Macey's Pov
Ngayon nandito na kami ni Marco sa aming kwarto ay bigla ko ito tinanong.
Kilala mo ba yung bagong kapitbahay natin sa tapat? Medyo may edad na ito.
Who, wifey? A man or a woman?.. - Marco
Familiar siya sa'kin, hubby. I dont know. Pero lagi ako kinakabahan yung para bang takot pag nakikita ko siya. Although he's an old man.
Better, stay home. Huwag kana lumabas pa. - Marco
Para kasing kilala ko talaga siya. As in parang.... Matagal na kami magkakilala..?? Pero? Paano??
Better sleep now, wifey.. Don't stress yourself okay? Don't mind our new neighbor. Iloveyou.. Kayo ni Celine. - Marco
I love you more hubby.. You and Celine are my everything.. Let's sleep, ma aga ka pa papasok bukas.
(Fast Forward..)
@ 3:30am
Pakiusap... Huwag...
Maawa ka....
Wag mo papatayin si Miguel!
Wala kaming ginagawa masama.
Pakiusap, palayain muna ko.....
HUWAG RAFAEL!!!
//---//---//---//---//---//---//---//---//---//---//---//---//
MARCO'S POV
Nananaginip si Macey kaya't agad tinapik ko ng tinapik ang muka nito, at sa wakas nagising ko din..
What happen, wife?! Pawis na pawis ka na. I told you wag muna isipin yung matanda nakita mo.
Papatayin kami ni Rafael.. Marco... Masama siyang tao... I'm so scared... - Macey
Hush now baby... Sshh... It just a nightmare okay??.. We'll talk later just calm down. Do you want water? I'll get you.. Just wait. (I kiss her forehead)
Come back here, Marco.. I'm scared... - Macey
I will..
//---//---//---//---//---//---//---//---//---//---//---//---//
MACEY'S POV
Na alala ko na kung sino ito, kundi si Rafael, yung lalaking nakita ko na nakatira sa tapat ng bahay namin ni Marco na matandang lalaki. Pero, bakit ang sama ng panaginip ko tungkol sa taong yun?. Anong meron sa kanya?. Sino siya?
May kaugnayan kaya ito sa pagkamatay nila Miguel at Cassandra? Bigla naman pumasok ng kwarto si Marco dala ang isang baso na tubig.
Wifey, drink this - Marco
Sabay abot sa kin ng baso, agad ko naman ito ininum ng diretso dahil na din sa kaba ko tungkol sa napanaginipan ko.
Thank you, hubby
Feel better?.. Mabuti pa bukas na bukas mag hanap na tayo ng psyche about sa reincarnation, para matapos na itong pagpaparamdam sa tin nila Miguel at Cassandra. Rafael sounds familiar to me. - Marco
Tama, kaylangan matapos na ito, mukang kaylangan nila ng katarungan sa pagkamatay nila.
Let's sleep, dahil ma aga pa tayo lalakad, si Manang Lucy at si Mama Mel na ang magbabantay kay Celine. I will cancel all my meetings this week, okay? - Marco
Goodnight, i love you Marco.
Goodnight, i love you more Macey - Marco
At magkayakap na kami matulog ni Marco..
MACEY'S POV
Nag impake kami ngayon ni Marco para pumunta sa Barrio Pinagbuhatan Aurora Quezon para hanapin ang kasagutan kung bakit namatay sila Miguel at Cassandra, matagal na pala pinaimbistigahan ni Marco ito.
Wife..? Tapos kana ba? Nabihisan ko na din pala si Celine. - Marco
Oo tapos na, dumiretso muna tayo sa Mansion, si mama na ang magbabantay kay Celine habang wala tayo.
Sige wife.. Tara na't baka abutan tayo ng traffic sa daan.. - Marco
(Fast Forward...)
Nang makarating na kami ng Mansion ay agad kami sinalubong ni mama.
Mukang may lalakarin ata ang mag asawa ah? Saan naman kayo pupunta? - Melissa
Ma, pupunta kami ni Marco sa pangasinan may aayusin lang kami dun at sandali lang kami, kayo muna bahala kay Celine, Ma.
Osige, umalis na kayo at baka maabutan kayo ng traffic, mag iingat kayo lalo kana Macelyn! Tamang tama pupunta dito si Cynthia. - Melissa
Lumuhod naman kami ni Marco kapantay ni Celine at sabay namin hinalikan ito.
Be good girl,anak? Ok.
Mahal na mahal ka namin ni Mommy mo, anak ok.? - Marco
(Fast forward)
Habang nagbiyahe na kami napansin ko parang kanina pa may nakabuntot na sasakyang montero na itim sa amin pero isinawalang bahala ko na lamang ito baka nagkataong parehas lang kami ng dadaanan.
Malapit na kami sa aming destinasyon, napadpad kami sa isang kubo na malapit sa dagat. Bumaba naman agad kami ni Marco at agad nagpunta sa babaeng may edad na naka tungkod at nakaupo, malayo ang tingin at medyo may edad na ito.
Ale, magandang umaga po. Maaari po ba magtanong kung saan nakatira si Miguel Garcia at Cassandra Montenegro?
Bigla naman lumingon ang babae at nagbabadya na tumulo ang kanyang luha.
Sino ho sila? Anong kailangan mo sa mga taong hinahanap ninyo?... - ?
Bigla naman ako pinuntahan ni Marco.
Wife.. Ano? Nasabi na ba kung saan daw nakatira si Miguel? - Marco
Bigla naman tumayo ang babae at akma lalapit kay Marco pero agad ito napahawak sa kahoy na katabi nito.
Kuya Miguel, ikaw ba yan? Kuya miss na miss kana namin. - ?
At bigla na lamang nag hagulgol yung Ale, nanginginig habang umiiyak.
Ale, hindi po siya si Miguel.. Marco po pangalan nya at asawa ko po siya..
Pamilyar ang iyong malambing na boses.. Hindi ako pwede magkamali,... Ikaw si Ate Cassandra.. - ?
At bigla naman ako niyakap ng Ale, kami naman mag asawa ay tila nalilito sa mga nangyayari.
Pumasok kayo, pag pasensyahan nyo na ko kung umiyak at niyakap kita hija. Bulag kasi ako at malakas ang pakiramdam ko. Alam ko patay na si kuya Miguel dahil bago pa man ako mawalan ng paningin ay sinabi ito sa akin ng aming lola. Ang mayordoma sa Hacienda De Montenegro, kailanman hindi ko nakita ang bangkay ng aking kapatid pero saksi ang aming lola sa buong pangyayari. - ?
Ibig sabihin, matagal na patay si Miguel? Pero, ano po ang pangalan niyo, Ale? - Marco
Marco, huminahon ka nga.
Oo, at nakakapagtaka nga dahil parehas kayo ng pananalita at boses ng kapatid ko... Ang ngalan ng aking lola ay si Dehlia Garcia, at ako ang bunsong kapatid ni Miguel. Ako ay si Carmela Garcia. Pwede ba ko humingi ng pabor sa'iyo hijo? - Ale Carmela
Anong pabor po yun Aleng Carmela ang hihingin mo sa asawa ko?
Nais ko sana hawakan ang muka ng iyong asawa,kung maaari. Dahil hindi ko na masisilayan pa ang itsura nito. - Aleng Carmela
Ok lang po Ale, hawakan nyo na po mukha ko. - Marco
Nang mahawakan ng Ale ang mukha ni Marco, panay tulo ang mga luha nito at nanginginig na hawakan ang muka ng asawa ko.
Ale, ayos lang po ba kayo?
Hindi ako maaari magkamali... Parehas kayo ng mukha ng namayapa kong kapatid, pero pano nangyari ito, gayung matagal ng patay si Miguel. - Ale Carmela
Ano ho!!!!? - marco/macey
Mukhang nagbabalik ang mga kaluluwa nila, sigurado ako hindi pa sila nabibigyan ng hustisya. Walang bangkay na nakita dahil itinapon sila sa dagat kasama ang sasakyan ni senyorito Raphael. - Ale Carmela
Ang pamilya po pala ni Cassandra? Buhay pa po ba sila?
Namatay sa kanser ang donya, at ang asawa nito namatay sa atake sa puso dala na din ang pagsisisi nila sa pagkamatay nito. Matagal na nabenta ang lahat ng ari arian ng mga Montenegro. - Ale Carmela
Sino po ba ang pumatay sa kanila? At bakit sila pinatay nito?
Ang pagkakaala ko sa isinalaysay ng aking lola ay si Senyorito Raphael Hernandez, matagal na niya karibal ang kapatid ko kay Sandra. Pero nasa Amerika na ito si Raphael, binayaran nya ang dapat bayaran upang masarado ang kaso at ibaon na ito sa nakaraan. Matinding selos at inggit ang dahilan kung bakit pinatay niya ang magkasintahan. Hindi ko tiyak kung buhay pa si Raphael Hernandez. Pero bali balitang may anak itong babae sa isang bayarang babae. - Ale Carmela
Parang kilala ko ang tinutukoy mo Aleng Carmela...
Sino? Macey?! - Marco
Kapitbahay natin ito, hindi ako maaari magkamali!! Ang mga nakakatakot at nakakadiring titig niya sa akin. Natatakot ako marco!
Hindi ka niya masasaktan, poprotektahan kita pati ang anak natin! - Marco
Kaylangan na natin bumalik ng Manila! Si Celine!!! Baka may gawin si Raphael sa anak natin!
Ale, salamat sa mga impormasyon, ngayon ay naliwanagan na kami. - Marco
Mag iingat kayo, demonyo si Raphael! Lalo ka na hija, baliw ang lalaking iyon kay Cassandra! Hindi ka na niya pakakawalan pa. Sana kayo ang maging daan sa pagkamit ng hustisya nila kuya Miguel at ate Cassandra pati mga tao inosente dinamay ni Raphael para matahimik na din sila. - Ale Carmela
Kami na bahala, kayo din po. Mauna na po kami, salamat
At dali dali kami sumakay ng sasakyan at agad din pina andar ni Marco ang makina ng sasakyan nito.