Chereads / The Billionaire's Step Sister / Chapter 3 - Chapter 3

Chapter 3 - Chapter 3

"So, papasa na ba ako sa panlasa mo?" nang-aasar na tanong ni Louie sa kaharap nang hindi ito umimik at nanatiling nakamasid sa kanya. He smirked seeing the woman's face stunned by his outstanding looks.

Well, hindi niya maitatanggi, guwapo naman talaga siya-hindi sa pagmamayabang- kaya nga maraming kababaihan ang nahuhumaling sa kanya.

Naaliw siyang pagmasdan ang gulat sa mukha ng dalagang kaharap. Nakaawang ang mga labi nito habang nakatulalang nakatitig sa kanya.

Maya-maya'y bigla nitong itinikom ang nakabukang labi saka kapagkuwan ay nagsalita.

"Excuse me?" mataray na bulalas nito. Ikinurap-kurap nito ang mata upang itago ang embarrassment, ngunit hindi na iyon nakaligtas kay Louie. Itinaas nito ang kilay upang takpan ang pamumula ng pisngi, na tahimik niyang ikinangisi. "Hindi isang katulad mo ang pinapantasya ko. Tse!"

Louie chuckled to himself. Alam niyang pilit nitong tinatago ang pamumula ng pisngi sa pagitan ng pagsusungit nito kaya bahagya na lang niya itong tinawanan.

Ngumisi siya. Diyata't 'di nito alam kung sino siya.

"Hey, 'di ba dapat magpasalamat ka sa akin imbes na tarayan mo ako? Muntik ka nang mabukolan dahil sa pagpapantasya mo. Katanghaliang tapat, ah!" pang-aasar ni Louie rito. Inilapit pa niya ang mukha sa mukha nito. Aliw na aliw siyang pagmasdan ang babaeng ito. Hindi niya mawari pero magaan ang pakiramdam niya habang tinititigan ito. Lalo na ang pamumula ng pisngi nito na lalong nagpapalitaw ng angking ganda nito.

Mabilis naman siyang itinulak ng dalaga upang magkalayo ang katawan nila.

"Heh! Lumayo ka nga!" mataray pa ring asta nito. "Ikaw naman ang may kasalanan. Kung hindi dahil sa biglaang pagsulpot mo, hindi ako magugulat at hindi ko nabitawan ang steaming iron!" nanggagalaiting sumbat pa ng dalaga.

Napaawang ang labi ng binata. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Aba't, ito pa talaga ang may ganang manumbat?

"Teka, sino ka ba? Pa'no ka nakapasok dito?" nagtatakang tanong nito muli bago pa man siya makaimik.

Louie's lips twitched in amusing way. Inayos niya ang pagkakasuot ng sunglasses at nakapamulsang hinarap ang dalaga.

"I am just passing by, and I saw this beautiful lady smiling out of nowhere. It makes my heart flutter, and wanting to come close to you!" Kinindatan niya ito na lalong ikinapula ng pisngi nito.

Pero kahit kasing pula na ng kamatis ang pisngi nito ay isang nakakatakot na irap pa rin ang iginanti nito.

"Hmp! Wala akong oras sa mga preskong katulad mo!"asik nito. Iyon lang saka mabilis siyang tinalikuran.

Nakangiting sinundan ni Louie ng tingin ang dalaga.

"Hmm... Interesting, and she's pretty. I wonder why she doesn't know me.

"KAASAR!!!" naiinis na maktol ni Issay sa sarili habang mag-isang nakaupo sa canteen. Dito siya dumiretso matapos iwan ang preskong lalaki sa steaming area. Mabuti na lang at saktong breaktime na niya. Sino ba'ng preskong lalaking 'yon at lakas makapangsira ng araw?" naiinis na bulong niya at nilantakan ang in-order na spaghetti.

"Hey, wazzup!"

Bahagya lang niyang sinulyapan ang paglapag ng tray sa harap niya at humigop ng milkshake. She knows it's Ellen, one of her boardmate and her closefriend at the factory.

She needs to cool down. Naiinis siya sa pang-aasar ng lalaking hindi naman niya kilala.

Narinig niya ang pagbuga ng hangin ng kaharap dahil hindi niya ito sinagot. nagtataka marahil ito kung bakit nakabusangot ang mukha niya.

"C'mon, Issay. Bakit ba sambakol 'yang mukha mo?" maang na tanong ng kaibigan.

Marahas siyang napabuga ng hangin bago sinagot si Ellen.

"There's someone that pissed me off!" nag-angat siya ng tingin dito. "Hai naku, Ellen, kung nakita mo lang sana ang preskong lalaking 'yon, ang lakas makapanira ng araw!" naiinis na reklamo niya rito.

"Who?" Ellen asked, arching her perfect eyebrows.

"Don't know. I can't see his face clearly. Imagine, sa loob ng factory nakasuot ng gucci shades?" naaasar na kuwento niya.

"That sounds interesting!" komento nito habang patuloy sa pagsubo ng pagkain na in-order nito.

"Interesting? Anong interesting do'n?" she reacts.

Ngumisi si Ellen na para bang may iniisip na kakaiba.

"Issay, you are pissed, but you still manage to know his brand of shades?"

Natigilan siya sa sinabi nito. Ibig sabihin pinagmasdan nga niya ang lalaki?

Ipinilig niya ang ulo dahil biglang nag-flashback sa isip niya ang nangyari pati na ang ngiti nitong makalaglag panty.

Tsss! Kala mo kung sino'ng guwapo makapagpa-cute wagas! Sa isip-isip niya saka biglang natigilan. "Wait! Did I say guwapo? Lihim siyang napangiti pero 'di iyon nakaligtas sa paningin ni Ellen.

"What's with the smile, Issay?" tudyo agad nito.

Dagli siyang napaangat ng tingin dito.

"Tsss.. nothing. May naalala lang ako," kaila niya.

"Sus! Kunwari ka pa! Sino 'yan? Si Jevy ba?" pang-uusisa nito.

Bagama't hindi ito ang nasa isip niya, sumang ayon na lamang si Issay. "Ahm.. Yeah.." aniya saka tumayo at niligpit ang pinagkainan.

"Ahh..." tumango-tango ito na parang nakuntento sa sagot niya. "So, tuloy ang surprise visit mo sa kanya next week?" Nakataas ang kilay na tanong nito. Nang hindi siya sumagot ay sinabayan siya nito ng tayo.

Nilingon niya ito.

"Yup, why?"

"Ahm, just makin' sure. Pinayagan ka ba ng pinsan mo? Malayo ang Baguio..."

"Oo naman..." mahinang sagot niya.

Sa totoo lang nagtatampo ang pinsan niya sa kanya. Ayaw kasi siya nitong payagan, siya lang talaga ang nagpupumilit na pumunta nang Baguio.

Balak kasi nitong i-celebrate ang birthday niya sa Tagaytay kasama ang boyfriend nito at iba pang kasamahan nila sa trabaho. Tinanggihan niya ang pinsan dahil gusto niyang makasama si Jevy sa kaarawan niya. Ayaw sumama sa kanya ni Marra papuntang Baguio, kaya siya na lang ang mag-isang pupunta. Kahit pa nga bahagya siyang kinakabahan dahil first time niya.

"Ows, sigurado ka? Ang akala ko kasi 'di ka niya papayagan eh!" hindi makapaniwalang saad ni Ellen. Mabilis ang hakbang nito habang nakasunod sa kanya.

"Oo naman, kaso nga lang babalik din ako kaagad dahil may pasok pa ako the nextday. So, after next week ko pa siya masamahan papuntang Tagaytay," pag-e-explain niya.

Tumango ito at nagpaalam na pupunta ng banyo, habang siya naman ay dumiretso sa recreation area upang tawagan si Jevy.