Tatlong buwan ang matuling lumipas at sa bawat araw na iyon ay walang patid na hinatid-sundo ni Jevy si Issay na labis namang ikinatuwa ng dalaga. Tatlong buwan na rin ang relasyon nila at tatlong buwan na rin siyang nagtatrabaho sa munisipyo sa bayan nila.
Sa bawat araw na nagdaan ay lumalago ang pagmamahal na nararamdaman ni Issay para kay Jevy. Her sweet, loving and passionate boyfriend. Gano'n din sa kanya ang binata na walang sawang pinaparamdam sa kanya ang pagmamahal nito.
"Issay, won't you invite me to your house tomorrow? Ang sabi ni Julie fiesta daw sa inyo bukas at mamaya ay may sayawan sa plaza. Ayaw mo ba akong makasayaw mamaya?" tanong ni Jevy sa kanya na nagpauntag sa pagmumuni-muni niya. May bahid ng pagtatampo sa boses nito.
Kanina pa magulo ang isip ni Issay kung paano ito imbitahan nang hindi maghihinala ang tatay niya pero wala siyang maisip. Kaya naman t-in-ext niya itong tagpuin siya sa paborito nilang tambayan sa tabing-dagat kung saan may maliit na kuweba na puwede nilang masilungan sa mainit na sikat ng araw o pagpatak ng ulan.
Linggo ngayon at wala siyang pasok sa munisipyo at dahil fiesta bukas ay humingi siya ng leave of absence sa trabaho para mag-celebrate.
"Issay?" muling tanong ni Jevy nang hindi siya sumagot .
Tumikhim muna siya bago sumagot. Kinakabahan siya dahil hindi niya alam kung paano magsisimula.
"Ahm, I'm sorry," hingi niya ng paumanhin. Tumikhim muna siya upang alisin ang bikig sa lalamunan bago nagpatuloy sa pagsasalita, "I actually planning on telling you but you asked it first." Nakangiwi siyang sumulyap dito.
Bumuga ito ng hangin saka kinabig siya upang akbayan. Humilig naman siya sa balikat nito.
Nakaupo sila sa buhanginan habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw na nagkukulay kahel sa kalangitan. It's romantic and the ambience of the place radiates their love for each other. Elyssa can feel it.
"By the way, when did Julie speak to you? Ang akala ko ay wala siya rito," mahinang tanong niya kapagkuwan.
Napakunot ang noo ni Jevy sa tanong niya. Puno ng pagtataka ang mukha nito.
"You didn't know? Akala ko pinapasabi mo sa kanya na papuntahin ako sa inyo?" naguguluhang tanong nito.
Marahan siyang umiling. Julie's been avoiding her since Jevy's party, and its been three months. Hindi niya alam kung nagtatampo ba ito sa pang-iiwan niya o talagang iniiwasan lang siya nito. Ang sabi sa kanya ng Kuya nito ay nagbakasyon daw ito sa Baguio.
"Hindi ko pa siya nakakausap simula no'ng party. She's been avoiding me, I guess," malungkot niyang sagot.
Wala talaga siyang ideya kung bakit iba ang trato ni Julie sa kanya ngayon. Nalulungkot siya dahil hindi na niya halos nakikita at nakakausap kahit man lang sa tawag ang kaibigan.
"Come here..."
Hinapit siya ni Jevy at pinasandal sa dibdib nito saka marahang hinaplos ang buhok niya.
"I didn't know that Julie is not talking to you. I will talk to her, okay?" pagbibigay assurance nito. "Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa inyong dalawa. At ayaw ko namang hindi kayo nagkakausap." Masuyo nitong hinaplos ang likod niya.
May tipid na ngiting sumilay sa labi ni Elyssa. She never expected Jevy to be sweet like this. Pakiramdam niya ay lalo siyang napamahal rito. Isiniksik niya ang sarili sa dibdib nito. She's been this close to Jevy and his warmth gives her comfort.
Hindi siya nakadama ng pagkailang.
Ramdam niya ang init ng katawan nito na nagpapabilis ng tibok ng puso niya at nagpapalawak sa imahinasyon niya. Pero hindi pa siya handa para gawin ang bagay na 'yon. And not in this seashore.
"Thank you," sagot niya. Hindi niya napigilan ang sariling halikan ang dibdib nito na ikinapitlag ng binata.
Nag-angat siya ng tingin at namula ang pisngi niya nang matiim na nakatitig sa kanya ang kasintahan.
"Issay..." bulong nito.
"Jevy..." kapos ang hiningang sambit niya. Kitang-kita niya sa mga mata ng binata ang pananabik na halikan siya.
Hinawakan nito ang magkabilang mukha niya at unti-unting inilapit ang mukha sa kanya. His dark gaze is piercing through her. It's clouded by desire.
"Issay..." namamaos na usal nito sa pangalan niya bago mainit na sinakop ang mga labi niya.
Issay gasped. She can feel desires in his kisses.
He kissed her gently and passionately and she responded him, mimicking the movements of his lips. Napaawang ang labi niya upang tanggapin ang dila nitong mapusok na ginagalugad ang bunganga niya. Sa loob ng tatlong buwan na pagiging magkasintahan nila ay natuto nang humalik si Elyssa kaya game na siyang makipaghalikan sa kasintahan.
Ikinawit niya ang mga braso sa leeg nito upang kumuha ng lakas dahil nanghihina siya sa sarap na dulot ng halik nito.
Jevy didn't stop kissing her. Lalo pa nitong pinalalim ang halikan nila na mainit naman niyang tinanggap.
Napaungol si Issay nang mas lalong naging mapusok ang halikan nila ng binata. His body is radiating from heat and so is she. She can't stop. No. She don't want to stop.
Nagsisipsipan sila ng dila at halos ayaw nang tumigil sa mapusok na halikan. Bahagya lang silang tumigil upang lumanghap ng hangin bago muling nagpatuloy.
"Ohh..." ungol ng dalaga ng bumaba ang mga labi nito sa leeg niya at bahagya iyong sinipsip. Kakaibang init ang nakamit niya at nagdulot iyon ng sarap sa kanyang puson.
Nang dinilaan nito ang leeg niya ay napahigpit ang pagkapit niya rito.
Akmang bababa ang labi nito patungo sa cleavage niya nang biglang tumunog ang cellphone ni Jevy pero hinayaan nito iyon hanggang sa tuluyang tumigil. Nagpatuloy sa paghalik at pagdila sa balat niya ang binata.
Malakas na napaungol ang dalaga dahil sa ginawa nito at lalong nag-init ang katawan ni Issay.
Pero muling tumunog ang cellphone ni Jevy kaya napilitan itong tumigil sa ginagawa upang sagutin ang tawag.
"What?" he snapped.
Naaasar itong tumayo marahil ay nabitin bago bahagyang humakbang palayo sa kanya.
Marahas na bumuga ng hangin si Elyssa upang hamigin ang nag-iinit na katawan. Namula ang pisngi niya nang maramdaman ang pagkabasa ng kanyang pagkababae!
"God! I'm turned on!"
Kinagat niya ang pang-ibabang labi bago sinulyapan si Jevy na ilang hakbang na ang layo sa kanya.
Nakakunot ang noo nito habang may kausap sa cellphone nito. Marahil kung sino man ang katawagan nito ay may importanteng sadya sa binata.
Hinayaan niya itong makipag-usap at tahimik niyang pinagmasdan ang ngayon ay papadilim ng kalangitan.
Ilang minuto pa siyang nakatingin sa kawalan nang maramdaman niyang may umupo sa tabi niya.
Hindi alam ni Issay pero bahagya siyang kinabahan nang seryosong mukha ni Jevy ang tumabi sa kanya. Kaya agad niya itong tinanong.
"May problema ba?" tanong niya at minasahe ang nakakunot nitong kilay upang ituwid.
Malungkot na ngumiti ang kasintahan saka hinawakan ang kamay niya at bahagyang pinisil.
"I want to tell you something, Issay. Sana maunawaan mo ako," malungkot na sagot nito.
Lalong kumabog ng malakas ang dibdib niya sa sinabi ni Jevy. Kinabahan siya sa maaring sabihin nito dahil sa kaseryosohan ng mukha nito. Marahan siyang humugot ng hangin at tahimik na ibinuga bago lumingon dito at nagtanong.
"What is that? Tungkol ba ito sa'tin? Sino 'yong tumawag sa'yo?" sunod-sunod na tanong niya.
"Rex! Siya ang tumawag sa'kin at nagpapasundo sa airport. I can't say no to him. He's been a good buddy and like a big brother to me," paliwanag nito.
Nakahinga siya nang maluwag. Iyon lang naman pala ang sasabihin niya, eh! Bakit para siyang kinakabahan? Iniisip ba niya hindi ko siya papayagan?
Matamis siyang ngumiti dito bago nagsalita.
"It's okay, Jevy. I understand. Minsan lang naman kayo nagkikita 'di ba?"
Tumango ito bago siya niyakap ng mahigpit.
"Actually, hindi naman 'yon ang sasabihin ko eh."
Natigilan siya sa narinig at muling bumalik ang kaba sa dibdib.
"A-ano?" she stutterd. "Hindi iyon? Eh ano?" kinakabahang tanong niya.
Ramdam niya ang pagbuga nito ng hininga bago kumalas sa pagkakayakap sa kanya at matiim siyang tinitigan.
"Issay..." anito saka binitawan ang kamay niya at hinubad ang suot nitong bracelet.
"What are you doing, Jevy?" tanong niya ng isuot nito sa kanya ang bracelet.
"Take this, Issay. This bracelet will let them know na pag-aari kita. Walang sasaling sayo kahit wala ako rito."
Nanlaki ang mata niya sa narinig.
"What do you mean?" naguguluhang tanong niya.
Huminga muna ito ng malalim bago sumagot.
"Issay-" tunog ng cellphone nito ang nagpatigil sa sasabihin nito.
Naiinis na sinagot nito ang tawag at sinenyasan siyang maghintay sandali.
"I'm coming, okay! F*ck it, Rex, can't you wait?"
Galit na pinutol nito ang tawag saka bumaling sa kanya.
Tipid siyang ngumiti.
"Bakit?"
Marahas itong umiling.
"Come, let's get you home." Yakag nito. Biglang nag-iba ang mood nito dahil sa tumawag.
Nagulat siya sa sinabi nito.
"What?" aniya. Paano 'yong sasabihin niya? Nakalimutan niya ba?
Walang nagawa si Elyssa kundi ang magpahatid kay Jevy. Hindi kalayuan sa kanila ang tinatambayan nila kaya't ilang minuto lang ang lumipas ay naihatid na siya ni Jevy gamit ang motorsiklo nito. Huminto ito sa tapat ng bakuran nila.
Kaagad din itong nagpaalam at bago ito tuluyang umalis ay ninakawan muna siya ng halik.
"Jevy!" nahihiyang saway niya. "Ano ka ba? Baka makita ka ni Itay!" Bagamat hindi niya mapigilan ang pagguhit ng ngiti sa labi.
"One time!" Kindat nito at kinabig siya saka mahigpit na niyakap. "See you tomorrow?"
"Wait! Hindi ba, may sasabihin ka pa?" bakas ang pananabik na tanong niya.
Nanlambong ang mukha nito.
"Can I tell it tomorrow?" pinisil nito ang tungki ng ilong niya na ikinangiti niya.
"Why can't tell now?" pamimilit niya at pinapungay ang mata.
Malungkot itong ngumiti saka pinagdikit ang noo nila.
"No! I can't."
"Bakit nga?" pamimilit niya.
"Kasi baka hindi ka makatulog!" pagbibiro nito pero may kislap ng lungkot sa mga mata.
Pagak siyang napatawa saka kumalas sa yakap nito.
"Fine! Sige, umalis ka na, baka maabutan ka pa ni Itay!" pagtataboy niya.
Hinalikan muna siya nito sa noo bago kumakaway na humakbang paatras.
KINAGABIHAN ay hindi pumunta ng plaza si Issay upang makipagsayawan. Niyaya siya ni Julie na sa wakas ay nagpakita na rin sa kanya at humingi ng tawad dahil sa pagsasabi nito kay Jevy na hindi man lang nagpaalam sa kanya. Pinatawad naman niya ang kaibigan na kailanman ay hindi niya magawang magtampo.
"Bestfriend kita kaya hindi ko magawang magtampo sa'yo ng matagal kahit pa nga ilang buwan mo akong hindi pinansin."
"Thank you, Issay! Napakabait mo talaga. Kaya nga nakokonsensya ako sa ginawa kong pambabalewala sa'yo eh." Mahigpit siyang niyakap ni Julie na mahigpit din niyang tinugon.
"Sigurado ka bang ayaw mong pumunta sa sayawan? Fiesta na bukas, magsaya ka naman!" pamimilit nito na may kasamang paglalambing.
Ngumiti siya saka umiling.
"Nope. Bukas na lang ako babawi 'pag nandito na si Jevy!" sagot niya habang nagniningning ang mga mata.
"Sige na umalis ka na habang maaga pa para mahaba pa ang gabi mong makapag-enjoy!" pagtataboy niya sa kaibigan.
"Hmp! Lagi ka na lang Jevy!" Kunwari'y nagtatampong wika nito saka humalukipkip na humarap sa kanya. "Paano naman ako? Hindi mo na ako sinasamahan. Akala ko ba bestfriend tayo?"
"Babawi ako sa'yo bukas! I promise you. Sasayaw tayo ulit hanggang umaga!" She grinned at the memories of their childhood.
"Sigurado na 'yan ha?" Muli na itong ngumiti na para bang siyang-siya. "Aasahan ko yan! 'Pag hindi mo tinupad lagot ka. 'Di na kita kakausapin!" kunwari'y pagbabanta nito saka humakbang na palabas kasunod siya upang ihatid ito sa pinto.
"Sure!" Nanunumpang ngisi niya.
"Sige na! Mag-isa na lang akong maghahanap ng ka-date."
Napatawa siya sa sinabi nito. Yumakap muna ito sa kanya bago tuluyang lumabas.
Napailing siya saka napagpasyahang pumasok na sa kuwarto. Tulog na ang kanyang abuela sa kabilang kuwarto dahil alas-otso na ng gabi. Maaga itong natutulog kaya't maaga ring nagigising dahil ito palagi ang naghahanda ng babaunin niya papasok sa munisipyo.
Samantalang ang kanyang ama ay nasa plaza dahil gusto nitong manood ng palabas at magperya na hindi naman niya pinigilan. Hinayaan niya itong mag-enjoy kahit minsan dahil lagi na lang itong abala sa trabaho nito bilang bus driver.
Maliit lang ang bahay nila pero malinis at masinop. Gawa sa kalahating bato at kalahating kawayan ang kabuuan ng pader at hindi kalakihan ang bawat kuwarto maging ang kanilang sala.
Pinalagyan niya ng adjacent ang kusina nila upang magkaroon ng isa pang kuwarto para sa kanyang ama dahil sa sofa sa salas lang ito laging nakahiga noon.
Pagkapasok niya sa sariling kuwarto ay kaagad niyang tiningnan ang cellphone kung may mensahe galing kay Jevy pero ni isa ay wala.
"What happened to you?" naibulong niya sa hangin.
Kanina pa siya nito hindi kinokontak pagkahatid nito sa kanya.
"Baka naman nasa biyahe pa? Huwag kang excited!" her subconscious contradict.
Sa pagkaalala niya ay may sinundo itong kaibigan sa airport. Ang ibig sabihin ay nasa biyahe pa nga ito dahil apat na oras ang layo ng bayan nila mula sa airport.
Napagpasyahan niyang itulog na lang ang pagkainip sa paghihintay ng message ni Jevy.