Chapter 24 - CHAPTER 22

RAPHAEL'S POV

Nandito ako sa harap ng bahay ni Cassandra, gusto ko ito makausap ng malapitan. Hindi ako makapaniwalang buhay ito, gayong itinapon namin ang bangkay nila ni Miguel at ng alalay nito sa dagat. Pero paano nangyari iyon?

Ilang oras din ako nag antay, ng dumating ang itim na sasakyan papasok sa bahay ni Cassandra, muli ay nagmatyag pa ulit ako. Nag aantay ng tiyempo para makuha ang dapat sa akin!

//---//---//---//---//---//---//---//---//---//---//---//---//

MACEY'S POV

Salamat at nakarating din kami, pagka baba ko ay agad ako sinalubong ng aming prinsesa pati narin ang aking ina.

Anak, kamusta ang biyahe nyo mag asawa? - Ina ni Mace

Ayos naman po Ma. - Marco

Agad ko naman kinalong si Celine,

Hello baby! Namiss ka namin ni Daddy, good girl ba ang princess?

Hagik-ik naman ang sagot ni Celine. 10months na din ito at ilang buwan na lang ay kaarawan at binyag na nya.

(Fast forward..)

Nang gabing iyon ay lumabas ako ng gate para magtapon ng basura, ng my mapansin ako itim na sasakyan na tila kanina ko pa ito nakita ng pagkadating namin galing pangasinan. Pagkalapag ko ng basura sa gilid ay bigla ako napalingon sa sasakyan at my tao nakatingin sa kin. Unti unti to naglakad papunta sa gawi ko ako naman ay napa atras at didiretso na sa loob ng nag salita ito..

Sandali! Cassandra! - ?

Bigla naman ako natauhan at alam ko si Raphael iyon. Nataranta ako pumasok ng gate ng bigla nya hablutin ang braso ko.

Mag usap tayo! Antagal kita hinintay mahal ko. Totoong buhay ka. - Raphael

Lumayo ka sa kin! Kriminal ka! Hindi ako si Cassandra! Kaya bitiwan mo ko!

Alam ko mahal, hehe dahil matagal na patay ang kinababaliwan ko! Ako ang pumatay eh. Hahaha! Pero nakakapagtakang buhay na buhay ka. Ngayon ikaw naman pagpapantasyahan ko Ms. Macelyn Fajardo!. Nahulog na loob ko sa'yo ikaw lagi ang nasa isip ko. Nakakabaliw. Wala pa din pinagbago ang ganda ng itsura mo pero ako? Ganito pa din umedad nga lang. Hahahaha!!! - Raphael

Baliw ka na Raphael!!! Sumuko kana, aminin mo ikaw pumatay sa magkasintahan! Ng matahimik na ang mga kaluluwa nila! Demonyo ka!!!

Hahaha. Ako? Susuko? Nagpapatawa ka ba Fajardo? Napakatagal na. Taon na lumipas! Masiyado ng amag ang kaso na isinara ko. Pero ngayon Sisiguraduhin ko na akin ka lang, hindi ka pwede kay Buenaventura.! Because YOU.ARE.MINE! From the start akin ka lang! - Raphael

Marco!!!! Marco!!! Marco!!! Help me!!!!!

Bigla naman lumabas ang aking asawa pati ang mga tao sa loob ng bahay.

Hayop ka talaga Raphael! Bitiwan mo asawa ko! Tang ina ka! Tumanda kana lahat lahat demonyo ka pa din! - Marco

Oh? Nandito na pala si Buenaventura na kamuka ni Miguel ang pinatay ko noon kasama ang ulupong niya hahaha! Mukang alalay mo noon hindi na bumalik at hanggang ngayon aagawin mo pa din ang akin? Hahaha!!! Matibay ka talaga! - Raphael

Bigla naman lumabas si Mama at ang mga katulong..

Anong kaguluhan to!!!?.. Ikaw na matandang lalaki! Bitiwan mo ang anak ko!.. Melda! Tumawag ka ng pulis bilisan mo! - Melissa

Agad naman nagmadali ang katulong at tumawag sa pulis.. Ilang oras lang ay dumating na din agad ang mga ito..

Babalik ako tandaan mo yan Buenaventura! Babawiin ko ang akin!!!... At ikaw mahal kong Macelyn hintayin mo ko malapit na tayo magsama at bubuo na tayo ng pamilya..(sabay dinilaan nya ang pisngi ko at humagikgik na parang baliw) ilang beses ka man mabuhay akin kapa din! - Raphael

Agad nya ko binitawam at ako naman ay pinunasan ko ng panyo ang parte ng dinilaan nya.. Tumakbo agad ako kay Marco, agad nya ko niyakap ng mahigpit, hindi ko napigilan na umiyak.

Ssh... Gagawa ako ng paraan wife para hindi nya na tayo guluhin pa. - Marco

At hinahagod naman ang likod ko ni Mama'

Pumasok na tayo sa loob, at gusto ko ipaliwanag nyo sa kin ang kaguluhan na ito at kung sino ang lalaking yun'! Matanda na, nagmamaniyak pa!- Melissa

Agad naman kami pumasok sa loob ng bahay namin..

RAPHAEL'S POV

Umuwi muna ako sa isa ko pang mansion maliban sa bagong bahay na katapat ng bahay ng mga Fajardo. Agad naman nadatnan ko ang aking anak na si Chelsea. Sa totoo lang, anak ko ito sa bayarang babae sa pangasinan iniwan nya ito sa kin.

Dad? Where have you been? Bumili ka daw ng bagong bahay. - Chelsea

Club. Tumataba ka ata?!

O-okay.. Dad kumain na po ba kayo? Ipag hahanda ko po kayo ng makakain. Hindi na mahigpit yung manager ko kaya okay lang kahit mild diet muna. - Chelsea

Tinignan ko ito ng masama, kung tutuusin, wala akong amor sa batang ito.

Bakit ba napakadami mong tanong!!? Anak lang kita sa babaeng bayaran! Umalis alis ka sa harapan ko! Bwisit! Kainin mo mag isa yan inihanda mo!

Alam ko naman po yun, pasensya na po kung nag aalala po ko sa inyo, akyat na po ko dad. - Chelsea

Ako naman ay agad ko hindi na ito pinansin dali dali ako naglagay ng brandy sa baso at nilagok ito ng diretso, mag iisip ako ng plano upang mapasa akin na talaga ng tuluyan si Cassandra.

//---//---//---//---//---//---//---//---//---//---//---//---//

CHELSEA'S POV

Agad naman ako umakyat sa taas at inilabas ang sakit na nadarama ko, alam ko naman napilitin lang ito na tanggapin sya, kahit ano gawin ko pagpapasikat dito ay wala ito pake alam sa kanya.. Gusto ko na sabihin kay dad na buntis ako, kaso baka di nya ito matanggap o hindi kaya magalit. Itinulog ko na lang itong mga pinag iisip ko.

//---//---//---//---//---//---//---//---//---//---//---//---//

RAPHAEL'S POV

Kinabukasan agad ko pinatawag ang mga dati kong tauhan para maisagawa na ang plano ko pagdukot sa pinakamamahal ko babae.

Boss, long time no see. Ano po ba ipapagawa nyo? - Butch

May ipapakidnap ako sa inyo at dalhin nyo ito sa isla ng Bolinao sa resort ko.

Sino po ba Boss? - Butch

Sabay itinapon ko sa harap ng tauhan ko ang envelope na naglalaman ng litrato ni Fajardo, agad naman nito binuklat at nagulat ito ng makita kung sino ang dudukutin.

Boss! Si Cassandra po ito! Matagal na po ito patay dahil ama ko mismo ang nagtapon ng bangkay nila sa dagat! Paano? Nangyari buhay ito? - Butch

Ako naman ay napahalakhak ng malakas..

Ganyan din ang reaksyon ko ng una ko siya makita, ang pangalan nya ay Dra. Macelyn Fajardo. Magkamuka sila ni Cassandra. Sya ang gusto ko na kidnapin nyo!

Ibig ho ba sabihin? Nagbalik si Cassandra sa ibang katauhan? Eh... Boss si'.. - Butch

Miguel? Hahaha.. Buhay ito sa katauhan ni Marco Buenaventura!

Pa..ano po nangyari buhay ang magkasintahan?.. Hindi po kaya? Baka mag hihiganti po sila sa atin, boss! - Butch

Bakit!? Natatakot ka ba? Na kakarmahin ka? Hahaha. Ako na bahala kay Marco! Papatayin ko siya kasama ang anak nya! Akin lang si Cassandra! Mayang gabi nyo kidnapin si Macelyn, siguraduhin nyo na hindi ito makakatakas! Kundi papatayin ko kayo lahat!

Masusunod po boss - Butch

//---//---//---//---//---//---//---//---//---//---//---//---//

CHELSEA'S POV

Ilang oras din ako nakinig sa mga plano ni Dad, ipapakidnap nya si Mace. At bakit pinagpipilitan nya ito ay si Cassandra? Sino ba ang babaeng yun sa buhay ni Dad. Halos hindi ko mapigilang di maiyak dahil nakapatay na ang aking ama, mukang hindi ko pa ata lubusang kilala si dad, natatakot ako sa maari nyang gawin.

Oo't ayoko kay Fajardo, pero hindi ibig sabihin nun ay gusto ko na mawala ito sa mundo pati ang anak nito. Alam ko naman hindi na ko mahal ni Marco, tanggap ko naman yun. Masaya na ko sa piling ng ama ng pinagbubuntis ko, gusto ko sila tulungan pero pa ano gayong napakalaki ng kasalanan ko sa kanila?..