Chereads / The Billionaire's Step Sister / Chapter 5 - Chapter IV / First Heartache

Chapter 5 - Chapter IV / First Heartache

Nangunot ang noo ni Julie nang makitang magkayakap sina Issay at Jevy sa hardin at kaagad na sinalakay ng kaba ang dibdib niya habang ang isip ay kung anu-anong spekulasyon ang tumatakbo. Naghiwalay lamang ang mga ito nang mapansin siya na nakatayo sa isang sulok. Ni hindi napansin ng dalawa ang pagdating niya kung hindi pa niya tinawag ang mga ito. "Why are they hugging each other?" she asked herself while walking towards the two.

Pilit siyang ngumiti habang naglalakad palapit sa dalawa kahit nakaramdam siya ng munting kirot sa dibdib dahil nakikita niya ang saya sa mukha nina Issay at Jevy. Hindi man niya aminin may hinala na siya kung bakit magkayakap ang dalawa, at iisang ideya lang ang nabubuo ng isip niya.

Malapad ang ngiting nilingon siya ni Issay. Bakas sa mukha nito ang kaligayahan na para bang tumama ito sa lotto. Ang saya-saya nito na lalong ikinangitngit ng kalooban ni Julie.

"Ikaw pala, Jul'z!" masayang salubong nito sa kanya habang nanatiling nakaangkla ang braso sa braso ni Jevy. Wala itong pakialam kahit nakikita niya ang pagiging intimate ng dalawa.

Lalong nanakit ang dibdib ni Julie na parang may tinatarak na kutsilyo nang ipinalibot ni Jevy ang braso nito sa baywang ni Issay. Ni hindi man lang sinaway ng kaibigan at hinayaan lang si Jevy na gawin iyon sa kaibigan.

"Oo, ako nga," pilit niyang sagot habang pilit na inaalis ang bikig sa lalamunan. Tumikhim siya. "Ano'ng ibig sabihin nito? Bakit nakita ko kayong magkayakap na dalawa? May dapat ba akong malaman?" mapait ang ngiting tanong niya. Pilit niyang pinasigla ang tinig kahit alam na niya sa sarili ang sagot gusto pa rin niyang kumpirmahin kung tama nga ang iniisip.

Para ano? Para lalong masaktan? Kitang-kita na nga 'di ba? Magmamaang-maangan ka pa, Julie? You're expecting that your eyes just playing a fool for you? Her subconscious reacts and Julie really wants to smack it.

Alam mo nang masasaktan ka, ipupursige mo pa. Umaasa ka ba? Umaasa kang may pag-asa ka? She secretly glared at her subconscious for being so nosy.

Nagulat si Julie nang biglang yumakap sa kanya si Issay. She's dozing off, fighting against her subconscious. Hindi na niya namalayang nakalapit na pala sa kanya ang kaibigan.

"Jul'z, me, and Jevy are now officially dating. I finally followed my heart like you always told me," masayang balita nito. Bakas na bakas ang kasiyahan sa mukha nito habang ibinabalita iyon sa kanya. The essence of love is overflowing on her face.

Abot-tenga ang ngiti nito na hindi man lang napansin ang pag-asim ng mukha niya na kahit pilit niyang itinago ay umaalpas pa rin.

"Ahhh... Talaga?" mapait ang ngiting sagot niya. She smile yet not smile, it rather look like she ate shit.

Malamig ang gabi pero lalo pa yatang lumamig ang pakiramdam ni Julie nang marinig ang sinabi ng kaibigan at makompirmang tama ang hinala niya. Gumuho ang kaunting pag-asang nararamdaman niya. Dumoble ang sakit sa dibdib niya at halos hindi siya makahinga dahil sa sakit ng katotohanan ibinalita ni Issay.

Kumalas sa pagkakayakap sa kanya si Issay saka ito nagtanong. Her eyes twinkling while looking at her.

"Di ka ba masaya?" Tanong nito bago bumalik sa tabi ng boyfriend nito at iniangkla muli ang kamay sa braso ng lalaki.

Lalong sinundot ang puso niya sa nakita. "Ouch. Ang sakit na, tama na," nagngingitngit na bulong niya sa isip. Hindi alam ni Julie kung saan huhugot ng lakas ng loob para kausapin ang kaibigan na 'di nito nahahalatang nasasaktan siya.

"I'm happy for you, Issay, Of course!" sagot niya. Pilit niyang pinapasigla ang boses na maging masaya. Kahit nasasaktan ay pilit siyang ngumiti dito. "Sige balik lang ako 'don sa loob. I feel like dancing, parang ang sakit kasi eh, este ang lamig. Gusto kong magpapawis," pagdadahilan niya upang makaiwas. Mabilis niyang tinalikuran ang mga ito na hindi man lang hinintay kung anuman ang isasagot nito.

Nasasaktan siya. Oo. She's in deep pain because of loving someone who owned by someone, and that someone was her bestfriend. Noon pa man ay may gusto na siya sa boyfriend ng bestfriend niya. Kay Jevy. At ang akalang hindi ito sasagutin ng bestfriend niya ay nanatili lamang akala.

Mapakla siyang natawa. Diyata't lahat ng gusto niya basta may kinalaman sa kaibigan ay hindi niya nakukuha. Even if it's about her brother. Magkasundo ito at si Issay.

"I'm sorry If I'll do something, Issay. I'm just hurt. Alam kong 'di mo ako mapapatawad dahil 'don. Nagmahal lang din ako, pero kasi sinaktan mo ako," mapait na bulong niya sa hangin. Ito lang ang tanging nakakausap niya. Naramdaman niya ang butil ng luhang nais pumatak. Hinayaan niya iyong dumaloy. She's hurt. And if tears can take away her pain she will let it flow.

Bottling up the pain will not ease the burden. Mas maiging ilabas ito kahit sa pamamagitan ng pagluha, with that it will lessen the pain.

"I know I sound so selfish but everytime na may gusto ka, nakukuha mo. Puwede ba this time ako naman?" tanong niya sa sarili.

Guminhawa ng kaunti ang pakiramdam niya dahil sa pagluha. Nang mahimasmasan ay kinuha niya ang cellphone sa pouch na dala. Saka niya i-d-in-ial ang number ng taong alam niyang makakatulong sa kanya at sa plano niya.

"I'm really sorry Issay. Hindi ko naman ginusto ito, eh. I hope mapapatawad mo ako pagdating ng panahon!"

Kabado siya habang hinihintay na sagutin ng nasa kabilang linya ang tawag niya.

"Hello? Rex?" she asked when the other line was picked up, "Yup, this is me!" she paused as she listened to the other line.

"What changed your mind, babe?"

"It's a change of heart, darling!" Nakangising aniya. "When are you coming home?"

Rex chuckled on the other line, and it vibrated through her ear. She can sense a real danger, but her decision will never falter.

"Oh, baby, I'll be home next two months. And expect the unexpected!"

Julie grinned. The wickedness in Rex's voice is contagious; it will be worth the wait. Two months is just enough for her plan to execute.

"Okay! See you the soonest!"

"By the way, how sure are you that you can do this for your long-time best friend slash kinaiingitang kaibigan?" his voice is full of darkness.

"Bakit, ayaw mo ba? Just tell me at maghahanap ako ng ibang gagawa!" nakasimangot na sagot niya.

"Hep! Hep! Walang bawian! Ako pa ba ang hihindi kung anghel na ang lumalapit? Saka isa pa, matagal na rin akong hindi nakatikim ng sariwa!" nakakalokong sabi nito.

Nakaramdam ng kaba si Julie pero tuluyan na siyang kinain ng selos. Ang nabuong plano sa isip ay hindi na nais baguhin.

"Oh siya, sige na. Babalikan ko na ang mga 'yon! Bye!" paalam niya.

"Bye, babe! I missed you!" tumunog ang labi nito na para bang hinalikan siya na ikinangiti at ikinailing niya.

Malawak ang ngiting pinatay niya ang tawag saka walang anumang inilagay sa pouch ang cellphone. Muli siyang pumasok sa loob ng kabahayan na may ngiti sa labi. Oras na muli upang makipagplastikan sa bestfriend niyang hindi na yata makaalis sa tabi ng boyfriend nito.

Nagngitngit man ang kalooban ay pilit makisabay ni Julie. After all, this will be her last resort. The next day, siya naman ang sasaya.