Chereads / Hiling sa Kokeshi / Chapter 4 - Sa bayan

Chapter 4 - Sa bayan

Patungo na sila sa gubat na pupuntahan nila ay may nakitang maraming patay na ibon sa daan."Ano ang nangyari dito?" Palungkot na tanong ni Ton sa kanya Lolo. Nakaka tindig balahibo ang mga pangyayating iyon. Halos isang oras silang nag lalakbak patungo doon at sinalubong siLolo Tonio at Ton sa kanyang Mga Tiya ,Tyo at mga pinsan na naka tira sa gubat. Saktong pag dating nila tapos na silang naka luto ng makakain at sila ay sumama sa kainan. Dahil gabi na dumating sila at doon na din sila magpapalipas ng gabi dahil mas mapanganib mag lakad tuwing gabi patungo sa bayan. Habang nakahiga si Ton sa kanyang silid nakita niya na parang nag tatalo ang kanyang Lolo Tonio sa kanyang Tiya habang may dala dalang laruang kahoy ang kanyang Lolo Tonio. "Hindi mo alam kung ano ang Hihilingin ng bata iyan , baka gagamitin niya yan sa masama"sabi ng Tiya ni Ton. Pag ka umaga naman ay umuwi na sila Lolo Tonio at Ton pauwi sa bayan.