Chereads / Hiling sa Kokeshi / Chapter 2 - Tunay na Ama ni Lolo Tonio

Chapter 2 - Tunay na Ama ni Lolo Tonio

At namangha si Ton sa kanyang narinig , Na may lahi pala silang hapon dahil ang tunay na ama ni Lolo Tonio ay isang sundalong hapon. At sila ay nag tawanan dahil lasing na si Lolo Tonio . Humirit pa si Ton at sinabi niya," Kaya pala singkit ako at may paka pogi dahil may lahi pala tayong hapon Lo'. Nag tawanan sila at tinuloy ang inuman . Pinatuloy ni Lolo Tonio ang kayang kwento tungkol sa kanyang ama."Sabi daw ni Inay na noon kasagsagan ng mga hapon sa ating bayan siya raw ay pinag sa mantalahan ng sundalong hapon noon sa likod bahay at ang naging bunga nito ay ako". sabi ni Lolo Tonio sa kanila. Noong araw maraming mga sundalong hapon na nanuluyan sa kanilang bayan. "sabi naman ni Inay pag katapos ng pag hahalay sa kanya binantaan siya ng sundalong hapon na papatayin ang kanyang pamilya ,at binigyan ng bagay na parang kahoy na laruan at umuwi na si Inay na umiiyak sa takot sa bahay para alagaan ang aking mga nakakatandang kapatid" sabi na man ni Lolo Tonio na lasing na lasing . Pag katapos ng inuman sila ay nag tungo sa kanilang silid at na tulog.