isang babae. Napalingon kami ni Jhonet. Napangiti ako, buti nga sa kanya.

"Ang tagal mo, alam mo ba iyon?" dugtong pa ng babae. Umakbay yung abnoy na 'yon sa babaeng mukhang literal na maarte.

"Babe, pasensya na okay?" sabay halik sa labi ng babae.

Mayabang na, playboy pa. kawawang babae!

Saka kami tuluyang pumasok sa Fun Game ng mall. Naglibang lang kami. Kumanta, nagbasketball, nagdrive, kumuha ng stuff toys, nalaro na yata namin lahat at dahil doon, naalala ko na naman si Rex. Dito niya kasi ako laging pinapasyal at naka-ipon ako ng madaming stuff toys dahil sa kanya.