I have always known na hindi mahilig si Ryan na maglalabas. He'd often confine himself at home working on his paintings which what he calls his work. Normally, painters would go out and sight seeing to gain inspiration. Ryan on the other hand relies on his creative imagination when he paints.
Medyo refreshing lang din na makitang naeenjoy nya itong pagpunta namin sa garden park. "This place is beautiful love." Sambit nya.
"Maganda talaga 'tong lugar na 'to. Nagustuhan mo dito?"
"Syempre. Ang ganda nga dito, pero mas maganda ka pa rin love." Lakas mambola. Nahihiya ako sa tuwing pinupuri nya 'ko, pero natawa na lang din ako sa nasabi nya.
"By the way, I think I'm craving for some coffee. Let's stop by sa cafè na yun muna." Tinuro nya 'yung cafè na nasa tapat namin. Di pa kami nakakalapit sa cafè, amoy na amoy ko na 'yung mabangong scent ng mga kape roon kaya parang nagcecrave na rin ako magkape.
Pagkapasok namin, nakita namin na medyo mahaba ang pila at parang taken na lahat ng lamesa. Naku, baka di kami makapagkape dito. "So, gusto mo mag wait in-line, or ako na maghanap ng mauupuan natin dito?" I asked him.
Knowing his anxiety around people, automatic mas pinili nya na lang maghanap ng mapepwestuhan namin. Habang nakapila naman ako, medyo naiilang ako dahil may mangilan-ngilan na napapatingin sa gawi ko. Ako ba tinitignan nila? It's not that I'm assuming that it's me that they're looking at. I mean, sino ba naman ako right?
Di ko na lang masyado pinansin 'yung mga taong ito, matapos ng ilang minuto ay naka-order na rin ako sa wakas. After ko makuha ang order namin ni Ryan, hinanap ko na kung nasaan na sya. May ilang vacant na pwesto, pero nakakapagtaka lang dahil di ko makita kung nasaan na si Ryan.
Muli akong nakaramdam ng kaba kaya't lumapit ako sa guard para magtanong, I described the details of Ryan's features para malaman ng guard kung nakita nya lumabas ang taong ito. Unfortunately, wala raw sya nakita kaya't tinake out ko na lang ang order ko at hinanap si Ryan sa labas.
"Hays, walang silbe naman yung guard na 'yun." Napabuntong hininga na lang ako sa stress. Ineexpect kong makita agad si Ryan sa paglabas ko ng cafè. Unti-unti na 'kong nakaramdam ng kaba habang hinahanap sya, bakit ganon? Nasaan na ba si Ryan? Hindi ko sya makita.
Nag-aalangan pa 'ko sumigaw para tawagin sya, but I did it in the end anyways. Saglit na oras pa lang 'yung lumilipas, pero parang ang tagal ko nang hindi sya nakikita. Pabigat na din ng pabigat ang pakiramdam ko na tila mahihilo't hihimatayin sa kakahanap. "Shit, pull yourself together Thea!" Sabi ko sa sarili ko, I still need to find him.
Why must he disappear now? Asan ka na Ryan?!
Kung saan saan ko sya hinanap sa lugar na ito. Nahirapan na din ako maghanap dahil medyo naging matao na dito. In the midst of searching for him, the passing minutes turned into hours, the light of the day began to settle down into darkness. Nang mapagod na 'ko kakahanap, napaupo na lang ako sa isang tabi at naiyak.
Where the hell did Ryan go?!
Bakit hindi ko sya makita? Did he left me? Ayaw nya na ba sa akin? Damn it, how can he do such a thing to me?! After all these times, I sacrificed a lot for him tas iiwanan nya lang ako ng ganito? Fuck!
I hate this feeling. The feeling of losing him. He means the world to me, but if he leaves me then I'd rather die than to live a day without him in my life!
Then again, muli akong tumayo at bumalik sa paghahanap kay Ryan. Inikot ko ang buong lugar na ito... only to end up losing hope again. On my way back to the parking lot, hinang hina na ako. Di ko na rin alam kung ano pa magagawa ko dito kung sa kahit anong sulok ay di ko sya makita. "Damn it Ryan, ano ba dapat kong gawin para makita ka ulit!?" Naiiyak 'kong tanong sa kawalan.
Habang papalapit na 'ko sa kotse namin, bigla akong nabuhayan ng loob ng makita ko na rin sya sa wakas. Napakaripas takbo ako't minadaling pumasok sa kotse para mayakap sya. "Where the hell have you been!? I've been searching for you the whole fucking day Ryan!"
"I'm sorry Thea. I'm sorry love. I didn't mean to make you worry about me, but I..." pansin 'kong namumutla sya at nanginginig. He looks sick. "Ryan, what's wrong? Sabihin mo sa akin." I demanded.
His eyes were filled with tears that were threatening to escape as he looked at me. "Thea, you know this yourself. I don't like being around crowded places... around people. I... I know I'm not normal. I'm sorry. I just can't stand it! No matter how beautiful this place is, I just can't go out!"
It was my fault this happened. I pulled him close to me to give him comfort and apologized plenty of times. Never again, I told myself. I will never let him feel this way again.