Chereads / Drowning In Love / Chapter 1 - Chapter 1 - To My Home

Drowning In Love

Sofialozada_23
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 3.4k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1 - To My Home

Kakatapos lang nang first semester at halos lahat ng estudyante rito sa unibersidad ay nagsiuwian na sa kani-kanilang lugar o probinsya. Nagsimula na rin ako mag-impake ng gamit ko sa dorm dahil gusto ko na din makauwi kaagad mamaya. Gustong gusto ko na ulit sya makita.

"...Julie? Julie asan ka na?" Tawag ko sa roommate ko. Magpapaalam sana ako na aalis na ko pero mukhang wala sya dito ngayon. Nag-iwan ako ng note para sa kaniya bilang paalam bago ako umalis.

Di ko lang mapigilan ang pagngiti ko sa tuwing naiisip ko na makakauwi na rin ako sa wakas. I'll finally get to see him again! Kahit nakakausap ko sya gabi-gabi through chat or video call, namimiss ko pa din na makasama at makausap sya ng personal. I really miss looking at his actual face.

Habang nasa bus ako, nag-text na ako sa kanya na makakauwi na ako mamayang gabi. Sadly di sya makapagreply kaagad sa'kin, pihado wala itong load or baka natulog nanaman sa hapon. Antukin kasi yung lalaki na 'yon. De bale, magkakausap naman na kami mamaya. Bilhan ko kaya sya ng cake? Or hmm... ano kaya magandang pasalubong?

Kahit hindi sya nagrereply, patuloy lang ako nag-uupdate sa kanya about sa mga stop-over ng bus na sinasakyan ko. Maeexcite yun basahin na papalapit na ko ng papalapit sa kaniya ahaha. Baka naman sa pag-uwi ko may ihanda sya para sa'kin hahaha, di naman sa umaasa ako pero nakakaexcite lang talaga isipin na salubungin nya 'ko.

"Miss, ayos ka lang?" Biglang tanong sa'kin nang babae na katabi ko. Napataas naman kilay ko sa kaniya, 'di ko na lang din kinibo dahil baka lakas tama lang si ate at nantitrip lang sa'kin.

Mabuti na lang at hindi na niya ako pinakielamanan pa, dahil nabadtrip din ako sa tinanong nya sa'kin. Ewan ko, pero naging iritable tuloy ako dahil sa babae na 'yan. Matapos ng mahabang byahe, gumaan na kalooban ko ng makaalis na 'ko sa bus. Sana di ko na makita ulit 'yung babae na 'yun, nakakabadtrip talaga.

Minadali ko ang paglakad kahit napakabigat ng hinahatak-hatak kong maleta. Atat na talaga akong makita sya. Natitisod pa nga ako dahil hindi ko na natitignan yung dinadaanan ng paa ko. At nang makarating na ako sa bahay nya, kumatok na ako. "Ryan! Andito na 'ko!... Ryan!... Ryan?..."

Antagal sumagot ah.

Ano ba 'yan, hindi man lang ako mapagbuksan. Pero baka kaya ayaw nya ko pagbuksan kasi isusupresa nya ako! Nako, kunwari hindi ko alam balak nya para talagang masurprise nya ako ahaha! Kabisado ko na itong si Ryan eh, mahilig kasi syang mangsupresa sa akin.

Inilabas ko na 'yung susi ko sa bahay na 'to, at dahan-dahan binuksan ang pinto habang ineexpect ang pagbulaga nya sa akin. "Ikaw talaga, ambagal mo..." napahinto ako sa sasabihin ko ng maratnan kong wala sya sa pagbukas ko ng pinto.

Baka nasa loob pa sya ng bahay?

Hinanap ko naman sya at parang nakaramdam ako ng pagkadismaya. Wala sya sa bahay nya. "Saan naman nagpunta 'yon? Gabing gabi na ah."

"Thea~"

"Ahhk!!" Biglang may bumanggit ng pangalan ko at yumakap sa likod ko. Nawala 'yung lungkot ko ng magpakita sya sa akin. "Ryan! Bwisit ka, saan ka galing!? Gusto mo yata ako magkaron ng heart attack, h'wag mo naman ako gulatin ng ganun!"

"Pasensya ka na love! Hahaha, ang cute mo talaga masurprise." Nambola pa talaga!

"Hmph! H'wag mo 'ko madaan sa ganyan, ni hindi ka nga nagrereply sa mga text ko sayo. Kanina pa 'ko text ng text tas di ka man lang sumasagot, para tuloy akong tangang walang kausap kanina." Umirap pa 'ko sa kaniya, at todo alala naman siya sa pagkainis ko sa kaniya.

"Hala, wag ka na magtampo love. Alam mo naman na kaya hindi ako makapagreply kasi wala na 'kong load eh. Diba nga sinabi ko sayo nung isang gabi na naubos na load ko, at baka mga next week ulit ako makakapagpaload. I'm sorry, okay? Babawi ako."

"Pano ka naman babawi?" Pinaningkitan ko sya ng mata. Nangiti na lang sya sa akin at unti-unting lumapit sa mukha ko para halikan ako. "I miss you, Thea." Sabay bulong nya. "H'wag ka na tampo, please?" Nakakatanggal naman ng angas! Tatagalan ko pa sana 'tong kunwaring pagtatampo na 'to, kaso kahinaan ko talaga itong si Ryan.

"Tsk. Bwisit ka." Napayakap na lang ako sa kanya at binaon ko ang mukha ko sa kaniyang dibdib. Namiss ko 'to. Ang mayakap sya. It feels so nice to be in his arms again. These are the moments where I really feel that I'm at home. "...I miss you too." Sabi ko.

Humigpit ang pagkakayakap namin sa isa't isa, matapos nun ay inaya na niya akong kumain ng inihanda nyang pang dinner na kahit halos 3am na. At habang kumakain kami, hindi na mawala ang ngiti sa labi ko.

I'm finally at home again.