Chereads / Drowning In Love / Chapter 2 - Chapter 2 - A Day With Him

Chapter 2 - Chapter 2 - A Day With Him

Makalipas ng ilang araw ng pagpapahinga, I already feel recharged after suffering sa academic stress na yan. Niyaya ko si Ryan na ilabas nya ako, pero mukhang ayaw nya ata. "You want to go out?" Tanong nya.

"Oo, ayoko naman aksayahin yung semestral break ko na nandito lang tayo. Let's go make memories, tara! Hahaha." I tried to persuade him more, pero pag alinlangan talaga si Ryan, hindi nya talaga gagawin. "Love, I know na nabobored ka na sa bahay pero I can't go with you. Alam mo namang ano..." napabuntong hininga sya.

"Ryan, what's the matter ba?"

"I, uhm, I can't go outside... I'm busy, Thea."

"Busy? Busy saan? These past few days, 'di ka naman mukhang busy. Wala ka ngang ginagawa eh." Ako din naman gumagawa ng mga gawaing bahay, habang sya nanonood sa tv or naglalaro lang ng online games sa phone nya.

"Love, busy ako sa work ko." He stated. Ayaw ko sana syang ma-offend pero hindi naman ako tangang maniniwala sa kasinungalingan nya na 'yun. Busy sya sa work nya? Anong work tinutukoy nya? Pagiging tambay?

"Busy sa work mo? Yeah, right." Di ko na napigilan dila ko. Nagulat sya sa sinabi ko, maski ako nagulat din. Hindi ko sinasadyang masabi yun pero nasasagad nya na din kasi ako nitong mga nakaraang araw. Ako lagi sa lahat, ni hindi man lang kasi sya kumilos para gumawa kahit kaunti.

Ako na lang palagi!

Galing na nga ako sa academic stress tapos pag-uwi ko stress pa rin sa mga gawaing bahay, hindi na nga ako nagrereklamo na di sya tumutulong tapos hindi nya pa ako mapagbigyan na mag-outing or magdate man lang. Asan ang hustisya?

"Sinasabi mo?... Thea, 'di ka ba naniniwala na nagtatrabaho nga ako? Don't tell me you're looking down on me like th—"

"Hindi. I'm not looking down on you, Ryan." And there it goes. Umactivate nanaman ang pagiging sensitive nya about sa kaniyang tinatawag na 'trabaho', though I prefer to call it his passion rather than work. "Ang akin lang, sana makalabas tayo at makapasyal. Don't you want to unwind? Lagi na lang din kasi tayo nasa bahay Ryan."

Ryan sighed. "Sigurado ka? Gusto mo talaga lumabas?" He asked again.

"Oo nga. Ano, tara?" Aya ko.

At himalang napatango na lang sya. Napakarare lang talaga ng mga moments na mapapayag ko sya sa mga gusto ko. "Fine, let's go." Though I can feel na ayaw nya talagang lumabas.

I felt a little disappointed at Ryan, ramdam ko na may bahid pa sya ng sama ng loob dahil ayaw pa nya ata talaga lumabas. Pagkatapos naming magbihis, napagdesisyunan pa namin na pumasyal sa ganitong lugar tsaka kami umalis. Ako na rin ang pinagdrive nya dahil nahihilo daw sya sa byahe. "Panong hindi ka mahihilo eh lagi ka lang nasa bahay. Labas din kasi paminsan-minsan." Sabi ko sa kanya.

"...let's not argue anymore, okay? Ugh. I think I'll sleep this off while we're on our way. Gisingin mo na lang ako love." Hays. Tutulugan nya nanaman ako. Wala din naman akong magagawa sa pagkahilo nya kaya't um-oo na lang ako.

Habang tulog sya, wala akong ibang madinig kung'di ang tunog ng makina ng sasakyan namin. Sira kasi 'yung radyo nito. Medyo nakakalungkot lang dahil tinulugan pa 'ko ng kasama ko. This whole day was meant for us to unwind and make happy memories, pero I feel like this day won't go so well. Not that I'm trying to jinx it. Pero sana hindi magkatotoo itong iniisip ko.

Pagkarating namin sa pasyalan, ginising ko na nga si Ryan at parang gusto pa maka-idlip ng matagal-tagal. "Ano ba yan, andito na tayo oh! Gising ka na dyan." Medyo tumataas na boses ko para gisingin sya, at bigla na lang tumunog phone ko. Tsk.

Agad ko naman itong sinagot. "Yes, hello po?" Unknown number pala ito.

"Althea, where are you? You need to come back." Boses ng isang lalaki ang nagtanong sa'kin kung nasaan ako. Kahit anong isip ko, hindi ko talaga mamukhaan kung kaninong boses ito galing. Pero ang weird dahil alam ng estranghero na 'to ang pangalan ko. Or baka nagkataon na Althea din ang pangalan ng kakausapin nya at maling number lang ang nadial nya.

"Err, maling number po ata tinawagan mo." Sagot ko.

"Listen. Bumalik ka na Althea, parang awa mo na! I promise I won't return you to the a—" biglang nawala yung call dahil nasnatch na ni Ryan ang phone ko. "Sino 'to?" He asked checking the number that called and ended the call himself.

"H-Hindi ko rin alam. Maling dial ata." Ewan ko at bakit ako kinabahan bigla even though there's nothing to be nervous about this unknown caller.

Medyo natawa naman si Ryan sa hitsura ko at pabiro pa nyang sinabi. "Ikaw ah, ba't ka kinakabahan? Baka may iba ka na dyan ah." That's something I can never do to him. Ryan is my everything. I'd do anything for him to stay with me, even if it will cost my sanity, or even my life.

"Sira! Hindi ko magagawa yun sayo noh. And I swear, hindi ko kilala yung tumawag na yan."

"Hahaha I know, I'm just messing with you. I know my Thea can never do such a thing. So let's go and have some fun today!" Akala ko magpapatuloy syang mag-inarte dahil alam kong ayaw nya lumabas kanina. And it's so nice to know that this day might actually go well.