Chapter 25 - CHAPTER 23

CHELSEA'S POV

Agad naman ako nagmadali mag ayos ng gamit dahil lilipat na ko sa condo ni Gab, lalayo muna ko kay Dad. Nang makababa ako ng hagdan nakita agad ako ni Dad na may bitbit na maleta, agad ko tinawag si lorna ang katulong namin.

Lorna, pakidala sa labas ang gamit ko magmadali ka.

Saan ka pupunta? Bakit may maleta ka dala? Lalayas kana?! - Dad

Kay Gabriel muna ko titira dad, tutal hindi nyo naman po ko kailangan dito.

Agad naman nya binalibag ang dyaryo hawak nya'

Sinabi ko ba na umalis ka Chelsea! Boba ka ba talaga?!! - Dad

Ako naman ay napayuko, bigla ito tumayo at diretso pupunta sa gawi ko at matalim ito nakatitig sa kin.

Bakit ka aalis?! Sinabi ko ba umalis ka sa poder ko! Wala kang utang na loob ah! Pasalamat ka na binuhay pa kita! - Dad

Agad nya hinablot ang buhok ko at inangat nito ang muka ko, sabay hinawakan nya ng mahigpit ang panga ko.

Dad please.. Nasasaktan na po ko.. Magsasama na po kami ni Gabriel..

Pumasok kana sa kwarto mo! Bago pa kita kaladkarin pa akyat! Hindi ka aalis naiintindihan mo ba Chelsea! ... Akyat! Lorna! Ibalik mo lahat ng maletang nilabas mo! - Dad

Ayoko na dito dad! Hindi mo na ko kaylangan dad! Gusto ko na mamuhay ng masaya! Yung may nagmamahal sa akin at tanggap ako! Anak lang naman ako sa bayarang babae mo!

Aba't! Putang ina ka! Ang lakas ng loob mo taasan ako ng boses at sigawan sa loob pa ng sarili kong bahay! Hayop ka babae ka! - Dad

Nang akma na ko sasampalin ni Dad, ay bigla tumakbo papunta sa kin si Gab at tinabig nito ang kamay ni Dad.

At sino ka! Bakit ka pumasok dito! Lorna! Tawagin mo mga tauhan ko! Pakaladkarin mo itong lalaking to! Nagdala ka pa talaga ng kalandian mo! Parehas kayo talaga ng ina mo! - Dad

Please.. Dad.. Tama na... Sasama na ko kay Gabriel! Hayaan niyo na ho ako.

At bakit! Hah Chelsea!! Bakit ka sasama dyan! Hindi ka pa nagbabayad sa lahat ng ginastos ko sa'yo! Wala kang utang na loob! - Dad

Dahil BUNTIS AKO! Dad!' Si Gabriel ang ama!

Napatawa agad ang ama ko ng malakas, muka na itong nababaliw sabay paulit ulit ng pag iling nito.

Aah... Hindi na ko magugulat diyan, parehas lang kayo ng ina mo' malandi! Pokpok! Makati! Hahaha. Bahala ka! Wag na wag ka ng babalik dito sa pamamahay ko! Lumayas ka na dito! Hindi na kita anak! - Dad

Dad'. Please... Magbago ka na, itigil muna to.. Please. Wag muna guluhin pa si Mace at Marco.' Sumuko kana'.. Wag muna dagdagan pa ang atraso mo noon. Pakiusap.

Agad nagdilim ang ekspresyon ng aking ama' tila may hinahanap ito agad naman ako hinila ni Gabriel palabas ng mansyon.. Agad din kami sumakay sa sasakyan, rineg ko ang tatlong putok ng baril.. Napaiyak na lamang ako sa takot.

Dumaan tayo, Gab sa bahay nila Mace at Marco.. Hindi na maganda ito, lumalala si dad.

Sigurado ka ba? Alam mo may lamat na ang pakikitungo niyo sa isa't isa . - Gab

Oo, para balaan sila. Panigurado papatayin sila ni Dad. Baliw na ang ama ko nakita mo naman di ba?

Baliw na talaga ang ama mo. Dapat isuplong na natin ito sa pulis. - Gab

(Fast forward ..')

Nakarating din kami sa mansion nila Mace at Marco.. Nadatnan namin si Marielle ang kapatid ni Marco.

Anong ginagawa mo dito! Hah! Mang gugulo ka na naman ba, Chelsea! - Marielle

Nandyan ba si Marco? Kailangan ko sila makausap ni Macey.

At bakit mo hinahanap ang kuya ko! Bitch ka! Ano gagawa ka na naman ng eksena dito! Umalis kana! Bago pa kita kalbuhin! Iuwi muna yan Gabriel! - Marielle

Hindi ako pumunta dito para mang gulo, gusto ko makausap ang mag asawa.

Patawa ka din? Ano ako tanga?! Pagkatapos ng ginawa mo kay Mace may gana kapa magpakita dito! Ang kapal ng muka mo! Umalis ka na! - Marielle

Alam ko, at pinag sisihan ko na yun. Importante na makausap ko si Marco dahil nasa panganib ang pamilya niya.

Di ka din makaintindi? Umalis ka na di ba! At wag kana gumawa pa ng kwento! Walang maniniwala sa kasinungalingan mo! - Marielle

Please.. I need to warned them.. Papatayin sila ng daddy ko.

Ah?.. Pati ama mo dinadamay mo sa kalokohan mo Chelsea!? Iba ka din anu? Kung papatayin ng ama mo ang mag asawa, pulis station ka magreklamo! - Marielle

Bigla naman hinablot ni Marielle ang buhok ko at pinagkakalmot'.

Please... Marielle.. Tama na..

Marielle, tama na yan! Pakiusap' buntis ang asawa ko. - Gab

Bagay yan sa'yo! Malandi ka! Maninira ka ng relasyon! - Marielle

Agad naman inawat ni Gab si Marielle para hindi masaktan ang asawa nito nagdadalang tao ng bigla din lumabas patakbo sila Marco at Mace dahil sa narinig na kaguluhan at sigawan.

Stop it! Marie!! Buntis si Chelsea! Tumigil ka na! - Marco

Niyakap ni Marco ang kapatid nya habang ako niyakap ni Gab.

Umalis na tayo hon. Aalis na lang kami, Marco. Pasensya na bro. - Gab

Inayos ko sarili ko at lumapit kay Mace.

Mace, mag ingat kayo ni Marco. Balak ka kidnapin ni Dad at papatayin nya ang mag ama mo.

Hah? Dad mo? Ano kasalanan namin sa ama mo? Sino ba sya? - Mace

Raphael ang ama ko' kilala nyo sya! Baliw na si dad, planado lahat mamaya ay gagawin na nila ang pagdakip sayo' papatayin niya ang mag ama mo!

Ama mo na kriminal!? Dapat ay maka alis na tayo dito! - Marco

Dun muna kayo sa rest house ko sa tarlac, bro. Kasama pamilya mo. Kontakin na tin ang lahat ng koneksyon ng grupo. - Gab

Salamat bro. Kontakin muna ang lahat ng myembro sa Underground. Mukang dapat na natin pag planuhin ito ng mabuti. - Marco

Please hubby mag ingat ka' baliw si Raphael ayoko gawin nya ulet ang ginawa nya noon kay Miguel. - Mace

I know wife' kami na bahala. Mag impake na kayo. - Marco

Marielle, pa asikaso muna si Celine - Mace

(Fast forward...)

Nang nag impake na ko ng gamit namin ni Marco, ay agad sumigaw si Marielle. Halos tumakbo kami lahat papunta sa kwarto ni Celine.

Marielle! Nasan si Celine! - Mace

Iyak lang ang sagot ni Marielle.

Napasigaw naman si Marco.

MARIELLE! ASAN ANG BATA!!! - Marco

Kuya, I dont know'pag akyat ko wala si Celine' - Marielle

Shit! The fuck! San ang anak ko! - Marco

Agad naman ako nawalan ng balanse at inalalayan ako ni Chelsea.

Yung ..baby ko.. Nasan na ang anak ko.'. - Macey

Bigla may napansin si Gab na note sa crib ng anak ko.

Bro!, may note na nakadikit sa crib - Gab

"My enemy,

Napakaganda pala ng anak mo. Kamuka nya ang mahal ko. Sayang.. Ibigay mo sa akin si Cassandra! Ibibigay ko ng buhay ang anak mo! Hintayin mo ang tawag ko' Hahahaha."

Halos magwala si Marco sa nabasa nito sa note.

Chelsea, dalhin muna ang pamilya ko sa tarlac. Maiiwan kami ni Gab dito! Ako tatapos sa kabaliwan ng ama mo! - Marco

Dito lang ako please' gusto ko makasiguro okay anak natin. - Macey

Macey makinig ka! Mas safe ka sa rest house kami na bahala ni Gab' babawiin ko ang anak natin' pangako' - Marco

At hinalikan ako ni Marco. Sumunod na ko sa gusto nya na pumunta sa resthouse.

MARCO'S POV

Biglang nag ring ang telepono pagkasagot ko ay si Raphael

Kamusta Mr. Buenaventura? - Raphael

Nasan ang anak ko! Hayop ka!

Hahaha. Chill Marco, malapit na kayo magsama at malapit na din kami magsama ng mahal ko na INAGAW MO! - Raphael

Wag na wag mo sasaktan ang anak ko! Siraulo ka!

Hindi sumama si Mace papunta Tarlac dahil gusto nya malaman ang kalagayan ng anak namin, agad naman hinila nito ang telepono.

Hayop ka Raphael! Wala ka talagang puso! Pati anak ko dinadamay mo sa kabaliwan mo! - Mace

Hindi ko naman sasaktan ang anak ni Marco, mahal. Kapalit nga lang nun sasama ka sa kin, magpapakalayo tayo mahal ko, gagawa tayo ng maraming anak. Hahahaha - Raphael

Baliw kana Raphael! Hayop ka!!! Masunog sana ang kaluluwa mo sa impyerno! - Mace

Dahil sa pagmamahal ko sa'yo Cassandra' ano ba nakita mo kay Miguel? Hah? Mahal na mahal kita alam mo ba yun? Gagawin ko lahat mapa sa akin ka lang muli' hahaha - Raphael

Magsasalita pa sana si Mace pero bigla ito binaba. Na trace na ng grupo kung san sila Raphael. Nasa pangasinan ito sa Bolinao Island, mukang pribado ang resort nito dapat namin ito pagplanuhin ng mabuti dahil hawak nya ang anak ko.

(Fast forward...)

Lahat kami ay nasa loob ng van, kanya kanya kami ng armas, habang ang asawa ko tahimik umiyak at nagdadasal. Agad muna kami nagmatiyag bago kami sumugod. Nakita ko ang babae, yung bagong katulong namin bitbit nito ang aking anak, malamang ito ang dumukot.

May malaking bangka malapit sa mga ito at mukang doon pupunta ang babae may hawak sa aking anak kasama ang tatlong armado. Nang maka tiempo ay una lumabas ang grupo ni Gab isa itong mafia Leader ng Underground Volk Society.

Nang makipag bakbakan na ang grupo ni Gab, lumabas ang grupo ni Xian sa kabilang van, Gang Leader ng Zouthy Organization. Ngayon kaming grupo naman ang lalabas, nag iwan ako ng tatlo makakasama ng asawa ko.

Marco! Sama ako! Gusto ko makita si Celyn! - Mace

Hindi pwede wife delikado! Ayoko pati ikaw kunin sa kin ng baliw na yun! Please stay here! Promise, pagbalik ko kasama ko na anak natin.

At hinalikan ko ito sa noo.

Kayo tatlo bantayan nyo si Mace, maliwanag!?

Areglado boss! - ?

(Fast forward...)

//---//---//---//---//---//---//---//---//---//---//---//---//

MACEY'S POV

Agad nakita ng mata ko ang anak ko hawak ito ng bago naming katulong, agad naman ako lumabas sa van

Mam,san po kayo pupunta? Kabilinan ni boss wag kayo palalabasin - ?

Andun ang anak ko! Hawak ng babae!

Sinundan ako ng tatlong tauhan ni Marco, agad ko inagaw ang anak ko sa babae. Akmang sasabunutan ako agad naman ito binaril ni Xian. Dali dali ako bumalik sa van, ng pagkabukas ko ay agad may humablot sa buhok ko.

Kamusta mahal ko? Namis kita. - Raphael

Bitiwan mo ko Raphael! Hayop ka! Pakawalan mo ko!

Bakit ko naman gagawin yun? Eh di inagaw ka na naman sa kin ni Miguel? Hahaha - Raphael

Biglang may narinig ako pagkasa ng baril.

Dad! Bitawan mo si Macey! - Chelsea

Chelsea! - Gab/Marco

Shit! Ang mag ina ko! - Marco

Ang anak ko sa babaeng bayaran, kaya mo patayin ang sarili mong ama? Ako ang bumuhay sayo pagkatapos kang iwan ng ina mo na nagsilang sayo?! Hah Chelsea? Kung tutuusin pasalamat ka at kinupkop kita tapos ganito IGAGANTI MO SA AKIN! hahaha - Raphael

Please dad, ayoko to gawin. Pakawalan mo na yung mag ina. Wala silang atraso saiyo! - Chelsea

Si Cassandra lang gusto ko! Siya lang! At hindi ang pesteng bata na ito! - Raphael

Bigla nya hinablot si Celine at inihagis nya buti nasalo ito ni Xian.

Putang ina ka Raphael! Hayop ka! Pati anak ko dinadamay mo sa kabaliwan mo! Palayain mo asawa ko! Tayo ang magtuos! - Marco

I'm... Sorry...dad.. - Chelsea

Sabay pinaputukan ni Chelsea ang ama nito, natamaan ito sa puso pero nakaputok din agad si Raphael kaya natamaan ang hita ni Chelsea.

Shit! Hon!!! - Gab

Namatay na din si Raphael, agad ako tumakbo sa mag ama ko. Lumapit kami kay Chelsea.

O..kay lang a..ko Mace.. Pat..awarin mo..ko sa la..hat... - Chelsea

Kayo tumawag na ng abulansya! Bilis! - Sigaw ni Marco at Gab

Tapos na yun Chels, matagal na kita pinatawad .please kaya mo to para sa baby nyo ni Gab.

At dali dali na dinala ito sa ambulansya.

Tapos na din wife, tahimik na din ang kaluluwa nila. - Marco

Thanks god... Finally it's over..