Para kay Ton, hindi hadlang ang kahirapan sapag-abot ng kanyang mga pangarap. Kaya naghanap ng trabaho si Ton na mas maganda at malaki ang sahod. Namasukan siyang Driver sa mag-asawang pilipina at amerikano. Maayos naman ang trabaho ni Ton sa mag-asawa, mababait ang kanyang amo. Nang napag-usapan nila ang buhay ni Ton, nasabi din niya sa kanyang amo ang tungkol sa kanyang pangarap na makapag-kolehiyo at makapagtapos ng abogasya. Mapalad naman si Ton dahil naghandog naman ang kanyang amo na pag-aaralin siya ng kolehiyo kapalit ng pagsisilbi niya sa kanila. Sobrang saya ni Ton sa nangyari kaya nagpasalamat si Ton sa kanila dahil matutupad na rin ang kanyang pangarap.
Nagsipag at minabuti ni Ton ang kanyang pag-aaral para makatapos na siya ng kolehiyo sa pag-aabogasya. Nag-aral siya ng mabuti, hindi niya sinayang ang oportunidad na binigay ng tadhana sa kanya. May mga pagsubok din siyang dinaanan pero hindi iyon hadlang sa kanyang pag-aaral at merong siyang dalang dalang pam pa swerte.