"Miss!" tawag ko sa kanya. Ini-angat niya ang tingin niya at tumingin sa akin. Umiiyak siya. Napailing ako. I open my bag pack then I get my upper jersey.
"Go to the comport room." I throw my jersey to her at sinalo naman niya. "Go!" utos ko. Ngumiti siya sa akin kahit may luha sa mata saka siya tuluyang naglakad habang nakayuko. Nung nawala na siya sa paningin ko ibinalik ko ang tingin ko sa kanilang lima.
"Oh! What are you waiting for? Mukhang hipong babaeng nagmamaganda?" panglalait ko. "TAKE OFF NOW!" nanlaki ang maganda kong mata. Hindi na nakipag-argue ang muse nila at agad naghubad ng blouse. Napataas ang kilay ko, pasalamat siya at may sando siyang suot dahil kung hindi nakahihiya siya, sobra! Napayuko siya na kanina ay taas noo pa siya. I move my eyes to the 4 Escorts of 'Siga-sigaan Group'.
"Kayo! Give me a Push-up Position." Command ko at walang pasubaling ginawa nila. Nakatingin lang ako sa kanila. Isang naka take-off ng Blouse at apat na naka-push-up Position. Edi wow! Mga kalahating oras din silang nakagano'n lang. then, biglang nag-ring ang cellphone ko. Tumalikod ako sa kanila.
"Okay! Next time na ulitin niyo ito. Make sure hindi ko makikita kasi, once I see another scene like this. Hindi lang ito ang matitikman niyo. Ingat ha?" saka ako naglakad palayo at sinagot ko ang call.
Makalipas ang ilang araw, naging top news ang ginawa kong pag-save sa kawawang babae. Kakaupo ko lang sa bench dahil kakatapos lang ng training namin ng Volleyball. I'm one of a varsity player in our campus.
"Best, nabalitaan ko na nakabangga mo ang 'Siga-sigaan Group' at talagang binangga mo sila Vincent ha, one of the trouble maker iyon ah." Bungad sa akin ni Jhayvee, best friend ko. Haist! Manok? Ibon? Bibi? Ano pa ba? ahh... Kalapati? Akala ko iyan lang ang may pakpak, pati pala balita lumilipad din. Uminom ako ng mineral water na dala niya. "Ikaw! Kapag ikaw napahamak at naisahan ng mga 'yon. Mahirap kalaban ang mga 'yon, Bubwelo muna iyon saka ka gagantihan." Pag-aalalang sabi niya sa akin. "Bakit ba binangga mo pa? Ingat naman best." Dugtong pa niya. Humarap naman ako sa kanya at ngumiti.
"Nandyan ka naman e." biro ko sa kanya. Napakamot naman siya sa ulo.
"Halika na nga." Aya niya sa akin. Niligpit na niya ang gamit ko at tumayo na siya. Patayo na rin ako at aalis na sana kami nang biglang may nag-abot ng jersey sa akin. Nakangiti pa siya sa amin. Napatingin kami sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay. Okay siya ngayon ha, maganda rin pala siya but the last time na nakita ko siya mukha siyang kawawa. Ngayon mukhang okay na naman siya.
"Best, jersey mo 'yon ah. Kaya pala iba ang suot mong jersey kanina. Pinahiram mo pala. Ang bait naman." sabay gulo niya sa buhok ko. Sinamaan ko siya ng tingin at tumigil siya. Inaayos niya ang buhok ko na ginulo niya. Hindi ko kinuha ang jersey na inaabot ng girl na 'yon. Bigla siyang yumuko sa harapan namin.
"Thank you po!" nagpayuko-yuko siya. "Thank you very much for saving my life." Tinaasan ko ulit siya ng isang kilay.
"Next time, if you're not strong and brave. Don't enter in this kind of school, okay?" pagtataray ko. "Kung iiyak ka lang habang inaapi ka, just leave this campus." Cold na utos ko sa kanya saka ko kinuha ang jersey ko at lumakad, sumunod naman si best sa akin.
"Thank you Miss Beautiful. Thank you for saving me." pahabol na sigaw nitong sabi habang nakayuko pa rin.
Pagkadating namin sa parking lot ng school. Bigla na lang tumahimik si best hanggang sa nakasakay na kami sa kotse niya.
"Problema mo?" Tanong ko sa kanya habang nagda-drive siya. Umiling lang siya at patuloy sa pagda-drive. Nakakainis! "Wala! Eh bakit nanahimik ka riyan?" pag-uusisa ko. "Okay! Hindi ako stupid or slow para hindi ko mapansin na parang nagbago ang mood mo. So, Tell me or else lalabas ako sa car mo?" inis kong sabi. Tumigil siya sa pagda-drive, pinarada niya sa gilid ng highway yung kotse niya saka tumingin sa akin ng seryoso. Kinabahan ako, I admitted. Baliw kasi! Biglang nagbago ang mood niya. Kanina ang ganda-ganda ng mood 'tapos biglang ganito. Anong nangyari?
"Bakit mo naman ginanon 'yong babae kanina ha?" seryoso niyang sabi. Nagulat ako sa narinig kong tanong niya. What? Iyon ang iniisip niya kanina pa? Anong problema roon? Eh gano'n ako. Normal na sa akin yung mga gano'n. Hindi porket niligtas ko eh friends na kami agad. Saka hindi pa ba siya sanay sa akin? Ang labo!
"Eh ano?" Inis kong tanong. "Alam mo, best. Ang weird mo! So, ngayon mas concern ka roon sa stupid na girl na 'yon. Fine! Type mo yata eh, hayaan mo ipapakilala kita." Saka ako umirap. "I-uwi mo na ko. It's non-sense conversation!" then, I place the earphones to my ears and I close my eyes.
"Best." Tawag niya sa akin pero hindi ko pinansin. Then naramdaman ko na lang na umaandar na kami.
Simula noon, lagi nang lumalapit sa akin yung girl. Ako naman, sinusungitan at tinatarayan ko pero walang epekto sa kanya. Puro siya pagpapasalamat sa akin, nakaririndi na nga minsan e. Then after days, lumapit sa akin ang leader ng 'Siga-sigaan Group' at inalok ako na sumali sa grupo nila but I reject them. Then one time, nagkaproblema kami sa miyembro ng cheerdancers namin para sa nalalapit na competition. Ako ang leader, so I need to do something to solve this problem. Hanggang sa nag-post ako sa bulletin board ng school na need namin nang isang miyembro para sa cheerdance competition. Maraming nag-audition pero wala pa rin akong nagugustuhan. Ang papanget ng performance nila. Then biglang may pumasok sa gym na pinag-i-stay-an namin. Napatingin kaming lahat sa kanya.
"Yes?" tanong ni Glen, one of the cheerdancers.
"Hello po." Nakangiti ito. Nakatingin pa rin kami sa kanya. Tumayo si Glen sa pagkakaupo niya sa sahig.
"Hindi ba siya yung tinulungan ni ma'am?" sabi ni Yen, one of the cheerdancers.
"Oo nga. Siya si Anna? If I'm not mistaken..." sagot ni Jen, one of the cheerdancers.
"Anne. Anne is her name." tugon ni Bea, one of the cheerdancers. Lumapit si Glen sa bagong pasok.
"Yes. What are you needed?" Glen.
"Ah. Gusto kong mag-audition kung pwede pa." nakangiti nitong sabi. "I had experienced in that and I won second place in this school before." Nagtaka ang mga miyembro ng cheerdance dahil sa sinabi niya.
"She won second place before? And sa school din ito? How?" tanong ni May, one of the cheerdancers. Blanko ang mukha ng mga cheerdancer dahil sa sinabi nung bagong pasok. Napatayo naman ako sa narinig kong sabi nung Anne kay Glen. Habang papalapit ako, nagsitayuan ang mga member na kanina ay nakaupo sa sahig.
"Ma'am, she wants to join." Glen
"What's your name?" seryoso kong tanong. Nagpakuha ko ng monoblock chair sa isa sa mga miyembro ng cheerdancers saka ako naupo, nasa harapan ko siya at nakatayo.
"I'm Anne Jacinto." Nakangiti niya sagot. Napataas naman ang kilay ko. Nagbulungan naman ang mga cheerdancer. I'm curious too! How she can say that she won second place in this same school? Siya kaya yung leader ng dating cheers squad dito?
"Okay. Tell something to convince me that you are really qualified in this kind of activity? Tell it now?" utos ko. Napahawak siya sa laylayan ng t-shirt niya. Halatang kinakabahan. I raised my eyebrow.
"Hello to every one of us. I'm Anne Jacinto. I'm the top one in this school before, but now I am always in the second. I'm good in everything. Dance, sing, and even in intellectual ability. I don't want to admit that I'm always in the second places, I want to be first in everything. And I all assure you that I'm qualified in this activity." Napataas ulit ang kilay ko. Oh? Siya pala 'yong dating first dito bago ako pumasok sa school na'to. Pero nakapagtataka? bakit nabangga niya ang 'Siga-sigaan Group' kung mas una pala siya sa akin sa school na ito? Bakit hindi ako ang binangga?
Napapaisip pa rin ako hanggang sa natauhan ako.
"Next question, Last time, why didn't you fight to the 'Siga-sigaan Group' when they did badly to you? Based on the information you already told, you are old in this campus than to me, then why? Why did you not save yourself and let them hurt you?" Curious kong tanong bigla naman siyang yumuko at hindi nagsalita.
Nagbulungan ulit ang mga member, medyo nakakaawa siyang tingnan. Hindi mo mahahalatang mas una siya sa akin dito at siya pala ang dating top one, na ngayon ako na ang pumalit. Ako na ang top one sa lahat ng bagay.
"Okay. If the answer to my question is private, then fine. You're qualified." Saka ako tumayo. "Nica, teach her what should she do okay? And by the next meeting, I want to see that she is already doing the same as ours. Okay?" tumango si Nica at tinawag si Anne para turuan. Bago lumapit si Anne ay nag-bow pa at nag-thank you ulit sa akin.
"Miss Beautiful. Thank you very much." Wika niya saka pumunta kay Nica.